webnovel

ASTER UNIVERSITY #1 (The Day She Said Goodbye)

“Hihintayin kita kahit gaano katagal,kahit gaano pa kasakit. Tandaan mo na kapag bumalik ka pa,sisiguraduhin kong hinding-hindi na kita papakawalan pa. Paalam Vi, mahal na mahal kita” - Theo Sage Alvarez

CTL · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
43 Chs

Capítulo VEINTINUEVE

Dahil sa narinig ni Vi ay agad siyang nagulat pero hindi niya ito ipinahalata kay Yuki. Ayaw niyang isipin na hindi siya nito mapapagkatiwalaan kaya.

"Kahit naman sabihin mo na pinatay mo ang buong tao sa mundo wala pa din akong karapatan para husgahan ka nang hindi nalalaman ang buong kwento kung bakit mo 'yon nagawa" ika ni Vi saka sinabing "Kung handa ka ng magkwento andito lang ako huwag kang magalala dahil gaya mo mananatili ako sa tabi mo".

"Salamat" maikling sagot ni Yuki saka sila nagpatuloy sa pagkain ng inorder na lomi at iba pang pagkain.

Matapos kumain sa lomihan ay nagroadtrip lang sina Yuki at Vi hanggang sa pumutok na ang inang araw. Parehas na walang tulog ang dalawa pero uuwi naman sila na may ngiti at baong magandang ala-ala.

Mabilis na lumipas ang mga nagdaang araw at lingo sa bakasyon ni Vi kung hindi tumutulong sa bukid ay tumutulong naman ito sa kainan ni la Yuki at Iñigo.

"Vi may date na ba kung kailan ka babalik ng Manila?" Tanong bigla ni Iñigo habang nagliligpit ng mga pinagkainan ng mga customers.

"Magsisimula na ang pasok ko sa August 8 so baka July 15 babalik na ako sa Manila. Kayo ba anong plano niyo?" Tanong ni Vi kina Yuki at Iñigo.

"Hindi din namin alam eh pero paniguradong babalik kami ng US bago mag October." Sagot naman ni Iñigo.

"Pati din ba ikaw?" Tanong naman ni Vi kay Yuki.

Napakamot na lang si Yuki sa ulo sa tanong ni Vi. "Oo, eh mukha kasing hinahanap na talaga ako sa bahay. Saka ayaw ko naman ng mag alala pa si mommy dahil baka may iba pang madamay."

Napaiwas na lang ng tingin si Vi dahil medyo naluluha na siya sa iisiping aalis na sina Yuki at Iñigo.

"Huwag kang mag-alala Vi may ilang araw pa naman tayong magkakasama eh kaya i-enjoy na lang natin." Sagot ni Iñigo saka pumunta na ng kusina upang maghugas ng mga plato at ibang pinagkainan.

"Ayos lang ba kung ikaw na ang magpunas ng bawat lamesa at magwalis na din" sabi ni Yuki na agad namang sinang ayunan ni Vi.

***

"Theo balita ko nakabalik na pala si Althea?" Sabi bigla ni Shawn na pumukaw sa atensyon nito.

"I think she arrived 2 weeks ago. But she's still enjoying her free time." Sagot nito

"I miss Ate Althea lalo na yung red velvet cookies and cake niya" dagdag ni Lance.

"Well, kung sakaling uuwi na siya magpapabake ako para sa inyo." Sagot ni Theo.

"Thanks Atty. Alvarez" pabirong sagot ng mga kaibigan nito.

Nagpatuloy lang ang buhay ng bawat isa hanggang sa mag-weekend na.

***

Nang sumapit ang araw na sabado ay napag isipan nina Vi, Iñigo at Yuki na magpunta sa hundred islands para mag beach at mag relax.

"Ohhh kanya kanyang bayad 'to ah. Walang libre libre" sabi ni Iñigo nang makarating sila sa front desk ng naturang beach.

"Eh paano yung bayad sa bangka? Tig-iisa ba tayong tatlo ng rerentahan?" Tanong naman ni Vi.

