webnovel

Chapter Four

HINDI pa rin binibitawan ni Jason ang kamay niIsha.

Gustong gusto niyang hawakan ang malambot na kamay nito.

Gusto niyang dumito na lang sana ang babae pero alam niyang

pansamantala lamang niya itong makakasama dahil may sariling

buhay ang dalaga sa Maynila. Kung tutuusin ay pwede naman

siyang manatili na lang din sa Maynila para palaging makita ito

pero ayaw niyang mag isip si Isha ng hindi maganda tungkol sa

kanya.

"Jay, hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Sa totoo

lang, hindi ko rin gustong matapos ang bakasyon kong ito pero

may mga bagay akong kailangang balikan sa Maynila. Unang-una

na yung trabaho ko. Pangalawa, ang pamilya ko at pangatlo, si

Aljon." Pagkasabi ni Isha sa pangalan ng lalaki ay nakita niyang

tumulo ang luha nito. Hindi niya alam kung anong nangyari sa

nakaraan ng dalaga pero isa lang ang sigurado siya. Gusto niyang

siya ang maging dahilan ng muling pag ngiti ng dalaga. Nakita

niyang palihim na pinunasan ni Isha ang mga luhang tumulo sa

mata nito. Gusto sana niyang siya ang magpunas niyon pero

natakot naman siyang baka magalit sa kanya siIsha kaya nagtiiis

na lang siyang makitang lumuluha ang dalaga.

"Sino si Aljon? Alam mo bang hindi dapat pinapaiyak

ang mga babae? Dapat sa kanila ay inaalagaan at

pinapahalagahan. Hindi mo dapat iniiyakan ang isang lalaking

hindi ka naman kayang panindigan at mas lalong hindi mo dapat

sinasayang ang mga luhang iyan para lamang sa isang lalaking

nagawa kang iwan ng walang dahilan." Mukhang tama nga ang

sinabi niya dahil mas lalong umiyak si Isha. Hindi na siya

nakatiis kaya naman siya na ang nagpunas sa luha ng dalaga.

"Hayaan mong punasan ko ang mga luhang iyan dahil

kagagawan iyan ng kalahi ko. Huwag mo sanang isiping

nagsasamantala ako, Ish. Hindi ko lang talaga kayang may

nakikitang babaeng umiiyak at nahihirapan dahil sa mga kalahi

ko." Sabi niya at tuluyang tinuyo ang luha ni Isha.

"Bakit napakabait mo? Ganyan ka ba talaga sa lahat ng

babaeng umiiyak?" takang tanong naman ni Isha sa kanya.

Ngumiti siya bago sumagot dito. "Hindi. Sa mga taong mahal ko

lang sa buhay at sa mga taong itinuring ko nang mahalagang

parte ng buhay ko. At isa ka na doon. Kung pahihintulutan mo

ako." Sabi niya habang hinahaplos ang pisngi ng dalaga.

Nakakabighani talaga ang mga matang bilugan ng babae. Isama

pa ang makinis na kutis at mapupulang labing kay sarap sigurong

mahalikan. Nakita niyang napangiti siIsha. Hindi niya alam kung

dahil ba sa sinabi niya o dahil may naalala itong bigla na

nakapagpangiti sa dalaga.

"Napakaswerte ng babaeng mamahalin mo Jason.

Napakabuti mong lalaki at alam ko na aalagaan mo ang kung

sinomang babaeng magpapatibok ng puso mo." Sabi naman ni

Isha sa kanya. Kung pwede lang niya sabihing ang dalaga ang

gusto niyang makasama. Pero ayaw niyang pumasok sa isang

relasyon ng hindi niya pa alam kung ano ba talaga ang

nararamdaman niya para sa dalaga. Ayaw niyang parehas lang

silang masaktan sa bandang huli.

"Swerte din naman ang lalaking mamahalin mo, Ish.

