webnovel

BOOK 1 THE MILLIONAIRE'S SLAVE (THE PROMISE)

Charm_Demetrix · Hiện thực
Không đủ số lượng người đọc
41 Chs

PART 20

Ash POV

Spg

"Nervous?" Spencer asked.

"Slight..." sagot ko habang tinitignan ang helicopter na mag hahatid sa amin sa cebu.

Nasa rooftop kami ngayon ng isang private building sa Bonifacio Global City.

"Relax. For sure kapag naka sakay na tayo, mapapalitan ng excitement yung kaba mo." Usal niya habang naka hawak sa aking bewang.

"Glory!" Naka ngiting tawag ni Spencer sa isang babae na balingkinitan ang katawan. Pulang pula ang labi nito at naka suot ng Denim romper shorts at vans shoes na kulay puti.

"Good morning Sir." Malanding sabi nito at malagkit ang titig kay Spencer.

"Ash, this is Glory my Secretary and Glory this is my girlfriend Ash..." pahayag ni Spencer na kinabigla ko.

"Hi ma'am. Nice meeting you." Tipid na ngumiti sa akin ang kaniyang secretary na para bang nag tataka sa sinabi ni Spencer.

"Just make sure na dala mo lahat ng document bago sumakay." Saad ni Spencer na agad din sumenyas kay Glory na iwanan kami.

"What's the problem?" He asked

"Hmm?"

"Bakit titig na titig ka sa secretary ko?" Kunot noo niyang tanong.

"Ah? Wala. Ang ganda niya kasi. Di ba?"

"Ah! Nag seselos ka?" Wink

"I'm not!"

"Nag seselos ka nga?" Tanong niya sabay pihit sa akin paharap.

Nakakahiya man pero parang ganon na nga...

Tumango na lang ako saka ngumiti. Wala naman kasi akong karapatan.

"Don't worry. I"ll fire her after this trip." Usal niya saka ako hinagip palapit sa iba pa naming kasama.

"Ano ka ba? Hindi mo naman kailangan sibakin yung secretary mo dahil--"

"Shh.. I'm her boss, you're my Princess." Seryosong sagot niya na sumulyap pa sa akin.

"Wag na. Kawawa naman yung pamilya niya!" Katwiran ko.

"Fvck! Naaawa ka sa kaniya? Eh kung sabihin ko sa 'yo na inaakit niya ko palagi?" Saglit siyang tumigil sa pag lalakad habang tinitignan ako.

Di na ako nagulat sa sinabi niya. Obvious naman...

"Keep her." Seryoso kong sabi.

"What?" Gulat niyang tanong.

"Kidding. Go ahead. Fire her!" Bulong ko habang naka ngiting nakikipag titigan sa secretary niya mula sa malayo.

"You're so much attractive. honey coz your being possesive to me now. " chuckle.

Possesive Agad? 'Di ba puwedeng nag-seselos lang?

"Hey Marco!" Tawag ni Spencer.

"Hello Spencer and --" tumitig ito sa akin saka nag lahad ng kamay.

"Ash." Aabutin ko pa lang sana iyon ng bigla siyang kamayan ni Spencer.

"By the way Ash this is Marco. The Pilot." Pag papakilala ni Spencer.

"Ohh... hello" naka ngiti kong sabi.

"Hello too. Is she your sister?" Naka ngiting tanong ni Marco nang di nag aalis ng tingin sa akin.

"Sister?" Taas kilay na tanong ni Spencer.

Bigla ko na lang naramdaman ang kamay ni Spencer sa aking bewang. Dahilan para mapakunot noo si Marco.

"Ash..." tawag ni Spencer habang naka titig kay Marco na ngayon ay halos mabaliw kakabasa ng isip namin.

"Ow!" Sambit ni Marco nang halikan ko si Spencer sa pisngi.

"Ah, excuse me." Naka ngiwing sabi ng piloto saka kami tinalikuran.

"I hate you Natasha." Bulong ni Spencer na ikinagulat ko.

"Why?" Kunot noo kong tanong.

