webnovel

BREAK THE WORLD(Living Is Dying) BOOK 2 of Hunting Kendra[ FILIPINO]

BREAK THE WORLD(Living Is Dying)COMPLETED -BOOK TWO OF HUNTING KENDRA Genre:Vampire/Werewolf SYPNOSIS NAGMULA sa angkan ng mga Bampira sina Halls, Oreo at Zain. Lumaki sila na busog sa pagmamahal sa kanilang ina na si Kendra, kalahating Bampira at mortal. Habang ang ama naman nilang si Timothy ay kalahating Lobo at Bampira. Naging matiwasay ang mga taon na nagdaan para sa pamilya nila sa mundo ng mga tao. Matapos na maganap ang pagkawasak sa tagong mundo--- ang Acerria. Kung saan nanirahan dati ang mga lahi ng Bampira, Lobo at mga naagnas na nilalang kung tawagin ng mga mortal ay Zombie. Ngunit sa pagdaan ng mga taon ay nagkaroon ng malaking digmaan sa kabilang mundo. Kaya upang sa ikalawang pagkakataon ay tuluyang mawasak ang Acerria. Nakaligtas sina Kendra at Timothy, ngunit sa kasawiang palad ang lahat ng nilalang sa Acceria'y tuluyang nakasama sa pagkaguho. Sa mga lumipas na taon ay muli silang bumangon, hindi nila hinayaan mabalewala ang sakripisyo ng ina ni Timothy; ang huling may purong dugo ng Bampira. Ngunit iyon ang inaakala nila... Dahil isang pangyayari ang magpapabago sa lahat. Pangyayaring kasugpong ng nakaraan. Nakaraan na siyang hahabol sa kanila sa kasalukuyan. Muling dadanak ng dugo sa magkabilang lahi sa mundo ng mga mortal. Na magiging dahilan ng pagkasawi nina Kendra at Timothy. Paano kung sa pagkawala ng mga magulang ay ang siyang pagdating ng bagong nilalang na magbibigay sa kanila ng ibayong pag-asa. Ngunit paano kung ang natitirang pag-asa na iyon ay tuluyang mawala at mapalitan ng 'di matatawarang pighati. Pighati na siyang wawasak sa mundong kanilang ginagalawan. "Dugo at laman ng banal ang siyang papawi sa lahat ng sakit, hanggang wakas upang bigyang daan ang bagong sibol na mundo..."

Babz07_Aziole · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
17 Chs

CHAPTER TWELVE

MAGKAGAYUNMAN dumating sa puntong hindi na nito napigilan ang nadarama sa kanya...

Sa hapon na iyon ay inilibot ni Vermous ang mga bagong makakasama nila ng Dyosa Herriena sa palibot ng Acceria.

Bagama't magkakaiba ng lahi ang nanggalingan nila ay hindi naging mahirap sa tatlo na magkasundo.

Manghang-mangha sina Yaboo at Lauke habang patuloy silang naglalakad sa maberding kapaligiran. Ang masuyong hatid ng papalubog na araw ay nagbigay balsamo sa mga pagal na utak nila.

Patapos na sila sa paglalakad ng umimik si Lauke.

"Vermous aking kaibigan nasabi mong tayo' y pabalik na, ngunit mayroon ka yatang nakaligtaang ipatingin sa amin. "

Nangunot ang noo na bumaling si Vermous rito, mahihinuha ang pagkalito sa kanyang mukha.

"Ipagpatawad mo kaibigan, ngunit nakatitiyak akong lahat ng magaganda at importanteng lugar dito sa Acerreria'y aking nasabi at naipakita na sa inyo. Maari mo bang klaruhin ang huli mong nabanggit na mga pangungusap?"mabilis na paliwanag pagkatapos ni Vermous sa dalawa.

Nagkatinginan naman sina Yaboo at Lauke.

"Ang ibig tukuyin nitong ating kaibigan, Vermous ay ang daan kung saan malaya kang makakapaglakbay sa mundo ng mga mortal."

Biglang napipilan si Vermous, maski ang mga kaharap ay natahimik, magkagayunman nanatili sa itsura ng dalawa ang paghihintay.

