webnovel

BEAUTIFUL SCANDAL

On the night of her wedding, Oshema Yzabella woke up next to a man who is not her husband. Gumuho ang mundo niya lalo na nang matuklasan niya kung anong ginagawa ng kanyang asawa sa kabilang kwarto. Para pansamantalang makalimot, lumayo siya at nagtrabaho. Pero kung hindi nga naman niya hawak ang tadhana, wala siyang magagawa kung anong kababalaghan ang ihahambalang nito sa kanyang daraanan. Sa pamantasan kung saan niya sinimulan ang panibagong buhay ay muling nagtagpo ang landas nila ng pangahas na lalaking nakasama niya sa honeymoon. Ang malala pa ay isa ito sa mga estudyanteng kailangan niyang hasain ang kakayahan. Susuko ba ulit siya at tatakas? O, tanggapiin ang panibagong hamon ng kapalaran kahit ito ay mauwi sa isang eskandalo.

Ashley_Grace_Puno · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
56 Chs

Chapter 21

Alam ni Oshema na kahit gaano pa kahigpit ang kapit niya sa pagmamahalan nila ni Joul ay hindi pa rin magbabago kung anong itinakda ng lipunan para sa kanilang dalawa. Guro siya at estudyante si Joul. Estudyante niya. In the perfect norm of society, their love is strictly forbidden.

Hindi naman din siya umasa na maluwag na tatanggapin ng mga kapwa niya guro at ng school management ang pag-amin niya ng nararamdaman para sa kanyang estudyante. Ang kanyang ginawa ay malaking insulto at paglabag sa iniingatang code of ethics ng isang matinong guro.

Napangiti na lamang siya ng mapait nang maalala ang litanya ng dean at guidance counselor matapos niya sabihin ang totoo. Lahat yata ng violation na pwede ay ipinaratang sa kanya. Buti na lang nasa saktong edad na si Yzack kundi baka siya ang kauna-unahang babaeng makakasuhan ng statutory rape sa bansa.

Napasinghap siya at huminto sa paglalakad nang madama ang pagpulupot ng dalawang malalakas at mapangahas na mga bisig sa kanyang baywang mula sa likod.

"Joul," nakagat niya ang labi dahil sa pagbangon ng kiliti.

"You okay?" He whispered and plant a small kiss on her nape.

"Stop it, baka may makakita sa atin." Saway niya rito.

But he just chuckled sexily. " Matatakot ka pa ba pagkatapos mong ipagsigawan doon sa conference room na mahal mo ako?" Panunukso nito.

Even his voice is like a loose trigger to her system now. Natataranta hindi lamang ang puso niya kundi bawat buhay na bahagi ng kanyang katawan.

"Hindi naman ako sumisigaw ,ah!" Di niya mapigil ang pamulahan ng pisngi nang maisip ang ginawa kanina. Bilib talaga siya sa sikmura ng lalaking ito. Parang hindi man lang apektado sa mga nangyayari ngayon.

"Hmnn, thank you, babe. Akala ko di ko talaga maririnig mula sayo na aminin sa harap ng iba na mahal mo ako. You have no idea how much it makes me happy." Natunugan niya ang di maitatagong excitement sa tono nito at naghatid iyon ng piping kaligayahan sa kanyang puso.

" I'm just telling them the truth like what you did." Sumandal siya sa katawan nito at humilig sa matigas nitong dibdib. Bahala na nga kung may makakita sa kanila. Gaano man niya ingatan ang kanyang imahe, sa mata ng iba madudungisan pa rin iyon.

Ang kailangan niyang harapin ay ang galit ni Vanessa, ng kanyang pamilya at si Rune at ang pamilya nito. But knowing that she has Joul beside her, the hurdles ahead will never be that hard to overcome.

"Wanna make out for a bit?" Anas ng binata na hinahalik-halikan ang kanyang tainga pababa sa kanyang leeg.

Ngumuso siya. Pinigilan ang ngiti. "Here?"

Humalakhak ito. "Not here, silly. The dean will gonna explode to death if she sees us."

