webnovel

SEASON 1 FINALE

RILEY POV

"M-mahal m-mo siya? Gulat na sambit ng babae at tila hindi eto makapaniwala sa sinabi ni Sir. Lucas.

Tumingin si Sir. Lucas sa babaeng kasalukuyang naka salampak sa sahig dahil sa pagkakasampal ni Lucas sa kanya.

"A-anong i-ibig mong sabihin? Muling tanong ng babae.

Tila hindi neto naramdaman ang sampal na ginawa sa kanya ni Sir. Lucas kahit na namumula pa ang pisngi neto.

"S-sir. Kinakabahang tawag ko kay Sir. Lucas.

Lalo akong naguguluhan at nalilito lalo na ng marinig ko ang binitawan niyang salita. Lumingon saken si Sir. Lucas at parang nalilito na din.

"D-d*mn. Mahinang mura niya at bigla etong naglakad palabas ng kwarto.

Naiwan akong nakatulala at sinusubukan i-sink in sa utak ko lahat.

"H-ha, b-bakla siya? Sambit ng babae at ng lingunin ko eto ay para etong baliw na naka salampak sa sahig.

Hindi ko na siya pinansin at patakbong sinundan ko si Sir. Lucas, ng makita ko siyang nag mamadaling lumabas ng restaurant ay agad agad ko etong tinawag.

"S-sir! Hingal na sigaw ko dito.

Pero hindi eto humihinto at tila wala etong naririnig.

"S-sir s-sandali lang po! Muling sigaw ko dito.

Nakalabas na eto sa loob ng restaurant at ako ay patuloy na hinahabol eto. Imbis na huminto eto sa parking lot kung saan naka park ang sasakyan niya at ibang direction ang tinahak neto.

"S-sir. Sigaw na tawag ko ulet dito.

Dahil sa mas mahaba ang mga binti niya ay mas mabilis etong tumakbo kesa saken, pero hindi pa rin ako sumuko at sinusundan ko pa rin siya.

"S-sir p-please huminto ka naman! Sigaw ko dito.

Nagulat ako ng huminto nga eto at napahawak naman ako sa magkabilaang tuhod ko dahil sa kinakapos na ako ng hininga kakahabol dito.

"S-sir. Hingal na tawag ko dito

Napagtanto ko na nasa gilid kame ng dagat at walang katao tao dito kundi kameng dalawa lang.

"S-sir b-bakit ka ba tumatakbo. Hingal na ani ko dito.

Nang medyo mabawi ko na ang hininga ko ay dahan dahan akong lumapit sa kanya, at siya ay mistulang naka talikod lang at nakatanaw sa dagat.

"S-sir L-Lucas. Tawag ko dito at dahan dahan kong hinawakan ang likod neto.

Nakita kong napayuko siya ng hawakan ko ang likod neto.

"S-sir m-may problema po ba? Tanong ko dito.

Unti unti siyang lumingon saken at nakita kong may luhang pumapatak sa mga mata niya.

"R-riley. Paos na tawag niya saken.

Hindi ko alam pero kusang tumulo ang luha sa mga mata ko ng makita kong umiiyak ang taong mahal ko.

"S-sir b-bakit ka po umiiyak? Umiiyak na tanong ko.

"I-i'm sorry. Sambit niya habang umiiyak at ramdam mo dito na malungkot talaga siya.

"P-para saan? Takang tanong ko sa kanya.

Inangat niya ang ulo niya at tinignan niya ako sa mata at patuloy pa ring pumapatak ang luha sa mga mata niya.

"S-sorry sa nagawa ko, s-sorry sa pananakit ko sayo at sa lahat ng mga sinabi ko. Umiiyak na sambit niya habang naka tingin sa aking mga mata.

Para akong malulusaw sa lahat ng sinabi niya. Kusa namang tumutulo ang luha ko habang naka tingin at nakikinig sa kanya.

"Alam ko! alam kong g*g* ako pero h-hindi ko alam na unti unti na pala akong nahuhulog sayo. Nakatingin siya sa mata ko habang sinasabi niya yan at patuloy lang sa pag agos ang luha neto sa kanyang mga mata.

