webnovel

BOOK 1 THE MILLIONAIRE'S SLAVE (THE PROMISE)

Charm_Demetrix · Hiện thực
Không đủ số lượng người đọc
41 Chs

PART 4 Encounter !!!

Natasha P.O.V

Pag tapak ko sa terminal, tanaw na tanaw ko na agad ang nag lalakihang gusali. Kinailangan ko pa sumakay ng taxi papuntang Mariago Resort. Twenty minutes after ng marating ko iyon. Hindi ko akalain na sadyang malawak pala ang resort na ito at marami rin turista ang nagaawi dito.

Sa labas pa lang ay sinalubong na ako ng aking manager na si Ma'am Adele. Nakilala niya lamang ako dahil sa mga photo na pinadala ko sa kaniya sa Yahoo messenger.

Agad niya akong sinamahan sa room hotel na pansamantala 'kong tutuluyan. Mamayang gabi din ay mag sisimula na ako sa trabaho. Sa ngayon, kinakailangan ko munang ilaan ang oras ko para sa aking sarili.

Mula sa labas ng bintana ng hotel, kita ko ang mga tao na para bang wala silang problemang dinadala. Lahat sila mukhang nandito sa resort para mag enjoy. Pero ako, narito para makipag sapalaran.

Bago ako umidlip, nag message muna ako kay Austine para ipaalam na maayos at ligtas akong nakarating dito. Hindi ko na hinintay pa ang reply niya dahil hindi ko na rin talaga kayang pigilan ang pag bagsak ng aking namuyat na mga mata.

Ala-sais na ng gabi nang katukin ako ng tauhan ni Ma'am Adele. Dala nito ang tatlong kahon na mag kakapatong.

Long red gown, Amarah's Jewelry, and platinum red high heels and make up. Napaka saya ko na magagamit ko ang mga ito sa trabaho. Simple lang naman ang trabaho ko. Ang sabi sa akin ng manager ay mag a assist lang kami ng guest sa El Palacio de Cassino. Dito rin sa Mariago resort.

We have to be nice and polite sa mga makaka salamuha namin. Thirty thousand ang isang gabi na kikitain ng bawat "MUSE". Pwede na dahil hindi naman illegal. Basta ang mahalaga lang sa akin ay ang pag-aaral ni Austine at pantustos para sa dialysis ng Mamá.

Medyo nakaka kaba pala. Lalo na at hindi ko pa kabisado ang pasikot-sikot dito sa resort. Nang matapos ako sa pag aayos ay isa-isa na kaming pinapasok ng manager sa isang Hub para sa mga MUSE. Nasa walong babae kami. Sa tapat naman ng hub na ito ang para sa mga Escort.

Sinubukan kong lumabas habang wala pa si miss adele. Nakita ko ang isang escort sa hallway kung saan naka suot ng tuxedo at mamahaling relo. Kung titignan mukhang nasa edad 25. Naka kapit sa kaniyang braso ang matandang babae na nasa edad 60 o higit pa? Panay ang singhot ng matanda sa kaniyang tuxedo at maka ilang beses pa siyang hinagkan sa pisngi ng Kasamang Escort.

Napa kunot ang aking noo dahil sa nasaksihan. Giliw na giliw ang matanda sa binata na aakalain mong magkarelasyon sila. Medyo kinalabit ako ng takot dahil sa biglang sumagi sa isip ko na paano naman kaya ang trabaho ng isang muse? Halos lahat ng muse at escort rito ay naka suot ng mask.

"Ash!"

Pag tawag ni ma'am Adele mula sa aking likuran.

"Nakalimutan ko palang sabihin sa 'yo na kailangan mo itago ang real identity mo. Even your name."  Saad niya sa napaka hinang tinig.

"Pp-para saan po?" Taas kilay kong tanong.

"Basta! Protocol kasi yun... "

Paliwanag niya habang hawak ang aking kamay.

"Ashley na lang po ang itawag niyo. Ma'am."  Magalang kong sagot at muling nilingon ang escort na sakto at napadaan sa aking tapat.

"Ashley! Okay. I love it. So, are you ready?"

"Yes. Ma'am."  

Kabado man ako ay pinilit ko pa rin sumagot ng tuwid.

