webnovel

Chapter 5

RILEY POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko.

"Ugh aray. Ani ko ng maramdaman ko ang hapdi ng butas ko.

Naalala ko ang nangyari kagabi kaya agad agad kong tinignan si Sir. Lucas sa tabi ko pero nabigo ako dahil wala na siya dito.

"Ang sakit. Sambit ko sa sarili dahil sa hapdi na nararamdaman ko.

Sinubukan kong tumayo at nagtagumpay naman ako kahit na iika ika ay pinilit ko pa rin pumunta ng banyo upang maligo at ilang minuto lang ay natapos din ako kahit na sobrang sakit ng butas ko ay nagawa ko pa ring matapos maligo. Nag bihis na ako at lumabas ng kwarto na iika ika.

"Good morning Riley ano nangyari sayo? Bati at tanong saken ng isang tauhan ni Sir. Lucas.

"G-good morning ah wala natapilok lang ako kagabi. Pag sisinungaling kong sagot dito.

"Ganon ba mag iingat ka kasi, nandun si boss sa kusina at mukhang hinihintay ka. Ani neto.

Bumilis naman ang tibok ng puso ko ng sabihin niya na hinihintay ako ni Sir. Lucas at hindi ko alam pano ko haharapin si Sir. Lucas matapos ang nangyari samen kagabi.

"Sige po kuya salamat. Pasasalamat ko dito.

Tumango lamang siya at lumakad na ako ng iika ika papuntang kusina upang puntahan si Sir. Lucas.

"G-good morning sir. Nahihiyang bati ko dito.

Naka upo lang siya at umiinom ng kape habang binabasa ang isang news paper.

"D-do you need anything sir? Tanong ko dito.

Nakalapit na ako sa kanya at na sa gilid lamang niya ako pinipilit kong tumayo ng tuwid kahit na mahapdi ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon.

"Seat. Malamig na utos niya.

Umupo naman ako sa tabi ng upuan niya at hinihintay lamang ang sasabihin niya.

"Here's the rules I told you yesterday. Malamig na sambit niya at binigay saken ang isang papel.

Tila iba ang Lucas na nakasama ko kagabi at kausap ko ngayon.

"Read it carefully. Malamig na ani niya at hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

"Y-yes sir. Utal na sagot ko dito.

Binasa ko ang puting papel na binigay niya at nakalagay dito ang rules na sinasabi niya.

1. Don't fall Inlove with me.

Para akong nasaktan sa unang rule pa lang ay parang ayoko ng basahin pa ang susunod na rule.

"Already done sir. Walang ganang sambit ko dito.

Hindi ko na binasa ang sumunod na rules dahil lahat naman yun ay tungkol lang sa kapakanan niya.

"Sign it. Ani niya.

Tumango ako at kinuha ang ballpen na nasa gilid at nilagay ko ang pangalan at pirma ko dun.

"Do you need anything sir? Tanong ko dito pagtapos ko pirmahan ang sinasabi niya.

"Nothing. Malamig na sagot neto saken.

Tumayo na ako upang gumawa ng breakfast dahil yun naman ang lagi kong routine tuwing umaga.

"What kind of breakfast do you want sir? Tanong ko dito.

"Anything. Maiksi at malamig na sagot neto saken.

Tumango lang ako at ika ikang naglakad patungo sa kusina at hindi ko na lamang siya pinapansin sa kanyang ginagawa.

"Fried rice, Bacon and egg na lang lulutuin ko. Bulong ko sa sarili ko.

Inumpisahan ko ng magluto at inuna kong niluto ay ang bacon at sinunod ko naman ang eggs at ang pang huli at fried rice, nag timpla na din ako ng orange juice baka sakaling kailangan niya.

"Here's your breakfast sir. Sambit ko dito at nilapag sa harap niya ang niluto kong putahe.

Tinignan niya lamang eto at hindi nagsalita. Tumayo lang ako sa gilid niya at naghihintay sa susunod niyang utos.

"I don't want to eat this. Malamig na sambit niya na kinalaglag ng panga ko.