'Di na siya sumagot dahil dumating na ang isa pang piloto na hinihintay namin.

Dalawang private helicopter ang sasakyan namin ni Spencer na parehas na pag mamay-ari niya.

"Bro!" Masiglang tawag ni Spencer dito.

Tumalikod ako nang mapag tanto kung sino iyon. Gusto ko na lang lamunin ng lupa dahil sigurado akong hindi matutuwa si Spencer kapag nalaman niya na---

"Bro! Finally... bakit hindi ka na bumalik ng probinsya?" Tanong ni Tyrone.

Probinsya? Napataas ang kilay ko dahil sa narinig. Sa pag kaka alam ko kasi sa UK Talaga sila naka tira.

"Where is Trixie?"

"I'm with my girlfriend. Natasha Amorine." Masayang pag papakilala ni Spencer saka ako pinihit paharap sa kanila.

"Natasha?" Gulat niyang tanong habang titig na titig sa aking mukha.

"Do you know each other?" Taas kilay na tanong ni Spencer.

"No?" Sagot ko na parang patanong.

"Yes! Of course!" Naka ngiti niyang sambit.

"Napatitig ako kay Spencer na naniningkit ang mata na tumitig sa akin. Parang sinusuri at kinikilatis ang bawat kong galaw."

"Do you know her? How?" Mataas at matigas ang punto ni Spencer na parang dinidisiplina ang isang paslit.

"I'm his knight. I'm his savior dude." Tuluyan na akong nanigas sa aking kinatatayuan.

Lalo na ng madama ko ang malalim na pag hugot hininga ni Spencer na naka yapos sa akin.

"Knight? Savior? At kailan ka pa naging Spencer Vahrmaux?" Usal ni Spencer na halatang plastik ang tawa.

"Kailan nga ba yung huli Ash?"

Mahina niyang tanong na tumitig sa akin ng mapanukso.

Tangina ka! "Sigaw ko sa aking isip." Sana lang wag mauwi ito sa tampuhan or what. Lalo na at kagabi lang kami nag kaayos.

"Sa bar." Tipid kong sagot.

Napasulyap ako kay Spencer na ngayon ay napapa igting panga. Animo'y cobra na iniinat ang kaniyang leeg at ulo. Nakita ko pa na tinikom niya ang kamao bago ibulsa. Hindi ko na nagugustuhan ang mga nangyayari.

"Hindi sa bar yung last. Right?" Naka ngisi niyang sagot na sumulyap pa kay Spencer na ngayon ay kunot na ang noo.

"Sa bar nga-"

"Sa bahay ko! Yah tama. And I gave her one thousand pa nga E..." Patay malisya niyang sabi na halatang nang iinis.

"At di lang 'yon! Tinangay mo pa yung polo ko. At favourite ko pa man din isuot 'yon!--"

"So, ikaw pala ang nag pasuot ng retasong basahan sa girlfriend ko?" Naka ngising usal ni Spencer.

"Girlfriend?" Ulit niya.

"Yun bang polo? Tinapon ko na. Hindi kasi bagay kay Natasha. Mas bagay pa rin yung surname ko sa pangalan niya." Wink.

Ooh! Gusto kong maihi sa kilig! Enebe Spencerrrr!

"Aaah... okay lang dude! Pero ang di okay sa akin is aalis siya ng ganon na lang matapos niyang guluhin at mag kalat sa kuwarto ko..." naka ngising usal niya habang dinidilaan ang labi niya.

"What?" Spencer asked.

Nanlaki ang aking mata dahil sa narinig. Hindi ko alam kung anong malisya ang tumatakbo sa isip ni Spencer sa mga oras na ito. Mukhang iba ang nais ipakahulugan ni Tyrone sa kaniyang sinabi.

"Oh bueno? Tara na?" Di pa man nakaka sagot si Spencer nang lagpasan niya kami. Nag iwan pa siya ng matamis na ngiti dahilan para pumait ang mukha ni Spencer."

"What a surprise!" Spencer mumble.

"Vahrmaux flight double Ô SPV slash Baby. Dito tayo sasakay."