Pumatak na sa Alas siyete ang oras. Isa-isa nang nag sipasok ang mga Mayayamang manlalaro. Naririnig ko pa si Ma'am Adele na tinatawag ang iba sa kanilang Governor and Senator. Kaya mas lalo akong kinabahan. Namamawis ang aking palad sa tensiyon na nararamdaman.

Matapos nilang sumilip sa amin ay agad naman tinawag ni ma'am adele ang isang muse na "Leila" ang pangalan.

Diretsyo itong tumayo at nag-abot ng kamay sa senator na pumili sa kaniya. Nag abot ng puting sobre ang senator sa manager. Matapos iyon ay sumama na palabas ang muse sa matandang senator.

Ilang saglit pa ay narinig ko ang pangalan kong binigkas ni ma'am adele. Napakagat labi ako dahil sa kaba na hindi ko maiwaksi. Ni hindi ko magawang sulyapan ang Governor na malagkit ang tingin sa akin mula pa kanina.

Nabalot ako ng takot at pag sisisi. Hindi ko naisip na wala naman akong tinapos pero kumasa ako sa trabahong instant money? At ang nakaka inis pa... hindi ko man lang naisip na kundi illegal ang pinasok ko, baka naman hindi marangal?

"Ashley?!" Mataas at matigas na pag tawag sa akin ng manager at agad akong pinandilatan.

"Ayos ka lang? Come here!" 

Utos niya na mayroong pilit na ngiti.

Huminga ako ng malalim at pumikit. Sa sandaling oras na iyon, laawan ng aking pamilya ang nakita ko. Ngumiti ako habang patungo sa kaniya. At gaya nang naunang muse, nag abot ako ng kamay sa Governor.

" Good evening Governor. I'm Ashley Pascual."  Pag-papakilala ko.

Kita ko ang gulat sa mga mata ni ma'am adele na kumindat pa sa Governor.

"First time?"  Swabeng tinig nito.

"Tumango lamang ako't napa buntong-hininga."

"Age please?"  Aniya.

"Twenty-three."  Hindi ko na inilihim pa ang edad ko dahil hindi naman na mahalaga iyon para sa akin.

"Very Young"  Sambit nito sabay haplos sa aking pisngi.

Agad naman ako umiwas dahilan para pisilin ng manager ang aking braso.

"Let's go?" Tanong niya matapos mag abot ng sobre sa manager.

Pikit mata, lunok laway, at kain ng Pride ang tangi kong nasandalan sa gabing ito. Pumasok na kami sa Cassino kung saan puro Big-time millionaire at Billionaire ang narito.

Isang Batikang Aktor na kilala sa Industriya ng showbiz ang hindi ko inaasahan na makikita ko ng personal. Narito rin ang Batikang atleta sa larangan ng Basketball. Halintulad ng iba, may kasama siya pero hindi ang sikat niyang girlfriend na isang beauty queen kundi isang "MUSE".

Matapos mag papalit ng Ten million ang kasama kong Governor, agad kaming ini-hanap ng Table ng isang Attendant.

Sa isang pribadong kuwarto, may katamtamang liwanag at bakanteng upuan ang aming pinasok. May tatlong tao roon ang naka upo na habang humihithit ng tabacco.

Hindi ko Alam kung kakayanin ba ng sikmura ko ang mag tagal sa ganitong klaseng sitwasyon. Ngayon pa lang ay parang nanlalambot na ang aking tuhod dahil sa nag hahalong takot at kaba.

Makalipas ang tatlong oras na nakaka bagot, Unti-unti ng nagkaka initan ng ulo ang mga Player. Hindi ko ma gets ang laro nila sa Baraha pero ang alam ko lang ay Palaging kumakabig ang kasama kong Governor. Naubos na halos ang Chips ng opponent.

Pansamantalang itinigil ang laro dahil naubos na ang lahat ng panaya ng isang negosyante. Inutusan nito ang kaniyang tauhan na pautangin siya ng Cassino. Ilang minuto ang nakalipas ay hinihika pa itong bumalik.

"Ano!"  Sigaw ng negosyante saka binagsak ang kamao sa mesa.

"Five million lang ang inuutang ko! Paano ko makakabawi?"

Galit na sigaw nito.

"Hmm.. Mr. Alvarez! Its my lucky day. Sadyang suwerte lang talaga ako dito sa kasama ko..."

Sambit ng governor na may himig ng pangungutya sabay halik sa aking braso."

