webnovel

maghihintay parin

"ano ba babae! Hanggang kailan tayo maghihintay dito? Hindi mo pa ba ramdam na umuwi na yong Miguel mo? Gutom na gutom na ako oi" bagot na bagot na tugon ni Marvin.

Nakaupo sila sa sofa nila Amanda sa likod ng bahay kung saan amoy na amoy pa nila ang mabangong amoy ng adobo mula sa kusina kung saan nanay ni Amanda ang nagluluto.

"manahimik ka nga bakla! Nagtext siya sabi niya may dinaanan lang siya" mahigpit niyang hawak ang cellphone nito habang naghihintay ng reply kay Miguel ng parang batang nagmamaktol na si Marvin sa gilid.

Mahigit trenta minutos na ng umalis si Julius sa bahay nila pero ng magtext si Amanda na kadarating lang nila ay nagreply ito na babalik rin siya agad.

"ano ba yan! Tignan mo oh nilalamok na tayo!"

Puro palakpak ni Marvin ang naririnig sa paligid dahil pinapapak narin sila ng lipon ng mga lamok. Nangangati na rin ang mga binti nito dahil sa mga kagat ng lamok.

" hoy Amanda! Kumain muna kayo ng kasama mo dito! Sino bang hinihintay mo diyan? Itong batang to gabing gabi na nakatambay pa sa labas" pagtatawag ng nanay ni Amanda.

Bukod sa apartment, may ari rin ng isang tutorial academy ang ina ni Amanda kaya naman sa gabi lang niya ito naabutan. Kapag umaga pagkagising nito ay wala na sa bahay ang kanyang ina dahil sa trabaho nito. Ang ama naman nito ay nagtatrabaho sa abroad at ilang taon narin itong hindi umuuwi. Kumbaga, mag isa lamang talaga sa bahay itong si Amanda.

" yes mommy!" masigla namang tugon ni Marvin ng makatikim siya ng sapak mula kay Amanda.

" anong mommy ka diyan? Sabihin ko kay mama na ikaw ang umuubos ng pagkain namin eh kapag nakikikain ka dito tuwing tanghali. Eto ang yaman yaman pero walang pangkain" sambit ni Amanda saka naunang pumasok sa loob ng bahay, sumunod naman ang binata na nasa likuran lang niya.

" ako? Inuubos ang pagkain niyo? Asa ka noh! Marami kaya akong pera, mas mayaman ako sayo!" sumbat naman ng binata kay Amanda ng irapan siya nito.

" oo na oo na ikaw na mayaman. Sayang lang yaman mo kasi inuubos mo sa mga boypren mo"

Biglang nawala ang ngiti ng binata saka nag iwas ng tingin sa dalaga .

" oh! maang maangan ka pa!"

" oo na ikaw na the best ka na Amanda!"

Halos muntik ng mag away ang dalawa ng makatikim ng palo sa braso si Amanda galing sakanya ina.

" ano ka ba namang bata ka. Wag mong awayin ang bisita mo. Ang gwapo pa man din ehehe" napangiwi si Amanda ng makitang parang kinikilig ang nanay niya kay Marvin. Hinila rin ng ina nito ang kahoy na upuan saka iginiya ang binata na umupo doon at sinunod naman ito ng binata.

Naku ma pag nalaman mong bakla yan ewan ko lang kung kiligin ka pa. Baka himatayin ka nalang.

" yiiiee! Salamat mommy!" sa loob ng ilang segundo ay bumalik ang ngiti nito at naki apir pa ang binata sa nanay ni Amanda.

" hala sige kain na tayo, tikman mo to pogi masarap to"

"Marvin po mommy" abot tenga ang ngiti ni Marvin habang nagpapakilala sa ina ni Amanda. Pero itong si Amanda singkit ang matang pinagmamasdan si Marvin.

Ako ba talaga ang anak niyo mama o yang bayot na yan?

"alam ko ang pangalan mo pogi, ikaw kaya ang best payer dito sa apartment. Hindi katulad ng iba naming boarders may pang inom pero pambayad ng renta wala, naku! Ang sarap nilang palayasin" nang gigigil na tugon ng ina ni Amanda ng hawakan ng binata ang palad ng ina nito.

" naku mommy wag kayong masyadong mastress sige lalo kayong magmumukhang matanda. Blooming pa man din kayo ngayon"

Napahawak sa mukha nito ang ina ni Amanda at pinipigilang hindi lumapad ang ngiti dahil sa sinabi ni Marvin. Sa huli, pabiro siya nitong hinampas sa braso.

"talaga ikaw na bata ka kumain ka na nga lang, bolero ka"

Yak! Hindi mapigilang bulong ni Amanda sa isipan niya.

Kanina pa siya nakangiwi sa mga nangyayari sa harapan niya ng tignan siya ng masama ng ina niya. Kanina pa siya nakatayo sa gilid habang pinagmamasdan ang dalawa.

"ano na? Wala kang balak umupo? Wag mong sabihing kailangan pa kitang pagsilbihan? Aba matanda ka na Amanda malapit ka ng mag bente umayos ka baka masapak kita" pagsesermon ng ina nito ng mahinang natawa si Marvin pero agad rin itong nawala ng makita niya ang nakakapatay na tingin ni Amanda sakanya.

" si mama masyadong highblood, ano bang problemo mo at parang sa akin mo binubunton? Andiyan yung punching bag ni papa doon ka magalit" umupo na rin siya at kinuha ang malokong na may lamang kanin saka nagsandok.

Pagkatapos ay kumuha siya ng dalawang pirasong fish fillet na natira nilang ulam kahapon at nilagyan naman niya ng isang manok ang plato niya ng bigla itong hablutin ng ina niya saka inilagay sa plato ni Marvin.

