webnovel

Pagkatapos (15)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Alas tres pa ang meeting nila, pero ala una palang ay nasa The Capital Club na si Xu

Jiamu.

Pinaalis niya ang waiter na lumapit sakanya, at noong magisa nalang siya, nilabas niya

ang kontratang dala niya para muli itong basahin.

Sa totoo lang, wala siyang pakielam sa mga nakasulat, at para siyang isang robot na

pinalipat lipat lang ang bawat pahina nito. Hindi niya na namalayan kung gaano niya na

ito katagal na ginawa pero pagkalipas ng dalawang oras, may narinig siyang tunog ng

takong galing sa labas ng private room, na sinundan pa ng mahinahong boses ng isang

waiter, "Please come in."

Kaya, dali-dali siyang lumingon, at kagaya ng dati, nakita niyang naglakad si Song

Xiangsi papasok, na parang isang aroganteng reyna. Pero alinsunod sa plano niya,

mukhang wala itong ideya na siya ang taong magiging kameeting nito ngayong araw,

kaya nang sandaling makita siya nito, bigla itong natigilan.

At maging ang manager nito, na nakabuntot dito ay napahinto rin, bago ito

nagmamadaling bumati. "Hello, Chief Xu."

'Xu Jiamu….' Walang ideya si Song Xiangsi na muli silang magkikita ni Xu Jiamu

ngayong araw… Oo…Kagaya ng inisyal niyang reaksyon, sobrang nagulat talaga siya

at kung hindi pa nagsalita ang kanyang manager ay malamang nakatulala pa rin siya

hanggang ngayon…. Pero hindi pwede… Hindi niya pwedeng ipakita niya kay Xu Jiamu

na kinakabahan siya, kaya nagpatuloy siya sa paglalakad at kalmadong umupo sa

harapan nito.

Muli, lumapit ang waiter para kunin ang order nila.

Pero hindi kagaya ng mga normal na meeting, hindi nagtanong si Xu Jiamu kay Song

Xiangsi at nagorder lang siya ng isang takuring Biluonchun tea.

Hindi nagtagal, dumating ang tsaa.

Pagkalapag nito sa lamesa, sinensyasan ni Xu Jiamu ang waiter na umalis na, at siya

mismo ang naglagay ng tsaa sa tatlong baso.

Hindi nagsalita si Song Xiangsi, samantalang ang manager naman nito ay pabulong na

nagpasalamat.

Hindi nagtagal, mabilis na kumalat sa buong kwarto ang napaka bangong aroma ng

Biluonchun .

Wala ni isa kina Xu Jiamu at Song Xiangsi ang gustong magsalita.

Kaya para mabawasan ang ilang, pinilit ng manager na basagin ang katahimikan.

"Chief Xu, yung tungkol sa kontrata… nabasa mo na ba?"

Kalamadong tumngo si Xu Jiamu. "Oo, nabasa ko na."

At muling nagpatuloy ang manager, "Gusto ko lang malaman Chief Xu kung may

reklamo kayo sa mga prinopose ni Song Xiangsi?"

"Wala." Prangka at walang karea-reaksyong sagot ni Xu Jiamu.

"Ahh… tungkol naman sa endorsement commission… Five million ang unang offer ni

Chief Luo. Gusto ko lang sanang ipaliwanag na kahit tatlong taon na nawala si Song

Xiangsi, at kung ikukumpara natin noon, alam natin na hindi na siya ganun kasikat…

Pero, bilang manager niya, sigurado ako na kayang-kaya niyang buhatin ang produkto

niyo dahil sa magiging commercial na ito. Kaya… naniniwala ako na dapat six million

ang maging floor rate niya."

'Sige. Walang problema." Walang intensyon si Xu Jiamu na makipag'negosasyon kaya

walang pagdadalawang isip siyang pumayag sa gustong mangyari ng manager.

"Kung ganun… Chief Xu…Okay lang po ba kung baguhin niyo na ang offer nang

makapagpirmahan na tayo?" Tanong ng manager habang abalang binabasa ang laman

ng kontrata.

Pero biglang itinaas ni Xu Jiamu ang kanyang kamay para senyasan na tumigil muna

ang manager habang nakatitig kay Song Xiangsi. "Pwede bang iwanan mo muna

kaming dalawa?"

"Chief Xu, yan ay…." Sa totoo lang, ipit na ipit na ang manager nio Song Xiangsi, at

para sa bagay na ito… hindi niya alam kung anong mas tamang desisyon, kaya dali-dali

siyang tumingin amo para humingi ng permiso.

Kagaya ng dating Song Xiangsi, kalmado lang ang itsura niya, at pagkalipas ng halos

kalahating minuto, bahagya siyang tumungo, na agad namang naintindihan ng

manager, kaya muli itong humarap kay Xu Jiamu para sumagot, "Sige."

Kasabay ng paglabas ng manager, dahan-dahan nitong sinarado ang pintuan.