webnovel

Ang pinakamagandang pag-amin gamit ang hand signs (9)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Nang bumalik sa party room si Qiao Anhao, bigla niyang gustong umalis dahil narinig niya ang larong sinabi ni Qiao Anxia.

Simula ng bata, tuwing nasa maraming tao si Qiao Anxia, maglalaro ito - bato, gunting, papel.

Lahat ay maglalaro ang mananalo ay ligtas ang matatalo ay lalaban uli ang huling matatalo ay tatanggap ng parusa. Lumang paraan na ang parusa tulad ng truth o dare.

Ang rason kung bakit ayaw ito ni Qiao Anhao sa lumipas na maraming taon, madalas tuwing naglalaro siya ang pinaka talo. Kung hindi dahil sa 'truth', pahihirapan naman siya pag ang pinili niya ay 'dare'.

Nagsimula na ang laro ang unang manalo ng 2 beses kaya naman masaya ang lahat.

Hindi nagtagal sumundo si Qiao Anhao. Naglakas siya ng loob sa 'bato' pero na talo siya.

Ang crew alam na hindi mahilig si Lu Jinnian sa mga gantong kaya hindi nila inaasahan na sasali ito. Nang handa ng mamili si Qiao Anhao kung truth o dare, saktong dumating si Qiao Anxia, kaya naglaro ang magkapatid. Bandang huli ganon din ang resulta. Talo si Qiao Anhao ng tatlong beses.

"Xiao Qiao, Pili, truth o dare?"

"Ang talo dapat uminom ng 3 shot glass at maglalaro ng truth o dare."

"Ang truth, sasabihin mo sa amin kung sino ang una mo! Ang dare naman hahalikan mo ang unang lalaking makilala mo!"I

Ang iba nag-aaway pa sa task ang isa naglagay ng 3 shot glass sa harap ni Qiao Anhao.

Simula ng pumasok si Lu Jinnian sa party room, naka tingin lang ito sa telepono pero ng marinig nito ang pagpipilian nito nangunot ang noo nito. Nang makita naman niya na iinom ito ng 3 shot glass lalong nangunot ang noo nito.

Tinago niya ang telepono at umayos ng upo at sinabi, "Ako pa."

Tumahimik ang lahat sa sinabi ni Lu Jinnian at nagulat sa sinabi niya. Kahit Qiao Anxia lumingon kay Lu Jinnian.

Humarap ito kay Qiao Anhao at mahinang sinabi, "Akin na."

Natulala si Qiao Anhao pero bago niya pa malaman nilabas niya na ang braso niya.

Nang Junior high sila, gusto laro ito ni Qiao Anhao. Dahil kahit lang daang beses siya matalo ang tanging natatalo niya lang ay si Lu Jinnian.