" yiiiee salamat mom---

"diba bawal sayo ang manok? Ayan o mag isda ka"

" oo nalang, eto namiss ko lang kumain ng manok eh"

Napatigil sa pagsubo si Marvin ng tanungin niya ang ina ni Amanda.

"bawal sakanya ang manok mommy?" mahina niyang tanong dahil katabi lang naman niya ang ina ni Amanda na kumakain na rin. Magkatabi ang dalawa samantalang nasa harapan naman nila ang dalaga na pinagmamasdan na naman silang dalawa.

" oo bawal sakanya ang manok, pati itlog at bagoong. Pati nga tuyo at toyo bawal sakanya dahil napakaarte ng katawan ng batang yan. Sakitin rin yan kaya kung jojowain mo yan siguraduhin mong alam mo ang mga bawal sakanya. Dibale boto ako sayo hihihi" kinikilig na kwento ng ina ng manlaki ang kanyang mga mata sa narinig.

Anong jowa?! ma bakla yan!

"ma! Anong jowa ang pinagsasabi mo? Alam ng iba akong gusto eh" nakangusong sagot ni Amanda saka ngumanga para isubo ang kanin.

" sino aber? Yung Miguel ba yun? Naku kung ako sayo si Marvin nalang gwapo pa. Kahit mahaba ang buhok eh gupitan mo lang to mas gwapo na yun doon. Matangos lang naman ilong non ano ba? Mamili ka naman Amanda!"

" hahahah oo nga naman Amanda! Andito naman ako. Hindi kita iiwan, hindi pababayaan" nag flying kiss ang binata kay Amanda pero tinawanan lang siya ng dalaga.

Alam kasi ng dalaga na hindi naman talaga lalaki itong si Marvin.

Mukhang nagkakasundo nga talaga si Marvin at ang kanyang ina dahil nag apir na naman silang dalawa.

Minsan napapaisip nalang ang dalaga kung anak ba talaga siya ng ina.

Wala na lamang siyang nagawa kundi bumuga ng marahas na hininga saka pinagpatuloy ang pagkain.

Kapag ang kanyang ina na ang kanyang kausap wala na siyang masasabi pa.

Pagkatapos nilang kumain ay nag vibrate ang cellphone ni Amanda.

Ng tignan niya kung sino ang nagtext agad lumabas ang kanyang ngiti pero agad rin itong naglaho ng mabasa ang mensahe.

From: Miggy,

Bes, hindi na pala ako makakadaan diyan. Bukas na lang sabay tayo sa school daanan kita diyan sa bahay niyo ok? May sasabihin rin ako sayo. Goodnight bes.

Muli na namang sumilay ang kanyang ngiti.

Sabay silang papasok bukas at susunduin siya nito.

Tama! Bukas magtatapat na ako. Bukas ng umaga. Ipupuslit ko sa bag niya ang letter tapos iaabot ko naman sakanya yung painting.

" good mood ata tayo ngayon ah? Anong meron?" nakangiting tanong ni Marvin na ngayon ay naghuhugas ng pinggan. Nasa tabi lang nito si Amanda na ngingiti ngiti lang habang kumakain ng saging.

" ano kasi" nilunok muna ni Amanda ang sinubong saging saka itinapon ang balat nito sa katabing basurahan.

" may sasabihin raw siya bukas! Shit! Kinakabahan ako! Ano kaya ang sasabihin niya? Kyaaahh! Marvin!" sa sobrang saya ng dalaga ay nahampas hampas na niya ang binata sa likod. Pabirong hampas lang naman ito pero kapag ang babae kinilig may halong bugbog.

" aray ko shit ka naman Amanda! Babae ka ba? Ang lakas mo humampas. Tsaka hello naghuhugas ako dito oh baka naman"

" ahhh sorry kinakabahan lang haha. Oo pala sabay na tau lumabas mamaya. Doon ako makikitulog kina Charlotte eh kaya dalian mo diyan. May ipapaint pa ako"

"mukhang hindi mo na pala kailangan ang tulong ko. Haha mabuti naman, road to forever na ba yan bessy?" sabi ng kaibigang lalaki habang patuloy parin sa paghuhugas ng plato.

Sinandal ni Amanda ang kanyang likuran sa gilid ng lababo saka tinignan si Marvin.

" oo nga eh, hindi ko naman akala na ganito pala kabilis. Eh ikaw? Paano yung parents mo?" nakakunot noong tanong ng dalaga ng ngumisi itong si Marvin.

"ah sila mommy? Hahahahaha may nangyari kaya hindi na muna sila makakapunta dito sa pinas. Kaya free na ako kaya hindi ko narin kailangan ng tulong mo. Galing lang no?"

Tumango tango si Amanda sa inayos ang buhok nito.

" grabe! Nakakaloka tong araw na to!"

Matapos makapaghugas ng pinggan ng binata ay nag paalam na rin ang dalawa sa ina ni Amanda.

Habang naglalakad sa daan papunta sa bahay nila Charlotte ay natanaw ni Marvin si Miguel na naglalakad papunta sakanila pero ng makita siya ni Marvin ay agad itong tumalikod saka naglakad pabalik.

Ng lingunin niya ang kasamang babae ay tutok na tutok lang ito sa cellphone niya. Ibig sabihin hindi nakita ng dalaga ang nagugustuhan nitong lalaki kanina.

Nagkibit balikat na lamang si Marvin saka hinatid ang kaibigang babae sa labas ng gate nila Charlotte saka dumiretso nalang ito pauwi. Pero hindi nito maiwasang mapaisip.

Ano kayang ginagawa ng lalaking yun kanina? Akala ko ba hindi siya makakadaan sa bahay nila Amanda?