Bookstore Deities
Blank
Scratch 18
-*-*-*-*-*-
"Alis!" singhal niya sa aso. Ngunit lumapit uli ang gusgusing aso at tinignan siya gamit ang nagmamakaawa nitong mga mata. "Arf, Arf."
"Fuck! Alis sabi! Alis!" pagmumura niya pa habang pinagsisipa ito nang malakas. Tumalbog ang aso at lumapat ang kanyang tagiliran sa magaspang na bahagi ng semento.
"Bwisit ka. Bwisit ka rin katulad ni Nicco!" sigaw ni Andy saka tinalikuran ang aso. Pupunta siya sa isang lugar kung saan walang mga salot, bobo, at bwisit na madaya na pabida pa sa buhay niya.
-*-*-*-*-*-
Lintik lang ang walang ganti. Itaga man sa bato, magkamatayan man. Ibibigay ni Andy ang hustisya na para sa kanya. Abala si Andy sa pagguhit ng susunod niyang biktima nang lumapit sa kanya si Charlotte. "Andy—" mabilis na isinarado ni Andy ang kanyang drawing book, dahilan para tumalon at mapahawak sa dibdib ang lumapit na si Charlotte.
Patay malisya naman siyang sumagot. "Ano yun?"
"May itatanong sana… ah, nevermind. Eto nga pala ang phone mo. Nahulog mo kanina. Sorry nga pala natapakan ko kanina."
"Thanks, pero sana itinapon mo nalang 'to. Nag-aksaya ka lang ng effort sa pagpulot."
"Sana itinapon mo nalang 'to." Katulad ng pagtapon niyo ng mga letters at cards?
"Itapon… Paano ko itatapon ang isang Iphone X?" gulat na komento ni Charlotte sa kanyang isip. Naloka si Charlotte don.
Hindi rin biro ang halaga ng cellphone na iyon. Yung iba nga ay kailangan pang magplan at unti-unting bayaran ito bago makuha ang isang Iphone X tapos siya, itatapon lang? Kung makatapon naman ito, akala mo isang disposable na cup lang ang Iphone X?
May kaya rin naman si Sigmund pero bakit hindi naman siya ganyan?
"Ah.."
"Dalhin niyo raw yung mga materials niyo para bukas. Gagawa tayo ng props tapos sa susunod na araw, last rehearsals for sabayang pagbigkas. Tsaka, pwedeng kayo nalang magdrawing at magpaint ng props? Alam mo naman, di kami talented sa arts chuchu, eh."
"Sure."
"Sige, Salamat!"
Sinundan niya ng tingin ang paalis na si Charlotte. Mabuti na iyong sigurado. Muntik na yun. Mabuti nalang at mabilis ang kanyang reflex.
"Domeng alert! Domeng Alert!" sigaw ni Ark. Parang mga daga namang nagsitakbuhan pabalik sa kanilang mga upuan ang lahat. Mabilis rin nilang inayos ang kanilang mga upuan at nagpulot ng basura.
Taas-noong naglakad papasok ang kanilang guro sa Araling Panlipunan: Si Ginoong Domingo o mas kilala bilang si sir Domeng. Inilapag nito ang kanyang class record at pencil case sa table.
Hindi na kailangan pa ng visual aids, dahil ididikta niya lamang ang kanyang lesson. May libro naman ang kanyang mga estudyante. Bahala na silang sumunod. Sa ganitong paraan niya hinahasa ang pandinig at pagiging alerto ng kanyang mga estudyante. Dahil hindi lahat ng bagay sa buhay ay isinusubo.
Ang trabaho niya ay magturo. Ang obligasyon naman ng kanyang mga estudyante ay matuto- kasali na roon ang matutong magsikap nang kanya-kanya. "Magandang umaga sa lahat," panimulang bati niya sa III- Cassioppiea.
Nagsitayuan naman ang lahat nang tuwid at sabay-sabay na bumati. Takot nalang nilang mapagalitan ulit katulad ng nangyari last meeting. Nakakatakot talaga si sir Domeng. Parang may martial law sa loob ng classroom. Isang pagkakamali, isang maling galaw, malilintikan ka talaga.
"Itago ang lahat ng inyong mga notebook at libro. Wala dapat akong makikita na kahit na anong gamit sa inyong armchair. Lahat ng bag, ilagay sa harap. Pagbilang ko ng sampu, wala nang laman yang upuan ninyo, maliwanag? Naintindihan niyo ba?"
"Yes sir."
"Mabuti. Magsisimula na ako. Isa! Dalawa!" Nagsitakbuhan ang lahat papunta sa harap, bitbit ang kanilang mga bag. "Ano yan! Ryan! Bakit may panyo dyan? Kapag sinabi kong WALA AKONG MAKIKITANG GAMIT, IBIG SABIHIN NUN, WALA! Mahirap bang intindihin iyon? Gusto niyo bang mazero sa graded recitation? Sagot!"
