NEXT year nila napag-usapang magpakasal para may
isang taon pa sila para kilalanin ang isa't isa. Kasalukuyan silang
nasa Santorini para magcelebrate ng kanilang 9
th monthsary.
Jason never failed to amazed her with his surprises. Sa loob ng
siyam na buwan na pagiging magkasintahan nila, pinapasaya
siya nito palagi ng husto. Nakilala na din niya ang pamilya nito at
tanggap naman siya ng mga ito. Naging kasundo rin niya si
Corrine at dahil sa kanya, nagbago ang bunsong kapatid ni Jason.
Nasa kwarto siya ng pumasok si Jason galing sa labas.
"Hi sweetheart. Happy?" sabi nito habang tumabi sa kanya sa
pagkakahiga sa kama. "Never been happy. Thank you Jason."
Sabi niya at hinalikan ito sa mga labi. Isa sa pinaka nagustuhan
niyang ugali ni Jason ay ang pagrespeto sa kanya. Hindi nagtake
advantage sa kanya si Jason kahit na magkasama sila sa iisang
kwarto. Minsan niyang sineduced ang binata pero nakapagpigil
ito.
"God knows how much I wanted to have you right here
and now, Ish. Pero gusto kong malinis kang maiharap sa altar.
Gusto kong maging memorable ang ating first night. Nakapag tiis
ako ng mahigit pitong buwan. Ilang buwan na lang naman at
ikakasal na tayo, ngayon pa ba ako hindi magtitiis? Ilove you Isha.
I love you so much that I respected you." Sabi nito sa kanya at
natulog na sila ng magkayakap.
Hindi niya napigilang mapangiti ng maalala ang
tagpong iyon. 8
th monthsary nila nang gawin niya ang bagay na
iyon. Hanggang ngayon, nirerespeto pa rin siya ni Jason kaya
naman ang laki ng pagmamahal niya sa binata. He is one of a
kind. Sobrang thankful siya dahil ibinigay sa kanya si Jason. She
couldn't ask for more. She can't wait to tie the knot with him.
"What's funny, hmm?" sabi nitong nakita pala siyang
ngumiti. "Wala naman. Naalala ko lang ang ginawa kong pang
seseduce sa iyo dati. Gawin ko kaya ulit iyon? Mas romantic ang
ambience dito sa Greece." Sabi niya habang tumatawa. Nakita
niyang namumula ang mukha ni Jason. "Don't you dare Ish. Alam
mo namang nirerespeto kita. Humanda ka na lang sa kasal
natin." Sabi nito at tinalikuran siya para matulog na. Hindi niya
mapigilang yakapin ang likod nito. "I love you Jason Fedrick
Arellano." Sabi niya at hinalikan ang pisngi nito. Nakita naman
niyang nagmulat ito ng mga mata at humarap sa kanya. "I love
you more, Isha Romano- Arellano." Ngumiti siya nang marinig
ang pagbigkas nito sa pangalan niya. "At isinama mo na talaga
ang apelyido mo huh?" sabi niya rito. Tumawa naman ito ng
kurutin niya ito sa tagiliran. "Oo naman. Ayaw mo ba? Hindi ka
na pwedeng umatras my little sweet princess. Ayos na ang lahat
para sa kasal natin." Sabi nito at ikinulong ang kanyang mukha
sa matitipuno nitong mga kamay. "Sinong may sabing aatras ako
sa kasal? Hinding hindi na kita pakakawalan pa. Ngayon pang
ibinigay ka na sa akin? Never. Kung kinakailangan kong
lumuhod sa harapan mo para lang matuloy ang kasal natin,
gagawin ko." Sabi ni Isha at hinalikan ang mga labi ng binata.
"Hindi mo na kailangang lumuhod. Ngayon pa lang mag I-I do na
ako sa iyo." At inihiga siya nito sa matipunong dibdib nito.
Hindi magkamayaw si Isha sa sobrang kaligayahang
nadarama niya nang mga sandaling iyon. She have everything
she wanted. A loving family, understanding friends and most
especially a loving fiancee. She couldn't ask for more.
"Mahal na mahal kita Isha. Hindi ko na yata
makakayang mabuhay ng wala ka sa piling ko. Ikaw lang ang
babaeng gusto kong makita sa tuwing gigising ako ng umaga at
bago matulog sa gabi. Ikaw lang ang gusto kong makasama sa
pagbuo ng mga pangarap ko." Madamdaming sabi ni Jason
habang nilalaro laro ang kanyang buhok.
"Mahal na mahal din kita Jay. You don't know how
much." Sabi niya at nakatulog na silang dalawa ng magkayakap.
Isang linggong naglagi sa Europa ang magkasintahan
bago bumalik sa Pilipinas para ifinalize ang mga kakailanganin
para sa kanilang kasal. Abala si Isha sa pag aayos ng mga
imbitasyon ng makatanggap ng tawag galing kay Jason.
