webnovel

BEAUTIFUL SCANDAL

On the night of her wedding, Oshema Yzabella woke up next to a man who is not her husband. Gumuho ang mundo niya lalo na nang matuklasan niya kung anong ginagawa ng kanyang asawa sa kabilang kwarto. Para pansamantalang makalimot, lumayo siya at nagtrabaho. Pero kung hindi nga naman niya hawak ang tadhana, wala siyang magagawa kung anong kababalaghan ang ihahambalang nito sa kanyang daraanan. Sa pamantasan kung saan niya sinimulan ang panibagong buhay ay muling nagtagpo ang landas nila ng pangahas na lalaking nakasama niya sa honeymoon. Ang malala pa ay isa ito sa mga estudyanteng kailangan niyang hasain ang kakayahan. Susuko ba ulit siya at tatakas? O, tanggapiin ang panibagong hamon ng kapalaran kahit ito ay mauwi sa isang eskandalo.

Ashley_Grace_Puno · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
56 Chs

Chapter 46

BINALIKAN ni Oshema ang kanyang mag-ama na naghihintay sa sala. Napansin niyang nakabusangot ang mukha ng biyenan niyang kanina lang ay hindi matanggal ang ngiti sa labi. Ano kayang nangyari? Tumingin siya kay Jairuz pero iniwas nito ang mga mata.

"Aalis na po kami." Paalam niya sa ginang at nakipagbeso rito. "Let's go?" Baling niya sa asawa.

Tumango ang lalaki at naglakad patungong pinto. Binitbit niya ang tote bag at sumunod.

"Mag-ingat kayo." Paalala ni Madam Jemma na hinatid sila hanggang sa labas ng bahay.

"Sinabi mo ba kay Yzack na ako ang sasama sa inyo ni Kyruz sa pedia?" Tanong ni Jairuz habang nasa sasakyan sila.

Tumango siya. "Um, sinabi ko." Sinilip niya ang sanggol na nakatulog agad habang nakadapa sa malapad na dibdib ng ama. Ang sarap siguro ng pakiramdam nito. Napangiti siya at hinaplos ang ulo ng anak.

"Let me just make it clear that this will be the last time I'll accompany you and Kyruz to the doctor unless it is really necessary." Seryosong pahayag ni Jairuz.

Napawi ang ngiti niya at saglit siyang natameme. Natauhan lang siya nang biglang magpreno si Kazuma na muntik na niyang ikinasubsob. Mabuti na lang at nahapit siya ng asawa.

"Damn it!" Nagmura ito. "Concentrate on the road, Kazu." Matigas nitong angil.

"I'm sorry, sir." Hinging-despensa ni Kazuma.

"Are you okay?" Baling ni Jairuz sa kanya.

Tumango siya at tinanggal ang kamay nitong nakahawak sa braso niya. Umigting ang mga panga nito habang nagdudugtong ang mga kilay. Hindi nag-sink in sa kanya kung anong nangyari. Kahit pa siguro tuluyan silang nabangga ay hindi niya mapapansin dahil ang buong sistema niya ay nilamon na ng sakit.

"Kazu, pakitabi ang sasakyan, please." Aniya sa driver nang makabawi sa hagupit na tinamo ng kanyang puso.

"Ma'am?" Bahagyang luminga si Kazuma sa gawi niya.

"Stop the car, please. Dito na lang kami ni Kyruz. We will take a cab to the clinic. Bumalik na kayo ni Jairuz sa bahay."

"What are you doing, Oshema?" Marahas na ungol ni Jairuz.

"Labag sa loob mong samahan kami ng anak ko, 'di ba? Ayaw kong matapos ang buong araw na ito na kakainin ka ng konsensya mo. Don't worry, naiintindihan kita. Akin na ang baby ko." Tinanggal niya ang pagkaka-lock ng carrier mula sa likod nito kahit may nagbabadyang pagtutol sa mga mata ng lalaki.

"Damn it," nagmura ito. Nagtatagis ng mga bagang. "It wasn't mean to be like that! I'm just being__"

"Alam ko, Jairuz. You don't have to say it here. Alam ko. Please, give me back my son and you can go home. Kailangan mo rin magpahinga."

Wala itong nagawa kundi ibigay sa kanya ang natutulog na sanggol. Tinigasan niya ang mukha at isinuot ang carrier. Hindi siya pumayag nang tinangka nitong tulungan siyang mai-lock iyon. Itinabi ni Kazuma ang sasakyan. Nagmadali siyang bumaba at pumara ng taxi kasabay ng pagpatak ng mga pasaway niyang luha.

