webnovel

BEAUTIFUL SCANDAL

On the night of her wedding, Oshema Yzabella woke up next to a man who is not her husband. Gumuho ang mundo niya lalo na nang matuklasan niya kung anong ginagawa ng kanyang asawa sa kabilang kwarto. Para pansamantalang makalimot, lumayo siya at nagtrabaho. Pero kung hindi nga naman niya hawak ang tadhana, wala siyang magagawa kung anong kababalaghan ang ihahambalang nito sa kanyang daraanan. Sa pamantasan kung saan niya sinimulan ang panibagong buhay ay muling nagtagpo ang landas nila ng pangahas na lalaking nakasama niya sa honeymoon. Ang malala pa ay isa ito sa mga estudyanteng kailangan niyang hasain ang kakayahan. Susuko ba ulit siya at tatakas? O, tanggapiin ang panibagong hamon ng kapalaran kahit ito ay mauwi sa isang eskandalo.

Ashley_Grace_Puno · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
56 Chs

Chapter 31

"ARE YOU sure your father will be alright?" Tanong ni Joul, creeping one hand on Oshema's waist.

Nasa parking area sila at hinatid ang mga magulang. Minungkahi sana ng binata na dalhin sa hospital si Vergel dahil biglang sumama ang pakiramdam nito pero tumanggi ang lalaki. Mas gusto nitong sa bahay na lamang magpapahinga.

Nakabuntot sa kanila sina Nancy at Edward na tila may pinagtatalunan.

"That's him, wasn't it?" Giit ni Edward.

"Itigil mo na yan, Edward. Tama na." Tonong awat ni Nancy.

"But he hurt my daughter."

"Kung siya nga, anong gagawin mo? Hindi mo pwedeng ipilit na magustuhan niya si Vanessa."

Huminto si Oshema at nilingon ang mag-asawa. "May problema ba, Nancy?" May palagay siya na si Joul ang pinagtatalunan ng mga ito.

Natigil sa pagtatalo ang mga ito at halos magkasabay na umiling. Nginitian na lamang niya ng tipid ang dalawa.

Joul is looking down on her kaya binaling niya ang tingin sa binata.

"Shall we go back to the hotel now?" Tanong nito.

Gusto sana niyang umuwi saglit sa bahay nila pero sabi ni Edward baka nandoon ang mga tauhan ni Rune at nag-aabang. Kahit maayos na sila ngayon ng mga magulang niya at nasa kanyang panig na ang mga ito hindi pa rin sigurado kung patatahimikin siya ni Rune. Hindi nila kontrolado ang itinatakbo ng utak ng lalaking iyon. Iiwas na lang muna siya at palalamigin ang lahat. Hindi rin makakabuti kung ibubunyag niya sa publiko ang panlolokong ginawa nito. Magiging malaking eskandalo iyon at pati pamilya niya madadamay. Ayaw niyang maging tampulan sila ng tsismis. Sapat ng nalaman ng mga magulang niya ang katotohanan.

"May gusto ka pa bang puntahan?" Pukaw ni Joul.

"Wala na. Bumalik na tayo ng hotel. Kailan nga pala tayo aalis?" Ipinulupot niya rito ang kamay.

She could feel his body tensed up. Kaya lalo niyang iniyakap rito ang bisig. She loves teasing him when he's this affected with her touch.

"We're leaving once you're ready." Huminga ito ng malalim.

Tumango siya. Pinigilan niyang mangiti. Nakapagpaalam na siya kanina ng maayos sa mga magulang na sasama muna siya kay Joul sa Japan para makaiwas kay Rune. Pumayag ang mga ito. Hindi lamang iyon, binigay din ng mga ito ang bendisyon para sa relasyon nila ng binata. Nothing much she can ask for. Freedom.

Pagkaalis ng mga magulang at ng mag-asawang Nancy at Edward ay tumulak na sila pabalik ng hotel.

Abot-langit ang pasasalamat niya na maganda ang kinalabasan ng lahat. Sa kabila ng mga negatibong nangyayari hindi pa rin talaga masamang umasa at magtiwala sa pamilya. Tatalikod man ang buong mundo, ang pamilya ay mananatili.

