webnovel

Ang Desisyon ni Xu Jiamu (13)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Pero kahit anong pilit niyang magpakapositibo nalang at wag na masyadong

magisip, hindi pa rin natiis ni Qiao Anhao na silipin ang kanyang phone noong

naligo si Lu Jinnian. Binuksan niya ang Weibo, at muli, tumambad nanaman

sa harap niya ang mga napaka sakit na comments ng mga dati niyang fans na

ngayon ay naging bashers niya na. Hindi niya maipaliwanag ang sakit habang

nilulunok ang panghuhusga ng mga taong hindi naman siya kilala at ang mga

pagmamakaawa ng mga fans ni Lu Jinnian na wag niya ng sirain ang buhay

nito. Sa sobrang dami ng galit sakanya, nagawa na nilang mag'number one

sa pinaka trending: [Pakawalanan mo na ang dream man namin!!!]

Pinindot niya ang headlines at kagaya ng inaasahan, sumalubong sakanya

ang milyung-milyong comments, na ni isa ay wala manlang sumuporta

sakanya…Ah oo nga…Wala ring mga neutral comments dahil lahat

kinasusuklaman siya ngayon. Punong puno ang Weibo ng mga salitang: [Wala

kang karapatan sa dream man namin!], [Napakalandi mong babae], [Umalis

ka na nga sa entertainment industry], [Pinagdadasal ko talaga na hiwalayan

ka rin ng asawa ko!].

"Anong tinitignan mo?"

Naramdaman niya na biglang lumubog ang kama kasunod ng walang

emosyong boses ni Lu Jinnian.

Dali-dali niyang nilock ang kanyang screen at muling yumakap sa braso ni Lu

Jinnian, "Wala… nainip lang ako kaya may tinignan ako sa Taobao."

Kahit na hindi aktwal na nakita ni Lu Jinnian kung anong tinitignan ni Qiao

Anhao, sigurado siya na hindi ito nagsasabi ng totoo. Alam niya kung gaano

kabigat ang nararamdaman nito ngayon at alam niya rin na pinipilit lang

nitong magsawalang kibo para sakanya kaya imbes na magalit ay sinakyan

niya nalang ito, "May gusto ka bang bilhin?"

"Wala naman." Umiling si Qiao Anhao at malungkot na sumandal sa dibdib ni

Lu Jinnian. Hindi niya na alam kung anong gagawin niya sa buhay ngayon.

Hindi naman siya perpekto pero hindi rin naman totoo ang deskripsyon

sakanya ng mga netizens. Tinaignan niya napakagandang panga ni Lu

Jinnian at muling nagsinungaling, "May gusto sana akong bilhin pero naalala

ko na nilimas na natin ang buong ACR. Tapos akala ko maganda…edi tignan

ko ng mabuti… tapos ang panget pala…"

Para hindi mahalata, pinanindigan niya ang pagkwekwento habang masayang

nakangiti pero pagkatapos niyang magsalita, bigla siyang yumuko at

nagbuntong hininga.

Pero sa kabila ng lahat ng pampalubag loob, alam ni Lu Jinnian ang totoo

kaya kahit na nagpapanggap na masaya si Qiao Anhao, alam niya ang tunay

nitong nararamdaman…

Gustong-gusto niyang sakyan nalang ito pero habang nakatitig siya sa

malulungkot nitong mga mata, sobrang nasasaktan siya. Magasawa na sila

ngayon kaya hanggat maari gusto niyang damayan ito sa pinaka malulungkot

nitong araw kaya pagkatapos ng ilang sandaling pagdadalawang isip,

napalunok siya at dahan-dahang hinimas ang buhok nito. "Qiao Qiao, kung

hindi ka masaya, hindi mo naman kailangang ngumiti."

Gulat na gulat si Qiao Anhao sa sinabi ni Lu Jinnian.

Ibig sabihin, nakita niya?

Alam niyang nagaalala sakanya si Lu Jinnian pero hanggat kaya niya, titiisin

niya nalang muna ang lahat, kaya dali-dali siyang ngumiti at masayang

sinabi, "Ah? Wala yun… Ano namang ikakalungkot ko? Galit lang yun ng

ibang tao. Ilang beses na rin naman akong napagalitan dati no! Siguro, iba

lang ngayon kasi mas maraming galit sakin pero kahit anong sabihin nila,

hindi ako apektado. Hindi naman nila ako kayang hawakan eh, kaya bakit ako

malulungkot…"

Habang nakikita ni Lu Jinnian na nagpapanggap si Qiao Anhao, lalong

bumibigat ang pakiramdam niya kaya noong hindi niya na kayang pakinggan

ang pagsisinungaling nito, bigla niya itong hinila at niyakap ng mahigpit.

Napahinto si Qiao Anhao sa pagsasalita. Sa totoo lang, gustong-gusto niya

ng umiyak, pero pinili niyang kumalma at pabirong sinabi, "Bakit mo naman

ako biglang niyakap?"

Pero lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakayap sakanya at malungkot na

sinabi, "Qiao Qiao, alam kong malungkot ka."

Hindi niya inaasahan na ito ang maririnig niya kay Lu Jinnian, na madalas

niya lang nakikitang walang pakielam sa mga bagay-bagay, kaya bigla siyang

natigilan.

Mahinahon na nagpatuloy si Lu Jinnian, "Kung malungkot ka, sabihin mo sa

akin. Hindi mo kailangan mo magpanggap sa harapan ko."