webnovel

Bakit ayaw mo sa anak ko? (17)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Nalaglag kay Qiao Anhao ang lahat ng bigat ni Lu Jinnian kaya muntik na rin

siyang matumba. Sinilip niya ang mukha nito at nakita niya ang noo nitong

nakabalot ng tela at ang napakaputla nitong mga labi. Doon niya lang naalala

na inaapoy nga pala ito ng lagnat bago sila magusap kaya dali dali niyang

kinapa ang noo nito at naramdaman niya na di hamak na mas mainit na ito

ngayon kumpara kanina.

Siguro dahil matagal itong nababad sa tubig at lumabas din ito ng walang

pangitaas para kumuha ng mga panggatong kaya ito nagkasakit.

Biglang bumigat ang pakiramdam ni Qiao Anhao. Dali-dali siyang kumawala sa

pagkakayakap nito at ginawa niya ang lahat para madala ito sa banig. Hindi

niya inalintana ang masakit niyang binti para lang maihiga ng maayos si Lu

Jinnian.

Kinumutan niya rin ito gamit ang jacket at para uminit ang kweba, dinagdagan

niya ng mga tangkay ang apoy para mas lumakas ito.

Medyo matagal ding umulan kaya malamig ang kapaligiran. Nang umihip ang

hangin, ramdam na ramdam sa loob ng kweba ang lamig na buhat nito.

Nakakunot ang noo ni Lu Jinnian habang nakahiga sa banig at halatang hindi

siya mapakali sa sobrang sama ng pakiramdam niya. Habang walang malay,

nangiginig siya sa sobrang ginaw.

Tumayo si Qiao Anhao sa harapan ni Lu Jinnian sa pagbabakasakalig

mahaharangan niya ang hangin pero patuloy pa rin itong nanginginig sa

sobrang lamig. Maging ang paghinga nito ay nanghihina na rin habang patuloy

lang ito sa pagbulong.

Inilapit ni Qiao Anhao ang kanyang tenga sa bibig ni Lu Jinnian para pakinggan

ang sinasabi nito. Makalipas ang ilang sandali, napagtanto niya na ang paulit

ulit pala nitong sinasabi ay ang salitang "Malamig."

Hindi na siya nagdalawang isip pa at dali-dali niyang hinubad ang kanyang

costume para ikumot kay Lu Jinnian kaya nang muling umihip ang hangin bigla

siyang nakaramdam ng matinding ginaw.

Dalawa na ang damit na ipinatong niya kay Lu Jinnian pero hindi pa rin ito

sapat dahil hanggang ngayon ay giniginaw pa rin ito….

Sinilip ni Qiao Anhao ang apoy bago siya tumingin sa labas ng kweba. Ano

kaya ang maari niyang makuha sa kagubatan na pwedeng magbigay ng init kay

Lu Jinnian?

Naramdaman niya ang nagyeyelo sa lamig na mga kamay ni Lu Jinnian noong

sinubukan niyang pakinggan ang binubulong nito. Hindi siya mapakali at gusto

niyang makaisip ng paraan para bigyan ito ng init. Noong sandali ring iyon,

biglang may pumasok sa isip niya at dali-dali niyang hinubad ang lahat ng suot

niya. Sumisiksik siya sa tabi ni Lu Jinnian at nagmamadaling inayos ang mga

damit na nakapatong dito para pareho silang makumutan. Hindi siya

nagalinlangang yakapin ito para gamitin ang sarili niyang init bilang solusyon sa

matinding pagkaginaw nito.

Makalipas ang ilang sandaling pagyakap ni Qiao Anhao kay Lu Jinnian, unti-unti

ng tumigil ang panginginig nito at medyo uminit na rin ang kamay nito. Bumagal

na rin ang paghinga nito na sa wari niya ay mukhang nakatulog na. Sa mga

oras na ito, napanatag na si Qiao Anhao at sumandal siya kay Lu Jinnian sa

sobrang pagod hanggang sa tuluyan na siyang nakatulog.

-

May napanaginipan si Lu Jinnian, nakahiga raw sila ni Qiao Anhao at parehong

nakahubad. Base sa naalala niya, parehong pareho ang balat nito sa nakikita

niya ngayon sakanyang panaginip. Ang malambot at makinis nitong balat na

labis na nakakapang'akit. Noong mga sandaling iyon, hindi niya na talaga

kayang pigilan ang kanyang sarili kaya bigla niya itong hinalikan.

Kakaiba ang pakiramdam niya at parang sabik na sabik siya kay Qiao Anhao

hanggang sa tuluyan ng may nangyari sakanila.

Naririnig niya ang pagbilis ng kanyang hininga at naramdaman niya na parang

unti-unting nagiinit ang kanyang buong katawan.