"Tired?" Hinalikan siya ni Joul sa tainga pagkapasok nila sa kanilang suite.

"A little and sleepy too." Sagot niya sabay hikab. She kicked her shoes off and threw herself into bed.

Natawa sa kanya ang lalaki. Hinubad nito ang suot na white cardigan. Naiwan ang black long sleeves shirt. He rolled the sleeves unto his elbows. At isinampay ang cardigan sa sandigan ng sofa.

" I'll just take a quick shower." He unbuckled his belt and loose it off.

Tumango siya. Bumangon. "I'll have mine later when you're done." Bumaba siya ng kama at lumapit sa dining table. Dinampot niya ang pitsel na may tubig at nagsalin sa baso.

Lumapit sa kanya ang binata at niyakap siya mula sa likod.

"Wouldn't you like to join me?" Ibinaon nito ang labi sa kanyang leeg. "We'll be quick, i promise." Bulong nito.

Nakagat niya ang labi. Nahihirapan tuloy siyang lunukin ang tubig. Pero di niya maintindihan ang pintig ng kanyang puso. Masakit na tila may sasabog. It's like something inside is telling her this is not right. Humarap siya kay Joul at yumakap rito. Ano bang nangyayari sa kanya?

NAPAMURA si Yzack nang tumunog ang kanyang cellphone. Damn! Interruped by some stupid calls again.

"You can go ahead." Bumitaw siya kay Oshema at naglakad patungo sa may sofa kungsaan nakasampay ang cardigan. Kinuha niya sa bulsa ang cellphone.

It was Jrex.

Binato niya ng sulyap ang dalaga na nakamasid sa kanya. Agad itong nag-iwas ng tingin at tinungo ang banyo.

"Jrex?" Binuksan niya ang glass panel at lumabas ng terrace.

"Sorry for the interruption, Yzack. Your father asked me to tell you to go home immediately. He doesn't like it when your mother worries about you so much." Balita ng lalaki.

"I understand. I'll be home tomorow." Nilingon niya ang gawi ng banyo.

"Masyado ka yatang nag-enjoy diyan sa girlfriend ng kapatid mo. Don't forget she's not yours. Don't take advantage with the situation. You might screw it up."

"And what are you trying to mean by that?" Napatiim siya ng bagang.

"Do you really have to be that physical on her?"

"What the fuck?" Nakikita ba siya ni Jrex? "Where are you, bastard?" Naglakbay ang paningin niya sa mga katabing gusali. He is positive nasa isa sa mga iyon ang lalaki. Nakaantabay.

Narinig niya ang mahinang halakhak nito.

"Did my father told you to do this?" Iritableng sigaw niya.

That earned another crispy laugh from Jrex.

"If that's isn't so obvious." Kantiyaw nito. "Hey, listen. I have an update about Randall. Pero di ko sasabihin sayo pag di ka umuwi sa inyo." That was clearly a blackmail.

"Testing my patience, huh. I'll have it then when i get back." Matigas niyang pahayag at pinatay ang tawag. Pag nagtagal pa ang pag-uusap nila kakantiyawan lang siya ng lalaking iyon at aasarin.

May update na naman tungkol kay Randall? That must be a bad one, reason why his father wanted him home soon.

Bumalik siya sa loob ng silid. At napamura nang maisip na pinapanood siya ngayon ni Jrex. Binabantayan.

Bakit siya masyadong pisikal kay Oshema? Alam niyang hindi niya pag-aari ang babae pero tuwing nasa malapit ito nakakalimutan niya lahat ng nilalagay niyang limitasyon para sa sarili. He is completely drawn and charmed kahit pa alam niyang ang nakikita nito ay si Jairuz at hindi siya. Just when did he become like this? It's insane. Mariing pinagmamasdan niya ang nakasaradong pintuan ng banyo.

NATAWA si Oshema matapos mabasa ang reply ni Nancy. Tinutukso pa rin siya ng kapatid kahit hindi niya pinatulan. Baka kasi kung saang kalaswaan pa ng usapan sila mapunta. Gamit niya ang extra cellphone na binigay nito kagabi at kanina pa siya nito kinukulit kung hanggang saan na sila nakarating ni Joul. Akala niya naman lugar ang tinutukoy nito kaya sinagot niya na hanggang sa Manila pa lang. Di pala iyon ang ibig nitong sabihin. 'Yong sa pisikal na aspeto pala. Nagmukha tuloy siyang ingot.