Seryosong sabi ni Spencer na pailalim na tumitig sa akin.

"Sa kabilang helicopter naman sumakay ang kaniyang secretary, Personal Assistant , dalawang bodyguard, kasama ang nutritionist ni Spencer at si Marco na piloto nito."

"Trust me." Sambit ni Spencer habang inaabot ang aking kamay.

"Di ko maiwasang hindi humanga nang tuluyan kaming makapasok. Hindi ito ordinaryong helicopter. High class ang isang 'to at made in JAPAN ang isang 'to. May screen sa tapat kung saan makikita mo ang lawak ng nasa harap. Mayroon kasing division ito mula sa pilot at sa passenger. Mukhang pinag isipan mabuti ang disenyo nito. Napangiti na lang ako nang sitsitan ako ng kamang kulay itim na masyadong makitid. Nasa ibabaw nito ang Jack Daniels Wine at dalawang wine glass. Na naka paloob sa hugis pusong rosas na nagkalat sa palibot nito. Nasa likod lamang ito ng aming kinauupuan."

"Napakagat ako sa ibabang labi habang naka ngiti. Napaka romantic ng dating... napa yuko naman ako ng makita ako ni Spencer na naka ngiti. Nang sulyapan ko siya nakita ko rin ang pag kaway ng dimple niya. Marahil naligayahan siya nang makita ang ngiti sa aking labi."

"So... pilot pala si Tyrone?" Usisa ko.

"Yes. School director ang Mother niya sa GRU. Pag mamay-ari nila ang school na 'yon."

"Aah..."

"Bakit?"

Ang dami ko pa sana gusto itanong sa kaniya pero baka ika badtrip niya lalo kaya naman iniba ko na lang ang usapan.

"Subok mo na ba siya? Kinakabahan ako-"

"Oo naman! 'Wag kang kabahan. Kapag nag crash 'to, for sure ikaw ang una niyang ililigtas..." bagot na sabi ni Spencer habang diretsyo ang tingin sa labas.

"Hindi na kakailanganin ng headphone dahil hindi naman ganon kaingay si Baby. Pero depende pa rin sa 'yo..."

"Vahrmaux Flight double O SPV is now on air..."

"Ohh Christ!" Naka pikit kong sambit nang tuluyan kaming umere."

"It's okay." Usal ni Spencer habang pisil ang aking kamay.

Pakiramdam ko ay mauubusan na ako agad ng hangin. Ni halos masuka ako nang subukan kong sumilip sa ibaba.

"Shit!" Sambit ko saka sumandal sa aking kinauupuan.

"Relaxed. Just breathe!" Spencer said.

"My goodness! Oh my--"

"Ash come here..." usal ni Spencer habang kinakalas ang aking seatbelt.

Maingat niya akong ipinakandong sa kaniya. Nangangatog ang aking tuhod habang naka subsob ang mukha sa kaniyang leeg. Pakiramdam ko ay bumabaliktad na ang aking sikmura at anumang oras ay susukahan ko na siya.

"Ash can you hear me?" Tanong niya habang mahigpit akong yakap sa likod.

Tumango lang ako at nananatiling naka suksok ang ulo sa kaniyang leeg.

"Good. Look at me and listen..."

"Come on! I'm with you. Don't be afraid..."

Dahan-dahan akong nag angat ng ulo saka tumitig sa mga mata niya.

"Sabayan mo 'ko. Inhale... exhale... and then repeat!"

"Smile! You can do it!"

Ngumiti nga ako at ipinag patuloy ang pag relax.

"Close your eyes..."

"Isipin mo yung lugar na gusto mo puntahan..."

Ngumiti ako ng ma-imagined ko ang Paris...

"Then, open your eyes."

Dahan-dahan akong dumilat saka sumilip sa bintana. Sa isang iglap, naiwaksi ko ang takot at kaba sa aking dibdib. Ngayon ay tanaw na tanaw namin ang lawak ng MAKATI at TAGUIG.

"Wow..." sambit ko saka napanganga.

"Ang ganda pag masdan ng mundo di ba?" Mahina niyang sambit habang naka tulala ako sa labas.

