webnovel

Breaking The Last Rule

"I love you and I don't care if I might break their last rule..." Xiana and L are labelmates. Walang araw na hindi sila nag-away at nagbangayan. Bully si L. Tagasaway naman itong si Xiana. Hindi nakakapalag si L sa mga pambabasag na ginagawa ni Xiana sa mga trip nya. Until destiny uses 1hundred Days show and pairs them up. Pinaniwala ni L si Xiana na dapat siya nitong suyuin at ligawan para mapapayag nyang pirmahan ang kontrata. If not, problema na ito ng babae. Walang palag na napasunod sya ni L sa mga trip nito. Nandyan ang inuutus utusan siya, pinagsasayaw at halos gawin ng alila. Pero walang lihim na hindi nabubunyag. Nang magkaalaman na ng totoo, ayun, world war 3 na...

envieve · Tổng hợp
Không đủ số lượng người đọc
32 Chs

Chapter 22

C H A P T E R T W E N T Y T W O

~ * * ~

After lunch, pinapaligo na ako ng stylist dahil aayusan pa daw niya ako. Magsisimula na kasi kaming mag-film. Nag-aayos na ang mga crew ng gamit.

Iniwan ko muna si Baby Timo sa sala at sinabing babalikan ko siya para maglaro ulit kami. Umiyak nga nung tumayo ako, eh. Mabuti nalang napakiusapan ko. Si Lian kasi hindi ko na naman nahanap. Ewan ko ba kung saan na naman nagsususuot ang mokong na yun.

Pagpunta ko sa kwarto ko, diretso agad ako sa closet para kumuha ng damit. Pagbukas ko, napatili ako. Agad namang tinakpan ni Lian ang bibig ko at hinila ako papasok sa loob. Sinara pa niya ang closet. Madilim sa loob at tanging guhit guhit na liwanag lamang ang pumapasok sa loob. Dahil sa liwanag na iyon ay nakikita ko pa rin ang mga magagandang mata ni Lian. And his lips that were half-smiling.

"Monggoloyd ka talaga kahit kailan eno. Anong ginagawa mo dito sa loob ng closet ko?"

Hindi niya pinansin ang tanong ko. Sa halip, nagtanong rin siya.

"Asan na?"

His words made me grin. Eto na naman siya. Talagang hindi niya ako tatantanan ha...

"Yung?" pa-inosenteng tanong ko.

"Playing innocent?" He grinned back. Tapos, ngumuso.

"Ayoko," tugon ko.

Tumigil siya sa kangunguso at tiningnan ako ng mataman.

"Ang sikip dito eh. Mamaya nalang."

"Alam mo ikaw." Bigla niya akong hinatak sa bewang. "Ang dami mong excuse."

"Alam mo ang landi mo!" sabi ko sa tonong nagrereklamo pero pinulupot ko ang mga braso ko sa leeg niya para yakapin siya pabalik.

"Ang sarap mong landiin eh." He kissed the tip of my nose. Bumaba ang tingin niya sa labi ko. I watched his lips as it stretched into a sweet smile. I don't wanna close my eyes. Gusto kong makita ang paglapit ng mukha niya sa akin. Kaya hindi ko gagawin ang mga nangyayari sa movies na pipikit kapag hahalikan na ng bidang lalake ang bidang babae.

Centimeter nalang ang layo ng labi namin sa isa't isa ng biglang bumukas ang pinto ng closet. Wala akong nakitang tao... kung hindi pa ako yumuko.

"Mommy, Daddy, ano pong ginagawa niyo?"

I immediately pushed Lian then stepped out of the closet. Lumuhod ako para mapantayan si Baby Timo.

"Nagha-hide and seek kami, baby. Nagkataon lang na parehas kami ng pinagtataguan."

"Eh sino po ang taya?"

"Ikaw," sabi ni Lian. "Kaya nga nahanap mo kami. Ang galing galing mo talaga! Lakas mo tumaming!" Kinurot niya ang magkabilang pisngi ni Baby Timo.

Pinalo ko nga ang kamay niya. Pinanggigigilan yung pisngi ng bata eh.

Sa kahimbingan ng tulog ko, may gumising sa akin. Hindi ko na sana papansin nang kurut-kururtin niya ang magkabilang pisngi ko. Nang imulat ko ang mga mata ko, mukha ni Lian ang tumambad. Ang iritado kong ekspresyon ay napalitan ng ngiti pagkakita sa kanya. Ang gwapo talaga. Nakasuot siyang black and white na jacket.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Tara," sabi niya sa halip na sagutin ang tanong ko.

"Huh? Saan?"

"Sa lugar na walang cameras.. at istorbo."

Ngumisi ako. "Bakit, dito naman walang cameras."

"Pero may istorbo." Tumingin siya kay Baby Timo at natawa ng mahina.

Hindi ako kumibo.

Tumayo siya at pumunta sa closet. Kumuha siya ng hoodie jacket tapos hinagis sa akin iyon na saktong tumama sa mukha ko. Pabulong akong nagreklamo. Bawal mag-ingay baka magising yung batang natutulog sa tabi ko.

"Tara na dali."

"Madaling madali ka," sita ko sa kanya. "Di pwede. Walang magbabantay kay Baby Timo."

Hindi niya ako pinakinggan. Hinila na niya ako patayo. Aawayin ko pa sana siya ngunit natuwa ako nung hinalikan niya sa noo si Baby Timo at hinaplos ang buhok nito. After that sweet scenerio between him and Baby Timo, hinawakan niya ako sa kamay at hinila ako. Pinauna niya akong pinalabas ng kwarto. Napaatras pa ako ng muntikan kaming magkabungguan ni Arcel, na nasa labas ng pinto. Pupungay pungay ang mga mata nito at naghihikab pa na animo'y ginising.

Nginitian siya ni Lian tapos hinila na naman ako.

"Si Arcel na muna ang tatabi matulog kay Baby Timo. Hays, buti pa yung bata nakakatabi ka matulog," sabi niya habang naglo-look out sa buong bahay. Baka daw may kalaban (crew).

We succeed to went outside without being caught by some crews. Naglalakad kami sa tabing dagat. Madilim at malamig. Hindi sapat ang suot kong jacket. Kahit na makapal ito, kinikilabutan pa rin ako sa lamig. I tried to open the flashlight of my phone when Lian stopped me by snatching it then turned it off.

"Hindi tayo naka-disguise. Makikita tayo sa liwanag."

Hindi nalang ako nagsalita at nagpatuloy sa paglalakad kasabay niya. Nang dugtungan niya ang sinabi niya dahilan para mapatingin ako sakanya ng seryoso.

"Ayaw mong may makaalam diba?"

Kumirot ang puso ko nang mahimigan ang lungkot sa boses niya.