Nararamdaman ko na gagawin mo ang lahat para lang sa

lalaking mamahalin mo. At sana, kapag nakita mo na siya, hindi

ka na niya saktan at paiyakin pa." sabi niya habang hindi inaalis

ang tingin sa dalaga. Kung sana ako na lang siya, Isha. Pangako,

hinding hindi kita sasaktan at aalagaan kita. Sabi niya sa isip

niya.

"Salamat Jay. Pero hindi ko pa yata kayang pumasok sa

isang relasyon matapos ng naranasan ko kay Aljon. Hindi ko na

yata kayang ipagsapalaran pang muli ang puso ko. Natatakot na

akong masaktan muli. Baka hindi na ako makabangon kapag

nangyari iyon." Malungkot na ngiti ang namutawi sa mga labi ng

dalaga. Hindi alam ni Jason kung bakit nakaramdam siya ng inis

sa lalaking sinaktan si Isha. She doesn't deserve that kind of

treatment. Hindi dapat nararanasan ni Isha ang saktan lamang

ng walang kwentang lalaki. He wanted to protect her. He wanted

to be with her all the time. Iyon ang nararamdaman niya sa mga

oras na iyon.

"Hindi naman kita masisisi kung ganyan na ang maging

ugali mo pag dating sa relasyon. Pero sana huwag mo naman

isarado ang puso mo para sa mga taong gusto kang mahalin.

Hindi magkaugali sina Juan at Pedro. Kung anong kasalanan ni

Juan, hindi naman ibig sabihin na magiging kasalanan din ni

Pedro iyon, diba? Sana, magbago pa ang isip mo tungkol sa

ganitong bagay. Hindi ko alam kung kailan, pero naniniwala

akong may isang lalaking nakalaan para sa iyo. Yung lalaking

hindi ka na sasaktan at hinding hindi ka na paiiyakin. Yung

lalaking handang ipagsigawan sa buong mundo kung gaano siya

kaswerte dahil ikaw ang mahal niya." Sabi niya at ngumiti kay

Isha.

He felt relived when he saw her genuine smile.

Kuntento na siyang makita itong masaya dahil iyon naman talaga

ang plano niya simula pa lang. Gusto niyang maging memorable

ang pagtigil ni Isha sa resort. Para mas maging memorable ang

date nilang dalawa, niyaya niya si Isha umakyat sa deck ng yate.

"Let's go to the upper deck. Mas maganda ang view

doon." Sabi niya at hinila ito patayo. Natatawa naman ang babae

dahil sa iginawi niya. Basta na lang nila iniwanan ang lamesa na

may lamang mga pagkain. "Hindi ba natin muna ililigpit ang mga

pagkain?" tanong ni Isha sa kanya. Umiling naman siya.

"Kakainin pa natin yan mamaya." Sagot naman niya habang

inaalalayan siya umakyat ng hagdanan papuntang deck. Medyo

mahangin kaya naman hirap umakyat ang babae dahil naka skirt

ito.

"Do you like the view from here?" tanong niya sa dalaga.

Tumango ito bago inilibot ang tingin sa buong lake. "Ang ganda

dito sa itaas. Pakiramdam ko nawawala ang lahat ng problema ko

tingnan ko lang ang buong Lake." Sabi niIsha habang nakatingin

sa Lake. He wanted to hug her. He wanted to make her feel that

she can rely to him whenever she needed someone to lean on.

"Come here,Ish." Tawag niya sa babae. Nang tignan siya

nito, he pulled her closer to him. He wanted to make her feel

better just by hugging her.

"What are you doing, Jay?" takang tanong ni Isha

habang nakatingin sa kanya. Ngumiti lang siya at hinayaan ang

mga mata nilang mag usap. Hinayaan lang niya ang sariling

yakapin ang dalaga.