Maski siya'y kahit matagal na siya sa mundo ng Acerria'y kailanman hindi niya inuungot sa mahal nilang Dyosa Herriena ang pagtatanong sa nasabing lagusan.

Bagamat umaasam din siyang balang-araw ay ipapaalam din ng kanilang Dyosa iyon.

"Sige na kaibigan, tayo-tayo lang naman. Saka Huwag kang mag-alala hindi malalaman ni Dyosa Herriena na nagsalita ka patungkol rito."

patuloy na pamimilit ni Lauke.

Agad na iniiwas ni Vermous ang pansin at tuluyang napatutok ang tingin nito sa papalubog na araw.

Papabulaanin na sana niya ang nasa isip ng mga kaibigan, dahil inaakala ng mga ito na may nalalaman siya.

Ngunit ibubuka pa lamang ang bibig niya ng may isang tinig ang naringgan nila na nagmula sa kanyang likuran.

"Yaboo at Lauke, nais kong ipabatid sa inyo na hindi lahat ng bagay dito sa mundo ng Acerria'y dapat ninyong malaman... maliwanag ba?"may pagkapinal na saad ni Herriena sa dalawa.

Tumango ang dalawa at agad ng sumunod ang tatlo rito.

Sa pagdaan ng mga panahon ay naging maayos naman ang samahan ng tatlo, maski si Herriena ay walang masasabi sa tatlong nilalang na ipinadala ng Amang lumikha ng lahat. Nakikita niyang umalis man sya ng matagal sa inaalagaang mundo'y natitiyak niyang hindi ito mapapabayaan nina Lauke, Yaboo at Vermous. Sa huling nabanggit na pangalan ay tila lumukso ang puso ni Herriena. Bagamat magkaparehas ng nararamdaman ang dalawa ay minabuti nalang nilang isantabi ito. Kahit paano'y napanatag si Herriena, pero naroon pa rin ang kadalasan pag-aasam niya.

Isang gabi habang patuloy ang pagbagsak ng malakas na ulan sa madilim na langit ay nakaramdam si Herriena ng kakaiba sa kanyang silid, babangon na sana siya ng may isang bulto ang biglang sumulpot sa tabi ng kanyang kama.

Kahit 'di niya maaninag ang kabuuan ng nilalang na nasa loob ng kanyang silid, natitiyak niya na ang binatang si Vermous iyon.

"Ano ang nag-udyok sa iyo rito para punmarito at sa ganitong dis-oras pa ng gabi?"Takang-tanong niya.

Nanatili lamang itong nakatingin sa mukha niya, tila sa ginagawa nito'y minememorya na nito ang kabuuan ng kanyang magandang mukha.

Nakaramdam ng kirot sa dib-dib si Herriena, mula sa isip nag- usap sila nito. Masakit tanggapin na nakapagdesisyun na ito para sa sarili.

Tatalikod na sana si Vermous ng muli itong napaharap sa Dyosang Herriena.

"M-maari ba kitang mayakap k-kahit sa huling sandali mahal na Diyosa Herriena?"Tila may bikig ito sa lalamunan sa mga oras na iyon ang binata.

Napatango naman si Herriena, tila hinihintay na lamang nito ang tuluyan pagyakap sa kanya ng binata.

Unti-unti tuluyang nalagot ng puwang sa pagitan nilang dalawa. Ramdam nila sa bawat isa ang natatanging damdamin para sa isa' t isa. Magkagayunman hindi maari, dahil malaki ang magiging kumplikasyon sa pagitan nila.

Napapikit na lamang si Herriena, habang dinadama niya ang matikas na bisig ng kayakap. Isang halik sa bumbunan ang naramdaman ni Herriena pagkatapos.

Mayamaya'y unti-unting iminulat nito ang ginintuang mga mata. Kasabay ng pagmamalabis ng masaganang luha sa kanyang mga mata. Isang haplos muna ang ginawa niya sa mukha ni Vermous, nanatili lamang siyang nakatitig sa mga matang puno ng pagmamahal patungkol sa kanya. Huling beses na masisilayan ni Dyosa Herriena ang mga ito.