"Sobra!" Masaya kong sabi habang nananatiling naka yakap sa kaniya.

"And I am blessed to have a wonderful world. I found her now."

Marahan ko siyang nilingon matapos niyang mag salita. Animo'y anghel akong tinubuan ng pakpak nang maramdaman kong lumulutang ako sa ulap habang naka titig sa kaniya.

"I was surprised when Spencer claim my lips without any warning."

"First time ko na pupunta sa cebu. Can you make it memorable?"

"Ngumiti ako dahil sa narinig. Ngumuso ako sa itim na kama na nasa likod ng aming kinauupuan. Saka tumitig muli kay Spencer."

"You want me to take in that bed?" He asked.

I nod.

"Do you love chili?" Tanong niya dahilan para mag angat ako ng tingin sa kaniya.

"No...?" Sagot ko.

"Sorry then. I can't take you to the black bed." Sambit niya.

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Napabuntong hininga ako dahil sa pagka dismaya. Naka nguso akong tumitig sa itim na kama habang nananatiling naka patong kay Spencer.

"Gg-gus-to ko ron..." I said with puppy eyes.

"Are you sure?"

"Yes."

"Let me tell you a secret Ash..." bulong niya na halos kilabutan ako ng tumama sa akin ang malamig niyang hininga.

"What is it?" Pag tataka ko.

"I'll take you there but If only you could passed the challenge." Naka ngisi niyang sambit.

"Deal." Tipid kong sagot.

May kung anong bagay siyang kinukuha mula sa aking likod. Nagulat na lang ako nang tapalan niya ng makapal na pulang tela ang aking mata.

Napa ngiti dahil inuulan ako ng excitement sa sunod pa na mangyayari.

"Oww What's that?"

Tanong ko ng maramdaman ang bagay na matulis sa kaniyang labi.

"Easy..." sambit niya saka humahagikgik.

"I'm ready." Usal ko ng may saya sa labi.

"Bite and chew this thing in my mouth. Ash..."

"Oops!" Sambit niya ng ilihis ang kaniyang ulo nang akmang susunggaban ko ang kaniyang labi.

Mahigpit niyang akong ikinulong sa kaniyang bisig dahilan para mas lalo akong matakam sa bagay na nasa kaniyang bunganga.

"Come on! Nat-" di niya na natapos ang sasabihin niya ng bigla kong nginuya iyon na halos pag sisihan ko...

"Ouhhh! Shit!" Sambit ko ng balutin ang aking bunganga ng anghang dulot ng siling labuyo na walang buto.

"You're blushy now..."

"Aaaahh! Fvck! I hate you--!"

Natatawa siyang binuhat ako at ipinahiga sa kamang napakalambot.

"Rosy red cheeks as blood make you fvckable! Natasha..." chuckle

"Owned your price now..." sambit niya matapos akong abutan ng wine.

"Aaaahh... grabe... sobrang anghang... ahhh..." maluha luha kong usal.

"Spencer?" Tawag ko sa kaniya matapos kong maramdaman ang kung anong bagay sa aking inumin.

Inalis niya ang aking fold. Napangiti ako ng makita ang hawak kong wine glass na mayroong diamond necklace.

"Ohh! Diamond--"

"That's for you... -"

"Ang ganda..." sambit ko.

"You deserved it." Sambit niya saka iyon isinuot sa akin.

Pumikit ako habang salat ang batong diyamante. Ngayon lang ako nakatanggap ng ganito ka espesyal na regalo mula sa isang lalaki.

"Thank You." Usal ko.

Ngumiti lamang siya saka ako siniil ng halik sa aking noo. Hindi ko na alintana ang napaka anghang na sili na aking nginuya. Dahil ngayon ay mas nangingibabaw sa akin ang labis labis na kaligayahan.

"At sa huling pag kakataon, nang marating namin ang Cebu, naisakatuparan naming dalawa ang nais ng damdamin na uhaw sa pag ibig ng isa't-isa."

Pilot: Sm sea side. 30 hectare lifestyle complex...