"Ish, let me just hug you like this.I wanted to make you

feel better. Hindi ko man alam ang totoong dahilan mo ng

pagpunta rito sa resort, handa naman akong maging clown

pansamantala para lang hindi ka na malungkot. Gusto kong

gawing memorable ang pagstay mo rito. I wanted to show you

that there's still life after all the heartaches and sufferings you've

been through. Hindi man siguro kasing sakit ng mga

pinagdaanan ko ang pinagdadaanan mo ngayon, alam ko na

makakaya mong malagpasan ang lahat ng iyan." Sabi niya

habang nakatingin sa Lake. Naramdaman niyang kusang tumulo

ang mga luha ni Isha. Hindi na siya nagdalawang isip pa at

pinunasan niya ng kanyang mga daliri ang mga luha ng dalaga.

"Thank you Jason. Thank you for making me feel better.

Kahit na nga hindi pa tayo gaanong magkakilala dahil dalawang

araw pa lang tayong nagkakasama, you never failed to make my

stay here in your resort more than special. Hinding hindi ko

makakalimutan ang araw na nakapagbakasyon ako rito. Kapag

may pagkakataon, babalik ako rito para magbakasyon ulit."

Nakangiting sabi ni Isha sa kanya. Tumango lang siya at niyaya

na siyang bumaba ng deck.

"Tara na sa ibaba. Masyado nang mainit ang sikat ng

araw sa balat. Sana nag enjoy ka sa munting pamamasyal natin."

At inalalayan na siya pababa ng hagdanan.

"Nag-enjoy? Grabe! Sulit na sulit kaya ang pang gigising

mo sa akin ng madaling araw." Natatawang reklamo niIsha. Ang

ganda talaga niya kapag tumawa.Isha is just too simple. Hindi na

kailangan ng kolorete para lang lumabas ang tunay na ganda

nito. He loved the way she is.

"Good. Akala ko talaga magagalit ka na sa akin kasi

ginising kita ng madaling araw. Pero naisip ko kasi yun sinabi mo

kagabi na gusto mong mag boating. Since the Yacht is available

for use, ikaw agad ang unang pumasok sa isip ko. Gusto ko

makita mo ang kagandahang hatid ng buong Lake.I hope I didn't

disappoint you." Sabi nito nang makababa na sila sa sala.

Tumawa naman siIsha bago nagsalita. "Disappoint me? No.I was

really amazed. Imagine, gumising ka pa talaga ng maagang

maaga para lang ipaghanda ako ng breakfast at ipasyal para

makita ko ang buong Lake? You did so much effort on this one,

Jay. Thank you is not enough." Sabi ni Isha at naupo sa sofa.

Maya-maya pa ay tinawagan na niya ang captain at inutusan

itong bumalik na sila sa bahay dahil alam niyang may Zip Line pa

si Isha.

"As much as I wanted to make our stay here longer, we

need to get back." Sabi niya at tinabihan si Isha sa sofa.

Naramdaman niyang parang biglang kinabahan si Isha dahil sa

pagkakalapit nila. Ngumiti naman siya at hinawakan ang kamay

ng dalaga.

"May Zip Line ka pa na tour diba? Kailangan na nating

makabalik para makapag Zip Line ka na. Hindi magandang mag

Zip Line ng hapon dahil kadalasang hapon umuulan dito."

Paliwanag niya at pinisil ang palad ng dalaga para sabihin ditong

wala siyang gagawang labag sa kalooban nito.

"Oo nga pala! Nakalimutan ko na ang Zip Line. Pwede

bang bukas na lang iyon? Gusto ko pa mag stay dito eh." Sabi nito

at nagsimulang humiga sa sofa. Napansin niyang antok na antok

pa talaga si Isha kaya naman hinayaan na niya muna itong

matulog. Sinabihan na lang niya si Luis na ituloy na lang ang

pagbalik sa Floating House at doon na lang muna sila ng dalaga

magtitigil.

Naalimpungatan si Isha dahil medyo sumakit ang

kanyang likod sa pwesto niya. Nang magising siya, hindi

pamilyar sa kanya ang lugar. Saka lang niya naalala na nasa yate

nga pala siya kasama si Jason. Bumangon na siya sa pagkakahiga

sa sofa dahil nakita niya si Jason na nasa may veranda at nag

aayos ng tanghalian yata nila. Pagtingin niya sa suot na relos, alas

onse na ng umaga. Ang haba pala ng naitulog niya.

