webnovel

Ang pinakamagandang pag-amin gamit ang hand signs (12)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Matapos matalo ulit hindi na niya hinintay na sabihan siya. nagkusa na siyang kinuha ang baso at uminom nang inomin na niya ang pangalawa, narinig niyang may nagtanong sa kanya.

Nag-usap ang lahat sa loob.

"Oo. Kalahating araw na kaming nagtatanong pero hanggang ngayon hindi pa rin namin kilala ang gusto ni Mr. Lu. "

"Mr. Lu kung ayaw mo na sabihin ang pangalan, pa kita mo nalang sa amin ang litrato.""

"Tama, Tama, Tama! Kung sino man ang gusto ni Mr. Lu siguradong maganda ito?"

Nang marinig ni Lu Jinnain ang tanong ng lahat. kalamado lang ito at kinuha ang pangalawang baso at ininom ang alak.

May tumulong alak sa gilid ng bibig niya pababa sa leeg hanggang sa loob ng damit niya.

Ang ganda nitong tignan lahat tao ay namangha.

Nang binaba na ni Lu Jinnian ang pangalawang baso. Kinuha niya ang pangatlo at tinignan ang mga tao na naghihintay sa sagot niya. Sinabi niya, "Kakantahan ko kayo."

Na bigo ang lahat nang hindi nito pinili ang 'truth' bagkus ay ang 'dare'!

Tumayo si Lu Jinnian sa sofa para mamili ng kanta tinaas niya ang kanang kamay pero na tigilan siya at pinalitan ng kaliwang kamay at pinindot ang screen. Tumahimik ang buong kuwarto nang magsimula ang musika.

Hindi mahilig kumanta si Lu Jinnian at wala rin itong alam na maraming kanta. Bukod sa pambansang awit, na kaya niyang kumpletuhin, kaya niya lang kantahin ang kantang na pili niya mula simula hanggang dulo.

ito ang soundtrack ng pelikula niya 4 na taon na ang lumipas.

tumatak ito kay Lu Jinnian dahil lahat ng gusto niya sabihin kay Qiao Anhao ay nasa kanta.

Hindi mahaba ang simula nito at hindi rin lahat mahuhulaan ito hanggang sa lumabas ang tatlong salita sa screen, "What a Pity". Saka nila nalaman kung ano ito.

Duet ang kantang ito pero ng lumabas ang lyrics tanging magandang boses lang ni Lu Jinnian ang maririnig.

"Limutin. Gusto kong limutin, ang daling sabihin ngunit ang hirap gawin. Hindi ako galit sayo. Ito lang ang kaya kong gawin.

"Kasing lalim ng dagat ang damdamin ko, walang hihigit sa pagmamahal ko pero wala kang pakialam."

Kung titignan karamihan sa kanila kilala si Lu Jinnian ng maraming taon pero ngayon lang nila itong narinig na kumanta.

Madalas, mailap ito kaya mahirap makisama sa kanya, maihirap isipin na kaya nito kumanta ng ganitong ka ganda na ballad.

Tahimik ang buong kuwarto. Tanging boses lang ni Lu Jinnian ang maririnig.

"Miss na kita hindi lang dahil sa lungkot. Bandang huli hindi ako nagsinungaling sayo, totoong mahal kita. kaya kong kalabanin ang buong mundo."

"Para sayo sobra na akong nahirapan. Ang paghihirap na kaya kong tanggapin."

Agad naalala ni Lu Jinnian, ang trabaho niya sa gitna ng tag-init nang magtapos sila ng 3rd year sa middle school at pumasok ng junior high.