"Wow! Ang lawak ng cebu!" Sambit ko habang naka tingin sa screen.

Pilot: SM sea side tower

gross leasable area of 470,000 sq m...

"Mag handa ka. Mag te take off na tayo." Naka ngiti niyang sabi habang sinusuklay ang aking buhok na naka lugay.

Ligtas kaming nag take off sa SM tower. Dahil sa jet log kaya medyo nananakit ang aking ulo.

Agad kaming sumakay sa Puting Van na nag hihintay sa amin. Kanina ko pa nahuhuli ang aking sarili na naka ngiti. Gayon din si Spencer na napaka presko ng mukha. Naupo kami sa pinaka dulo ni Spencer na mag pa hanggang ngayon ay hindi magawang bumitaw sa akin kahit pa isang saglit.

Tumuloy kami sa isang exclusive hotel kung saan kami nag pa book. Kaniya-kaniya kami ng kuwarto maliban lang sa amin ni Spencer dahil mag kasama kami. Malapit kami sa beach kung saan kilala rin na toplist sa most tourist spot sa cebu.

Magkakasama kaming kumain sa hotel at sabay sabay na nanaghalian. Lingid sa aking kaalaman, kasabay rin pala namin ang dalawa pang investor dito sa cebu. Si Mr. Riku Takahashi na isang JaPinoy (Japanese at Pinoy) at ang lubos kong hinahangaan si Vince Augustine Vegas.

"Mag katabi kami ni Spencer at nasa aking harap naman naka upo si Vince. Napaka suwerte talaga ni Bebang sa kaniya dahil tulad ni Spencer, napaka perpekto ng kaniyang mukha. Bagay na bagay sa kaniya ang pagiging moreno na mas lalong nagpapalitaw sa kaniyang kakaibang karisma.

"Vince, where's Mr. Albert?" Tanong ni Spencer habang nag i-slice ng beef.

"Busy sa ibang bagay... kaya ako ang tumatayong representative." Tipid na sagot niya at seryoso. Saka ipinagpatuloy ang pag kain.

Mukhang totoo siguro yung kumakalat sa internet na nag hiwalay na sila ni Yaofa...

"Are you okay?" Tanong ni Spencer ng mapansin ang pag titig ko kay Vince.

"Yeah." Tipid kong sagot saka kumain.

"Sa hinaba ng tinakbo ng usapan nila about sa business, hindi ko inaasahan ang Personal na katanungan nila about kay Spencer."

"Spencer, I heard ikakasal ka na this october?" Usisa ni Riku Takahashi.

"Napahugot ako ng malalim na hininga dahil sa takbo ng usapan.

"That's not true." Sagot ni Spencer saka tumawa.

"You are Natasha. Right? I still remember you. don sa Art Exhibit?" Sabat ni Vince na kumindat sa akin.

Mukhang iniligaw niya ang usapin about sa kasalan. Siguro ay napansin niya na hindi kami komportbale na talakayin iyon. Lalo tuloy akong humanga sa katalinuhan niya.

"Ako nga. Buti naman naaalala mo pa ako." Naka ngiti kong sabi.

Agad kong binawi ang ngiti ng makita ko ang nanlilisik na titig sa akin ni Spencer kahit pa naka ngiti siya. Napalunok laway na lang ako ng mapansin ko ang pang gigigil niya sa pag hiwa ng beef.

"Of course! Minsan ko lang makita si Spencer na nag dala ng bukod tanging babae na kasing attractive ng wife ko." Naka ngiti niyang sabi dahilan para mamula ang aking pisngi.

"And what do you think makes her attractive?" Suwabeng himig ni Spencer habang naka titig sa akin.

"Her long shiny hair..." sagot ni Vince nang di nag aalis ng tingin sa hapag.

Pinasadahan ni Spencer ang aking buhok na abot sa aking bewang. Bahagya akong tumiklop ng makita ko ang kaniyang pag igting panga.

"Spencer?" Pag tawag ko sa kaniya nang pumasok kami sa aming room.

