webnovel

My Birthday Present To You (2)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Sobrang nagulat ang kanyang assistant. Tumayo siya at habang kinukuha ang kanyang jacket ay muli siyang nagsalita, "Dadalhin ko ang sasakyan. Dumiretso ka na sa office bukas ng umaga. Hindi mo na kailangang pumunta sa Mian Xiu Garden."

Hindi na niya hinintay ang kanyang assistant na magreact, binuksan niya na ang pintuan at lumabas.

-

Kinailangang pumunta ni Qiao Anhao sa CR dahil naparami siya ng nainom na juice. Habang naglalakad, naghanap siya ng tissue sa kanyang bag at narealize niya na hindi niya pala nadala ang kanyang phone. Babalik sana siya pero naramdaman niya na kailangan na talaga niyang pumunta sa CR kaya napahinto siya at bandang huli ay napagdesisyunang tumuloy nalang muna sa CR.

Dalawang minuto palang mula noong umalis si Qiao Anhao nang biglang tumunog ang kanyang phone na nasa lamesa.

Sinilip ito ni Qiao Anxia at nakita niya ang mga salitang "Lu Jinnian" na nag'appear sa screen. Nag'alangan siya noong una kaya hindi niya ito nasagot.

Kusang huminto ang tawag sa phone ni Qiao Anhao pero matapos lang ang thirty seconds ay muli nanamang tumawag si Lu Jinnian. Kinuha ni Qiao Anxia ang phone at sinubukang hanapin si Qiao Anhao pero hindi pa ito bumabalik kaya sa pang-apat na tawag ni Lu Jinnian ay sinagot na noya. "Ako 'to."

Noong narinig ni Lu Jinnian na si Qiao Anxia ang sumagot ng tawag, biglang kumunot ang kanyang mga kilay at hindi nagsalita.

Kalahating minutong naghintay si Qiao Anxia ng magsasalita bago sinabi, "Nasa CR si Qiao Qiao. Kung may kailangan kang urgent, sasabihin ko sakanya na tumawag ka pagkabalik niya."

"No, it's fine," Walang kabuhay-buhay na sagot ni Lu Jinnian. "Nandito na ako sa parking block B sa lower floor ng mall. Bumaba na rin kayo kaagad."

"Okay." Natigilan si Qiao Anxia bago muling nagsalita, "Goodbye." Ibinaba niya kaagad ang tawag pero nang ilalapag na sana niya ang phone ni Qiao Anhao ay nakakita siya ng dalawang notification mula sa Taobao na lumabas sa screen.

Naalala ni Qiao Anxia kung gaano kasaya si Qiao Anhao noong nakaupo ito kanina kaya bigla siyang naintriga kung ano kaya ang binili nito kaya binuksan niya ang notification.

Mga baking equipment, maraming lobo at mga kandila.

Ito ba ang surprise na gusto niyang ibigay kay Xu Jiamu?

Hindi napigilan ni Qiao Anxia ang kanyang kilig kaya tinignan niya ang chat log ni Qiao Anhao sa Taobao. Pagkabukas niya nito, nakita niya ang pangalang 'Lu Jinnian'. Biglang napakunot ng mga kilay si Qiao Anxia at iniscroll niya hanggang sa makarating siya sa pinaka'taas habang seryosong binabasa ang conversation ni Qiao Anhao at ng seller. Doon niya lang naintindihan ang lahat noong nakita niya ang mga salitang sinend ni Qiao Anhao sa seller "Lu Jinnian, Happy Birthday". Ibig sabihin, hindi para sa birthday ni Xu Jiamu ang mga binili ni Qiao Anhao kundi para sa birthday ni Lu Jinnian…

Napatingin si Qiao Anxia sa dalawang gift box na nasa harap niya. Inalala niya ang sinabi ni Qiao Anhao tungkol sa kaibigan nitong crew na magcecelebrate din ng birthday sa loob ng dalawang araw. Ang kaibigang sinasabi nito ay…si Lu Jinnian kaya yon?

Pahigpit ng pahigpit ang hawak ni Qiao Anxia sa phone ni Qiao Anhao at dahil don ay may mga nabuksan siyang apps kaya isa-isa niya itong isinara na para bang hindi ito nauubos.

Nang medyo nahimasmasan na si Qiao Anxia, yumuko siya at muling tinignan ang phone ni Qiao Anhao. Narealize niya na kung anu-ano pala ang mga nabuksan niya at hindi niya inaasahan na biglang nagbukas ang photo gallery nito.

Wala naman masyadong photos ang mga photo album ni Qiao Anhao pero may isa roong nakakuha ng kanyang atensyon.