Mayamaya'y idinikit ni Herriena ang hintuturo sa noo ng binata. Hanggang sa nawalan nga ng malay ito, dahan-dahan niyang ikinumpas ang mga daliri pagkatapos. Agad niyang pinahiga sa sofa ito.

Marahan na naglakad si Herriena patumbok sa bintana kung saan, kitang-kita niya ang patuloy na pagbasak ng malakas na ulan sa labas. Katulad ng patuloy na pagmamalabis ng luha sa kanyang magkabilang pisngi.

Tuloy-tuloy pa rin siya sa pagluha ng maramdaman niya ang isang pamilyar na enerhiya.

"Binalaan na kita dati ngunit ipinagpatuloy mo pa rin ang pagtugon sa nararamdaman mo mahal kong anak, alam kung mahirap ngunit kailangan mong tikisin iyan."

Tumango siya, dapat masaya siya dahil si Vermous na ang nagkusang umiwas. Ngunit kabaliktaran iyon ng nararamdaman niya sa ngayon.

Sobrang sakit ng nararamdaman niya, dahil inalis ni Herriena sa memorya ng binata ang lahat ng mga alaala nitong may kaugnayan sa nararamdaman nito sa kanya.

Muli siyang napapikit ng marinig niyang muli ang tinig nito.

"Alam mo na siguro ang magiging kaparusahan, alam mong bawal ngunit hinayaan mo ang sarili mong mgpakatihulog."huling bigkas nito hanggang sa tuluyan ang paglaho ng liwanag nito.

Hindi niya maitatwa dito ang akusa nito sa kanya, dahil lalong pinagtibay niyon ang luhang patuloy na nagmamalabis sa pisngi niya.

Dahil ang katulad niyang banal ay kailanman hindi lumuluha. Pinagtibay pa niyon ang patuloy na pagtibok ng mabilis ng puso niya...

NANATILI lamang nakatitig si Zain sa dalaga, kitang-kita niya ang pamamasa ng mga mata nito.

Hindi nalang siya umimik, sa mahabang panahon na nagkalayo sila'y patuloy pala itong nagmahal at naghintay sa kanya. Mag-iba man ang itsura nila, nabura man ang lahat ng alaala niya patungkol sa Dyosa. Kailanman ang puso niyang walang pintig ay hindi lumilimot. Ang masakit...

Paulit-ulit man silang pagtagpuin ng tadhana kung ang kapalaran naman nila'y patuloy na tututol.

"Magmula sa araw na iyon ay naging kumplikado na ang lahat sa Acceria, Zain. Madaming naganap na kailanman hindi ko inasahan, ang mundong aking inalagaan ng matagal na panahon ay tuluyang nawasak. Katulad nalang ng pagkawasak ng tiwala sa akin ng ating amang lumikha."puno ng damdamin na sabi ni Herriena.

Tila pinilas ang puso ni Zain sa nakikitang paghihirap ng kalooban ni Eleezhia.

Tuluyan niyang inisang hakbang ang pagitan nila, mahigpit lamang niyang niyakap ito. Magkayakap silang nanatiling nakatitig sa labas kung saan kalat na ang liwanag sa paligid.

"Huwag kang mag-alala mahal kong Dyosa, mawala man ako ng paulit-ulit kahit tuluyang maputol ang lahat ng ugnayan natin mananatili ang aking pagmamahal sa iyo panghabang-panahon. Pinapangako ko sa iyo 'yan..."madamdaming pahayag ni Zain kay Eleezhia. Nanatili siyang nakayakap dito. Kailanman ay hindi siya magdadalwang yakapin ito.

Napangiti ng mapait si Eleezhia, nanamnamin na lamang niya ang natitirang araw na makakasama pa niya ito.

Dahil darating ang sandaling siya mismo ang tatapos sa lahat at kay Zain.

MANAKA-NAKA ang pagmulat ng mata ni Hailey, ramdam niya ang likidong patuloy na pumapatak sa kanyang bibig.

Kitang-kita niya ang sariwang patak ng dugo na patuloy na dumadaloy sa palad ng Ama. Ramdam niya ang pagbabalik ng lakas niya sa kanyang katawan.

Mayamaya'y tuluyan na siyang napabangon mula sa pagkakahiga. Mataman lang niyang tinitigan ang Ama na nanatiling nakatayo sa may tabi niya.