Kanina pa kasi siya hindi umiimik buhat ng matapos ang lunch. Di niya ko pinansin sa halip ay diretsyo siyang tumungo sa bathroom. Habang ako ito, iniisip kung saan ako nag kamali. O may nagawa nga ba akong mali?

"Natasha!" Sigaw niya na halos dumagundong ang comfort room sa lakas ng boses niya.

"Agad akong tumungo sa kaniya hinanda ang aking katawan sa anumang puwede niyang gawin. Gayon din ang aking pandinig."

"Come. Join here." Utos niya habang naka higa sa bathtub.

Inalis ko ang aking damit at panloob na saplot. Tanging diamond necklace lang ang natitira kong suot.

"Careful." Sambit ko nang bigla niya akong hinatak at pinatungan.

Binuksan niya ang shower saka ako hinalikan. Ginantihan ko iyon ng buong pag mamahal.

Sunod ay binuhat niya ako saka ipinaupo sa sink. Sa harap ng salamin.

Ibinuka niya ang aking binti dahilan upang maramdaman ko ang kaniyang naka tindig na trono sa pagitan ng aking mga hita.

"Stop seducing Vince--" sambit niya sa kalagitnaan ng aming halikan.

Nanlaki ang aking mga mata at napa tigil. Saglit siyang ngumiti bago ako sunggaban ng mas nag aalab na halik, habang sinasabunutan at sinusuklay niya ang aking buhok gamit ang daliri.

"Uhh..." ungol ko nang bumaba siya ng halik sa aking leeg. Dahilan para mapaliyad ako.

"Ako lang Natasha..." sambit niya habang himas ang aking dibdib.

"Ikaw lang--" sambit ko habang naka pikit.

Saka lamang ako dumilat ng huminto siya. Ngumisi niya habang pinag mamasdan ako. Napataas ang aking kilay dahil sa kakaibang kilos niya.

Napukaw ng aking atensiyon ang kanang kamay niya na mayroong hawak na gunting.

"I love your new hair style..." Spencer said huskily.

Nanlaki ang aking mga mata nang dahil sa kaniyang sinabi. Bumaba ako saka dahan dahan humarap sa salamin.

Nag salubong ang aking kilay at mariin kong kinagat ang labi ng makita ko ang aking iningitan at inilagaan na buhok sa loob ng ilang taon ay halos kapantay na lang ng aking balikat. Naroon pa sa sink ang kaputol nito.

"Bakit-"

"Masyadong eskandaloso ang buhok mo para mapukaw ang atensiyon ng ibang lalaki. Ako lang Natasha. Ako lang..." nakangisi niyang sagot saka ako hinalikan sa aking batok.

Kung ganon, dinibdib niya yung sinabi ni Vince Augustine kanina?

"I hate Vince for chasing my Possession..." sambit niya sabay halik sa aking pisngi.

Matapos naming maligo, saglit kaming nag laan ng oras para mag pahinga. Dahil mamayang alas-sais ay kinakailangan namin mag tipon sa labas ng beach. At siguradong pag uusapan mamaya ang aking buhok.

"Trixie! Trixie! Dad please! Give me two months to decide...-"

"Fine! In your eyes, she's perfect! Ideal! Wife material then, marry her dad!---" call ended.

"Spencer?"

"Kanina ka pa b--"

"Hindi ko sinasadya."

"I'm sorry Ash..."

"Don't be sorry. Ang mahalaga, nagkaka intindihan tayo. Right?" Usal ko habang pinipigilan ang luha.

"Tara na. Kanina pa tayo hinihintay sa labas." Usal niya.

Naka sando lang siya at pajama. Habang ako naman ay naka denim dress.

"Ang tagal niyo naman yata masyado!" Naka ngising sabi ni Tyrone habang naka upo.

Kompleto kaming lahat maliban sa nutritionist at secretary ni Spencer na ngayon ay nag papahinga na.

"Sorry ang bagal ko kasing kumilos..." nahihiya kong sabi.

"Ang bagal kumilos o nag kantahan pa kayo ni Spencer?" Tukso ni Tyrone dahilan para mag tawanan ang iba pa naming kasama. Sinamaan naman siya ni Spencer ng tingin dahilan para tumigil siya.