"Hindi na. Isang bangka na lang tayo para makatipid." Sagot naman ni Iñigo

"Oh Yuki kaya mo pa ba 'yang mga buhat mo? Gusto mo tulungan kita?" Tanong ni Vi ng makitang nahihirapan ito sa mga dalang gamit. Paano ba naman kasi, maski ang mga gamit ni Vi ay boluntaryo niyang binuhat.

"Ayos lang, pero pwede mo bang kunin yung wallet ko medyo mahihirapan kasi ako kung ibaba ko pa lahat ng karga karga ko para lang kunin yung wallet sa bag ko" sabi ni Yuki saka kinuha ni Vi ang wallet nito sa bag na nakasabit sa likuran niya.

"Salamat."

Nang matapos nilang bayaran ang renta para sa bangkang gagamitin ay agad na silang nagtungo sa dalampasigan upang sumakay dito at makapinta agad sa unang beach destination.

Ang unang destinasyon na kanilang pinuntahan ay ang pilgrimage island. Ang isla na iyon ay mayroong rebulto ni Jesus sa pinakatuktok, pero kinakailangan mo munang maglakad ng napakataas na hagdan bago makaakyat sa nasabing rebulto.

Habang naglalakad ay hindi mapigilang magbiruan ang tatlong magkakaibigan.

"Grabe! Lumawas ako ng busog pero parang wala akong energy na nakuha sa mga kinain ko kanina! Malayo pa ba tayo?" Tanong ni Iñigo na hingal na hingal sa paglalakad pero wala ni isa sa mga kasama niya ang sumagot.

Hanggang sa hatakin niya ang bag na dala ni Yuki dahilan para mapatigil ang lahat.

"Huwag ka ng magsayang ng lakas mo diyan. Kung complain ka ng complain mas manghihina ka!" Inis na sabi ni Yuki saka tinanggal ang pagkakahawak ni Iñigo sa bag nito.

Abala lang ang dalawang kalalakihan sa pagbabangayan kaya naman hindi na nila namalayan na mas nauna na pala si Vi sa kanila.

"Ang mahuli ang siyang magbabayad ng lunch" masayang sabi ni Vi habang nasa tuktok ng ilang hakbang mula kina Yuki at Iñigo.

"Ayaw kong manlibre kaya bahala ka na diyan!" Sigaw ni Yuki saka iniwan ang naghihingalong Iñigo.

Gaya nga ng inaasahan pinakahuling dumating sa tuktok na bahagi ng isla si Iñigo.

"Congratulations Iñigo! After 12 minutes nakarating ka din" Sarkastikong sabi ni Yuki saka pumapalakpak para asarin ang kaibigan.

"Oh siya pose ko na dito para may groupie na tayo" sabi ni Vi saka hinatak si Iñigo na agad namang nagpaubaya.

"Bakit pa ba ako sumama dito kung magiging 3rd wheel lang naman ako" sabi ni Iñigo na tinignan ng masama ni Vi at saka siniko ni Yuki. "Sabi ko nga mag smismile na."

Nang matapos nilang libutin ang pilgrimage island ay nagpunta naman sila sa Children's Island.

"Buti na lang at walang lakaran dito." Sabi ni Iñigo ng nakahinga ng malalim.

"Pwede ka din namang maglakad sa dalampasigan kung gusto mo" sarkastikong sagot ni Yuki.

"Woow, na-appreciate ko yung suggestion mo Yuki napakagaling" sagot ni Iñigo saka ito pekeng nginitian.

"Huwag na kayong magbangayan diyan. Andito tayo para mag enjoy hindi mag away" sabi ni Vi na ikinatahimik ng dalawa.

Nang makadaong ang sinasakyang bangka ay agad na nagtanong ang magkakaibigan kung paano at magkano ba ang kanilang babayaran para mag kayak.

