webnovel

Patawarin mo ako (1)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Nagpanggap si Lu Jinnian na hindi nakniya ita ang pagkagulat sa mga mata ni Qiao Anhao at walang alinlangan niyang inilagay ang jacket na kanyang hawak sa mga balikad nito at mahinahong sinabi, "Lumalamig na, baka magkasipon ka."

Mula noong sumunod na araw pagkatapos ng birthday ni Lu Jinian, nagiiwasan na sila ni Qiao Anhao at kung hindi pa dahil sa pagfifilm ay hindi talaga sila makakapag-usap na madalang lang ding mangyari.

Pagkarinig ni Qiao Anhao ng boses ni Lu Jinnian, iniwasan niya ito ng tingin at mahinang sinabi, "Thank you."

Samantalang si Lu Jinnian naman ay hindi sumagot at nanatili lang na nakatingin kay Qiao Anhao. Matapos ang ilang sandali, sinundan niya ang mga mata nitong nakatingin sa mga bulaklak ng gumamela.

Tahimik lang na nakatayo si Qiao Anhao habang nakasabit ang jacket ni Lu Jinnian sa kanyang mga balikat. Naamoy niya ang pamilyar na amoy nito at napakaraming bagay ang biglang pumasok sa isip niya.

Nagpapakita ba ito ng pagaalala para sakanya…Kung hindi, ano pa kayang maaring ibang rason kung bakit siya bibilhan ng gamot para sa sakit ng tiyan at dadalhan ng jacket ni Lu Jinnian…

Pero kung talaga ngang nagaalala ito para sakanya, bakit naman ito bigla nalang nagalit sa kanya?

Matagal silang nakatayo ng wala ni isa sakanila ang nagsasalita. Pareho silang nakatingin sa mga bulaklak ng gumamela. Ilang sandali pa ang lumipas bago basagin ni Lu Jinnian ang katahimikan. "Kamusta a si Jiamu? Malapit nab a siyang magising?"

"Yea," mahinang sagot ni Qiao Anhao. Hindi nagtagal, muli niya itong dinagdagan , "Dahil gumalaw na si Jiamu, ang sabi ng mga specialists malapit na raw siyang magising, pero hindi pa alam kung kailan."

Habang nagsasalita si Qiao Anhao, tumingin siya kay Lu Jinnian para tignan kung may bakas bang pagsisisi sa mukha nito. Pero sa tagal niyang nakatingin, wala man lang siyang napansing kakaiba mula sa tipikal nitong itsura. Hindi nagtagal, sumagot ng mahina si Lu Jinnian sa kanyang ibinalita, "Oh, mabuti naman at magigising na siya."

Yumuko si Qiao Anhao dahil bigla siyang nakaramdam ng lungkot. Hindi dahil hinihiling niya na sana hindi na magising si Xu Jiamu pero nalulungkot siya dahil pakiramdam niya ay wala talagang pakielam si Lu Jinian sa mga nangyari na para bang walang halaga dito na natapos na ang kung anumang namamagitan sakanila.

Matagal din siyang nakayuko, sinusubukang kalmahin ang kanyang sarili. Ilang sandali ang lumipas at inangat niya ang kanyang ulo at sinabi, "Mauna na ako, may eksena pa ako mamaya."

Hindi sumagot si Lu Jinnian at nanatili lang siya sa kanyang kinatatayuan habang nakatingin sa mga bulaklak ng gumamela.

Hindi kaagad umalis si Qiao Anhao pero nang makumpirma niyang wala talagang balak na sumagot si Lu Jinnian ay agad niyang tinaggal ang jacket nito sakanyang balikat at naglakad papasok sa filming set.

Nang maramdaman ni Lu Jinnian na tuluyan na ngang nakaalis si Qiao Anhao, dahan-dahan siyang tumingin sa direksyon kung saan ito naglakad. Sa ilalim ng hindi masyadong maliwanag na ilaw at sa gitna ng walang katao-taong lugar, halata kay Lu Jinnian na siya hindi masaya.

Siguradong magiging masaya si Qiao Anhao pag nagising na si Xu Jiamu…At malamang magdedesisyon ang mga ito na magsasama na?

Paano naman siya? Ano ng gagawin niya? Lalayo nalang ba siya at mananatiling magisa habang buhay?

Magdamagan silang nagfilm kaya pagkatapos ng araw na ito, mayroong hindi bababa sa sampung araw na pahinga si Qiao Anhao.

Pagkabalik ni Qiao Anhao sa city, napagtanto niya na marami pa palangng natirang swallow's nest kaya bago siya umuwi sa Mian Xiu Garden, hinatian niya muna si Zhao Meng.

Sampung araw siyang walang eksena at nagkataon na wala rin si Lu Jinnian. Ayon sa balitang nabasa niya sa entertainment news, nasa city lang daw ito pero ni minsan ay hindi manlang ito umuwi sa Mia Xiu Garden.