webnovel

Be with you (Matrimony Series no.1)

Aesssea · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
1 Chs

SIMULA

Simula

" TANGINA  " mura nya nang apakan ko ang paa nya dahil nakaharang ito sa dadaanan ko.

Tinignan ko lang sya ng masama at inirapan. Nag simula na ulit akong maglakad patungo sa sasakyan namin.

" Ano bang problema mo babae? " Galit na tanong nya habang nakasunod sakin. I didn't mind him. Binuksan ko na ang pinto ng sasakyan sa likod.

Naka-upo na ako ganoon din ang walang hiya sa driver seat. Hindi ko na sya pinansin at binuksan na ang phone ko.

" You forgot something, Miss " inis sa paalala nito sakin.

" Forgot your ass " pabalang na sagot ko.

Inabala ko ang sarili ko sa phone dahil kanina pa nag cha-chat si Gia sakin. I'm late for my first subject kaya galit na galit na itong si Gia. Naiinis na din ako. May test pa naman kami.

Ilang minuto na ang nakalipas staka ko lang napansin na hindi pa pala kami umaandar kaya tinignan ko ang lalaking prenteng naka-upo sa driver seat.

" What the heck are you doing? Anong hinihintay mo, pasko? " Inis na tanong ko dito.

" I'm not your fucking driver, Ary " he said.

" Tangina naman napaka babaw mo! " Inis na sabi ko at binato sakanya ang unan na nandito sa sasakyan.

Naka-ilag naman sya at pinulot din yung unan staka ibinato sakin pabalik. Natamaan ako sa ilong kaya napadaing ako.

" Eh kung lumipat ka na lang kaya dito sa unahan edi sana naka-alis na tayo! " Asik nya.

Binato ko ulit pabalik sakanya ang unan kaso nakailag na naman ang hayop.

" Dinaig mo pa babae sa sobrang arte mo! "

" Ayaw mo talagang umupo dito sa harapan? Fine! Then I won't drive us to school. Bahala kang malate " he said.

Napapikit ako ng mariin at agad agad bumaba para lumipat sa unahan. Padabog kong isinarado ang pintuan sa likod. Ganoon din ang ginawa ko nang makapasok na ulit ako sa kotse.

" Galit ka? " Mapang asar na tanong nya kaya tinignan ko sya ng masama.

Calm down, Ary. Calm down. Wag kang pumatol sa tukmol na yan. You are beautiful, so don't stress yourself over this guy.

I fake a smile.

" Hindi naman ako galit. Hindi ko nga gusto na saksakin ka ng ballpen ngayon eh. Chill lang ako " sabi ko dito sabay irap at iwas ng tingin.

I heard him chuckled.

Naramdaman ko na ang unti unting pag andar ng kotse kaya nakahinga ako ng maluwag.

Narinig ko ang pag sipol ng walang hiya sa tabi ko. Sarap sakalin ng walang bitaw. Kung legal lang talaga pumatay, baka matagal ng patay ang isang to.

Chill lang sya kasi wala syang first subject ngayon. Kaya di sya kumilos ng mabilis. Ang nilalang na ito ang dahilan kung bakit lagi akong nalelate every Wednesday. Tuwing miyerkules kasi ang vacant ng hayop at dahil sya ang nag da-drive, I have no choice but to wait him.

Hindi naman ako makapag commute dahil sa laki ng Village na tinitirhan namin at puro private vehicle lang ang nakakapsok. Kaya kung sasakay ako sa taxi, It'll take me 30 minutes para lang makapunta sa main gate at doon mag abang ng masasakyan.

" Fuck! " Narinig ko na naman ang boses nya.

" I forgot my phone on the couch, " aniya.

Nag init na naman ang ulo ko dahil sa sinabi nyang iyon.

" Don't tell me babalik ka pa? " Sarkastiko kong tanong.

" Of course. It's my phone " aniya at inikot na ang manibela pabalik.

" Tangina naman Red! " Mura ko dahil sa inis " Late na late na ako at malamang di na ako magkapag take ng exam nito! "

" Easy ka lang. Bibilisan ko na lang mag pagtakbo mamaya " he said and look at me then wink.

Naiinis na talaga ako. Di ko na kaya ang kawalang hiyaan ng isang to.

" ARAY! ARAY! ARAY! "

" WALANGHIYA KA TALAGANG LALAKI KA! "

Sinabunutan ko sya kahit na nagdadrive sya. Kailangan kong mailabas lahat ng galit ko dahil baka magkasakit ako sa puso.