"Oh, paano ba 'yan dalawang kayak boat lang ang available edi isa sa inyo ang hindi muna sasakay" sabi ni Vi saka nagsuot ng life vest.

"Pwede naman na kayo ni Yuki sa isang kayak boat tapos ako doon sa isa para makasakay tayong tatlo." Suhestiyon ni Iñigo.

"Pwede naman pero hindi ka ba nagmumukhang loner kung magisa ka lang?" Tanong ni Vi na ikina drama nito.

"Paalala ko lang Vi, I am a strong independent very hot and hunk man. Kaya hindi ko kailangan ng kasama para lang maging masaya tutal 3rd wheeler lang din naman ako sa trip na ito." Sabi ni Iñigo saka nauna ng sumakay sa orange na kayak boat.

"Hayaan mo na 'yon may topak nanaman" sabi ni Yuki saka sila naglakad papunta sa yellow kayak boat.

Nakaupo sa harap si Vi at sa likod nito si Yuki. Nagsasaya lang silang magkakaibigan sa pagikot ikot sa gitna ng children's island hanggang sa makaramdam ng pagod at nagpahinga saglit. Pero naputol nanaman ang pahinga nila ng nag-aya ng pustahan si Iñigo.

"Kung sino ang unang makakarating sa dalampasigan ang siyang manlilibre ng alak mamayang gabi!" Sigaw nito dahil may kalayuan ang distansya ng kanilang kayak boat.

"Alak? May inuman?" tanong ni Vi

"Dadating kasi 'yong ilang kaibigan ng kuya ko mamaya tas ayon sabi nila mag glaglamping daw sila sa garden kaya may inuman" sagot ni Yuki na nasa likod nito.

"Andito pala sa Pangasinan ang kuya mo?" Naguguluhang tanong ni Vi.

"Nagaaral siya dati sa US pero dahil nalaman niya na nagtatago ako sa Pilipinas nag-enroll muna siya dito." Sagot ni Yuki saka umiwas ng tinggin kay Vi.

"Sige! Game!" Biglang sigaw ni Vi saka pumusisyon malapit sa boat ni Iñigo.

"Ready! Goooo!" Sabay na sigaw ng magkaibigan at nag paunahang makarating sa dalampasigan. Pero makalipas ng ilang sandali ay sabay din na nakarating sa dalampasigan ang magkakaibigan kaya napagkasunduan nilang wala na lang manlilibre.

Sumunod naman ng isla na kanilang pinuntahan ay ang Governors Island.

"Grabe tinitignan ko pa lang yung hagdan parang mahihimatay na ako." Complain ni Iñigo matapos nilang makarating sa naturang isla.

"Wala na lang pustahan para di ka malugi". Pang Aasar na sabi ni Vi habang naglalakad at nakahawak sa kamay ni Yuki.

"#whenkaya #whereisthelabel #sanaolz #sapangasinanmayfuture" sabi ni Iñigo pero parehang nila itong hindi pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

Nang marating nila ang pinakatuktok ay nakita nila ang panoramic view ng buong isla.

"Tutal third wheeler lang ako dito mag pose na kayong dalawa diyan" Sabi ni Iñigo saka inilahad ang kamay para kunin ang cellphone ni Vi at camera ni Yuki

Nagpose lang silang dalawa hanggang sa ma-satisfy sa tamang angle at kuha ni Iñigo. Kaya naman pagkatapos mag picture ni Yuki at Vi sina Vi at Iñigo naman ang nagpapicture at gayundin sina Yuki at Iñigo pang souvenir. Pero hindi magiging kumpleto ang collection nila kung wala silang groupie. Kaya naman nakiusap sila sa isang tourist na picturan silang magkakaibigan.

Nang makababa mula sa tuktok ng governor's island ay sumakay muli sila Vi para naman makadating sa kanilang huling destinasyon ang Quezon Island.

Sa Quezon Island nila naisipang kumain muna at magpahinga dahil sa sobrang pagod mula sa pagkakayak at paglalakad.

"Pwede ba natin orderin ang buong menu?" Tanong ni Vi ng makaupo.