"Oh nag pagupit ka?" Naka ngiting tanong ni Vince.

Sasagot pa lang sana ako nang bigla siyang muling mag salita.

"Mas lalo kang gumanda..." usal niya sabay lagok ng alak.

"Thanks." Seryoso kong sabi kahit pa pumapalakpak ang aking tainga.

"Inuubos niya talaga ang pasensiya ko..." bulong ni Spencer.

Susmiyo! Baka mamaya kalbuhin niya na ako!

Naka upo kami sa buhangin at nasa gitna namin ang mga kahoy na sinigaan. Mula sa malayo tanaw na tanaw ko si Mr. Riku na napapalibutan ng mga babae.

Alas siyete y media na at mas lalong lumalamig. Saglit na nag paalam sa amin si Spencer nang tumunog ang kaniyang phone. Sinamantala ko naman ang makipag kamustahan kanila Marco, Tyrone, at Vince.

Napag alaman ko na nag hiwalay pala si Vince at Yaofa nung Valentines day. Napaka lungkot ni Vince habang nag kukuwento. Lalo na nung ikuwento niya na nakunan si Yaofa at first baby nila iyon. Kaya sana lang magkabalikan sila. Sana mahanap niya na si Yaofa. Kapag nangyari yon, ako ang unang masisiyahan para sa come back nila.

Si Marco at Tyrone naman ay naging barkada ni Spencer sa Maynila. Napaka liit ng mundo para sa aming lahat. Yung idol ko noon, kausap at kaharap ko ngayon.

Dumaan ang halos kuwarenta minutos pero hindi pa bumabalik si Spencer. Nag paalam na ako sa kanila para hanapin siya kung san man siya naroon. Sakto naman dahil inaantok na sila at napagod na rin ng husto.

Papasok pa lang sana ako ng hotel ng makita ko si Beatrixie na humalik pa sa pisngi ni Spencer.

"Bea?" Sambit ko.

"Niyakap pa nila ang isat-isa habang nag tatawanan. Tumakbo ako palayo sa kanila. Kailangan kong tanggapin, hanggang dito lang ako sa buhay ng lalaking mahal ko. Ang mag panggap at itago. Habang buhay."

Naupo ako malapit sa paanan ng dagat. Tinitingala ang langit at kinakausap ang buwan habang lumuluha.

"Come up to meet you..."

Napalingon ako sa lalaking umaawit kasabay ng pag tugtog ng gitara.

"Tell you I'm sorry

You don't know how lovely you are ..."

Isinandal niya ang kaniyang ulo sa aking balikat nang tabihan ako.

"I had to find you...

Tell you I need you

Tell you I set you apart..."

Hinawakan ko ang kaniyang pisngi habang patuloy ang pag agos ng aking luha.

"Tell me your secrets

And ask me your questions

Oh let's go back to the start..."

"Spencer..." humikbi kong sambit.

Itinabi niya ang hawak na gitara saka ako hinarap.

"Tell me a lie..." lumuluha kong sabi.

"I don't love you. Ash." Seryoso niyang sabi habang diretsyong naka titig sa akin.

"I know. I can feel it Spencer."

Usal ko sabay hinga ng malalim habang yakap siya ng mahigpit.

"Tell me a secret. Natasha..."

Usal niya saka ipinag lapit ang aming mukha.

"I'm in pain..." "I am weak..." "I need you..." "Ako na lang."

Lumuluha kong sabi habang pinupunasan niya ang aking pisngi.

Wala akong nakuhang kahit na anong sagot mula sa kaniya. Ni hindi ko nakitaan ang kaniyang mukha ng anumang ekspresyon. At napaka sakit non para sa akin. Mukhang aasa lang talaga ako sa wala. Ano ba ang pakiramdam ng ipaglaban? Ayoko man sanang tanggapin pero, mukhang unti-unti ko na nauunawaan ang pangaral ni Mamá...

"Ang tunay na nag-mamahal, ang siyang laging taya..."