webnovel

Konklusyon (5)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Pagkatapos magtanong, napansin ni Xu Jiamu ang sugat ni Song Xiangsi sa

braso.

Kaya dali-dali niya itong hinawakan para tignan kung anong nangyari. Dahil

dito, biglang kumunot ang kanyang noo, pero wala pang dalawang segundo,

napansin niyang may sugat din ito sa tuhod kaya lalo pang kumunot ang

kanyang noo at alalang-alalang nagtanong, "Saan mo yan nakuha at bakit hindi

mo ginagamot?"

Pero imbes na sumagot, yumuko lang si Song Xiangsi para tignan ang kamay

ni Xu Jiamu na nakahawak sakanya.

"Nasaan ang asawa mo? Bakit ba hindi ka niya inaalagaan?" Galit na galit na

tanong ni Xu Jiamu.

Pero hindi pa rin sumagot si Song Xiangsi.

Tinitigan ni Xu Jiamu si Song Xiangsi hababg hinihintay itong magpaliwanag,

pero nang maramdaman niya na mukhang wala itong balak magsalita, hindi na

siya nakapagpigil at binuhat na ito papunta sa elevator.

Puno ng pagmamadaling dinala ni Xu Jiamu si Song Xiangsi sa pinaka malapit

na ospital, habang nakatulala pa rin yung isa kakaisip kung paano niya ito

nahanap. Sa totoo lang, hindi naman talaga malala ang mga sugat, at kung

tutuusin, gasgas lang ang mga ito, kaya pagkarating nila sa ospital, pinauwi rin

sila kaagad ng doktor.

Pagkatapos nilang bumili ng gamot , na nakalagay sa reseta, muli niya itong

binuhat pauwi sa bahay nito.

Pagkabukas na pagkabukas ng pintuan, kahit wala pang permiso ni Song

Xiangsi, nagmamadaling pumasok si Xu Jiamu. Muli, binuhat niya ito papasok

at iniupo sa sofa. Dali-dali, binuksan niya ang mga bote ng gamot, at

mabilisang binasa ang instruction na kasama nito bago siya kumuha ng bulak

na ipinampahid niya sa mga gasgas ni Song Xiangsi.

Mula umpisa hanggang dulo, wala ni isa sakanila ang kinakausap ang isa.

Literal na nakatitig lang si Song Xiangsi kay Xu Jiamu.

Samantalang si Xu Jiamu naman ay tutok na tutok lang sa pagagamot ng mga

sugat nito. "Mas maganda kung dalawang beses mong gagamutin yang mga

sugat mo gamiot ang ointment na 'to, para hindi mameklat."

Pagkatapos niyang sabihin ito, muli siyang yumuko at itinuro ang mga bote.

"Ito muna ang ilalagay mo, para malinis yang sugat mo. Tapos, ito naman.

Kuha mo?"

Nang makita ni Xu Jiamu na nakatulala lang si Song Xiangsi, biglang kumunot

ang kanyang noo, at sa pagaalala na baka hindi ito nakikinig, kumuha nalang

siya ng ball pen. "Oh ayan, sinulat ko nalang yung mga dapat mong gawin."

Pagkalapag niya ng ball pen, tinignan niya ang oras: Alas otso na ng umaga.

"Kumain ka na?"

Sa pagkakataong ito, umiling naman kahit papano si Song Xiangsi.

Kaya biglang tumayo si Xu Jiamu at walang imik na naglakad papunta sa

kusina.

Samantalang si Song Xiangsi, na naiwang nakaupo sa sofa, ay nakatulala pa

rin habang iniisip kung nagdidiliryo lang ba siya.

Ang pagluluto nalang siguro ang natatanging gawain na hindi alam ni Song

Xiangsi, pero dahil mayroon na siyang Little Red Bean, punong puno ang

kusina niya.

Buti nalang magaling magluto si Xu Jiamu kaya kahit sandaling oras lang ang

ginamit niya, nakagawa pa rin siya ng masasarap na pagkain.

Sinandukan niya ito ng lugaw at nang masiguradong maayos na ang lahat, muli

siyang sumilip sa sala. "Kaya mo bang maglakad papunta dito?"

Dali-dali namang tumungo si Song Xiangsi at naglakad papunta sa dining

table.

Pagkaupo niya, tinulak ni Xu Jiamu ang isang mangkok ng lugaw palapit

sakanya.

Sobrang bango nito at kahit hindi siya mahilig kumain, talagang natatakam

siya. Pero dahil masyado na siyang nabibilasan sa mga nangyayari, muli

siyang natulala ng halos tatlong segundo bago siya dahan-dahang tumingin

kay Xu Jiamu, na nakatayo sa harapan niya. "Sabay na tayong kumain."

"Ayoko."