Hindi ako maka imik at patuloy lamang naka tingin sa kanya habang may luhang tumutulo saken.

"R-riley h-hindi ko hinihiling sayo na mahalin mo ako pabalik p-pero may isang hiling ako sayo at yun yong mananatili ka lang sa tabi ko. Umiiyak na sambit niya saken.

"A-alam kong marami akong k-kasalanan sayo at h-hindi ko na kayang itama ang lahat ng yon, pero Riley hindi ko alam kung maniniwala ka sa sasabihin ko ang totoo niyan s-sobra sobra na akong nahuhulog sayo at natatakot ako na baka hindi na ako maka ahon. Mahabang salaysay niya sa mahinang boses habang patuloy pa ring pumapatak ang luha sa mga mata neto.

Umiiyak lang ako habang nakikinig sa kanya at sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa mga oras na iyon.

"R-riley. Tawag niya sa pangalan ko.

Nagulat ako ng bigla etong lumuhod sa harap ko at hinawakan ang dalawang kamay ko.

"H-hindi ko alam kung anong gagawin ko o kung anong dapat gawin ko para maniwala ka saken, pero Riley sa buong buhay ko ngayon lang ako mag mamakaawa sa isang tao. Sambit niya habang tuloy tuloy ang luhang pumapatak sa mata niya.

Basang basa na ang gwapong mukha ni Lucas at tila namumula na rin ang mata neto kakaiyak.

"K-kahit kay Sofia na ex ko hindi ko ginawa eto, sana, sana bigyan mo ako ng chance ipakita sayo kung gaano kita kamahal, kung gaano ako nahulog sayo at kung gaano ko pinagsisisihan ang lahat ng kasalanan na ginawa ko. Umiiyak at mahabang salaysay niya saken.

Binawi ko ang isang kamay ko at hinawakan ko ang mukha niyang puno na ng luha at pinunasan ko eto.

"L-lucas. Paos na tawag ko sa kanya.

Hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko at tila sumabog na eto ng marinig ko ang lahat ng sinabi niya saken. Hawak ko ang mukha niya at pinupunasan ang mga taksil na luhang tumutulo sa mata niya.

"H-hindi mo kailangan humingi ng tawad, d-dahil matagal na kitang pinatawad. Umiiyak na sambit ko dito.

"K-kahit na maraming beses ako nasaktan sayo, kahit na sobrang pahirap ang binigay mo saken ay hinding hindi ko kayang mag tanim ng galit sa taong mahal ko. Sambit ko dito.

Nakita kong nagulat siya at napatayo eto sa kanyang pagkakaluhod at hinawakan ang dalawa kong kamay.

"A-anong s-sabi mo? Gulat na tanong neto.

Ngumiti ako kahit na may luhang pumapatak sa mga mata ko.

"M-mahal kita Sir. Lucas, sobrang mahal. Mahinang bulong ko dito.

Nagulat ako ng bigla niya akong halikan at ang halik na yun ay hindi agresibo kundi banayad at ramdam mo ang pagmamahal niya dito.

"M-mahal din kita Riley, mahal kita slave ko. Nakangiting sambit niya saken.

"Handa ako maging slave mo habang buhay basta makasama lang kita. Ngiting sambit ko dito.

Muli na naman niya akong hinalikan at sa pagkakataon na eto ay nakayakap na siya saken.

"Patawarin mo sana ako Riley. Malungkot na sambit niya ng bumitaw kame sa aming halikan.

"Shhh kahit kailan hindi kaya ng puso ko magalit sayo. Ngiting sambit ko dito.

Yinakap niya ako ng mahigpit at ganon din ako, ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso niya at ng puso ko sa mga oras na iyon.

"Mahal na mahal kita Riley Hermosa. Bulong neto saken habang nakayakap ng mahigpit.

"Mahal na mahal din kita Lucas Anderson. Sagot ko naman sa kanya.

Sabi nga nila sa dami ng dahilan para sukuan ko siya pero kumapit ako sa isang rason para ipaglaban ka at yun ay mahal kita.

Everything comes to you at the right time, Be patient and trust the process.

My name is Riley Hermosa Anderson and this is my story.

THE END OF S1....