webnovel

TAPATAN?

Walong buwan ng nakatira sa apartment nila Amanda si Marvin kaya naman halos walong buwan narin silang magkaibigan.

" so sino siya?" tanong ni Charlotte saka itinuro si Marvin na parang prinsesa kung kumain ng cake.

Nasa cafe silang apat.

Oo, magkakasama sila.

Si Miguel, Charlotte, Amanda at Marvin.

si Charlotte ay kanina pa pinagmamasdan si Marvin dahil pakiramdam talaga nito ay ito ang baklang kapitbahay ni Amanda pero dahil sikreto ito nila Amanda at Marvin ay kanina pa siya litong lito.

Sa kabilang dako naman, si Miguel na ang sama sama ng tingin kay Marvin.

" boarder namin si Ma---

" Darwin Andrew Rying, half Japanese half Filipino. Full blooded pogi nice to meet you" pagpapakilala nito sabay lahad ng dalawang kamay nito kina Charlotte at Miguel pero si Charlotte lang ang nakipagkamay sakanya na titig na titig parin sakanya.

" babe bakit ganyan ka makatingin, sorry pero taken na ako" sabi ni Marvin kay Charlotte saka niya ito kinindatan. Ito namang si Charlotte imbes na kiligin parang kinilabutan.

Samantala si Amanda pinapabayaan lang ang pangyayari. Gutom na gutom siya ngayon kaya nag fofocus siya sa pagkain ng meryenda.

" pasensya na pero hindi rin kita type. Kamukha mo lang kasi yung kapitbahay ni bestie na bakla." sagot ni Charlotte ng umiling iling si Marvin

" kakambal ko yon. Pero dahil lumipad na siya ng Japan at hindi na siya babalik ako ang pumalit sakanya. Wala ka namang problema doon diba? Bukod sa hindi ikaw ang nagbabayad ng upa ko"

Napakataray ng baklang to. Pagsabihan ko nga to mamaya.

" wala naman eto nagtatanong lang. Kain muna tayo ehehe"

" ay kulang tayo ng asukal. Wait kukuh---

Naputol ang sasabihin ni Amanda ng biglang si tumayo si Miguel saka ito na ang kumuha ng asukal.

Kumuha pa ito ng isa pang slice ng black forest cake saka ito inabot kay Amanda. May inabot rin siyang baso ng tubig kay Charlotte.

" sa akin ngay bro? Walang patubig?" nagpapaawang tanong ni Marvin ng hindi siya pansinin ni Miguel.

" hala busog na ako hin--

" kainin mo yan, kailangan mong magpataba tignan mo sarili mo ang payat payat." hindi alam ni Amanda kung galit ba si Miguel pero base sa tono nito para itong galit.

Ng matapos silang mag meryenda, naunang lumabas si Marvin kasama si Charlotte kaya naman naiwan silang dalawa sa loob. Si Miguel ang nagbayad ng kanilang mga kinain.

" sino yung lalaking yun?" tanong ng binata sa dalaga na busy sa pagdila ng ice cream na binili nila kanina.

" ah yun? Si Darwin" pagsisinungaling ni Amanda. Hindi niya pwedeng sabihing ito ang kaibigan niyang bakla kundi mapupunta sa wala ang plano nilang magkaibigan.

Pumayag siya sa plano na yun hindi lang dahil gusto niyang makuha ang damdamin ni Miguel ay kundi rin para matulungan si Marvin. Nakausap nito ang magulang niya kanina at halos matakot siya ng marinig ang galit na boses ng mga iyon.

" kakambal niya si Marvin, kilala mo naman yun diba? Yung becky kong friend" dagdag pa nito ng hindi tumitingin kay Miguel.

" matagal mo ng kilala yun?"

" oo" tumatango ito saka naunang naglakad palabas ng cafe ng hilain ni Miguel ang braso niya. Magkaharap na ang mukha nilang dalawa at konting agwat nalang malapit ng magdikit ang mga labi nila.

Bigla siyang napaatras.

" b-bakit?" nauutal nitong tanong.

Ito ang unang pagkakataon na sobrang lapit ng binata sakanya.

" tawagin mo ako kapag lalabas kayong dalawa. Wala akong tiwala doon. Tignan mo oh! Ang haba haba ng buhok parang adik" humaba ang nguso ni Miguel at tinuro si Marvin na rinig na rinig ang tawa nito mula sa labas.

Nagkekwentuhan silang dalawa ni Charlotte.

" ha? Anong mukhang adik? Ang astig kaya niya! Alam mo try mo ring magpahaba ng buhok baka sakaling maging astig ka rin" inalis ni Amanda ang pagkakahawak nito sa braso niya saka itinulak ang pinto ng cafe saka siya lumabas.

Anong problema ni Migs? Ang sakit niya magsalita.

Habang naglalakad papalapit sa dalawang kaibigan ay bakas ang ngiti sa mga labi nito. May pakiramdam siya na nagseselos si Miguel kay Marvin kaya ganoon na lamang kung umasta ito.

Hindi! Hindi! Wag tayong umasa.

Napailing iling nalang siya ng biglang hinablot ni Marvin ang ice cream nito saka siya na ang kumain.