Ano ba kasing inaasahan niya mula kay Jairuz? Dahil lang kagabi sinamahan sila nito kaya umasa siya kahit na alam niyang posibleng na-curious lang ito sa kanilang dalawa ng anak niya. May iba ng tinatangi ang puso nito. Wala na siya sa sistema nito. Hindi ba't tanggap na niya iyon? Dapat tanggap na niya iyon. At dapat hindi rin siya umasa ng higit pa sa kaya nitong ibigay sa anak nilang hindi nito nakilala.

Pero bakit ang sakit pa rin? Sobrang sakit! Napahagulgol siya sa loob ng sinasakyang taxi.

"Ma'am, okay lang po ba kayo?" Tanong ng driver.

"Pasensya na po kayo, Manong. Okay lang po ako." Pero ayaw pa ring tumigil ng mga luha niya. Pasaway talaga. Kailan ba iyon mauubos? Ang dami na niyang iniluha.

"Kung sino man po ang nagpaiyak sa inyo, sira-ulo po siya." Ramdam niya ang simpatiya sa tinig ng driver.

Lalo siyang napatangis. "Tama po kayo, sira-ulo po siya." Pero mahal na mahal pa rin niya ang sira-ulong iyon.

"WHAT the fuck, Kazuma! What the hell was that?" Mabangis na hinampas ni Jairuz ang likod ng front seat. Gusto lang naman niyang umiwas sa gulo. Hindi ba napapansin ni Oshema ang ginagawa ng kanyang ina? Hindi iyon makabubuti sa kanilang lahat. Magkakasakitan lang sila. Marahas na ibinagsak niya ang ulo sa headrest at pumikit.

"Sir, shall we head back now?" Tanong ni Kazuma.

Umungol siya. Natutuliro kung anong gagawin. Masakit ang ulo niya pero mas masakit ang puso niya. He knew it's not just a simple remorse. Seeing Oshema cried and took away the baby from him is excruciating. Hindi niya maintindihan kung bakit nakakadama siya ng ganito. Nakakagalit kasi wala siyang maintindihan.

"Shit!" Napamura siya at hinilot ang sentido. "Follow them, Kazu." Utos niya sa driver.

"Yes, sir." Pinausad ni Kazuma ang sasakyan at hinabol nila ang mag-ina.

"Now, what? Have I become the villain here?" Iritableng himutok niya.

"No, sir."

"Then what's that suspicious look you have for me? Kanina ka pa." Nagbabadya ang tono niya. "Do you want a knock down?"

"I'm sorry, sir. I know, I may not be in the right perspective to say this but I just thought, having amnesia must be very terrible. You don't only lose your memories but you also forget everything about the person you love. And that person has to endure the pain more than you do." Pahayag nito at nagpatuloy. "If something like that will going to happen to me, I will do anything to get my memories back instead of depending on the information that was given to me by the people around me. Or else, it will be too late and I don't want to spend my whole life in regrets."

Nahulog siya sa malalim na pag-iisip. Parang may nais iparating ang driver na hirap siyang tukuyin. But it's true, losing some of his memories is terrible. Kaya nga sinikap niyang makabawi sa mga taong nakalimutan niya tulad ni Mikah.

Pero sinubukan na ba niyang tuklasin kung ano at sino ang mga taong nauugnay sa mga alaala niyang nawala? Parang hindi pa. Dahil sinabihan siya ng kanyang doctor na bawal at pwedeng makasasama sa kanya. Kaya nakontento na lamang siya sa mga kwento ni Mikah.

Wala namang dahilan para magsinungaling sa kanya ang girlfriend kung talagang mahal siya nito. At kumakalma din siya dati noong nasa hospital pa lamang siya at kagigising lang niya mula sa coma tuwing nagkukwento ang dalaga tungkol sa nakaraan nila. Natigil ang pagkirot ng kanyang ulo dahil hindi niya kailangang mag-isip.

Nakarating sila sa clinic at pumarada sa gilid ng drive way si Kazuma. Agad siyang bumaba at pumasok sa heavy glass door ng klinika na binuksan ng gwardiyang nagbabantay. Natuon sa kanya ang atensiyon ng mga pasyenteng nakahilera sa waiting area. Dumako ang tingin niya sa nakasaradong pinto sa pinakasentrong gawi ng clinic na may pangalang nakasulat sa brass.

