webnovel

Ang kanyang Karma (1)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Ang totoo, hindi ako ang dapat mong pasalamatan. Dapat si...

Matapos binaba ni Qiao Anhao ang telepono, iniisip niya ang sinabi ni Song Xiangsi.

Kahit nasa likuran niya lang ang Xu family at Qiao family, wala sa pamilyang ito ang gustong sumali sa magulong mundo ng entertainment industry. Kaya walang duda, wala sa kanila ang mag-aayos ng scandal na sangkot siya. Pwede nilang sabihan ang Weibo officials na harangan ang tsismis kesa linawin ito ng Song Xiangsi.

Baguhan lang siyang actress sa entertainment industry. Nakilala niya lang ang screw nang filming, kaya hindi sila gaano kalapit sa isa't isa para tulungan siya. Nang hapon lang, sila pa nga ang ginawa siyang katawa-tawa, at ang maganda lang ang relasyon niya sa third rate actors. Hindi naman sila nasa level ni Song Xiangsi. At sa kung iisipin ang tanging taong naiisip ni Qiao Anhao na hihingi ng tulong kay Song Xiangsi ay si Lu Jinnian.

Nang maisip ito ni Qiao Anhao bumilis ag tibok ng puso niya.

Ayon sa itsura ng Weibo post mukhang tumulong si Song Xiangsi na linawin ang lahat pero sa realidad, ginamit niya lang kasikatan niya para gulohin ang usapan.

Gayumpaman, maraming paraan para mawala ang Scandal. Bakit gagawin ito ni Lu Jinnian para tulungan siya?

Saka maliban doon, hindi lang siya na tulungan nito, siniraan pa niya ang gumawa ng tsismis...

Lalong tumibok ang puso ni Qiao Anhao halos marinig niya ang - dong-dong-dong at tila halos gusto nitong lumabas nito sa dibdib niya.

Marahil hindi ito ginawa ni Lu Jinnian para sa kanya para ito parusahan ang gumawa ng tsismis, at na ipit lang siya at nagkaroon ito ng benepisyo sa kanya. Matapos nito, na hila rin pababa nito si Lu Jinnian. Kaya hindi na bago na gumawa ito ng action... Tama? Binalaan ni Qiao Anhao ang sarili na huwag paganahin ang imahinasyon niya.

-

Kahit nalaman ni Lu Jinnian kay Song Xiangsi na ayos na si Qiao Anhao, hindi niya maiwasan na hindi mag-alala.

Ang variety show contract na gusto ni Qiao Anhao at kailangan mapirmahan sa isang linggo, pero para meron siyang dahilan na makita ito, tinawagan niya ang assistant niya at kinuha ng maaga nito ang contract sa television company.

Nang bumalik ang assistant niya dala ang contract, halos 11 pm na ng gabi. Mabilis itong binasa ni Lu Jinnian para malaman na wala na itong ibang problema. Umalis na ang assistant niya, tapos naupo siya sa hotel room, mag-isa at tahimik ng sandali. Sa bandang huli, tumayo na siya dala ang contract at pumunta sa baba.

-

Kagabi, Lumabas sa kuwarto ni Lu Jinnian si Qiao Anhao ng 12 ng gabi. Dahil maaga ang shooting nila kinabukasan, na ligo siya ng 10 am.

Sarado na pinto ng banyo kaya ng lumabas ng banyo si Qiao Anhao, may narinig siyang katok.

May ginawa si Zhao Meng, kaya sumigaw si kay Qiao Ahao, "Qiao Qiao, malapit ka sa pinto. Maari mo bang buksan?"