Nanlaki ang mata ng dalaga ng ilang kagatan lang ay naubos na ni Marvin ang pagkain niya.

" shit ka Darwin!! bayaran mo yun!" dinakma ni Amanda ang leeg ni Marvin saka niya ito sinakal pero ang kaibigan ay walang tigil ang tawa.

Pati ang kaibigang babae na si Charlotte ay natatawa na rin sa gilid.

Sa kabilang banda naman ay ang papalabas ng cafe na si Miguel.

Natanaw niya ang biruan ng dalawa, si Marvin at Amanda.

"hoy! Itigl niyo nga yan! Para kayong mga bata!" sigaw nito sa dalawa ng matigil sila sa ginagawa nila.

" chill bro masyado kang mainit eh." sagot ni Marvin pero muli ay hindi na naman siya pinansin ni Miguel dahil nauna na itong naglakad.

Ng tuluyang mawala sa paningin nila ang binata ay saka lang nagsalita ang tatlo.

"anong nangyari doon?" walang ideyang tanong ni Charlotte.

" selos ata, mukhang gusto ka ng lalaking gusto mo congrats Amanda" tugon naman ni Marvin habang nakatingin sa malayo ng gulat siyang tinignan ng dalawa.

Si Charlotte na nanlalaki ang mata samantalang si Amanda na nakayukom ang kamao at handa na itong idapo sa bibig ni Marvin na walang preno.

"anong sabi mo/ ulitin mo nga?" halos sabay na tanong ng dalawang dalaga ng umatras si Marvin saka itinaas ang dalawang kamay na waring sumusuko.

"wag ako ang tanungin mo. Yang kaibigan mo hehe" napahalakhak si Marvin saka tinignan si Amanda na ang sama na ng tingin sakanya.

" lumayas ka! Ayokong makita ang pagmumukha mo ngayon!" malamig na tugon ni Amanda kay Marvin na ngingiti ngiti lang sa tabi.

" hey wag kang magalit sa akin. Magkwento ka na diyan sa bff mo dahil mukhang kailangan niya ng kwento haha sige paalam na baby!" nag flying kiss pa ito kay Amanda saka ito kumaripas ng takbo.

Talaga yung baklang yun!

Ng mawala na sa paningin ng dalawang dalaga si Marvin ay naningkit ang mga mata ni Charlotte kay Amanda saka nito hinila ang braso niya.

" ang unfair mo, sabi natin diba walang sikreto tapos eto? Kahit crush lang yan dapat alam ko yan! Kaibigan ba kita?!" madramang tugon ni Charlotte ng tignan siya ng masama ni Amanda.

"baliw!" tinulak nito ang noo ng kaibigan.

" sasabihin ko naman talaga sayo kaso nahiya kasi ako. Hello? Si Migs yun eh. Kababata ko slash bestfriend tapos nagustuhan ko. Nakakahiya sabihin diba? Nuba! Tsaka yang bunganga mo hindi rin mapigilan baka mabanggit mo kay Miguel" sunod sunod niyang paliwanag ng mapang asar siyang nginitian ni Charlotte.

"yiiieeee!! ang bestfriend ko dalaga na! Dalaga na siya! Mag crush na siya. Pero wait, sasabihin mo ba kay Miggy?"

" hindi ko alam, parang ayoko na gusto" nalilito niyang sagot ng yugyugin ni Charlotte ang balikat niya.

Mas kinikilig pa ang kaibigan niya kaysa sakanya.

Halos nagtatalon na ito sa tuwa tapos titingin sakanya tapos titili na lamang bigla. Pinagtitinginan tuloy sila ng mga taong napapadaan sakanila.

" sabihin mo na baka mahuli ka pa! Tsaka mukhang may chance ka naman. Tignan mo nga kanina grabe siya kung makatingin kay fafa Darwin na akala ko yung kaibigan mong bakla" napacross arms si Charlotte saka napasandal sa poste.

" parehas kayo ng sinabi ni Darwin. May chance ba talaga ako doon?"

" meron! Ang saya kaya nun! Bestfriend tapos naging lovers! Kyaaaahhh! Parang korean drama lang ang peg!" kinikilig na tugon ng kaibigan. Napasabunot pa ito sa sariling buhok habang nagsisisigaw.

" ewan ko, andiyan si Anna eh alam mo namang gusto niya si Miguel diba?"

" oh tapos? Ikaw ang bestfriend ano ka ba! So magtatapat ka? Lika tulungan kitang gumawa ng love letter. Tapos ilagay natin sa bag niya haha!"

Napakunot ang noo ni Amanda kasabay ng pag ngiwi ng bibig niya.

"love letter? Ang luma nam---

" walakangpaki! Mas sweet yun!"

Hindi na siya nakapagsalita pa ng hilain ni Charlotte ang braso nito saka kinaladkad.

Habang patakbo silang naglakad ng matalik na kaibigan ay hindi niya mapigilan ang mapangiti. Gagawa siya ng love letter at ibibigay niya ito sa bestfriend niya.

Halong saya at kaba ang nasa loob niya.

Sana magustuhan ni Miguel ang gagawin niya.

Kaya ko to! Paiting! Aha!