Dr. Charmaine C. Durano

Pediatrician

Malamang nasa loob sina Oshema at Kyruz. Naupo siya sa isang bakanteng silya sa may dulo at naghintay. Nasa kanya pa rin ang paningin ng lahat. Strange, though he's not the only man in the room.

"Siya ang tatay, sigurado ako. Magkamukha sila."

"Tama ka, parang pinagbiyak na bunga."

Bulungan ng dalawang babaeng halos katabi niya lang. Kinuha niya ang cellphone at tiningnan kung may message siya galing kay Mikah. Hindi siya nakapagpaalam sa girlfriend na aalis. Siguradong magtatampo na naman iyon. Bibili na lang siya ng flowers mamaya para pantubos sa tampo.

Ini-scan niya ang inbox. May tatlong message si Mikah. Isang I love you at dalawang tanong kung anong ginagawa niya at kung sinong kasama niya. Napangiti na lamang siya sa eksaheradang pagkaselosa ng kasintahan.

Nagreply siya. Sinabi niya kung nasaan siya at kung sinong kasama niya. Tamang-tama namang bumukas ang pintong inaabangan niya at iniluwal sina Oshema at Kyruz. Bahagyang nagulat ang babae nang makita siya. Tumayo siya mula sa inuupuan at sinalubong ito.

"Anong ginagawa mo dito?" Malamig na tanong ni Oshema na umiiwas ng tingin sa kanyang mga mata.

"I'm sorry about earlier. I've been insensitive." Siya na ang nagpakumbaba.

Hindi ito sumagot pero nakita niya ang unti-unting paglambot ng maganda nitong mukha. Pero ayaw pa rin siya nitong tingnan.

"Akin na si baby." Hiningi niya ang sanggol na nakatingala sa kanya at malamang nagtataka. Halatang kagagaling lamang nito sa pag-iyak. Namumungay ang mga mata nito at namumula ang ilong.

"Salamat pero kaya ko siyang kargahin hanggang sa bahay." Masungit nitong sabi at naglakad patungong main entrance.

Nagpanting ang tainga niya habang sumusunod rito. Maldita talaga ang babaeng ito pero lalong gumaganda. Ang sarap tuloy halikan. Umigting ang mga panga niya dahil sa naiisip. Ano kaya kung subukan niya? Mukhang hindi naman kasi ito takot sa gulo. Siya pa ba ang hahamunin?

PAGDATING sa loob ng sasakyan ay hinalungkat ni Oshema ang loob ng dalang bag. Kinuha ang feeding bottle na may gatas at pinadede si Kyruz. Inaantok na ang sanggol kaya sinumpong doon sa loob ng clinic. Manang-mana talaga ang ugali nito sa ama. Ang tapang-tapang. Kulang na lang karatehen sila ng doctor kanina matapos itong turukan ng DTap vaccine.

Umusod siya sa malayong dulo sa backseat nang pumasok si Jairuz. Nakaigting ang mga panga ng lalaki at madilim ang mukha. Hindi na lamang niya ito pinansin at itinuon ang mga mata sa anak na tila nagmamaktol sa gatas. Pinunasan niya ang pawis sa noo ng bata at hinagkan ito.Kumislot pa ito ng patanong. Napangiti siya. Nanggigigil.

"Wala ka na bang ibang pupuntahan?" Tanong ni Jairuz sa kanya.

"Wala na." Tipid niyang sagot.

"Nagtext si mama. Tinawagan niya ang pest control para linisin ang kitchen. Mamaya na daw tayo umuwi."

Tumango lang siya. Ibinaling ang paningin sa labas ng bintana. Kaya pala hindi maipinta ang mukha. Hindi nito masikmurang kasama siya ng buong araw. Sana magkakalyo na ang puso niya para hindi na niya iindahin ang kirot.

"Kazu, take us to a decent restaurant." He instructed Kazuma.

"Yes,sir." Pinausad ng bodyguard ang sasakyan patungo sa main road.

Sinilip niya ang oras sa kanyang cellphone. Its ten minutes before twelve. Kaya pala kumakalam na ang tiyan niya. Dinala sila ni Kazuma sa China Blue. Nasa Mall of Asia Complex iyon at siyang pinaka-accessible mula sa kasalukuyan nilang lokasyon.

