webnovel

Ang Katapusan (11)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

"Miss Qiao Anhao, do you take Mr. Lu Jinnian to be your lawfully wedded

husband? Do you promise to be faithful to him in good times and in bad, in

sickness and in health, to love him, and to honor him all the days of your life?"

Kagaya ni Lu Jinnian, tinitigan din ito ni Qiao Anhao ng diretso sa mga mata at

abot tengang ngumiti, "I do."

Habang nagsisipalakpakan ang mga bisita, pinaalalahanan sila ng assistant

na magpalitan na ng singsing.

Kaya dali-daling tumakbo si Xu Jiamu papunta sa altar para iabot ang mga

singsing. Kinuha ni Lu Jinnian ang pambabae at dahan-dahn itong isinuot sa

daliri ni Qiao Anhao, pagkatapos kinuha naman ni Qiao Anhao ang panlalaki

para isuot sa daliri ni Lu Jinnian.

At muling nagsipalakpakan ang mga bisita.

Ngayong natapos na ang sumpaan at pagpapalitan ng mga singsing, oras na

para sa pinaka hihintay ng lahat….Muling itinapat ng assistant ang

microphone sa kanyang bibig para sabihing pwede ng halikan ng groom ang

bride.

Sobrang seryoso ng mga mata ni Lu Jinnian habang nakatitig kay Qiao Anhao,

pero noong yuyuko na sana siya para halikan ang mga labi nito, muli

nanamang nagsalita ang assistant, "Pasensya na kung nabitin kayo, pero

naniniwala akong hindi naman lingid sa kaalaman nating lahat na matagal ng

may crush ang ating groom sa napaka ganda nating bride, at nito lang ay

nalaman natin na matagal na rin palang may gusto ang ating bride sa kanyang

groom, pero ang parte na nagpalungkot at nagpakilig sa ating ay noong

nalaman nating pareho pala nilang hindi alam na may gusto sila sa isa't-isa,

kaya bago natin ito ituloy, hindi na ako magpapaawat na itanong ang

katanungang gustong masagot ng lahat…. So, sino ang unang umamin sa

inyo?"

Sino ang unang umamin?

Hindi inaasahan ni Qiao Anhao ang magiging tanong ng assistant kaya nang

sandaling marinig niya ito, literal na napanganga siya sa sobrang gulat….

Well, aksidente niyang nabasag ang porcelain doll na may sulat pala sa loob…

Doon niya nalaman na may gusto sakanya si Lu Jinnian kaya sinundan niya ito

sa America… Yun ba yun?

Pero habang iniisip niya kung ano ba talagang sagot, biglang itinapat ni Lu

Jinnian ang microphone sa bibig nito at nagsalita, "Siya ang unang umamin."

Sa pagkakataong ito, ang mga bisitang tutok na tutok sa seremonya ay muling

nagsihiyawan.

Kaya biglang namula ang mukha ni Qiao Anhao sa sobrang hiya. Dali-dali

niyang tinignan ng masama si Lu Jinnian at pabulong na sinabi, "Eh sino

kayang nagbigay sa akin ng porcelain doll na may love letter sa loob."

May nakasabit na microphone sa wedding dress ni Qiao Anhao kaya kahit

gaano pa kahina ang pagkakasabi niya, umalingawngaw pa rin ito sa buong

venue kaya muli nanamang naghiyawan ang mga kasama nila sa sobrang

kilig.

Ginaya ni Lu Jinnian ang tono ng boses ni Qiao Anhao at kalmadong sinabi,

"Eh sino naman kaya ang humabol sa akin sa America para yakapin ako

habang umiiyak, nagwawala at paulit-ulit na sinasabing mahal niya ako."

Hindi inaasahan ni Qiao Anhao na gaganti talaga si Lu Jinnian kaya nang

marinig niya ang tawanan sa baba ng entablado, napanguso na lang siya

habang nakatingin ng masama sa lalaking nasa harapan niya. Lu Jinnian….

Nakakainis ka na talaga….

Noong narinig ni Qiao Anxia, na nakawheelchair, ang mga sinabi ni Lu

Jinnian, pinadaanan niya ng tingin si Qiao Anhao na parang sinasabi ng

kanyang mga mata sa pinsan niya na 'hindi ka na nahiya', at kasabay ng ibang

mga bisita, nakisali rin siya sa hagikhikan ng mga ito.

At dahil dito, lalo pang nailang si Qiao Anhao at pikon na pikon na sumagot

kay Lu Jinnian, "Eh sino kaya yung naglalaro ng Papel, Gunting, Bato' sa

tuwing nagcoconfes sa akin, 520!!"

"Wa…" Pagkatapos magsalita ni Qiao Anhao, may ilang mga babae mula sa

mga bisita ang ginawa sa kamay ang 'Papel, Gunting, Bato' at noong lumabas

nga ang 520, hindi na napigilan ng mga ito ang mapa'tili sa pagkahanga.

At muling nagsalita si Lu Jinnian, "Eh sino kaya yung nagsulat ng love letter

para sa akin noong nasa fourth year na kami sa university, na may mga

salitang 'Sa mga natitirang araw ng buhay ko, ikaw lang ang mamahalin ko'."

'Nakakaasar talaga… Bakit ba ayaw ni Lu Jinnian magpatalo? Siya naman

talaga yung unang nagconfess!'

Habang patagal ng patagal, lalong naiinis si Qiao Anhao, at parang bata, hindi

niya matanggap na matatalo siya kay Lu Jinnian kaya muli siyang sumagot,

"Hmm…Sino kaya yung nagsulat ng 'Shmily' sa bawat regalong binigay niya

sakin, teka… pati sa wedding ring din pala!"