Bukod sa mga alitaptap, nagkalat rin ang mga petal ng rosas sa sahig ng
buong apartment, at sa harapan niya ay isang mannequin, na nakasuot ng
isang magandang puting damit.
Sa totoo lang, nagpupumilit sina Auntie at Uncle Qiao na doon nalang muna
sana sila matulog sa bahay nila , pero sinabi ni Chen Yang na gusto siyang
iuwi nito ngayong gabi. Noong oras na 'yun, naisip niya na baka sobrang
namiss lang siya nto at syempre, nakakailang naman kung magsesex sila sa
bahay ng mga magulang niya, kaya pumayah nalang siya, pero hindi niya
naman akalain na may nagaabang palang sorpresa sakanya.
Alitaptap….parangap niyang makakita nito mula noong nakabasa siya sa isang
libro ng tungkol dito… Madalas siyang maglambing sa mma at papa niya, pero
nakakalungkot lang dahil kahit gusto siyang pagbigyan ng mga ito,mahirap
talagang makahanap ng alitaptap sa Beijing.
Kaya noong naging sila ni Chen Yang, nabanggit niya na pangarap niyang
makikita ng mga alitaptap, pero biro lang naman 'yun.
At hindi niya akalain na matatandaan nito at talagang tutuparin nito ang
pangarap ng batang Qiao Anxia.
Walang mapaglagyan ang saya niya habang pinagmamasdan ang mga
alitaptap, hanggang sa hindi niya na namalayan na nakatalikod na siya kay
Chen Yang.
Kung masaya si Qiao Anxia, di hamak na mas masaya si Chen Yang na
makita itong masaya, kaya habang abala ito, sinulit niya ang pagkakataon na
lumuhod at ilabas ang pulang kahon mula sakanyang bulsa. Binuksan niya ito
at dahan-dahang itinaas, "Xia Xia, will you marry me?"
Pagkayuko ni Qiao Anxia, tumambad sakanya ang isang singsing, na may
napaka gandang diamond at sa sobrang saya, dali-dali niyang ibinuka ang
kanyang bibig. Gustong gusto niyang sumagot ng "Oo", pero noong
magsasalita na siya, bigla niyang naalala na hindi nga pala siya pwedeng
magbunts, kaya ang masaya niya sanang oo ay napalitan ng lungkot.
Walang bakas ng pagmamadali sa itsura ni Chen Yang habang nakaluhod at
nakatitig sa mga mata ni Qiao Anxia.
Biglang napakuyom ng mga kamay si Qiao Anxia. Simple lang ang tanong ni
Chen Yang, pero pakiramdam niya para siyang ginigisa dahil may dalawang
boses na naglalaban sa isip niya.
Yung isa, sinasabi saknayang wag ng idamay si Chen Yang, at yung isa
naman, gustong gusto ngt tumungo at sumagot ng oo.
Ilang minuto rin siyang nanahimik, hanggang sa bigla siyang umatras at
umiling, " Chen Yang, hindi kita pwedeng pakasalan."
Dahil dito, biglang napakunod ng noo si Chen Yang at gulong gulo na tumingin
kay Qiao Anxia.
Sa pakakataong ito, hindi na kayang itago ni Qiao Anxia ang nararamdaman
niya. Bigla siyang umiyak at emosyunal na sinabi, "Chen Yang, alam mo na
hindi ako pwedeng magkaanak diba? Bakit gusto mo pa rin akong pakasalan?"
Ilang araw din siyang nagtanga-tangahan, na para bang wala talaga siyang
ideya na hindi na siya pwedeng maging nanay. Akala niya pag ginawa niya
'yun, pwede silang mamuhay ni Chen Yang ng normal at masaya kahit silang
dalawa lang. Pero kanina… Pagkagising niya, sinilip niya si Chen Yang, na
mahimbing na natutulog sa sofa, at sobrang nakonsensya siya.
"Diba alam mong wala na akong silbi ngayon? Hindi kita pwedeng bigyan ng
pamilya!
"Gustong gusto kitang pakasalan at gustong gusto kong makasama ka
habangbuhay, pero ayokong maging makasarili at hatakin ka pababa. Hindi
mo 'to deserve…." Hindi mapigilan ni Qiao Anxia na humagulgol habang
nagsaslaita. "Kaya Chen Yang, wag mo na akong pakasalan, okay? Wag mo
na akong pakasalan…"