"Really? Sige! Labas na dito ang pera Governor Gomez. Itataya ko ang lupain ko sa laban na ito. At dapat ay kayo rin!"

Hamon ng negosyante sa dalawang kalaban.

Matapos magka sundo at sumang-ayon ng mga kalaban, inilabas nila ang mga titulo at mga agreement sheet para sa sugal na ito.

Para sa huling hirit. Isa lang ang dapat na mag wagi sa kanilang tatlo. First three cards na highest ang kinakailangan pag labanan.

"Matapos balasahin ng tatlo ang baraha paikot.. Sinimulan na nilang hawakan ang kaniya-kaniyang kapalaran."

Banker:  Please open the first Card

Governor:  Ace of Diamond

Alvarez:  King of Diamond

Diego: Ace of spade

"Isang nakaka kabang desisyon at laban ito para sa akin. Naisip ko lang na paano naman kaya ang mga pamilya nila na walang kaalam alam sa ginagawa nila?"

"Napapailing na lang ako dahil sa inis at pagka dismaya sa mga Lalaking may maayos at marangal na posisyon pero nag papaka lulong sa sugal."

Banker:  Last-two cards please.

Governor: Ace of flower and ten of spade.

Alvarez: Jack of Hearts and Ace of hearts

Diego: Seven of hearts and Queen of Spade.

"See?! I told you Mr. Alvarez its my lucky day!"

Maligayang usal ng governor habang inaabot ang mga papeles na pirmado ng dalawang kalaban.

Umiiling-iling ang mga talunan na punong puno ng pagka dismaya at inis sa sarili.

Pumasok kami sa isang kuwarto sa hotel na tinutuluyan ng Governor. High standard ang room na aakalain mong nasa mansion ka lang.

"Governor, nasaan na po si ma'am Adele? "   Magalang kong tanong.

Nag alis ito ng tuxedo at niluwagan ang kurbata. Sunod ay sinara niya ang pinto at ngumisi sa akin na para bang sinasabing katapusan ko na.

"Ashley Pascual. Right?"

Sambiy niya habang inaalis ang sinturon.

"Amm... Yes Governor."   Utal kong sagot, nananatiling naka yuko.

"Puwede mo ng alisin ang maskara mo. Don't worry tayo lang naman dito..."

Saad niya na dahan dahan humahakbang palapit sa akin.

"Takbo! Ash! Takbo!"  Bulong ko sa aking isip habang palapit siya ng palapit sa akin. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa mga oras na ito.

"Sir 'Wag!"  Reklamo ko nang akmang aalisin niya ang aking maskara.

"Sorry sir pero, bilin po kasi ni ma'am adele na hindi puwede alisin ang maskara..."   Paliwanag ko.

"Bawal kapag may ibang tao... " 

Aniya na naka hawak sa aking baba.

Hinaplos niya ang aking balikat pababa sa aking braso at kamay. Sunod ay sinimulan niyang i-unbuttoned ang pants. Napa sulyap ako sa pinto. Humahanap ng tamang timing para makatakas. Nang hawakan niya ako sa aking pisngi ay buong tapang kong kinagat ang kamay niya at kumaripas ng takbo patungo sa pinto palabas.

"Hoy! Tarantado ka!"  Sigaw niya.

Sa hallway pa lang ay naabutan ko ang mga tauhan niya na nag uusap at nag tatawanan habang nag bibilang ng pera. Napa atras ako nang mabaling sa akin ang tingin nila.

Nang mag ring ang phone ng isa sa kanila ay batid ko na amo nila ang tumatawag kaya naman dali-dali akong tumakbo at sumisigaw para humingi ng saklolo.

Nang mag bukas ang elevator ay agad akong pumasok bagamat hirap ako dahil sa kasuotan, bigla naman akong naabutan ng tauhan ni Governor at hinagip ang aking braso palabas.

Nag pupumiglas ako at patuloy sa pag sigaw. Ilang saglit pa ay sinalubong kami ng governor na ngayon ay naka tapis lamang ng tuwalya. Isang malakas na suntok sa aking sikmura ang natamo ko. Hawak ng dalawang lalaki ang aking braso habang pinapaharap ako sa kanilang amo.

"Bayad ka sa gabing ito! Kaya bakit ka tumatakbo?" 

