webnovel

CHAPTER 5 ( TRINA BURSIO)

Trina bruso

Dec 6 2022 6:00 pm

( Tinagong Beach Resort room 27)

" Kamusta  Ka miss Trina bursio?  maupo Ka " bati ni Mr Fuentes bago naupo si Trina. " Maaliwalas Ang mukha mo.. maamo.. Tama.. mukhang  handa Ka Naman.. miss. Trina.. gusto ko lamang ipaalam saiyo na ang lahat Ang magiging salaysay mo ngayon ay nakarecord.. maganda Kang bata..mukang di ka sinungaling..
Maasahan ko ba na lahat na iyong isasalaysay ay pawang katutuhana lamang" Wika ni Mr Fuentes.
" Kung ano lamang Ang ginawa ko..kung ano lamang Ang mga bagay na napansin ko at kung ano lamang Ang lahat ng nangyari ng gabing iyon.. iyon lamang Ang sasabihin ko" wika ni Trina. " Magaling kung ganoon. Ngayon miss. trina maari mo nang ibigay ang salaysay mo" wika ni Mr Fuentes.

" Mga alas tress hapon...tama.. ganong Oras kami dumating ni Rian dito.. pero Hindi kami sabay na umalis sa manila.. Hindi kase  iyon ang unang Plano.. kung Hindi man Ako maihahatid Ng boyfriend ko.. sasabay nalang sana Ako Kay Rian... pero dahil malakas si Julia Kay papa.. pinayagan Ako ni papa na gamitin ang kotse  nya..bali.. nagkita  lang kami ni Rian sa  Isang gasulinahan malapit Dito bago nga kami sabay na dumating dito.. naalala ko.. Nakita namin si Julia nasa lobby na sya.. di na namin sya agad nilapitan Kase may kausap sya sa telephono..

Pag dating namin malapit sa  kwarto agad kami tinawag ni Julia bago kami kumatok Dito sa room 27.  si jaica ang nagbukas ng pinto.. si  Elenie Naman ay nagpapahinga sa kwarto.. pagtapos noon nagpahinga na Muna kami ni Rian sa kwarto namin..   kami Kase ni Rian Ang magkatabi sa kwarto.. bali Wala pa si Jane noon nalate sya.. oo tama nalate sya noon.. may hangover daw Kase sya.. Pagkatapos noon mga bandang alas kwarto ng hapon.. pumunta na kami SA beach  noong nandoon na kami sa  cavana biglang dumating si Jane.. nakakapagtaka nga...Hindi sabay si Julia at Jane na dumating dito madalas kase sila ang magkasama.. Dito Naman Kay Rian ayaw nyang sumabay Kase malakas manigarilyo si Rian at ayaw ni Jane na nakakaamoy ng sigarilyo kapag may hangover sya.. noong kumpleto na kami tyaka kami Kumain ng sabay sabay.. after noon uminum narin kami.. naalala ko habang kumakain kami.. may tinanong si Julia saakin.. Nakita nya raw ung sako sa likuran ng kotse ni papa.. ang totoo di ko talaga alam  kung bakit may sako doon o may sako ba talaga doon.. nagkuyari nalang Ako na alam Kong may Sako Doon.. sabi ko pa nga.. buko ang laman noon na na naiwan ni papa.. pero di ko talaga alam kung may Sako doon.. pakiramdam ko binuksan nya lang talaga iyon nang di ko alam.. madalas kasing ginagamit ni Julia ung sasakyan ni papa.. kabisado nya iyon.. kaya Hindi na nakapagtataka na mabuksan nya agad iyon kahit Wala syang susi.. nagbiro pa nga Sila na Kunin ko raw ang mga buko para gawing buko salad.. pero Hindi iyon nangyari.. at nagpatuloy na nga  kami sa inuman. Nung nakaramdam na kami ng kaunting Hilo dahil sa whisky ay agad kami naglaro ng do or shot.. papaikutin mo ung  bote at kung kanino patatapat ang bote sya Ang uutusan namin.. kung ayaw nyang Gawin ung inuutos namin iinumin nya Ang isang shot ng tequila..ayuko talaga Ng tequila..dirty dance mas madali iyon saakin.. kaya ginawa ko  iyon.. di ako kaseng lakas nilang uminom Lalo si Julia.. saamin Ako Ang pinakamahinang uminum...  Naalala ko pa.. nakakatawa ang isang ito.. kumuha kami ng mangga.. ay Hindi mali.. si jaica Pala Ang inutusan ni Julia na kumuha ng mangga.. Nakita ko Doon na Palihim na binulungan ni Jane si Julia na iyon ang e utos Kay Jaica... Nakakatawa talaga ang sandaling iyon..  mga tatlong beses sinubukan ni jaica na batuhin ang mangga.. bago sya nakakuha.. at noong malaman  Namin na masarap Pala ang mga magga Dito.. para kami mga Bata.. pinagbabato namin Ang ang mga Puno ng mangga para makakuha ng bunga nito.. at di pa kami nakuntinto.. halos lahat yata Ng Puno ng mangga doon ay pinuntahan namin..

