webnovel

Opisyal na Kasali sa Crew (7)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Nagulat si Qiao Anhao sa ginawa ng producer sa biglang pagpapakilala sa kanya nito kaya tumayo si Qiao Anhao kahit hindi ito nakapaghanda. Tumango siya saka nagpakilala sa harap nila, "Ako Si Qiao Anhao kinagagalak kong makilala kayong lahat. Sana maging maayos tayong magkatrabaho. Maraming salamat!"

Pumalakpak si producer Sun matapos niyang ipakilala ang kanyang sarili

Tahimik na kumakain si Song Xiangsi ng magpakilala si Qiao Anhao ng kanyang sarili.Tinignan niya si Qiao Anhao habang nagpapakilala at pinag-aralan ito habang puno ng duda ang kanyang mga mata.

Sa kagustuhan ni producer Sun na mapalapit kay Lu Jinnian ay natapos lang ang palakpakan ay kinausap niya ito. "Mr. Lu, Si Qiao Anhao ang katamabalan niyo para sa palabas"

Tumingin si Lu Jinnian sa direksyon si Qiao Anhao.

Pinipilit niya na maging kalmado ang sarili sa kabila ng pagpapawis ng kanyang mga palad.

Walang sino mang ang nasa hapag na nakakaalam ng kanilang relasyon. Ang alam ng lahat ay hindi pa sila nagkakilala. Kaya naman napalingon si producer Sun kay Qiao Anhao." Anhao, bilisan mo magpakilala ka kay Mr, Lu makakatulong na makasanayan niyo ang isa't isa."

Dahil sa sinabi ni producer Sun ay mas lalo siyang kinabahan, Habang hawak ang kanyang baso tumayo siya at nagpakilala. "Kinagagalak ko kayong makilala Mr. Lu. Sana maging maayos tayong magkatrabaho."

Habang nakaupo si Lu Jinnian sa kanyang upuan, ay mukhang nag-iba ito, nakatingin lang ito sa kanyang wine glass.

Alam niya na ayaw sa kanya ni Lu Jinnian kaya tuwing nasa publiko sila sinusubukan niya na umarte na hindi niya ito kilala pero ngayong kailangan niyang magpakilala sa kanya, ayaw siya nito kilalanin.

Natapos ng mahabang panahon. Hindi tumingin si Lu Jinnian kay Qiao Anhao bagkus ay inubos niya ang laman na alak sa kanyang baso.

Nakahinga ng maluwag si Qiao Anhao. Mabilis na inubos niya ang laman na alak ng kanyang baso saka ito bumalik sa kanyang upuan.

Bago pa man siya maupo ng maayos ay may narinig siyang mapanghas na boses, "Bilang isang baguhan maswerte ka makakatrabaho mo si Lu Jinnian"

Si Lin Shiyi ang nagbitaw ng mga salitang iyon. Kung titignan hindi masakit ang mga sinabi nito, pero kung hihimayin ito. Ang tinutukoy nito ay ang kanyang pagiging 'baguhan' at hindi ang kanyang pagiging suwerte.

Baguhan pa lang ay magagawa na niyang makatrabaho si Lu Jinnian at nagawa niyang makuha ang role ni Lin Shiyi mula dito, hindi ito isang suwerte dahil sa mahabang panahon sino ang nakagawa nito.

Halimbawa, lahat ay nagsimulang maghinala kung papaano ni Qiao Anhao nakuha ang role mula kay Lin Shiyi.