Nanggagalaiti niyang turan na nag pakawala pa ng malakas na sampal sa aking kaliwang pisngi. Binitiwan ako ng dalawa. Umiiyak ako at nagmamaka awang paalisin na lang.

"Hh---hindi po ako bayarang babae... pp--please paalisin niyo na 'ko"  Pakiusap ko habang umiiyak at naka luhod.

"Pakawalan? Ikaw ang lucky charm ko kaya... bakit naman kita papakawalan?" Aniya habang naka sabunot sa aking buhok.

"Kaladkarin na yan! Ingatan niyo na 'wag magasgasan ang isang 'to! Marami pa siyang dapat trabahuhin sa akin!" Utos niya ng di nag aalis ng tingin sa akin.

"Ano ba! Bitiw! Ano ba!" Protesta ko.

Pilit akong nanlalaban at buong lakas na sumisigaw. Habang umiiyak, si Mamá at Austine pa rin ang nasa isip ko.

"Let her go!"

Sigaw ng isang maskuladong lalaki na naka suot ng Shades, tuxedo, silk pants at brown leather shoes.

Para bang alulong ng tigre ang salita niya na naka pag paamo sa dalawang lalaki na mabilis at walang pag aalinalangan akong binitiwan.

Kasama nito ang tatlong lalaki na siguro ay body guard niya na naka suot white polo shirt.

"At sino ka para pigilan ang tao ko?"  Maangas at nangagalaiti na sagot ng governor dahilan para muli akong hawakan ng dalawang lalaki.

"I said, Takeoff your hands on her!"

Muli niyang sigaw habang naka titig sa akin. Sinunod naman siya ng dalawang lalaki na agad din Umatras. Ako naman ay napasalampak sa sahig.

'You! Stand up!"

May awtoriad na utos niya habang naka duro sa akin.

Tumayo ako at pinilit na ikalma ang nangangatog kong tuhod. Napa tingin ako sa aking braso na namumula. Gayon din sa aking palapulsuhan at tuhod na mayroong maliit na gasgas.

"Let her go!"  Sigaw niya na bumaling pa ng tingin sa governor.

Wala na siyang nagawa pa ng tutukan sila ng baril ng tauhan ng lalaking tumulong sa akin.

Nang mag sipasok ang Governor at ang dalawa pa nitong kasama sa kanilang room ay saka naman ako lumakad patungo sa elevator.

Pumasok rin doon ang lalaking tumulong sa akin kasama ang tatlong niyang body guards.

Pumuwesto ako sa pinaka dulo ng elevator. Naka harap sa akin ang lalaking naka tuxedo. Naka pamulsa ito ng tumitig sa akin na tila ba kinikilatis ang bawat kong galaw. Kita ko ang pag iling niya habang kagat ang ibabang labi.

Nang tumunog ang elevator, hudyat na lalabas na ako. Hinintay ko muna kung saan direksiyon gagawi ang mga ito bago ako mag pasya na lumihis ng daan.

Lumipas ang kalahating minuto, umalis na ang mga kasama ng lalaking naka tuxedo. Pero, ni isa sa amin ay walang kumikilos. Nang marinig ko ang boses ni ma'am adele, nag angat ako ng tingin at kumaripas ng takbo sa kaniya.

"Ashley?"  Gulat niyang bungad ng makita ako. Nasisilayan ko sa kaniyang mga mata ang galit dahil dapat sa mga oras na ito ay kasama ko ang governor.

Iniwan niya ang kasama at hinatak ako sa gilid ng lobby.

"Ma'am Adele, ayoko na po! Sorry pero---hindi po ito yung akala kong trabaho na ..."

"Susmaryosep! Ashley, ang sabi mo kailangan mo ng pera pang dialysis ng Nanay mo 'di ba?"

Madiin niyang sabi, pisil ang aking kamay.

"Kabago-bago mo pa lang... " Dismayadong himig ng manager.

"Sorry ma'am. Babalik na lang po ako sa probinsya.. "

"What? Babalik ka sa probinsya? Hindi ka pa bayad sa gown mo! Iyang mga alahas at sapatos na 'yan? " sabay turo niya sa akin mula ulo hanggang paa.

"Ito po ba? Huhubarin ko na lang po . . . Ma'am please! Nakiki usap ako!"

"Ten million! Kapag nabayaran mo yun, makaka labas ka na! Nasaan na yung phone mo? Akin na! Ibigay mo sa akin!"

