webnovel

Chapter 10

RILEY POV

Nagising ako dahil nakaramdam ako ng uhaw at sa pag mulat ng mata ko ay napansin kong na sa loob na ako ng kwarto ko.

"U-ugh. Ungol na sakit ko ng maramdaman ko na naman ang sakit ng sikmura ko.

Nilibot ko ang paningin ko at nabigla ako ng makita ko si Sir. Lucas na nakayuko sa kama ko at mukhang natutulog.

"S-sir. Mahinang gising ko dito.

Nagising naman agad to at dahan dahang inangat ang ulo at tinignan ako ng inaantok niyang mata at magulong buhok.

"G-gising ka na pala. Inaantok na sambit neto saken.

Tinignan ko siya at kung anong suot niya kagabi ay ganon din ang suot niya hanggang ngayon. Ayokong mag delusyon pero pakiramdam ko ay binantayan niya ako magdamag.

"O-opo, a-ano pong ginagawa niyo dito? Nahihiyang tanong ko sa kanya.

"Binabantayan ka. Simpleng sagot neto.

Tila ibang Lucas ang kausap ko sa mga oras na eto at hindi ko na maramdaman ang malamig netong tono.

"A-ayos ka na po ba sir? Nauutal kong tanong sa kanya.

Hindi ko maintindihan ngayon ang puso ko dahil sobrang bilis ng tibok neto sa mga oras na iyon.

"Bakit ako ang tinatanong mo? Tanong neto saken.

Tinignan niya ako habang naka kalong ang dalawang kamay niya sa baba niya.

"Nagugutom ka ba? Tanong neto saken.

"M-medyo po. Utal na sagot ko naman sa kanya.

"I'll get you some foods. Ani niya at tumayo eto.

Hindi ako sumagot at tinanguan ko na lang eto, nakalabas na siya ng kwarto ko at doon ay nakahinga ako ng maluwag luwag at pilit na pinapakalma ang sarili ko dahil sa bilis ng tibok ng puso ko ay hindi ako makapag isip ng maayos.

"Si Sir. Lucas ba yun? Bulong at takang tanong ko sa sarili ko.

Napabuntong hininga na lang ako at ayokong isipin na concern saken si Sir. Lucas. Maya maya lang ay pumasok na eto sa kwarto ko dala dala ang isang maliit na lamesa kung san naka lagay ang pagkain, inumin at gamot.

"P-para saan po yung gamot? Takang tanong ko dito ng ibaba niya eto sa kama.

"Pain k*ller. Sagot niya.

Tumango lamang ako at inumpisahan ko ng kumain. Naiilang man ano sa titig niya dahil naka upo lang eto sa gilid ng kama at pinapanood akong kumakain.

"T-tapos na po kasi sir. Ani ko at akmang tatayo ako upang ayusin ang pinagkainan ko ng pigilan niya ako.

"Dito ka lang ako na bahala diyan. Ani niya at kinuha ang pinagkainan ko at tinabi muna sa isang gilid

"Inumin mo na yung gamot. Sambit niya at ininom ko naman agad eto.

"Riley. Tawag niya.

Tila sobrang bilis ng tibok ng puso ko ng marinig ko muli ang pagtawag niya sa pangalan ko.

"B-bakit po? Nauutal na tanong ko.

"A-about last night I-i'm sorry. Nauutal na paumanhin niya saken at nakayuko pa eto.

Parang bago saken ang pinapakita ni Sir. Lucas saken ngayon at tila para siyang batang nang hihingi ng sorry.

"A-ayos lang po sir. Nauutal na sagot ko dito.

Matapos kong sabihin yun ay wala ng nag tangka pang umimik sameng dalawa.

"Riley

"S-sir. Lucas.

Sabay nameng tawag sa isat isa at napatingin naman kame. Agad akong umiwas dahil nakaramdam ako ng hiya.

"Mauna ka na. Sambit niya saken.

Tumango ako at pilit na pinapakalma ang sarili bago mag salita.

"S-sir a-ano po pa lang nangyari kagabi? Nahihiyang tanong ko dito.

Lumingon ako sa kanya at sakto namang tumingin din siya saken.

"Hinamatay ka dahil sa ginawa ko. Sambit niya at mukhang na guilty naman eto.

"S-sir p-pwede po bang mag tanong? Muling sambit ko dito.

"Sige. Maiksing sagot neto saken.

"G-gusto ko lang malaman kung bakit ayaw mo ako ipakausap kay Sir. Isaac. Tanong ko dito.

Nakita kong sumeryoso ang mukha niya.

"O-ok lang po kung ayaw niyong sagutin. Muling sambit ko at yumuko ako ng bahagya.

"K-kasi slave kita. Utal na sambit niya at parang hindi siya sigurado dito.

"S-salamat po sa sagot. Sambit ko dito.

Hindi ko alam pero parang na dissapoint ako sa sagot niya.

"Ikaw bakit gusto mong kausap si Isaac? Malamig na tanong neto saken.

Tila bumalik ang Lucas na nakilala ko at napalingon naman ako dito.

"May gusto ka ba sa kanya? Muling tanong neto sa malamig na tono.

"W-wala po sir. Totoong sagot ko dito.

Wala akong gusto kay Sir. Isaac kasi ikaw ang gusto ko. Yan ang gusto kong sabihin sa kanya pero wala akong lakas na loob sabihin eto.

"Ayokong makipag usap ka ulet sa taong yun. Malamig na sambit niya at tumayo eto.

"Y-yes po sir. Utal na sagot ko.

Naglakad eto palabas ng kwarto pero bago eto lumabas ay bumilis ang tibok ng puso ko sa huling sinabi niya bago siya lumabas.

"Hindi ko ugaling i-share sa iba ang pag-aari ko, magiging madamot ako pag dating sayo. Malamig na sambit niya at tuluyan na etong nawala sa paningin ko.

Tila hindi maintindihan ang tibok ng puso ko sa mga oras na iyon at para etong tambol dahil sa lakas ng tibok neto.

"P-pag aari ko. Utal na sambit ko sa sarili ko.