Natawa rin siya ng maisip iyon. "Tama ka." Noong nagsalita siya kanina doon sa conference room, namutla ang dean at ang guidance counselor pagkatapos mamutla ay pumula naman ng husto ang mga mukha. Akala niya aatakehen sa puso ang dalawa.

"I know a perfect place." Bulong nito. Kinagat-kagat ang bawat nadadaanan ng halik.

Humarap siya rito at nagtagpo ang mga mata nila. His gorgeous hazel eyes are in blaze again fascinating her to the core of her soul. Kusa na siyang nagpatangay nang hatakin nito paalis.

Iniwasan nilang dumaan sa mga pasilyong may maraming mga estudyante at tuwing may nakakasalubong sila ay mabilis silang naghahanap ng mapagtataguan. Hawak ni Joul ang kanyang kamay at nagtatawanan sila na parang mga timang. Hanggang sa sapitin nila ang opisina ng administrator.

Nanlaki ang mga mata niya. "Dito? Nasisiraan ka na. Ayaw ko diyan. Papatayin tayo ni sir." Angil niya sa nakangising binata. God! He is such a dork.

"Trust me. There's no other perfect place than here." Kumindat ito at kumatok sa pinto. Sabay bukas. Sumilip ito sa loob mula sa nilikhang awang. "He's not here yet. Let's go."

"Paano kung dumating siya at abutan tayo?" Sinimangutan niya ito. Loko-loko talaga ang lalaking ito. Gusto yatang masentinsyahan na sila agad at mapatalsik sa eskwelahan.

"Come on, trust me, okay?" Hinatak siya nito para pumasok pero nagmatigas siya at pumiksi mula sa pagkakahawak nito.

"Pakipot pa, eh." Angal nitong napapailing. Ang sumunod nitong ginawa ay di niya inasahan.

Joul carried her and slipped inside the office. Natakpan niya ang bibig para pigilan ang pagtili. Sinipa nito pasara ang pinto and he advances towards the adjacent twin door behind the single huge bookshelf at the far end of the room. Ilang beses na rin siyang nakapasok rito pero di niya napansin na may connecting door pala roon.

Binuksan nito ang pinto at pumasok sila. Ibinaba siya nito sa sahig at sinara ang pinto. Ni-lock. Siya naman ay gumala ang paningin sa buong silid. The room is awfully huge and spacious. In simple tone but intimidating and screaming with masculinity.

Adorned with solstice comete chandellier on the ceiling and the grey wall to wall carpet. May high-end ultra-massive luxury desk, high-backed swivel chair sa likod niyon at dalawang chesterfield wing back chair na magkatapat sa harap. Sa isang sulok ay naroon ang mahabang sectional couch clothed with black Bugatti grain leather. It accentuates to the dark grey sheer curtains streaming down from the floor to ceiling windows. On the other side is the wood bookshelf full of books in various disciplines and an ebony black vases of ornamental plants in both sides.

Tumingin siya kay Joul na nakangising nanonood sa kanya.

"Done evaluating?" Umangat ang isang kilay nito.

Inirapan niya lamang ito at nagpatuloy sa pagsuri sa silid. "Who's office is this?" Tanong niya.

" School president."

"What?" Laglag ang panga niya at halos lumuwa ang mga mata. Opisina ng school president ang pinasukan nila? Kaya pala ganoon na lang ang nadama niyang intimidation. " You're crazy! Why did you bring me here?" Sinugod niya ng palo ang binata na natatawang umatras at sinasangga ang mga palo niya. Tumigil lang siya nang maisip na baka binibiro lamang siya nito.

" Don't worry, knowing the president, i'm sure he'll understand." Hinatak siya nito patungong couch.

Napakurap siya. Knowing the president? Kilala nito personally ang presidente ng eskwelahan? Mula ng dumating siya rito hindi pa niya nakita ang taong iyon. She only knew him by name. Jairuz Randall Monte-Aragon. Kahit picture wala siyang nakita sa buong school. The school's organizational structure has no photos of him too. Only his name written in gold brass is there. But she heard a lot about him by Miriam. Minsan lang daw iyon nagpupunta rito. He was delegating most of his responsibilities to the administrator. Dahil siguro sa responsibilidad sa ibang negosyo. Miriam said, he came from a very wealthy family here in Martirez province.

