webnovel

CHAPTER 2

Chapter Two

THE LAST FILM PROJECT

[WIN]

TODAY IS Thursday. Napapadalas na ang pagsama ko sa squad nila Archi at Helen. Tanging si Archi at Akashi lang ang nakakausap ko habang nilalayuan ko naman si Helen. Her request is been two days already but I really felt like she was backstabbing her friend. Tama naman ang pakay nya but pwede namang imbis na magsumbong sya eh pangaralan nya na lang ang mga friends nya.

Am I bad? It sounds like na parang pinapanigan ko pa ang mga gawain ng friends nya 'di ba? Feeling ko kasi ay ang panget na makitang sinasaksak nya patalikod ang mga kaibigan nya.

About Rina and Paulo, sila ang dahilan ng malagiang kong pagsama sa squad ni Archi. 'di ko mapigilan 'di tumulong kela Rina at Paulo. Kahapon natapunan ni Rina ang makeup kit ni Venice kaya tinapunan ng spaghetti ni Venice si Rina.

I was angry yesterday though mas pinili kong tulungan na lang si Rina kesa tumayo at magalit. I gave Rina ny spare uniform while the others are calming Venice.

Paulo, on the other day, was punched in his face dahil sa pagtitig nito kay Anica. Sino pa ba ang sasapak sa kanya? The boyfriend, Luis. Si Rudolf naman, na akala kong aawat, ay nakisapak din kaya napilitan kami ni Archi at Akashi na awatin sila.

Nagsumbong ako? Yes, I did what Helen requested pero hindi gano'n kalala ang sumbong ko. I just said that it was misunderstanding and those four got detentioned for almost two hours at sinisisi nila si Archi kaya naguilty din ako.

"Hey Sandoval! Alam mo na ba kung sino yung nagsumbong?"napataas ang tingin ko nang tanungin ako ni Grace. Tsk. They didn't know that the person they asked was the one who told the Dean about the chaos.

Napaikot ang mata ko. Nasasanay na silang tawagin ako sa apelyido ko kahit na may matino akong pangalan. If they called me by my name then I would be happy but they not so I end up sighing and rolling eyes for the nth time.

"Nope and I won't know. Ako nga ang nagsumbong kaya maniwala na lang kayo,"I heard them uttered 'tss'. Yes, 'di sila naniniwalang ako ang nagsumbong dahil sabi 'nila' it is either the four; Archi, Helen, Rina or Paulo.

"Nonsense Sandoval. Alam naming 'di mo gagawin 'yun dahil galit-galit kayo ng Mom mo,"napataas ang kilay ko sa sinabi ni Sarah. How come she knew that me and my Mom had a small war?

Naramdaman nya ang pagtitig ko sa kanya kaya mabilis syang napatawa at nagkibitbalikat.

"What? I had ears everywhere Sandoval. You got my interest kaya I also had been watching you,"Sarah said in the middle of her laughs. Geez! Stalker! Tumayo ako at padabog na ihinampas ang plato sa mesa dahilan para makuha ang atensyon nila.

"I'm full. Rina, Paulo, sumunod kayo sa akin pagkatapos nyo,"I said. Lately, naging trio na kami nila Rina at Paulo though Paulo was distant sometimes. Lagi syang may kausap sa phone.

The two of them nod and eating their foods fast. Umalis na ako at inubos ang juice ko at niyupi ito. While I was making my way out, narinig ko ang malakas nilang pagtawa.

"Pikon HAHAHAHA."

"You really stalked her? Unbelievable! HAHAHAHAHAHA."

"Her face was funny! Really funny!"

"Tigilan nyo nga si Win!"

"Stop pestering her!"

So Helen and Archi defended me huh? Tsk. Pagkaalis ko ay dumaretso na ako sa tambayan namin nila Rina at Paulo.

Time passed at si Rina lang ang nagpakita. Sinabi nyang may emergency si Paulo kaya umalis sya.

Nakaupo kami habang inuubos ang oras ng lunchbreak. Rina was smarter than me kaya madali lang sa kanya ang hindi na magreview habang ako ay naghihingalo lagi ang grades.

"Know what, pansin kong may kakaiba kay Paulo?"she started making my gaze diverted to her. Napakunot ang noo ko. Kakaiba? Higit sa lagi syang may kausap sa phone?

"How come? I don't find anything about him weird,"saad ko at napahinto sya sa pagbabasa ng kanyang libro. Tumingin sya sa aking mata. She is indeed a nerd. May makapal na kilay, may makapal na salamin, magulo ang buhok, at balot na balot ng damit.

"Look at his body. Ang ganda-ganda tapos ang laki-laki ng mga muscles nya tapos tatanga-tanga sya? That's weird! Look at his actions, sa laki ng katawan nya hirap syang magbuhat ng mga plastic bags?"napaisip tuloy ako sa sinabi. What she said was I think somehow true.

Totoong malaki at halatang maganda ang hubog ng katawan ni Paulo. Nakakapagtaka nga dahil magkalayo ang cute na muka ni Paulo sa maskulado nyang katawan. Napaisip ako sa sinabi ni Rina pero mabilis na umiling.

"Never judge a book by its cover,"makahulugang saad ko. Napakurap ang mata ni Rina at bahagyang tumango.

"Ah sorry, medyo judgmental ako eh,"at napatawa sya. Ibinalik ko na ang tingin sa nirereview ko.

***

Friday ngayon at hinihintay ko na lang na matapos ang klase. Mamaya na namin malalaman ang ginawang istorya nila Rina at Paulo. Sila kasi ang naassign na gumawa ng storya at script at 'di ko na inabalang alamin ang ginawa nila dahil gusto kong masurprise kahit papaano.