Galit niyang sigaw habang kinakapkapan ako.

"Ma'am! Please! 'Wag naman..."

"Excuse me."  Swabeng sambit ng lalaking naka tuxedo. Siyang lalaking tumulong sa akin para makawala sa governor.

"I want this Lady. Madam. Just name the price." 

Usal niya sa manager na diretsyong naka tindig at malalim na tumitig sa akin.

Sumulyap sa akin ang manager at ngumiti bago sumagot.

"Ten million. You can have her now just pay ten million pesos. Cash."  Taas kilay na sagot ng manager, saka kumindat sa akin.

Napasulyap ako sa lalaking ito na agad kinuha ang phone sa kaniyang bulsa. Matapos ang ilang segundo ng pag dutdot ay agadnito ibinalik ang phone sa bulsa. Sumulyap pa muna siya sa kaniyang relo na halatang mamahalin.

Tikom aking bibig at nag aabang sa mga susunod na mangyayari. Ni isa sa amin ay walang umiimik.

"Sir."  Tipid na tawag sa kaniya ng lalaking napagkamalan kong bodyguard. Dala nito ang isang bag na itim.

"Thank you."   Sambit nito saka binuksan ang bag at ipinakita sa manager.

Sandali akong sinulyapan ng manager saka ini-abot na sa akin ng manager ang susi ng aking kuwarto. Mabilis itong inagaw ng lalaki at iniabot sa kaniyang kasama. Bumulong muna siya rito bago paalisin.

"Here's your ten million." Saad ng lalaki habang binubuhos sa sahig ang ten million.

Nagulat ako dahil sa ginawa ng lalaki. Maging ang manager ay hindi makapaniwala sa ginawa ng lalaking ito.

Nang bitiwan ng lalaki ang bag, isa-isang dinampot ng manager ang pera at isinusuksok pabalik.

"Ganiyan ba kahalang ang bituka mo? Madam? Isasangkalan mo ang buhay ng ibang tao para sa sinasamba mong pera?"  Ukol niya sa manager na naka luhod habang kinukuha ang mga pera.

Napa tingin ako sa lalaking ito dahil sa sinabi niya. Sumulyap lang sa kaniya ang manager at muling nag patuloy sa ginagawa.

Sunod ay hinagip ng lalaki ang aking braso palabas ng Resort.

Sa wakas ay gumaan na ang aking dibdib. Naka hinga lang ako ng maluwag nang makalabas kami ng resort.

"Get in."

Utos nito habang naka tayo sa tapat ng kaniyang kotse.

"Thank you. Pero hihintayin ko lang yung mga gamit ko tapos Aalis na 'ko." Sagot ko aaka nag lihis ng tingin.

"I said Get in!"  Matigas niyang bigkas saka binuksan ang pinto.

"Don't worry. You can trust me." Malumanay niyang usal saka nag alis ng shades.

Nang titigan ko ang kaniyang banyagang mata, isang ala-ala ang nag balik sa akin sa pagka bata. Isang masaya at pinaka nakaka lungkot na ala-ala na magpa hanggang ngayon ay nasa puso at isip ko pa.

"What are you looking at?"  Mataray niyang tanong.

Sinimulan ko ng humakbang pababa ng hagdan. Hindi na ako nag dalawang isip na tumanggi dahil mukha naman siyang mapag kakatiwalaan. At isa pa ay nagawa niya akong iligtas mula sa kamay ng governor at ng manager na akala ko ay totoong tutulong sa akin.

Naupo kami sa backseat at napapagitnaan ng dalawa niyang bodyguard. Ang lalaki naman na napag utusan na kunin ang mga gamit ko sa kuwartong tinuluyan ko ang siya palang driver nito.

"Sir, sa Victory liner lang po ako." Mahinhin kong usal habang naka yuko.

"Victory liner?" Chuckle.

"Nag papatawa ka ba? Wala doon ang bahay ko."  Sarkastiko niyang sagot at napa igting ang panga.

"Sir?"  Ulit ko.

"Ten million. Kapalit ng kalayaan mo sa pesteng trabaho mo!"

"Kalayaan? Aa-anong ibig mong sabihin?" Pag tataka ko.

"Be my Slave! Natasha."

"Sambit niya saka mabilis na inalis ang aking maskara..."