"H-hindi po sir. Sorry sir," paghingi ni Ryan ng paumanhin. Hindi pwedeng mazero! Manganganib ang kanyang scholarship.
"Tatlo! Apat! Lima!" nagpatuloy si ginoong Domeng sa pagbibilang hanggang sa umabot sa sampu.
"Simple lang naman ang patakaran. Sagutin niyo nang tama ang tanong, may fifty points kayo. Kapag mali, walang iskor. Kapag nagpaturo o nagturo kayo ng sagot sa inyong kaklase, automatically, zero. Maliwanag? Wala akong pakealam kung nakapag-aral kayo o hindi. Nakapag-aral o hindi, mangyayari ang quiz," sabi ni ginoong Domingo habang tinitignan nang matalim ang kanyang mga estudyante. Napapatango na lamang si Van at Sharry dahil sa kanila talaga nagtatagal ang tingin ng guro.
"Ang unang tanong." Parang nanigas ang lahat sa kanilang mga upuan. Daig pa ang tumakbo ng isang kilometro sa lakas ng tibok ng kanilang puso. Ang iba ay nananalangin na sana hindi pangalan nila ang matawag.
Ang iba naman ay bumubulong na sana sila ang maunang matawag para matapos na kaagad ang kalbaryo. Sa isip pa nga ni Ryan, sana kasali siya sa mga pinakaunang matatawag para madadaling tanong ang kanyang makuha. Jackpot kung saka-sakaling ganun ang mangyayari. Ngunit sa kasamaang palad….
"Ibigay ang petsa kung kailan itinayo ang mga pyramid sa Ehipto at magbigay na rin ng isang maikling buod ng mga pangyayari sa mga taong iyon."
Aray naman! Napakahirap ng tanong! Double Kill sa ML kumbaga. Nagkamali ng inakala ang lahat. Akala pa naman nila, porke first question ay magbibigay muna ng madadaling items ang guro. Yun pala, wala talaga itong patawad.
Nagsimulang umikot ang mata ni sir Domingo sa buong classroom, naghahanap ng estudyante na mukhang kabado. Yung tipong mukhang di nakapag-aral para maturuan ng leksyon.
Napalunok si Ryan.
Nanuyo ang lalamunan nina Lexine at Charlotte.
Kungyari pacool at kalmadong nakaupo sina Julian at Blue.
"Kaya ko'to. Sigmund Yanson kaya mo yan." Si Sigmund naman ay pinipilit na pakalmahin ang sarili sa pamamagitan ng pag-po-positive self-talk.
Kung kakamustahin niyo ang loko-lokong magkambal, well, pangiti-ngiti lang si Andy habang nagbibilang. At si Ark, tahimik na nag-aantay sa mga mangyayari. Mas excited siya sa pakulong inihanda ng kanyang kakambal kesa sa pag-abang sa mga mukha ng kanyang mga kaklase na mukhang natatae.
1…. 2….3….
"Tumayo ka, Niccolo." Napangisi si Andy. Heto na.
Kinakabahan man, pokerface pa rin si Niccolo. "Shit. Bakit ako pa?" aniya sa kanyang isip. Tumayo nga siya kagaya ng dapat ngunit nanatili siyang nakatayo ng ilang segundo nang hindi nagsasalita. Tinignan niya lamang nang tagusan ang naghihintay ng sagot na guro.
"Baka naman gusto mong sumagot, Niccolo? Sasagot ka o maze-zero ka?" pagbabanta ng guro. Kumukulo ang dugo niya, ah. Loko-lokong estudyante. Tinatanong ngunit walang sagot? Titignan ka lang na parang walang pake? Jusmiyo!
Napipilitan man, ibinuka na lamang niya ang bibig para sumagot. Bahala na. Manghuhula na lamang siya. "Sorry, sir. 156 B.C. po~" Ngunit laking gulat niya, nang pakanta siyang sumagot. Malalim pa naman ang kanyang boses, tipong parang galing sa ilalim ng lupa na klase ng boses.
Nanlaki ang mga nanlilisik na mata ni Ginoong Domeng. Mali na nga ang sagot, bastos pa! Strike two na sa kabastusan ng batang ito. Mukha ba siyang joke? His class is never a joke!
"NICCOLO! LABAS!"
"Sorry sir~ yeah~ Hindi ko po sinasadya~U-huh. "Ngunit kanta lang ang lumalabas sa kanyang bibig. Hindi niya alam kung bakit hindi niya makontrol ang sarili. Nakakainis!
"PFFT." Nagpipigil ang lahat sa pagtawa, lalo na ang limang itlog.
Parang tanga! Parang baka na kumakanta, alam niyo yun?
The best. This is the best revenge, courtesy of Anderson Dela Vega's drawing. Salamat sa papel ni Ppela, nagagawa nilang kontrolin kung sino ang gusto nilang paglaruan. Their life is always entertaining.
HAHAHA! Tahimik na nakangisi sa isang tabi ang salarin. Sa wakas, nakaganti rin si Andy. "Victory," bulong niya sa kanyang isip.