Tinanaw niya si Joul na naroon sa terrace at may kausap sa cellphone. Di niya marinig ang pakikipag-usap ng binata dahil sinarado nito ang glass panel. Kung susubukan niya namang buksan baka iisipin nitong nanunubok siya sa usapan kahit pa gigil siyang malaman kung sino ang kausap nito at kung anong pinag-uusapan ng mga ito.

Ngayon sila naka-schedule na lumipad patungong Japan. Kaninang umaga sinubukan niyang tumawag sa school para sana makausap si Miriam pero walang sumasagot. Baka nasa meeting ang kaibigan. Pero sabi naman ni Nancy, ito na ang bahalang pumunta ng eskwelahan para makausap ang school administrator at magpaliwanag sa biglaan niyang pag-alis. Hihingi na lang siya ng update mula sa kapatid.

"Aalis na ba tayo?" Ibinaba niya sa kama ang cellphone at sinalubong si Joul na pumasok sa loob ng kwarto.

Huminga ito malalim at napailing. Nasa mukha ang pagkabalisa. "We can't just go yet." Deklarasyon nitong nagtatagis ng mga ngipin.

"Okay, may problema ba?" Tanong niya.

Hinilot nito ang batok. "Someone special back home is gone. Our people there suspected that she's here. I need to find her."

"Kailangan mo ba ng tulong? Pwede kong kausapin si Papa." Suggests niya. May mga koneksiyons ang kanyang ama na maari nilang hingan ng tulong.

"No, thanks. Our men can handle this. Kailangan ko munang umalis." Paalam nito at hinalikan siya sa noo.

"Be careful out there." Niyakap niya ito.

"I will. Don't go out. Rune's men are still hovering all over the place. Baka matiyempuhan ka nila sa labas." Paalala nito.

Tumango siya at hinatid ito sa may pintuan. He tapped some contacts on his phone. May kausap na ito habang papalayo sa kanya. Binalikan niya ang kanyang cellphone na nasa kama. Nagtext agad siya kay Nancy para ibalita na hindi muna sila matutuloy ni Joul sa pag-alis. Tumawag ang kapatid makaraan ang ilang minuto mula ng ipasa niya ang mensahe.

"Anong nangyari, Shem?" Tanong nito.

"May problema yata doon sa kanila. May nawawala daw at mukhang nandito sa Pilipinas. Pinapahanap yata sa kanya." Sagot niyang naupo sa sofa at kumuha ng magazine mula sa centerpiece. Binuklat-buklat.

"Ganoon ba?" Saglit na natahimik si Nancy. " Shem, tumawag rito ang mommy ni Rune. Nagtatanong kung umuwi ka."

Nawalan siya ng kibo. Mabait sa kanya ang ina ni Rune. Itinuturing siya nitong parang tunay na kadugo. Nakakasama talaga ng loob na pati ito at ang asawa nito ay nakayang lokohin ng sariling anak.

"Kakausapin sila nina Papa at Mama." Pahayag ni Nancy na nagpabalik sa kanya sa huwesiyo.

"Okay," kung siya ang tatanungin mas gusto niyang si Rune ang magtatapat sa katotohanan. Mas masasaktan ang mag-asawa kung sa ibang tao malalaman ng mga ito ang kabulastugan ng anak. Pero ang duwag na lalaking iyon, kahit maghimala pa ang langit malamang ay pipiliin pa din nitong mangloko at magsinungaling sa mga magulang. Wala kasing prinsipyo at paninindigan. Palibhasa hindi tunay na lalaki. "Kumusta nga pala si Vanessa?" May hatid na kirot sa kanyang dibdib ang alaala ng mukha ng pamangkin na umiiyak.

"Hindi siya maayos sa ngayon. Talagang gustong-gusto niya si Joul. Pero wag kang mag-alala, she will get over it in no time. Bata pa siya. Madami pang darating." Pampalubag-loob na sabi ni Nancy.