About sa genre ng story, thankful ako na hindi ito romance dahil naiirita na ako sa puro romance na palabas. Bitter na kung bitter. Ayon kay Miss Coleen, ang presidente ng club, Mystery/Thriller or Horror ang genre ng story

Naglalakad ako papunta sa clubroom. Same hallway, same black door. Matapos ang tatlong katok ay bumukas ang pinto at sinalubong ako ni Tristan, the drama club's vice president.

Binuksan nya ang pinto ay pinapasok ako. Nasalubong ko din si Amelia na isang photographer na kumukuha lagi ng litrato for documentaries.

Nandoon na ang squad habang sila Rina at Paulo naman ay nasa harapan at lima silang nando'n kasama ang drama club's president.

Umupo ako sa tabi ni Archi at sinimulan ng magsalita ni Miss Coleen, ang nagbigay ng proyekto tungkol sa paggawa ng pelikula.

She cleared her throat before spilling what she had. Umayos ako ng upo habang ang lahat ay nakatingin sa harap at tahimik.

"Nabasa ko na ang isinulat na scripts at plot nila Rina at Paulo. And I accepted their work dahil maganda ang pagkakagawa. It is both Mystery/Thriller and Horror story and it is temporarily titled as 'The Murder Entries'. Mind telling what the story about?"pagkatapos magsalita ni Miss Coleen ay ipinakwento nya kay Rina at Paulo ang tungkol sa kanilang kwento.

"Out story was inspired by Blood Crayons though walang larong magaganap."panimula ni Rina. Nakangiti lamang ang mga ilang officer sa gilid habang nakikinig.

"Ang twist, isang miyembro ng isang grupo ang 'di nila inaakalang mamamatay tao. May dahilan kung ba't sila pinatay at 'yun ay dahil nabully yung isang tao na 'yon nung kabataan nila at 'di nila nakilala ying taong iyon matapos ang ilang taon,"Paulo explained. Ang mga sumunod na detalye ay mabusisi namang sinaad ni Rina at isa-isa kaming napatayo pagkatapos.

Napakurap pa nga ako matapos marinig ang istorya. Biglang pumalakpak si Miss Coleen dahilan para mapapalakpak kaming lahat.

Karamihan sa amin ay 'di makapaniwala. Hearing the plot made me felt shivers down in my spine. Ngayon pa lang ay kinikilabutan na ako.

"That's a masterpiece!"rinig naming sigaw ni Tristan.

"Whoah! Never thought na makakagawa kayo ng isang obra-maestra!"Rudolf exclaimed.

Maganda yung story sa totoo lang pero ang creepy. Why? Puro patayan ang mangyayari. It was titled 'The Murder Entries' dahil isa itong compilation kung paano pinatay ang isang grupo ng magkakaibigan.

Napaupo na kami nang paupuin kami ni Miss Coleen. She stood in front with two beautiful creature. 'di talaga maitatanggi ang ganda at gwapo ng kasama nya.

"This is Selene Astreja and James Wendlin from Theater Club. I asked for their help para turuan kayo ng maayos na pag-arte. Naniniwala naman ako sa inyo pero dahil kakaibang level na ito, kailangan na din natin ng pangmataasang aktor at aktres. Kayo na ang bahala kung isasama nyo sila sa film or not. Si Tristan and Amelia din ay sasama sa inyo para bantayan kayo so planuhin nyo na kung saan kayo magshoshoot. Okay, club dismissed."

Nagsitayuan na kami nang matapos ang meeting. Yung mga lalaki ay pinupuri sila Rina at Paulo sa sinulat nilang storya. Naexcite ang karamihan sa mga lalaki at kaming mga babae ay medyo naexcite. 'di naman kasi lahat kami ay kasali sa film kaya medyo 'di interesting.

Sinabi din ni Tristan na sya ang gagawa ng groupchat para pag-usapan kung saan ang shooting.

'di ko na ginulo sila Rina at Paulo habang pinupuri sila dahil mas okay naman na siguro dahil para 'di na sila ibully ng squad.

Papalabas na ako ng clubroom nang may humawak sa kamay ko kaya napahinto ako at napatingin sa kung sino mang iyon at nanlaki ang mata ko. It was Helen who held my hand.

Yumuko ito at hinarap ko sya. Iniiwasan ko sya pero 'pag gan'to na kakausapin nya ako ay 'di ako iiwas. If she was asking for me to request again and use my surname then I'll be straight to the point to decline her request.

"S-sorry about sa hiniling ko sayo. Maybe 'yun ang dahilan kung ba't mo ako iniiwasan,"she said. Bigla akong sumagot dahil medyo naguilty din ako. Isa sya sa mabait sa buong squad.

"Sorry too kung bakit 'di ko magawa ang request mo. You heard it from Grace right, may gera sa pagitan ko at pamilya ko kaya sana maintindihan mo,"saad ko. Mabilis na tumaas ang ulo nya at pilit na ngumiti.

"Sorry talaga. Pero may gusto pa akong irequest. Don't worry 'di 'to about sa kanila or about sa pamilya mo,"saad nya dahilan para mapakunot ang noo ko.

"I-i want to be friends with you,"nahihiyang saad nya. 'di ko alam ay napangiti ako at hinawakan ang kamay nya at nakipagshake hands.

"Friends,"nakangiti kong saad at umalis na. Kailangan ko din kasing umuwi ng maaga kaya kailangan kong umuwi agad.

Iniwan ko syang nakatayo malapit sa pinto ng clubroom habang nakatulala. She maybe not expecting me to accept her as my friend. Mabait naman sya pero nainis lang ako sa nauna nyang hiniling.

[CHAPTER 2]