webnovel

Chapter 2- NAOMI'S ANNOUNCEMENT

Nakapag-ayos na kami ni Honey at hinihintay si Geo. Susunduin daw niya ako. Ilang saglit pa, an expensive car stop in front of us. Isang Mitsubishi ang kanyang kotse. Bumaba na siya dito.

"Hi Geo! Kumusta na? Ang gwapo na natin. Kaya pala di makatanggi si Ki eh." Kinurot ko ang gilid ni Honey. Ang kulit niya kahit kailan.

"Let's go." Pumasok na kaming dalawa sa backseat.

"Are you planning to make me a driver?" Nagkatinginan kami ni Honey. "Ikaw na Ki. Ayos na ako dito." Bubugbugin ko siya mamaya. Ang sama ng ugali niya. Parang hindi ko siya kaibigan. Lumabas na ako at lumipat sa tabi ni Geo.

Tahimik lang kaming nakasakay nang basagin ni Honey ang katahimikan.

"Kailan pa kayo ni Ki este kailan pa kayo nagkita?" Minsan ang bibig ni Honey walang preno.

"Uhm, she's trespassing." Ang sama nilang pareho. Talagang pinagtutulungan nila ako.

"Trespassing?! Grabe ka Ki! Alang-alang sa lovelife mo."

Baliw talaga ang babaeng 'to. Masama ko siyang tiningnan sa rearview mirror. Nakangiti lang ang loka sa akin.

"Nagpunta siya ng NEWFIELD ACADEMY. Hindi siya pinapasok at buti nalang dumating ako."

"Anong ginagawa mo doon?" Curious na tanong ni Honey.

"I just uhm, visit there. Miss ko na moments natin dun."

"Pati si Geo?" Papatayin ko na talaga siya sa kabaliwan niya. Buti nalang napagod siya sa kakulitan niya. Nakarating kami sa bagong bahay nila Naomi.

Tinabihan ko si Honey. "Bakit ganun ang mga tanong mo? Sira ka ba?"

"Joke lang yun pero pwede mo ding seryosohin." Gusto ko na siyang sakalin ngayon din. Nakapasok na kami sa bahay nila Naomi. Sobrang ganda lang. Sana all nalang tayo nito. Nakita ko si KL na nakatayo kausap si Rich. Si Arianne naman ayun kausap ni Naomi. Kita ko din si Glen busy sa phone niya. It's time to get revenge. "Hon, mukhang ang minamahal mo may kaharutang iba." Sobrang sama agad ng titig ni Honey. Ano ka ngayon?

"Paki ko dyan! Tara na nga. Lapit tayo kay Nam." Naglakad na kami papunta sa direksyon nila Naomi. Napansin kami kaagad nila. "Hon! Ki! Nagpunta kayo." Niyakap niya kaming dalawa. I miss her so much too. Mukhang blooming siya ngayon.

"Si Geo magkasama kayo?" Bakit ba parehas sila ng mga tanong? Tahimik akong tumango. Maloko itong ngumiti sa akin.

"Hi Ki, it's been a while." Sabi ni Glen. Itong katabi ko nakasimangot lang. "Hon, how are you?" Inikutan lang siya ni Honey ng mata.

"May sore eyes yan." Asar ko Kay Honey. Nandito na din parents nila Naomi. Matagal nang divorce ang Daddy ni Xy at Mommy niya pero supportive sila sa bawat milestones nila Naomi. Naiinggit ako sa kanya aaminin ko. She's so lucky.

Tinipon kaming lahat ni Naomi. Magkatabi kami ni Geo. "So, guys, we have an important thing to announce." Panimula ni Xyrius. Tumingin ito ulit kay Nam na talagang pinapakita niya na mahal na mahal niya ito. I'm so happy for them kahit muntik na mawala si Xyrius. Love conquers all talaga.

Kailan ko kaya mararanasan yung titingnan na punong-puno nang pagmamahal? Baka sa panaginip. Siniko ako ni Geo. Masama ko siyang tiningnan. "Bakit?"

"They're waiting for you to pay attention." Pagtingin ko sa harap they're literally looking at me. Nakakahiya ka Kiara! Gusto ko sapakin àng sariling mukha. "It seems I got your attention." Sabi ni Naomi especially sa akin. Wala na kasi ako sa tamang utak ko ngayon. Lumilipad isip ko.

Nakangiti itong katabi ko. Bwisit talaga. "So, since we're married for almost 5 years and it was so challenging for the past years to us. We're hopeless that we couldn't be able to make it pero God give us chance." Naomi said those words emotionally. Gusto ko din maiyak. I understand she should be that emotional because on the things they've gone through. Xyrius rub Naomi's back.

"So let me continue what my wife just said. The journey we had for the past years, tested our love. Our patience on things made us value what we have. We simply ask for it not demand. Yun naman ang dapat. To our family and to all my friends right now, we are so happy to announce that finally we can be, uhm, parents. Love is 2 months pregnant. Thank you guys for coming." Napalakpak kami. I can't stop but cry. How time really flies. They just met in highschool and now they became parents. So proud of them.

Bored akong nakaupo when Ari approach me. "How was your life with him?" Masama ko siyang tiningnan. Bakit ako ang center of attention?

"Stop teasing her sweetie." Sabat ni Rich. Okay na sana pero dumating si Glen. "Bakit ang bagal ni Geo?" Natatawang sabi naman ni Glen. Agad akong tumayo at lumapit sa pwesto niya. Pinalo ko ang braso yung malakas talaga. "Gago ka talaga! Si Honey atupagin mo."

"I have done something really bad to her. She doesn't deserve at all." Habang sinasabi niya iyon ay nakatitig lang siya sa kaibigan ko busy sa pakikipagtawanan kay Naomi. Hay! Bakit ang complicated ng pag-ibig? "Okay ka lang Ki?"

"Oo naman. I'm just happy for Xy and Nam. They're so happy after all the pain"

Hinila ako ni Ari at may alak na handa si Naomi at pagkain na din. Nandito na si Geo at Honey. Nakisabay sa amin si Xy at Naomi pero ang buntis bawal sa alak.

Puno ng tawanan ang bahay nila Naomi. Parang wala kaming iniisip na problema. Hindi ko naman pwede itago na may dinadamdam ako. Nauna na ako umuwi. Nag-offer si Geo na ihatid ako. Tatanggi na sana ako pero walang taxi na pwede kong masakyan.

I was so silent the whole ride. Uuwi naman akong mag-isa nito. Umalis kasi si Mama papunta sa Davao to check on some property she wanted to buy. Lately, ganun nalang ang ginagawa niya. Maybe it's her way of moving on. Napabuntong-hininga nalang ako.

"Is something bothering you?"

"Do I need to tell you?" Rude man ang dating nang sinasabi ko ayoko lang na kaawaan lang niya ako. I have my pride. He just focus on the road and not bother talking to me.