webnovel

Palaam aking kabataan, paalam aking mahal (10)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Nang muling magtagpo ang mga labi nina Lu Jinnian at Qiao Anhao, pareho nilang hindi maintindihan kung ang ginagawa ba nila ay akting pa rin o totoo na.

Walong buwan na mula noong magpapanggap sila bilang magasawa pero nagkaroon lang sila ng pagkakataon na maging malapit sa isa't-isa mula noong pareho silang pumasok sa 'Alluring Times'.

Halos tatlong buwan ang itinagal ng kanilang pagfifilm at sa maikling panahon na ito, nagkaroon sila ng higit na mas maraming pagkakataon na magsama kumpara sa nakalipas na labintatlong taon. Sa napakaikling tatlong buwan na nagdaan, andoon ang mga iyakan, tawanan, lambingan, at napakaraming nakakakilig na pagkakataon…Pero sa puntong ito, patapos na sila sa kanilang pagfifilm, at maging sa tunay na buhay, nalalapit na rin ang pagwawakas ng kanilang pagpapanggap bilang magasawa.

Palalim ng palalim ang kanilang mga halik at habang tumatagal ay lalo pa itong naging mapusok habang binubuhos nila ang lahat ng pagmamahal na kanilang nararamdaman.

Nasa isnag gilid lang ang diirektor at tutok na tutok siyang nanunuod sa screen na nasa kanyang harapan. Labis siyang natuwa sa pagarte ng dalawa kaya agad niyang inangat ang speaker para sumigaw na ng 'CUT' pero bigla siyang natigilan nang makita niyang tumutulo ang luha mula sa nakapikit na mga mata ni Qiao Anhao.

Marami talagang pagkakataon na sobrang nadadala ang mga artista sa mga ginagampanan nilang karakter kaya dumarating sa punto na maging ang mga emosyon nito ay damang-dama na rin nila. Muling ibinaba ng direktor ang speaker sa pagaakalang sinasadya ni Qiao Anhao na magdadagdag ng eksena. Tinignan niya ang ibang crew para senyasan ang mga ito na ipagpatuloy lang ang pagfifilm sa dalawa habang siya naman ay muling tumingin sa screen para pagmasdan ang mga nangyayari.

Tuloy tuloy lang ang pagtulo ng mga luha sa mukha ni Qiao Anhao habang nakikipaghalikan.

Nang maramdaman ni Lu Jinnian ang patak ng mga luha ni Qiao Anhao, bigla siyang natigilan pero hindi natagal ay muli niya itong hinalikan at sa pagkakataong ito ay mas madiin pa.

Dahil medyo matagal silang naghalikan, pareho silang hinihingal noong maghiwalay sila. 

Pagkabukas ni Qiao Anho ng kanyang mga mata, hindi na siya nakapagpigil at tuluyan ng tumulo ang kanyang mga luha. Maging ang mga mata ni Lu Jinnian ay parang biglang napuwing dahil unti-unti ring naging mangiyak ngiyak ang mga ito. Iniangat nila ang kanilang mga ulo para titigan ang isa't-isa at bigla silang nagsalita ng sabay na para bang nagensayo na sila bago magfilm.

"Mahal kita."

Hindi na ito parte ng script pero imbis na mainis ang direktor ay lalo pa siyang nakaramdam ng pananabik. Matapos ang dalawang minutong malagkit na pagtititigan nina Qiao Anhao at Lu Jinnian, muli niyang itinaas ang speaker para masayang sumigaw ng 'CUT!"

Perpekto ang naging pagtatapos ng eksena. Dali-daling pumunta ang mga crew members sa harap para imisin ang mga gamit samantalang ang direktor ay masayang tumakbo papalapit kina Lu Jinnian at Qiao Anhao. "Mr. lu, Xiao Qiao, sobrang galing ng ginawa niyo! Sa totoo lang ang ganda talaga ng mga idinagdag niyong eksena. Sobrang perkpekto, kahanga-hanga at talagang nakakaantig!"

Marami pang minutawing papuri ang direktor para kina Lu Jinnian at Qiao Anhao hanggang sa pareho silang magising sa katotohanan. Matagal silang nagkatitigan bago nila ibaling sa iba ang kanya-kanya nilang mga tingin.

Nagawang maitago kaagad ni Lu Jinnian ang tunay niyang nararamdaman at muling bumalik ang kanyang pangkaraniwang supladong itsura.

Masayang ngumiti si Qiao Anhao at nagpasalamat sa direktor habang pinupunasan ang kanyang luhaang mukha ng tissue na nanggaling kay Zhao Meng. Hindi nagtagal, nagpaalam siya kina Lu Jinnian at sa direktor dahil kailangan niya ng magtanggal ng kanyang makeup.

Lu Jinnian, alam mo ba? Mula sa araw na ito, araw-araw kong aalalahanin ang ating kwento, ang panunuod natin ng sine kanina ay iisipin kong isang napaka espesyal na date at ang pagamin na ginawa ko sa huli nating eksena ngayong gabi ay ang aking pagamin sayo.

Lu Jinnian, alam mo ba? Bago pa maging isang ala ala ang ating kwento, umiyak ako para sayo.