"I'm sorry, Nancy. Nasaktan ko siya ng husto." Tumayo siya at lumabas ng terrace. Pinagmasdan ang payapang Manila Bay. Ang dagat ay lumilikha ng hindi pantay na mga guhit sa buhangin tuwing nag-iiwan ng bakas sa bawat paghampas ng mga alon nito sa dalampasigan.

"Wala kang kasalanan. Hindi natin pwedeng turuan si Joul kung sinong dapat niyang mahalin. Kahit siya mismo ay hindi matuturuan ang sarili niya."

Lumipad ang paningin niya sa malayong bahagi kungsaan nagtatagpo ang dagat at langit. "Hindi ba lilipat ng school si Vanessa?"

"Ayaw niyang lumipat. Nandoon daw ang mga kaibigan niya."

"Sabagay, mababait ang mga kaibigan niya doon." Noong huling nakita niya ang mga kaibigan ni Vanessa, basang-basa niya sa mga ito ang pagkadismaya. Si Trisha lang ang nanatiling civil sa kanya at binati siya.

Mag-isa siyang kumain ng tanghalian doon sa suite. Umorder lamang siya. Habang kumakain ay tumawag sa kanya si Joul at kinamusta siya. Sinabi rin nito kung nasaan ito. At muli siyang pinaaalalahanan na wag lumabas dahil nasa paligid lamang ang mga tauhan ni Rune.

"ARE YOU SURE HE'S HERE?"

Dinig ni Jairuz ang malamyos na boses na iyon ng babae habang nasa top deck siya ng barko at nagpapaaraw. Was it the nurse? But Ms. Lyne's voice is more mature than this one.

Umayos siya ng sandal sa naka-elevate na folding bed at tinakpan ng hinubad na shirt ang mukha na direktang tinatamaan ng sinag ng araw. Katatapos lamang ng meeting niya kay Alexial at sa ibang mga tauhan ng Ragnarok. Red Scorpion's archenemy. The plan had several loopholes they need to work on before they launch it in full force.

"Where is he?" Papalapit ang malamyos na tinig kungsaan siya nakahiga sa nilalatag na folding bed.

"There he is, Miss." Boses iyon ni William. So, he's back. Umalis ito kahapon pero di niya alam kung saan pumunta.

Papalapit ang mga yabag na naririnig niya. Tapos huminto. "Y-Yzack?"

Umungol siya at bumangon. "What?" Pahinamad niyang baling sa mga bagong dating. It was William, right? Behind him are two of their men and a girl. A very pretty one, wearing some mint green long-lace chiffon dress. Her shiny, stunning hair fell down freely, swaying in the breeze and adorned with silver barrette clips.

She's pursing her cute richly defined pink lips while staring at him. Mukhang kabado at nag-aalala. Just who the hell is this girl?

Nilipat niya kay William ang nagtatanong na mga mata. Pero umiwas ito ng tingin kaya binalik na lamang niya sa dalagang hindi niya matukoy kung galit o natutuwa dahil papalit-palit ang emosyong bumabadha sa magandang mukha.

"Yzack, what happened to you? Are you hurt?" Pumiyok ang boses nito. Lumiit na parang sa bata.

"I'm fine," sagot niya. Isinampay sa balikat ang shirt.

"Fine? Then what is that creepy thing on your shoulder? Nagti-trip ka lang?" Sigaw nito kasunod ang pagbuhos ng mga luha. " I hate you. Why did you do this to me? You know i could die worrying about you, you doucebag!"

Her sudden outburst rendered him speechless. Sino ba itong babaeng ito? Bumaling siya kay William pero nag-iwas ulit ito ng tingin. Napipikon na siya. Hinawakan niya ang nakabendang balikat at tumayo.

"Hold it, Miss. I don't know___"

Hindi niya natapos ang pagsasalita dahil muntik na siyang matumba nang bumalya sa kanya ang malambot na katawan ng dalagang umiiyak. Anak ng putik! Ang sakit ng sugat niya. Kung yayakapin siya pwede namang dahan-dahan, 'wag 'yong pahampas. Ano ba ito, parusa?

" Ninong, care to explain what is happening here?" Nanggagalaiting asik niya.

Napangiwi si William at napahawak sa leeg na para bang gustong sakalin ang sarili. What the hell is going on, damn it?