webnovel

Divorce(6)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Si Qiao Anxia na ang tumayo para magbukas ng pintuan. Nang makita niya si

Han Ruchu sa labas ng pintuan, magalang siyang ngumiti at bumati, "Auntie

Xu."

Hindi siya pinansin ni Han Ruchu at dire-diretsong pumasok ng mansyon.

Nang makita ng mga magulang ni Qiao Anxia ang galit na galit na itsura ni

Han Ruchu. Nagkatinginan ang magasawa at dali-daling tumayo ng nakangiti

si Mrs. Qiao, "Ruchu, anong nangyari? Bakit galit na galit ka?"

Hindi umimik si Han Ruchu at biglang inihagis ang mga litartong hawak niya

sa coffee table.

Gulat na gulat ang mga magulang ni Qiao Anxia at isa-isa nilang pinulot ang

mga litrato at nang sandaling tignan nila ang laman nito, bigla nalang silang

namutla.

Makalipas ang ilang sandali, nagsalita si Mr. Qiao, "Ruchu, bakla mali lang

ang iniisip mo."

"Mali ang iniisip? Sana nga mali lang ang iniisip ko, pero lumabas na ang

mga litrato, kaya paano mo nasasabing mali ang iniisip ko? Ngayon, alam na

ng buong business circle sa Beijing ang tungkol sa scandal na ang magaling

niyong pamangkin ay pinagtaksilan ang anak ko! Sigurado ako na

pinagtatawanan na ng lahat si Jiamu ngayon!"

Sa sobrang galit ni Han Ruchu, napakaraming masasakut na salita ang

nabitawan niya.

Sinubukan ni Mrs. Xu na kalmahin si Han Ruchu, "Ruchu, sa tingi ko wala ka

namang dapat ikagalit. Nakalimutan mo nab a na magkakaklase sina Qiao

Qiao, Xia Xia, Xu Jiamu at Lu Jinnian noon? Baka naman kumain lang talaga

sila…

"KUMAIN LANG? Sino bang kakain ng ganito?" Gigil na gigil si Han Ruchu

habang itinuturo ang litrato.

Dahil alam ng mga Qiao na nasa kanila ang mali at hindi nila pwedeng

sabayan ang galit ni Han Ruchu kaya ngumiti nalang ang mga magasawa at

inutusan si Qiao Naxia, "Xia Xia, ikuha mo muna ng tsaa ang auntie Xu mo."

Tumingin si Mr. Qiao sa asawa niya at sinabi, "Pauwiin mo na si Qiao Qiao

ngayon."

Tumayo si Mr. Qiao para tapikin ang balikat ni Han Ruchu. "Ruchu, kumalma

ka. Malalaman natimn ang tunay na nangyari pag uwi ni Qiao Qiao."

Pagkabigay ni Qiao Anxia ng tsaa kay Han Ruchu, kinuha niya ang litratong

dala nito para tignan. Base sa nakikita niya, mukhang kumain sa labas sina Lu

Jinnian at Qiao Anhao.

Pinupunasan ni Lu Jinnian ang kamay ni Qiao Anhao habang ang pinsan niya

naman ay nakatingin lang at mukhang hinahayaan lang si Lu Jinnian na

punasan ang kamay nito. Noong mismong oras na iyon, bigla siyang

nakaramdam ng matinding kahihiyan.

Makalipas ang ilang sandali, tinignan niya ang gakit na galit na si Han Ruchu

at ang mga magulang niyang nagaalala. Sa sobrang galit niya, biglang niyang

kinuha ang iba pang mga litrato at lumabas ng bahay.

Noong oras na iyon, binati siya ng katulong nila na nagdidilig ng halaman sa

labas. "Miss Qiao."

Hindi ito pinansin ni Qiao Anxia at nagdire-diretso lang siya sa sasakyan niya.

Hindi pa man din siya nakakapagseat belt nang bigla niyang inapakan ang

accelerator at kumaripas ng takbo.

-

Ilang araw ng magkasamang magdinner si Lu Jinnian at Qiao Anhao, pero

kanina nagsabi si Lu Jinnian na kailangan nitong magovernight kaya

pagtungtong ng alas sais, nagpadeliver nalang si Qiao Anhao ng gabihan niya.

Wala siya masyadong ganang kumain dahil ngayon nalang siya ulit kakain ng

magisa. Ayaw niyang galawin ang binili niyang pagkain at nanuod nalang siya

ng TV sa sala. Makalipas ang ilang sandali, biglang nagvibrate ang kanyang

phone at nakita niya ang reply ni Lu Jinnian para sa text na sinend niya halos

kalahating oras na ang nakakalipas.