"W-why sir? Utal na tanong ko dito.

"I don't have appetite. Ani niya at tumayo na eto upang umalis sa kusina pero bago siya umalis at huminto muna eto.

"Don't waste a food eat the food you make and after that follow me in to my office. Malamig na sambit niya at umalis na eto ng tuluyan sa kusina.

"Don't waste the food daw pero hindi naman niya kinain. Bulong na inis ko sa sarili ko.

Umupo na lang ako sa chair at ako na lang ang kumain ng pagkain na niluto ko at ilang minuto lang at naubos ko na eto.

"Sarap naman ah. Bulong ko sa sarili ko.

Tumayo na ako bit bit ang platong pinagkainan ko at iika ikang naglakad patungo sa kusina.

"Sakit talaga niya. Maiyak iyak kong sambit dahil sa hapdi na nararamdaman ko ngayon.

Hinugasan ko na ang platong ginamit ko at iika ikang lumabas ng kusina upang puntahan ang office niya.

"Sir nandito na po ako. Sambit ko sa pinto.

Hindi ako nakarinig ng sagot mula sa loob kaya dahan dahan kong binuksan ang pinto.

"Pasok na po ako sir. Ani ko dito at tuluyan ng pumasok.

Nadatnan ko siyang seryoso na nagbabasa sa isang iPod at naka reading glasses pa eto na lalong nagpa gwapo sa kanya.

"A-ano ba etong iniisip ko. Bulong ko sa sarili ko.

"What are you doing there? come here. Malamig na sambit niya at nabalik ako sa wisyo.

"Y-yes sir. Sambit ko dito at pinipilit maglakad ng maayos papunta sa kanya.

Nang makalapit ako sa kanya ay tumingin eto saken ng malamig na tingin at tinanggal ang salamin na suot suot niya.

"I have a party to attend at 5 pm come with me and cancel my appointment and meeting. Malamig na sambit neto habang naka tingin sa mga mata ko.

"Y-yes sir. Naiilang na sagot ko dito.

Tumalikod ako at iika ikang pinuntahan ang table kung saan nakalapag ang iPod na ginagamit ko sa mga appointments and meeting ni Sir. Lucas. Cinancel ko lahat ng appointments and meeting niya at yung iba naman ay dineclined ko, bumalik ako sa pwesto ni Sir. Lucas na iika ika.

"Done sir I cancelled your appointment and meeting. Sambit ko dito.

Tumango lamang eto habang abala sa pagbabasa sa iPod niya. Gumilid muna ako at nakatayo lang at hinihintay ang susunod na iuutos niya.

"Prepare my bath. Malamig na utos neto saken.

"Yes sir. Sagot ko dito at dumiretso sa banyo ng office niya.

"Wait. Tawag neto saken.

Napahinto ako at nilingon siya.

"Yes sir? Tanong ko dito.

"How's your hole? Diretsong tanong neto saken.

Namula naman ang pisngi ko at nakaramdam ako ng hiya sa katawan pano ba naman kasi kung makatanong parang normal lang sa kanya.

"O-ok lang po sir. Sagot ko dito.

"Good, ayokong maging dahilan yan para hindi ka makasama mamaya. Sambit niya.

Aba parang bihira ko lang eto marinig na magsalita ng tagalog.

"Yes sir. Sagot ko dito.

"And about last night forget it. You're just my slave at wag mong isipin na may meaning ang nangyari satin, it's just one big mistake. Malamig at mahabang salaysay niya.

"Y-yes sir. Utal na sagot ko dito.

Para akong sinaksak sa puso ng ilang ulet dahil sa sinabi niya at pakiramdam ko ay may babagsak na luha sa mga mata ko.

"I-i'm gonna prepare your bath sir. Pilit na sambit ko dito dahil para na talaga akong iiyak.

Tumalikod na ako sa kanya at saktong pag talikod ko ay dun kumawala ang mga traydor kong luha mabuti na lamang ay nakapasok agad ako ng cr bago pa niya mapansin na umiiyak na ako.