"Bakit mo iyon ginawa, hindi ba't wala kang pakialam sa akin."malamig na bigkas ni Hailey kay Lerryust.

Tumaas ang sulok ng labi nito, dahan-dahan itong naglakad palayo sa kama na kinahihigaan ni Hailey.

Agad na kumuha ng tela si Lerryust, bagamat kaya niyang pagalingin ang sarili ng kusa dahil sa kakayahan niya ay tila nasanay na ito sa dating gawain niya noon.

"Huwag ka ngang magmalaki Yalena, dahil napakalaki ng pagpipigil ko para tuluyan kitang patahimikin. Ngunit kakailanganin pa kita. Sa ayaw at sa gusto mo'y susunod ka sa aking mga ipag-uutos. Kung ayaw mong kitlin ko ng mas maaga ang mga buhay ng iyong mga kaibigan!"marahas na dikta ni Lerryust kay Hailey.

Nagpupuyos sa galit ang dalaga, hindi niya maatim na ganitong klaseng nilalang ang kanyang Ama.

Sabagay hindi niya ito masisi, dahil noong nabubuhay pa lamang sina Kendra at Timothy ay wala itong nagawa para magpasakamay nito ang ninanais.

Dahil naunahan ito ng mga Galilea, kung saan inakala ng Ama niya'y makakatulong sa pagbawi ng kapangyarihan na pinangarap nito.

Magsasalita pa sana si Hailey ng muli niyang narinig ang tinig ng Ama.

"Maghanda ka Yalena, dahil isang malaking digmaan ang magaganap sa mga susunod na araw..."makahulugang pahayag nito.

Napakunot-noo si Hailey, bigla'y naguluhan siya sa itinatakbo ng usapan nila ng Ama.

"A-Ano ang ibig mong tukuyin?"Kinakabahang tanong ni Hailey.

Ngunit nanatili lamang ang ama nitong nakatitig sa labas.

"Kailangan natin maunahan sila Yalena, bago nila maisakatupad ang pagsasakripisyo sa buhay ng tatlong bampira. Dahil kapag nangyari iyon at tuyang mabubura ang ating lahi. Mabuhay man tayo ulit sa mga susunod na henerasyon tuluyang mag-iiba ang lahat."

"Paano mo nasabi iyan?"muling tanong ni Hailey. Kitang-kita niya ang pagkuyom ng kamao ni Lerryust, maski ang pagtatagis ng ngipin nito.

"Maiintindihan mo rin ang lahat Hailey, sana'y napaaga ang aking paggising. Natitiyak kong nahuli na ako..."

Marahan itong sumulyap sa direksyon niya.

"... Nabalaan mo pa sana sila. Pero mukhang tuluyan silang naniwala sa sinabi ni Herriena. Alam mo bang, siya mismo ang pumaslang kina Kendra at Timothy."

Nagulat man ay hindi ipinahalata ni Hailey ang nalaman, malay ba niya kung nililinlang siya nito. Tuso ito at gagawin nito ang lahat mapasunod lamang ang lahat.

Ngunit sa huling salitang binigkas ni Lerryust tila'y tuluyang nabuwag ang agam-agam niya sa sinabi nito.

"Sa ngayon ay hahayaan muna kitang bumalik sa tatlong bampira, maging handa ka lang Hailey. Dahil kung magpapalinlang ka rin din ay mas mabuti pang unahin na kitang paslangin. Alalahanin mo ang batong suot-suot ni Eleezhia."

Dahil sa sinabi ng ama' y biglang kumudlit sa gunita ni Hailey ang laging suot ng ina nina Halls noon at ang suot ni Eleezhia. 'Di yata' t tama ang nahinuha niyang pinapaikot lamang sila nito para sa pansariling kapakanan nito.

"Aalis na ako."tanging naisagot niya hindi niya alam ang dapat niyang sabihin sa Ama.

Nakailang hakbang pa lamang siya ng isa muling babala ang nagbigay kilabot sa kanya.

"Mag-iingat ka Yalena, dahil ayon sa nakita kong pangitain. Ang mismong may hawak ng bato ang papaslang sa iyo sa kasalukuyan...."