Pagkatapos noon mga bandang alas syete bumalik na agad kami sa kwarto para magpahinga at mag bihis..noon nasa kwarto Ako.. nainip Ako.. ang tagal kasing maligo ni Julia kaya lumabas Muna Ako.. pakiramdam ko nga di nila napasin na lumabas ako..paglabas ko agad ko tinignan ung likod Ng  kotse ni papa... Wala Naman Ako sakong Nakita doon tulad ng sinasabi ni Julia.. babalik  na sana ako.. nang biglang tinawag Ako ng Isang staff dito.. nakakahiya kinausap nila Ako dahil Doon sa gimawa Namin na pagbato ng mga mangga at may mga bagay kaming tinamaan na di Namin alam.. tulad ng ilaw at marami pang iba.. Ako nalang ang huminge ng pasensya sa mga staff para sa mga Kaibigan ko at di ko nalang din binanggit sa kanila yong nangyarin iyon bago ako bumalik Dito sa kwarto. Mga bandang alas otso.. tinuloy nga namin Ang inuman.. naalala ko habang kumkanta si Rian ay sumasayaw naman kami ni Jaica..sabi ko pa nga Kay Jaica na nahihilo na ako..pero pinagtawana nya lang ako..

tapos biglang lumabas si Julia galing CR.. mukha na sya lasing dahil amoy alak na talaga sya...di ko lang maintindihan Kong naghilamos lang ba sya o naligo talaga..dahil napansin ko.. buhok nya lamang ang basa at di man lang sya nag palit ng damit.. o baka di nya na iyon nagawa dahil sa kalasingan... pero ang  pinagtataka ko...alam nyang  lasing na  sya.. pero bakit ininum nya parin yong beer na binigay ni Jane.. nagsuka tuloy sya.. at nasukahan nya si Jane.. alam ko nagalit sa kanya si Jane kaya Doon.. kaya sinabihan na lamang sya ni elenie na magpalit muna.. Ako naman ay kinausap ko nalang si Julia at sinabingsinabingp hayaan nalang Muna si Jane..bago ko sya pinagpahinga...mga isang Oras ang lumipas habang nagkakasiyahan kami nila Jaica, elenie  nagulat kami  nang biglang tumayo si Julia.. Akala ko mahimbing na Ang tulog nya..pero tumayo sya at agad nyang pinatay Ang karaoke.. at Mula Doon marami na syang sinasabi..  nagdadrama na sya.. at humihinge ng tawad saamin dahil sa mga nagawa nya.... Oo Malaki ang kasalanan ni Julia di lamang saamin.. pati narin sa ibang tao.. aaminin ko malaki Ang utang na loob namin sa kanya dahil marami sya naitulong saamin.. pero.. ang hirap isipin na tumutulong lang sya para may maisubat lamang sya saamin.. iyong pag papaopera ni mama. Oo dahil iyon sa kanya..at nagpapasalamat ako sa kanya dahil doon.. pero pagkatapos noon madalas nya na akong inuutangan.. sabi nya kase babayaran nya agad..pero Hindi..  naulit pa iyon ng naulit.. sa subrang hiya ko nga sa kanya nangutang nalang ako sa ibang tao..para mapautang sya.. Hanggang parang nabayaran ko na ung ginastos nya Kay mama.. subra pa..pero ayos lang iyon.. matapos iyon  alam ko nang nahihilo na ko kaya umupo muna ako sa isang tabi para mag pahinga..mahaba Ang Gabi iyon .. kaya inalalayan ko nalang muna ang sarili ko sa pag inum.. Basta Ang naaalala ko.. nag uusap si Jane at Rian SA balcony.. mga bandang 10:30 iyon pero hinayaan ko nalang sila.. mga bandang alas onse  ng gabi napansin ko na paalis alis na sila sa kanilang kinauupunan kaya nagdahan dahan ako na tumayo para pumunta sa CR nararamdaman ko kase na masusuka na ako..grabe.. matagal Ako Doon sa loob...akala ko nga Doon na ko makakatulog.. naalala ko rin kumakatok pa si Jaica Nung nasa loob ako ng Cr pero di Ako nag sasalita.. na nasa loob ako..  alam ko kasing kukulitin lamang Ako noon..pag nalaman nyang nasa loob Ako ng CR. Noong naramdaman kona na medyo ayos na ako ay lumabas na ako ng CR at agad na bumalik sa upuan at umupo.. pero..ramdam kosa sarili ko Hindi ko na talaga kaya uminum.. kaya nag paalam na  ako  sa kanila na magpapahinga na ako dahil Hindi ko na Kaya... Narinig ko pa nga si Rian na nagaalala dahil kawawa nanaman daw sya dahil malakas akong humilik pag nakakainum kaya ang ginawa ko sinarado ko nalang iyong kwarto namin.. Hindi ko Rin alam kung bakit ko iyon sinara.. tyaka alam ko Naman na kahit saan Dito ay pwedeng matulog si Rian.. kaya pag ka lock ko kwarto agad na Kong natulog.. at kung anuman ang mga sumunod na nagyari.. Hindi ko na alam.. nagulat nalang ako kinabukasan  nagising Ako kase may doorbell Ng doorbell sa pintuaan namin tunog din ng tunog ang landline namin.. pag Tayo ko agad kong tinignan ang mga Kasama ko.. Nakita ko si Jane at Rian na Ang magkatabi sa kwarto..  binunot ko pa nga ung charger ni Rian baka Kase ma overcharge ang Cellphone nya si Jaica naman at Elenie ay mahimbing din ang tulog.. pero pinagtataka ko wala Doon si Julia.. kaya naisip ko na baka si Julia Ang na yong kumakatok.. pero nang buksan ko yung pintuan nagulat ako ...Kase may dalawang pulis na sa harapan ko... Doon tinanong nila Ako Kong Kilala ko Julia.. sinabi ko na oo.. at kaibigan namin sya.. pero noong Nakita kong hawak  ng mga pulis ung mga sunog na gamit ni Julia Doon kinabahan nako.. kaya agad kong pinapasok ang mga pulis at agad Kong ginising ang mga Kasama ko.. at. Doon nga ipinaliwanag lahat saamin ng mga pulis ang nangyari Kay Julia.