Kasalukuyan silang kakain ng pananghaliaan sa isang kainan sa Quezon Island.

"Tutal si Iñigo magbabayad orderin na natin lahat ng gusto natin" sagot ni Yuki saka naki fist bomb kay Vi.

"Third wheeler na nga manlilibre pa" sagot ni Iñigo saka bumuntong hininga.

Kumain lang silang magkakaibigan sa Quezon Island hanggang sa maisipang mag picture picture ni Vi kasama si Yuki. At dahil third wheeler lang naman si Iñigo ay siya ang naging personal photographer ng dalawa.

"Grabe itong pahirap sa akin, ako na nagpakain ng lunch at lahat lahat sana may pa libreng dessert naman diyan." Sabi ni Iñigo habang naglalakad hawak ang camera ni Yuki.

"May sinasabi ka?" Tanong naman ni Yuki

"Sabi ko may tindang halo-halo doon pero hindi masarap kasi walang manlilibre." Sagot nito.

"Last 5 or 20 pose na lang tapos ililibre kita doon" sabi ni Vi na agad namang ikinatuwa nito.

"Kahit ilang pose pa 'yan game ako basta may libreng dessert" sagot ni Iñigo saka nagpatuloy sa pag picture sa dalawang kaibigan.

"Tara groupie naman tayong tatlo" aya muli ni Vi sa dalawa hanggang sa maubos ang memory ng camera ni Yuki.

"Grabe ang dami nating memories today! Nakakaexcite naman 'yan tignan mamaya!" Sabi ni Vi saka naglakad papunta sa stall kung saan may nagtitinda ng halo-halo.

Nagmeryenda lang sila sa hapon hanggang sa nagswimming muli silang magkakaibigan hanggang sa mapagod. Kaya naman ng makita nilang palubog na ang araw ay naisipan na nilang umuwi.

Muli silang sumakay sa nirentahang bangka hanggang sa makarating sa dalampasigan. At syempre binigyan din nila ng tip ang mga bangkero ng nakasama.

"Vi maliligo ka ba?" Tanong ni Yuki ng makarating sila sa sasakyan nito.

"Magpapalit na lang siguro ako tapos sa bahay niyo na lang makikiligo" sagot nito saka naglakad na papuntang banyo.

Makalipas ang ilang sandali ay nasa daan na silang magkakaibigan pauwi sa bahay ni Yuki. Si Yuki ang nagmamaneho habang nasa passenger's seat si Vi at si Yuki naman ay nakatulog na sa likod na halatang pagod na pabod sa paglalakad.

Nang makarating sa bahay nila Yuki ay nakita ni Vi ang mga nakaparadang sasakyan sa labas ng gate nila.

"Andyan na ata ang mga bisita ng kuya mo." Sabi nito saka inayos ang pagkakasuot ng seatbelt.

"Mukha nga" sagot ni Yuki saka ginising si Iñigo.

Nang makapasok sila sa bahay ng mga De Chavez ay sinalubong sila ng mga kalalakihang hindi kilala ni Vi. Pero nakasisiguro niya na ang ilan sa mga 'yon ay taga Aster University.

"Victoria Perez, right?" Ani ng isang pamilyar na mukha sa kanya.

"Excuse me but have we met before?"

"Uhmmm we did, noong debate nila Shawn, Lance and Theo? Remember?" Sagot nito

"Ahhh! Ikaw 'yon. Kaya pala mukha kang pamilyar." Sagot ni Vi

"Btw, I'm Kelvin, Kelvin De Chavez. Yuki's older brother"

A/N: Thenkyuu for reading please continue supporting the next chapters :)) stay safe and healthy!!!

Hellow again! I hope you've enjoyed the previous chapters kasi medj difficult to write na yung mga susunod pero still kaya naman :))) continue supporting my works. See you on next chapss :>>

Please support my twit acc 🥺👉👈 :

✨@citrinelily17✨

Disclaimer:

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner.