webnovel

BEAUTIFUL SCANDAL

On the night of her wedding, Oshema Yzabella woke up next to a man who is not her husband. Gumuho ang mundo niya lalo na nang matuklasan niya kung anong ginagawa ng kanyang asawa sa kabilang kwarto. Para pansamantalang makalimot, lumayo siya at nagtrabaho. Pero kung hindi nga naman niya hawak ang tadhana, wala siyang magagawa kung anong kababalaghan ang ihahambalang nito sa kanyang daraanan. Sa pamantasan kung saan niya sinimulan ang panibagong buhay ay muling nagtagpo ang landas nila ng pangahas na lalaking nakasama niya sa honeymoon. Ang malala pa ay isa ito sa mga estudyanteng kailangan niyang hasain ang kakayahan. Susuko ba ulit siya at tatakas? O, tanggapiin ang panibagong hamon ng kapalaran kahit ito ay mauwi sa isang eskandalo.

Ashley_Grace_Puno · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
56 Chs

Chapter 53

PUMASOK si Jairuz sa marangyang lobby ng Ragnarok main headquarters at sinalubong ng limang sergeant at arms na nag-aabang sa kanya.

But he dismissed them right away before they could bow down for a casual greeting. Mag-isa siyang umakyat sa kanyang opisina matapos daanan ang reception. Nagkagulatan pa roon ang magkapares na receptionist sa araw na iyon. Bihira lang kasi siyang pumupunta rito.

He is delegating most of the operations to his subordinates. Walang importanteng kaganapan ngayong araw. Kikitain lang niya ang dalawa sa mga pinagkakatiwalaan niyang senior executives ng organisasyon.

Naroon na sa loob ng opisina ang dalawa nang siya'y lumabas mula sa elevator na direktang naghahatid sa kanya roon. William Regala. His godfather and Roelle, the director. Agad umahon mula sa couch ang mga ito at sinalubong siya.

"Thank you for coming, gentlemen." Tinapik niya sa balikat ang mga ito at iginiya patungo sa conference table.

Dama niya ang mga mata ni William. Mariing nakaabang. Binabasa siya. Sinusuri. Si Roelle naman ay tila kabado sa hindi niya malaman na dahilan.

"My apology for calling you in such a short notice." Nagsalita siya matapos ang maikling tikhim.

"Bumalik ka na ba sa sarili mo" Pahapyaw na tanong ni William.

Umiling siya. Umigting ang mga panga. "I still can't remember anything from the last three years. Pinipiga ko na ang utak ko nitong mga nagdaang araw pero wala talagang laman."

"Sumasakit pa rin ba ang ulo mo?" Alalang tanong naman ni Roelle.

"Hindi na madalas. I stopped taking the medicines though." Bumaling siya sa director at mariin itong tinitigan. "Do you have it?"

Tumango ito. Binuksan ang dalang attaché case at may kinuhang folder. Ibinigay sa kanya.

Matagal siyang napatitig muna roon. Sumasakit ang dibdib niya sa galit na tibok ng kanyang puso. He flipped the cover. His breath faltered looking down at the documents before him. His and Oshema's marriage license and certificate. Dinampot niya ang mga papeles.

"Alexial told us just the other day before you asked Roelle for these documents." Nagsalita si William.

Tumango siya. Mabuti naman hindi na niya kailangang ipaliwanag ang isang bagay na hindi niya alam kung papaano lilinawin dahil wala siyang maalala.

"But I also heard Oshema is requesting for a nullification." Dagdag ng matanda.

Nagtagis siya ng bagang. "She is not getting any dissolution or whatsoever. I will have her and my son back by all means possible."

Tumango si Roelle. "Kung may maitutulong kami, sabihin mo lang."

Si William ay huminga ng malalim. "Sa tingin mo hindi masasaktan ang asawa mo kapag pinilit mo siya?"

"Mahal ko siya, Ninong." Bayolente niyang nilunok ang bara sa lalamunan.

"Really? Mahal mo siya kahit na wala kang maalala sa kanya?" Ayaw nitong maniwala.