"Yes sweetheart?" sabi niya ng sagutin ang tawag ng
nobyo. "I just missed you. Hindi na kasi kita nakikita." Sabi
naman ni Jason na halata sa boses ang pagtatampo.
Pinagbawalan kasi sila ng kanilang pamilya na magkita isang
linggo bago ang kasal. Ayon daw kasi sa kasabihan, bawal
magkita ang mga ikakasal isang linggo bago ang araw ng kasal
para makaiwas sa kung anong masamang pwedeng mangyari.
"Ano ka ba, isang linggo na lang naman. Kailangan nating sundin
ang mga magulang natin kung ayaw mong hindi matuloy ang
kasal." Natatawang sabi niya rito. "No way! Hindi ako
makakapayag. Mag tanan na lang tayo." Sabi naman nito. Mas
lalo siyang natawa dahil sa sinabi nitong magtanan na lang sila.
"Ayos na lahat ng mga kailangan para sa kasal natin, ngayon mo
pa naisipang magtanan? Pasaway ka Jason. Umayos ka nga." Sabi
naman niya at hindi na napigilang matawa ng malakas. Nakita
tuloy siya ng mga empleyado niya kaya naman nagsorry siya sa
mga ito. "Binubulabog mo ang pamamahinga ko Mister. Baka
gusto mo na magtrabaho dyan sa Resort?" sabi niya para tapusin
na nito ang tawag. Hindi sa ayaw niya itong kausap pero may
kailangan kasi siyang tapusing imbitasyon para sa kasal nila.
"Hay. I just missed you. I wanted to hug you so tight.
Hindi ba pwedeng kahit sa skype or video, magkita tayo?"
nagmamakaawang sabi nito. Umiling siya bago sumagot. "Hindi
talaga pwede, Jay. Konting tiis na lang naman. Isang linggo na
lang at magkakasama na rin tayo bilang mag asawa." Sabi niya at
tinapos na ang tawag. Bago niya maibaba ang cellphone, narinig
pa niya ang sinabi nito. "I love you Isha. I love you so much." At
tinapos na nito ang tawag.
Dumating na ang araw na kanilang pinakahihintay. Ang
araw ng kanilang kasal. Kinakabahan na excited si Isha.
Pangalawang beses na niyang aapak sa simbahan na may suot na
wedding dress. Pero hindi katulad noong una, alam niyang this
time, matutuloy na talaga ang kasal na pinapangarap niya dahil
ang lalaking pinili niyang mahalin ay si Jason. Ang lalaking
handang gawin ang lahat maging maligaya lang siya.
She was walking down the aisle when she met Jason's
gaze. He was standing at the altar waiting for her. She can't
contain her happiness. This time, alam niyang tama ang kanyang
desisyon na muling sumubok magmahal. Dahil nasa harapan na
niya ang lalaking kasama niyang bubuo ng masasayang alaala.
Nang makarating siya sa harap ng altar, nakita niyang palihim na
pinunasan ni Jason ang mga luha nito. Ngumiti ito sa kanya at
nagmano sa kanyang mga magulang bago siya iupo sa upuang
nakaharap sa pari.
Matapos ang seremonya ng kasal, hindi niya pa rin
mapaniwalaang Mrs. Arellano na siya. Habang nasa reception,
kinuha niya ang atensyon ng mga taong nandoon kasama na ang
kanyang pamilya, pamilya ni Jason, at ang mga kaibigan niya
maging si Aljon pati ang girlfriend nitong si Angelique. Walang
pagsidlan ang kanyang kasiyahan ng mga sandaling iyon.
"Attention everyone. I just wanted to get this
opportunity to say thank you for everyone who witnessed our
nuptial. Nagpapasalamat ako sa mga taong patuloy na
sumusuporta sa akin. Sa mga taong palaging nandyan kapag
kailangan ko ng masasandalan at mahihingian ng tulong."
Naiiyak na sabi ni Isha. Ngayon lang niya narealized kung gaano
kadami ang mga taong nagmamahal sa kanya. Kung gaano siya
kaswerte na biniyayaan siya ng napakasupportive na mga
magulang, kapatid at kaibigan.
"Ginawa niyo ang lahat para sa akin. Wala akong
kaalam alam na kinuntsaba kayo ng magaling kong asawa para
paghandaan ang proposal niya sa akin last year. I am so much
grateful and appreciative for that one." Dugtong pa niya.
Nagtawanan naman ang mga kaibigan niya. "Ngayon, ang
mensaheng ito ay para sa lalaking katabi ko ngayon. Jay, may you
never steal, lie or cheat. But if you must steal, then steal away all
of my sorrows. If you must lie, then lie with me all the nights of
my life and if you must cheat, then please cheat death because I
couldn't live a day without you." At hinalikan si Jason ng mariin
sa mga labi. She knew right there and then that she was finally
home. She was now in the arms of the person who will love him
eternally and will love him faithfully. She finally found the man
of her dreams. The man she will love and treasure for the rest of
her life.