" ANO BA ARY? NAG DADRIVE AKO "

" I DON'T CARE! "

Hinila ko lang nang hinila ang buhok nya. Hindi pa ako nakuntento dahil hinampas ko pa sya.

" BAKA MABANGGA TAYO--"

" Ano na namang pinag-awayan nyong dalawa? " Tanong ni Tita.

Kanina pa sa bahay sila tito at tita. Pati sila daddy at mommy.

" Mom, sinabunutan nya kasi ako habang nagdadrive " unang sumbong nito kaya napatingin ako sakanya at hinampas sya.

" You deserve it, jerk! "

" Aray! Tama na! " Daing nya habang iniiwas ang braso nya na may benda.

" Stop now, Ary " si dad naman ngayon ang nagsalita.

Agad akong tumigil pero tinapunan ko muna ng masamang tingin si Red bago tumingin sa mga magulang namin.

" He keep on teasing me dahil alam nyang late na ako. Tinagalan nya ang pagkilos sa umaga para lang di ako makaabot sa first subject ko. We have an examination today and that was so important to me. I might fail if I missed it " pag susumbong ko.

" You did that, Red? " Tanong ng daddy ni Red sakanya.

" Well, I am the driver kaya dapat sya ang mag adjust " anito

" That's not right, son. Ary is your wife. Kung may dapat mang mag adjust dito ay kayong dalawa. Adjust your schedule for her. Kung vacant mo but Ary have her subject, then wake up early and drive her to school para di sya malate " his mom lectured him.

Tinignan ko sya at nagkasalubong ang tingin namin. I smirked.

Loser

Sinamaan nya ako ng tingin. Buti nga sayo.

" Why don't you buy her a car Instead? Total naman kayo lang ang may gusto na ikasal kami sa isa't isa. Bakit kami ang mag a-adjust if we don't benefit in your deal! "

" Enough for that, Red! " Sita ni tito sa anak.

Bakas na ang pagka-inis ni Red. He keep on rolling his eyes. He looks like a gay. Bakit ba kasi sakanya pa ako ikinasal? I mean, I'll be okay if hindi sakanya. I will accept, with open heart, the deal if it's not him.

He really looks like a gay. Sobrang arte. Kaya nga hindi ko maintindihan ang mga babae sa school kung bakit gustong gusto nila ang nilalang na ito. Samantalang wala ngang nagawang mabuti yan sa araw araw na kasama ko sya sa bahay.

Fine!

I admit, he is gwapo. Matangkad din sya kaya hindi na ako nagtaka nang kunin sya ng varsity team sa school namin. He is actually the captain of the basketball team in our school.

Kung di ko lang sya kilala, aakalain kong artista sa korea. He looks like a korean actor but he is not. Mukha din syang seryoso. He looks cocky pero sabi nila hindi naman daw masama ugali nya.

Tss.

Di kasi nila nakakasama sa bahay kaya nila nasasabi na hindi masama ugali.

He has a purple hair dahil nagpakulay sya noong nakaraan lang. See? He is really a gay. Baka nga dumadamoves yan sa mga ka team nya. Kaya siguro sumali sa basketball para makaboso ng mga gwapong player.

Hindi na ako magtataka pag nag out ang isang to one day. His name is Red Sanchez. My husband. Yes. He is my husband pero sa papel lang. Pinag kasundo kami ng mga magulang namin sa Isa't isa for business purposes.

Nakakatawa nga isipin na kahit pala 2020 na ay uso parin ang fixed marriage.

" And for you, Ary. Don't worry about your exam. I will talk to the owner for you " daddy told me bago sila umalis sa bahay.

" Huwag na din kayong mag alala about sa kotse at sa bahay na nabunggo nyo. Kami na ang aayos doon " sabi naman ni tito.

" How about tomorrow? Paano kami makakapasok kung wala kaming gagamitin na sasakyan? " Tanong ni Red ng may iritasyon sa boses.

" Don't worry about that. The school told us that you two are excuse tomorrow. Mag pahinga muna kayo bukas. We will buy you a new car, don't worry Red " si tita naman ngayon.

Pinagmasdan namin ang pag alis nila. Nang mawala na sila sa panigin namin ay agad na padabog na pumasok si Red sa bahay.

I smirked. Now what jerk? Ako na naman ang nanalo. I chuckled. Panigurado, bawas na naman ang allowance nyan dahil sa nangyari ngayon.

Mapang asar ka ha!

Tignan natin ang galing mo.