"I fell inlove with the same woman twice, isn't that crazy?" Tumawa siya ng mapakla. Kinuyom ang mga kamao at matalim na huminga. Wala siyang pwedeng mailaban sa ngayon kundi ang nararamdaman niya para kay Oshema at ang katotohanan kahit na walang laman ang alaala niya.

Maybe it sounds like a fairy tail. To fall in love twice with the same woman. With the woman in his forgotten past but still lives in his dreams.

Nawalan ng kibo ang dalawang lalaking tulirong nakaantabay sa kanya. Siguro'y huli na nga ang lahat pero hindi pa rin siya susuko. Babalik man ang alaala niya o hindi, bubuuin niya ang kanyang pamilya.

"I want Ragnarok to gain custody of Dr. Misuki Jaruna and the investigation for him. As with the assistance given by the Andromidas to my wife for the annulment, I have already sending a proposition to their crisis control. Kung aalma pa rin si Alexial Andromida at magpupumilit, alam nyo na ang gagawin." Matigas niyang pahayag.

Nagkatinginan sina William at Roelle. Pero hindi naman niya nakitaan ng pagtutol. Kung giyera ang hanap ni Alexial Andromida, ibibigay niya.

Galing ng RHQ ay dumaan siya ng mansion. He still have two hours before his first meeting for the day. Apat na meeting ang nasa kalendaryo niya ngayong araw at isang board hearing sa bagong investor na papasok. Tiyak gabi na naman matatapos.

"Thanks God, you're here!" Sinalubong siya ng kanyang ina pagkapanhik niya ng living room. "Dinudugo si Mikah. Paano, iyak ng iyak. Nag-aaway ba kayo?"

Umiling siya. Napatigil dahil sa pagsaltik ng kirot sa ulo. "Kumusta na po siya? Natingnan ba ng doctor?"

"Kaaalis lang ng uncle niya galing rito. Sobrang emotional stress daw. Pinatitigil muna siya sa trabaho para makapagpahinga."

Tumango siya at nagtagis ng bagang. "Pupuntahan ko lang po siya." Iniwan niya sa sala ang ina at umakyat sa kanyang kwarto.

Nasa kama si Mikah nang silipin niya. Wala sa sariling nakatitig sa kawalan. Maputla ito at halata ang kawalan ng sapat na pahinga. Marahan niyang kinatok ang dahon ng nakabukas na pinto at pumasok.

Matamlay na tumingin sa gawi niya ang dalaga at saglit na namilog ang mga mata. Bumalikwas ito ng bangon at tumakbo patungo sa kanya.

"Jairuz," naiiyak na ibinuwal nito ang sarili sa kanyang mga bisig. "Natatakot ako! Ang baby natin!"

Banayad niyang inalis ang mga braso nitong nakapulupot sa kanya at inakay ito pabalik sa kama. Kahit gusto niyang hilahin palayo ang sarili, siya pa rin ang ama ng batang dinadala nito. May pananagutan siya. At dahil sa pananagutan na iyon, patuloy siyang magkakasala kay Oshema.

Ang tanging pwede niyang panghawakan sa ngayon ay maniwala. Maniwala sa pagmamahal ng asawa niya kahit pa hindi naman siya karapat-dapat. Ang maniwalang makakaya siya nitong patawarin at tanggapin muli kahit para na lang sa kasal na nagbibigkis sa kanila.

"Nakausap ko si Mama sa ibaba. Okay lang naman daw ang baby natin. Kailangan mo lang ng sapat na pahinga para hindi na maulit ang nangyari." Maayos niyang pinahigang muli si Mikah.

It would be stupid to ask how she's doing when it's written all over her face that she's practically not fine. But a little show of concern can only ignite her hope. Mas mabuting tumahimik na lamang.

Hinawakan nito ang kamay niya. Dinadampian ng maliliit na halik. "Don't leave me, please. Natatakot ako." Pagsusumamo nito.

"Marami akong meetings ngayon. Hindi pwedeng i-cancel." Inalis niya ang kamay sa pagkakahawak nito at ipinasok sa bulsa ng pantalon. "I'll send a family doctor later to check on you."