" Seryoso ka ba? Talagang opisina ito ng president?" Nilukob siya ng kaba habang nagpapatangay kay Joul paupo sa couch. What if he suddenly shows up? What if this is not one of their lucky day? Napako sa pinto ang mga mata niya. Nangangati ang talampakan sa pag-iisip na biglang bubukas iyon at papasok ang pinakamakapangyarihang tao sa buong school.

" Seryoso. Why would I joke about it?" He groaned. " Look, you're overthinking. Hindi iyon darating. Malalaman ko kung pupunta siya rito."

Pilit niyang binawi ang paningin at tumitig sa binata. " Malalaman mo? Paano?"

"Hmn, I just had a hunch every time he's coming." Kumindat ito at bumaba ang tingin sa nakaawang niyang mga labi. Lumapit ang mukha nito para mahalikan siya habang hindi tinantanan ng mariing titig ang kanyang mga mata.

" Do you know him? I mean, personally. Are you close?" Tanong niyang nagpaantada sa akmang paghalik nito sa kanya.

He sighed heavily. Almost ran out of patience. " Not quiet, but we knew each other in person. Minsan may inuutos din siya sa akin." He explained. " Unlike those old little hags, he is an open-minded guy."

Tumango siya. Nakalimutan niyang student employee nga pala si Joul. Hindi imposible para dito ang makilala ng personal ang employer nito gaya ni Mr. Saavedra na maraming trabahong iniaasa sa binata.

"Stop thinking other things. I want you to focus on me." He started teasing her lips with small, tender kisses.

Mabilis na nawala sa katinuan ang isip niya at lahat ng pangambang naroon kanina ay natunaw na lang basta. Para siyang binalot ng apoy pero hindi siya natutupok.

She cupped his face and caught his lips, attacking him with deep, passionate kiss. Gumanti ito at pinantayan ang intensidad ng kanyang halik. Sa sobrang kalasingan ay hindi niya namalayan kung paanong napunta siya sa kandungan nito.

Sunod niyang namalayan ay nakahiga na siya sa couch at nasa ibabaw niya ang binata. Namumungay ang mga mata nito sa pamilyar na apoy na nagliliyab roon. Hinaplos niya ang mukha nito habang alipin ng nagdidiliryong puso.

"Take me here now, Joul." She pleaded torn between wanting him so bad and the fear to lose him after everything.

He was a bit stunned. Hindi nito inasahan ang pakiusap niya. " You sure?"

Tumango siya. Mariing kinagat ang labi. She can't breath properly. Parang triple sa bilis ang bawat pagsabog ng kanyang heartbeat. Though not the right place for her to act this way. Pero gusto niyang sulitin ang pagkakataon. Hindi niya alam kung anong naghihintay bukas. Paano kung ito na ang huli para sa kanila? Ayaw niyang sayangin ang pagkakataong maaring hindi na muling ibigay sa kanila.

"Aren't you still sore from yesterday? It's going to be painful." He whispered hoarsely. Pansin niya ang matindi nitong pagpipigil. Ang nag-uumigting nitong mga panga at ang bawat paggalaw ng adam's apple nito ay malaking patunay na nahihirapan itong kontrolin ang sarili.

Wala siyang pakialam sa sakit. Makakaya niya iyon. Kakayanin niya. She want him again. Planted solidly and firmly inside her.

"I will be fine." Assurance niya rito at ngumiti ng matamis.

Marahan itong tumango at binasa ng laway ang ibabang labi na mapulang-mapula. That gives off all the hotness in him. She felt something in her core is about to explode because of what he just did.

"How do you want me to take you? Quick or you want it slow, hard and dirty, hmn?" He bit her earlobes and licked her jawline with the tip of his tongue in an extremely sensual manner.

She shuddered, can't speak because of the raging pleasure. Unable to even think straight and comprehend.