webnovel

Bakit ayaw mo sa anak ko? (1)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Hindi nagtagal, bigla nalang huminto ang mga naguusap sa labas at base sa pakiramdam ni Qiao Anhao, sabay-sabay lumabas ng CR ang mga ito.

Matagal ng tapos si Qiao Anhao pero mukhang wala pa siyang balak na tumayo kaya ilang sandali pa siyang nanatiling nakaupo sa inidoro at paulit-ulit niyang inisip ang mga narinig niya.

Sa Huan Ying Entertainment din siya nagtatrabaho pero ito ang kauna-unahang beses na narinig niya ang balitang ito.

Nitong mga nakaraang araw, madalas talaga siyang tawagan ni Lu Jinnian para balitaan siya sa mga pagbabago ng kanyang schedule, pero ang buong akala niya ay desisyon 'yun ng kumpanya kaya hindi siya nagisip ng kung anoman. Higit sa lahat, wala rin siyang kaalam-alam na nakipagtalo si Lu Jinnian sa board members para lang makuha niya ang mga advertisements.

Ang tungkol naman sa stunt double, wala talaga siyang ideya tungkol dito, pero tama ang mga narinig niyang naguusap sa labas, ang taong may altitude sickness ay walang iba kundi siya.

Nakapunta na siya noon sa Lijiang, pero yun ang mga panahon na hindi sila naguusap ni Lu Jinnian kaya hindi dapat nito malalaman ang tungkol sa kanyang altitude sickness pero dahil napadalas ang naging pagsasama nila noong ginagawa nila ang 'Alluring Times' kaya lagi siyang naghahanap ng topic na pwede nilang mapagusapan.

Isang beses, may patalastas tungkol sa Lijiang, at sa matinding kagustuhan niyang may mapagusapan sila, bigla niya nalang binanggit na ayaw niya talaga sa nasabing lugar at kahit kailan ay hindi na siya babalik doon dahil muntik na siyang patayin ng kanyang altitude sickness.

Noong mga panahong iyon, abala si Lu Jinnian sa ginagawa nito pero nang marinig nito na nagsalita siya, bigla nalang itong napahinto at iniangat ang ulo. Noong sandali ring iyon, nagtataka itong tumingin sakanya at walang emosyong nagtanong tungkol sa naranasan niyang altitude sickness sa Lijiang.

Hindi niya naman binigyan ng malisya ang pagtatanong nito at tumungo lang siya bago ipaliwanag ang tunay na nangyari sakanya sa Lijiang. Base sa natatandaan niya, nagreklamo siya kay Lu Jinnian na pumayat siya ng limang kilo sa loob lang ng tatlong araw noong huli siyang pumunta sa lugar na iyon.

Wala namang ipinakitang kahit anong reaksyon si Lu Jinnian at sumagot lang ito ng "oh" matapos niyang magkwento, at muli nanaman itong bumalik sa pagtatrabaho.

Nito lang, sobrang kinabahan siya nang makuha niya ang script dahil nalaman niya na sa Lijiang siya magfifilm ng halos kalahating buwan.

Tatlong araw pa nga lang siya doon noong nakaraan pero muntik na siyang mamatay, eh paano pa ngayon na kinakailangan nilang magfilm sa Lijiang ng kalahating buwan, hindi naman kaya tuluyan na siyang mamatay doon?

Pero hindi naman pwedeng basta-bastang palitan nalang ang lokasyon para sakanya, kaya nagsearch nalang siya kung anong mga pwede niyang gawin.

Pero muli nanaman siyang nakatanggap ng bagong script noong sumunod na araw. Maraming naging pagbabago rito pero ang pinaka kapansin pansin ay ang lokasyon – ang Lijiang ay napalitan na ng Jianghu.

Noong oras na iyon, hindi niya inisip na konektado sakanya ang nangyari at sa halip, natuwa nalang siya sa nangyaring pagbabago.

Pero matapos niyang marinig ang pinaguusapan ng ibang kababaihan sa labas, sigurado siya na ginawa yun para sakanya ni Lu Jinnian.

Minsan, mayroon talagang mga salitang madali lang kalimutan.

Pero hindi niya naman inasahan na maalala talaga ni Lu Jinnian ang mga sinabi niya.