Sumimangot ito at nakita niya ang pagdaan ng kirot sa sulok ng mga mata. Hindi manhid si Mikah para hindi maramdaman ang limitasyong nakahambalang sa pagitan nilang dalawa ngayon.

Everything between them is slowly disappearing without necessary words. Like salt dissolving in itself without the touch of any liquid.

Isang mabigat na paghinga ang pinalaya niya sa labas matapos isara ang pinto ng kanyang kwarto. Fuck! Piniga niya ang sentido sa muling paghagupit ng nakabibinging sakit at napahawak sa dingding. Lumalabo ang paningin niya. What the hell?

"Anak? What's wrong?" Tarantang nilapitan siya ni Jemma na kalalabas lamang mula sa kabilang silid.

"It's alright, Ma. Napagod lang siguro ako. Mawawala din ito." Alo niya sa ina para ipanatag ito.

"Magpahinga ka muna kahit sandali lang." Mungkahi nito habang magkasama silang bumababa ng hagdanan.

"May meeting pa po ako. Don't worry, I'll try to catch a nap later after the meeting." Hinagkan niya ito sa ulo at magpapaalam na sana pagsapit nila sa sala pero humahangos na dumating ang isang katulong bitbit ang telepono.

"Madam, tumawag po ang mga Salcedo. Nandoon raw po sa bahay nila si Sir Yzack nagwawala." Natutuliro nitong balita.

Nawalan ng kulay ang mukha ni Jemma habang siya naman ay napamura.

WALANG nagawa si Oshema kundi yakapin na lamang si Yzack para mapatigil ito sa bigong pagsugod kay Alexial. Nahihiyang sinulyapan niya ang mga magulang, lalo na ang ama na namumula ang mukha sa iritasyon. Ngayon lang ulit siya nakadalaw rito tapos gulo pa ang dinala niya.

"Kukuha lang ako ng tubig." Nagpaalam si Andrea at sumaglit sa kusina.

Napanguso naman siya. Baka hindi tubig na maiinom ang kukunin ng kanyang ina. Baka tubig na pambuhos kay Yzack. Huwag naman sana.

"Yzack, ano ba? Tama na!" Sikmat niya sa yakap na binata na hindi pa rin humuhupa ang galit at patuloy na nagtatangkang kumawala.

Alexial on the other side is grinning like an idiot. Naghahamon at nang-iinis. Ano bang pumasok sa kukute ng lalaking ito? Nagpunta sila rito para dumalaw lang.

This may not be a good timing though. Inabutan kasi nila si Yzack. At hindi magkasundo ang dalawa. Tapos bigla na lamang sinabi ni Alexial na nandito sila para pormal na hingin ang kamay niya mula sa mga magulang. He's declaring a marriage proposal to her in front of Yzack!

Nakakawindang ng utak. Kung biro man iyon, pati siya ay hindi natutuwa. Paulit-ulit niyang pinandidilatan ang nakangising lalaki na mukhang ginagawang katuwaan ang pagiging pikon ni Yzack.

"I asked you both gentlemen to please calm down. Wala tayong mararating kung mag-aaway kayong parang mga batang nag-aagawan sa isang laruan." Nagsalita si Vergel at bahagyang nailing nang sumulyap sa kanya.

Kunyari iniwas niya ang tingin at ibinaling kay Nancy na karga si Kyruz at isinasayaw-sayaw kahit nakausli na ang tiyan. Siya ang napapagod sa ginagawa nito.

Her older sister is smiling at her teasingly. Tinutukso siya. Mukhang pumapabor pa yatang may nag-aaway dahil sa kanya.

Binitawan niya si Yzack matapos niya tiyaking kalmado na ito. Namumula pa rin ang mukha nito pero malamang may halong hiya ngayong natanto nito ang ginawang pag-aamok.

Si Alexial naman ay seryoso na ulit at tila nag-aabang na naman ng pagkakataon para sunggaban at subukan ang pasensya ni Yzack.

Bumalik si Andrea bitbit ang malamig na tubig para lang yata sa Papa niya. Kasunod nito si Alma na may dala namang tray na may juice at mga malilinis na baso.