Pumili si Jairuz ng private dining area malapit sa wall to ceiling window kungsaan tanaw ang makapigil-hiningang view ng Manila Bay. Ibinaba ng lalaki ang stroller at inihiga niya roon ang natutulog na sanggol. Naupo na agad siya sa sofa katabi ng stroller. While Jairuz sat at the couch opposing her.

Sinilip niya ang menu. Deep-fried wasabi prawns, roasted sesame chicken, chilled red bean pudding ang in-order niya. Braised fish lip, sautéed scallop, diced chicken with honey and clam meat in oyster sauce naman ang pinili ni Jairuz. Si Kazuma ay parang walang mapili kaya siya na nag-order para rito.

Pero nang dumating ang kanilang order ay may tumawag sa bodyguard kaya umalis muna ito. Nauna na lamang silang kumain ni Jairuz.

"Ako na ang magbabayad sa order namin ni Kazu." Pahayag niya habang kumakain.

Nagsabong agad ang mga kilay ng lalaki at tumalim ang mga mata. Sa totoo lang, ang ganitong ekspresyon ng asawa ay isa sa mga bagay na nakatatak na sa kanyang puso at hinahanap-hanap niya. Kahit pa nakapagpapadama ito ng takot sa kanya noon at ngayon pero sa tuwina'y mas nangingibabaw lagi ang paghanga niya rito.

"You cannot afford to give me the decency of treating you for a single lunch. Pulubi ba ang tingin mo sa akin, Oshema?" Atake nito sa naiinis na tono.

"Isipin mo na kung anong gusto mo pero hindi mo babayaran kung anong kinakain ko. May pera ako." Tinapatan niya ang pagkairita nito kahit nasasakal siya sa magkahalong emosyon sa loob ng kanyang puso. Irritation. Admiration. Love. Sadness. Pain.

"You're unbelievable," iling nito. "Hindi mo ako mapatawad dahil sa sinabi ko kanina?" Uminom ito ng tubig.

Tinikwasan niya ito ng isang kilay. "Hindi ako ganoon kababaw. Ayaw mo ng gulo, di ba? Kaya iiwas tayo sa gulo. Kawawa ka naman kasi, sobrang takot sa girlfriend."

Naningkit ang mga mata nito na para bang gusto na siyang tirisin. "I am not afraid of my girlfriend. Why would I be? I didn't do anything wrong." Mariin nitong depensa.

Ngumiti siya ng mapakla. "Maniwala ka sa akin, kapag nalaman niya na magkasama tayo at pinapakain mo ako sa isang mamahaling restaurant, magagalit iyon."

"The hell with that crap!" Angil nito. "Magkalinawan nga tayo, do you have a crush on me?" Mula sa madilim at matigas na emosyong nakabadha sa gwapo nitong mukha, sumungaw ang nanunuksong ngiti sa mga mata nito.

Muntik na tuloy siyang mabulunan sa kinakain. Inabot niya ang soda at uminom. He is smiling now. Cunningly, teasing her. He'd never changed. He can still read her like an open page. She managed to get her composure back and faced him squarely.

"Speechless? Where did that gutsy spirit go?" Sumubo ito ng clam meat habang hindi iniiwan ng mapanuksong tingin ang mga mata niya.

"Huwag mo ng alamin, Mr. Monte-Aragon. Hindi mo na nga masikmurang kasama kami ng anak ko sa loob lang ng isang araw ano pa kaya kung sasabihin ko sa iyo na gusto kita. Baka masuka ka na." Matapang niyang nilabanan ito. Hindi patas ang ganito. Kung naiinis siya sa ibang lalaki kapag nagyabang, bakit pagdating sa lalaking ito ay nalulusaw siya na parang yelo? Pati kayabangan nito nakakadagdag sa malakas nitong karisma.

"Hmn," itinuon nito ang siko sa mesa at ipinatong sa likod ng palad ang baba habang ngumunguya. "So, you like me? You've just said it." Amused nitong pakli.

Napairap siya. "Oo, gusto kita. Gusto kitang isubsob diyan sa kinakain mo. Ang kapal ng mukha, hindi ka naman kagwapuhan." Kastigo niya na umani lamang ng malutong na tawa mula rito. He knew how attractive he is and that makes her a liar. Huminga siya ng malalim. He really thought this is funny. Natutuwa itong makita siyang nasusukol.

He leaned forward and before she could react, his lips landed on hers in a swift kiss. Her mind went empty, unable to process what was happening. Napakurap na lamang siya at natulala.