"Goodmorning! Nakatulog ka ba ng maayos? Handa na

ang lunch. Kung gusto mo na kumain,feelfree." nakangiting sabi

ni Jason sa kanya. Napakama-alalahanin talaga ng binata.

Aminin man niya o hindi, unti-unti na siyang nagkakaroon ng

ibang damdamin para sa binatang kasama niya ngayon. Pero

ayaw niyang aminin dahil ayaw na niyang masaktan pa muli.

"Goodmorning din. Nakatulog pala ako ng mahaba,

bakit hindi mo ako ginising?" tanong niya kay Jason. Natawa

naman si Jason sa sinabi niya. "Hindi na kita ginising kasi ang

sarap ng tulog mo." Sabi nito sa kanya at nakita niyang may

nakahanda ng pagkain sa lamesa.

Napangiti siya dahil iba na ang suot nito. Mukhang

nakaligo na ito at nakapag ayos na din. Samantalang siya, ganoon

pa rin ang ayos. "Grabe! Nakaligo ka na at nakapagpalit ng damit

pero ako ganito pa rin. Nakakahiya naman sa iyo." Sabi niya na

nahihiyang tumingin sa binata.

"Maganda ka pa rin naman. Hindi mo kailangang

magpaganda dahil ang kagandahan ay hindi naman talaga

nakikita sa panlabas na anyo. Bonus na lang kung maganda ka na

sa physical ay maganda pa rin ang kalooban mo. Simplicity is

beauty." Sabi ni Jason at dinala na siya sa may veranda para

makapag tanghalian.

"Jason, busog pa ako. Sa sarap ng breakfast na inihanda

mo at sa dami ng dala mong pagkain, sobrang nabusog ako.

Pwede bang mamaya na lang ako kumain? Gusto ko lang muna

magpahinga at tingnan ang kagandahan ng Lake ngayon umaga

na." Nakangiting sabi niya. Nakita niyang tumango naman ang

binata at bumaba sa lower deck. Out of curiosity, sinundan niya

ang binata sa ibaba ng yate. Napasinghap siya ng makita ang

kwartong pinasukan nito.

"Wow! This is awesome! Incredible!" Napasigaw siya sa

tuwa. Ang ganda naman ng lower deck. Punong puno ng wine

cabinet, may maliit na dinner table, may glass door na kita ang

modern kitchen. May wine bar din at ang mas nakakamangha ay

ang glass floor na kitang kita ang tubig sa Lake. May hagdanan

din pababa ng Lake kung gustong magswimming.

Nakita niyang napapitlag si Jason dahil siguro sa gulat.

Napatungo naman siya sa sobrang hiya sa binata.

"Sorry. Hindi ko sinasadyang gulatin ka. I was curious

with this door so I followed you. Bawal ba ang ibang tao rito? Is

this your private place here in the Yacht?" tanong pa rin niya na

nakatungo. Naramdaman niya ang paglapat ng kamay ng binata

sa kanyang baba. Pilit nitong itinaas ang kanyang mukha.

Nakangiti na naman ang lalaki na naging dahilan ng pagbilis ng

tibok ng puso niya. Iyon na naman ang kakaibang damdaming

nararamdaman niya.

"You don't need to say sorry. Yes, to be honest, ikaw pa

lang ang nakakapasok rito sa ibaba bukod kina Gio and Jennie.

This is my personal space whenever I wanted to be alone aside

from my room in the upper deck.

"May room ka sa upper deck? Bakit hindi ko iyon nakita

nung nandun tayo?" takang tanong niya.Iginiya siya nito sa may

kitchen bago ito nagsalita. "Hindi ko talaga ipinapakita sa ibang

tao ang sarili kong kwarto. Pero para sa iyo, I can make an

exception." At hinalikan siya nito sa gilid ng kanyang mga labi.