Pinagsilbihan ng katulong sina Alexial at Yzack. Inalok rin siya pero banayad siyang tumanggi.

"Alexial Andromida, right, young man?" Binalingan ng Papa niya si Alexial.

Tumango ang lalaki. "Yes, sir."

"I just need to clarify your intention for my daughter." Muli siyang sinulyapan ng ama.

Kinagat niya ang labi at umiling. Mukhang seneryoso nito ang biro ni Alexial. Kapag sinabi nilang biro lamang iyon, siguradong hindi nito iyon magugustuhan. Lagot sila.

"Sir, seryoso po ako sa sinabi ko kanina. Inaalok ko ng kasal si Oshema." Lumipad sa kanya ang mga mata ng lalaki.

"Alex," paungol niyang angal. Napansin niyang muli na namang nag-alsa si Yzack mula sa pwesto nito.

"You, bastard!" Mabilis niyang nahawakan sa balikat ang binata.

He snorted and shifted on his seat.

Tumingin siya sa ina na nakaangat ngayon ang isang kilay. Hindi tuloy niya malaman kung naiirita ito sa nangyayari o naguguluhan tulad niya.

"Uh, okay. Gusto kong malaman mo na nandito din si Yzack at hinihingi ang kamay ni Oshema." Pahayag ng kanyang ama kasunod ang buntong-hininga.

What! Halos mapasubsob siya sa mga palad. Iyon ang dahilan kaya nandito si Yzack? Tulirong nagpalipat-lipat ang tingin niya sa mga magulang, kina Alexial at Yzack, kay Nancy at sa anak niya.

Nancy is laughing now. Pero duda siya kung dahil kay Kyruz o dahil nagmumukha na siyang ewan doon. Nakadama siya ng piping inis. She has to say something though. Pero bago pa niya naibuka ang bibig ay inagaw ng pamilyar na imaheng parating ang buong atensiyon niya.

Jairuz and Madam Jemma. Entering at the main hall of the living room. Kasunod ng mga ito si Kazuma. Nagtagpo ang mga mata nila ng asawa. Pakiramdam niya bumagsak lahat ng dugo niya papunta sa kanyang talampakan. Nanlamig siya. Kasabay ng pagtigil ng inog ng oras.

Her hearbeat pulsated violently. Shutting her other senses down. Her pupils involuntarily flipped because of the persistent teardrops racing down. Bago pa niya nahamig ang sarili ay napasigok na siya dahil sa pagragasa ng mga emosyong bumabayo sa kanyang puso.

Hindi pa rin. Hindi pa siya handang isuko si Jairuz. Utak lang niya ang naniniwalang kaya niya. Utak lang niya ang nagpupumilit na magagawa niya. Pero kahit utak niya ay alipin pa rin ng kanyang puso.

Tumayo si Yzack. Sinalubong ang ina at hinagkan sa pisngi habang pinupukol ng masamang tingin ang kakambal.

"Mr. Salcedo, sir and Mrs. Salcedo, my apology for barging in here unannounced." Magalang na hinarap ni Jairuz ang mga magulang niya pagkatapos makipagpalitan ni Madam Jemma ng halik sa pisngi kina Andrea at Nancy.

"Don't worry about it, Jairuz. Naalarma lamang ang katulong kanina kaya napatawag doon sa inyo. Ito kasing dalawang ito, nagkasabay pa na pumunta rito para mamanhikan." Bahagyang natatawa pa si Vergel.

Pinilipit niya ang mga daliri nang makita ang pag-igting ng mga panga ng asawa at ang pagdilim ng matigas nitong ekspresyon. He shot Yzack and Alexial a menacing glare. Like a beast suddenly unleashed from his broken chained and ready to devour his kill.

"I understand. But-" may nilapag itong mga dokumento sa centertable na noon lang niya napansing dala pala nito. "I contest these two good guys here. Fucking check those documents before you fucking fight over my wife."

Dinig niya ang pagsinghap ng mga magulang at ni Nancy. Habang siya ay tila kandelang nauupos dahil kinain ng sariling apoy.