webnovel

ASTER UNIVERSITY #1 (The Day She Said Goodbye)

“Hihintayin kita kahit gaano katagal,kahit gaano pa kasakit. Tandaan mo na kapag bumalik ka pa,sisiguraduhin kong hinding-hindi na kita papakawalan pa. Paalam Vi, mahal na mahal kita” - Theo Sage Alvarez

CTL · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
43 Chs

Capítulo TRECE

Hindi lubos akalaain ni Vi na makakuha siya ng perfects quiz sa kanilang calculus quiz. Kaya naman bilang pagpapasalamat kay Theo ay inaya niya itong magsamgyup sa weekend. At ngayon ay ang araw na 'yon. Napagkasunduan nilang magkita na lang sa V.Mall para hindi na hassle pa.

Maaga siyang nag alarm upang mas makapghanada sa kanilang lunch ni Theo kaya naman ay hindi pa sumisikat ang inang araw ay gising na siya at naghahanap ng maisusot. Hindi namang nagpapahalataan na excited siya pero parang ganoon na nga.

Simple lang sana ang naiisip niyang isuot kaso naka ilang sukat na siya ng damit ay wala pa din siyang nagugustuhan sa mga ito. Kaya naman kahit maaga pa ay kumatok siya sa kwarto ng kaptid saka hiningi ang opinyon kung ano ba ang maganda niyang isuot para sa lakad nila ni Theo mamaya.

"Ang aga aga mo namang magbihis Vi. Papaalala ko lang sa'yo ah hindi pa naka move on si Theo kaya huwag ka masaydong umasa. Kasi baka ikaw lang ang masaktan sa huli" ika g kaptid niya saka bumangon at sinamahan siyang mamili ng maisusot.

"Alam ko naman na hindi niya pa ako magugustuhan sa ngayon, pero masisiguro kong mahuhulog din siya sa akin." saka in\pinakita ang mganapiling damit.

"At kung hindi ka niya magustuhan?" tanong mui ng kapatid niya.

"Edi hindi, maghahanap na lang siguro ako ng iba. Yun ay kung may mahahanap pa ako" ika niya muli saka ipinakita ang mga damit na naiisipang isuot.

"By the way, pamilyar ba sa'yo yung surname na De Chavez?" tanong muli ni Titus saka humiga sa kama niya.

"De Chavez?" pamilyar yung pangalan na 'yan, nabanggit na 'yan sakin ni Kian dati. Pero nakalimutan ko na yung sinabi niya. Ano bang meron sa mga De Chavez?" pabalik na tanong niya sa kapatid.

"Wala lang nakita ko kasi sila sa isang business magazine kaya nagbabakasakali akong kakilala mo sila tutal ang dami mo namang kaibigan na hindi ko din kilala." ika ng kapatid niya saka tinuro ang pangalawang damit na mas natitipuan niyang isuot para mamaya.

"Hmph, mabait kasi ako kaya marami akong kaibigan, try mo din kayang maging mabait at maghanap ng magiging girlfriend para makalimutan mo na din si Amora." pabalik na sagot niya sa kapatid saka inayos na ang mga nilabas na damit.

"Sinusubukan ko namang maging mabait kaso,hindi ko pa talagang palitan si Amora sa ngayon".

"Nasa mapayapa at masayang lugar na si Amora kaya dapat maging masaya ka na din" ika muli niya saka humiga sa tabi ni Titus at natulog silang magkapatid ng magkatabi.

Makalipas ang ilang oras nasilaw si Vi mula sa liwanag na nagmumula sa kaniyang glass window kaya naman inabot niya ang cellphone sa bedside table upang tingnan ang oras.

Nang makita ang oras ay halos mahulog si Vi sa kanyang kama dahil 9:00 AM na at ang usapan nila ni Theo ay 10:00 AM, dali dali siyang tumayo saka hinagisan muna ng unan ang kapatid saka tumakbo upang makaligo. Wala na siyang pakialam kung magalit ang kapatid sa ginawa niya dahil naiinis siya dito dahil hindi siya nito ginising.

"Sinong may sabing hagisan mo ako ng unan ha?!" galit at iritadong sabi ng kapatid niya ng makalabas siya ng CR.

"Kasalanan mo kung bakit ako natataranta ngayon, hindi mo ako ginising. Dapat talaga hindi na ako natulog kanina eh" sabi niya sa kapatid saka dali daling sinaksak ang hair blower at kinuha ang suklay.

"Bilisan mo na, ako na ang maghahatid sa'yo kasi nakakahiya naman baka ma late ka pa sa usupan niyo ni Theo, eh ikaw pa ang nag-aya." pagkasabi ng kapatid niya noon ay lumabas ito ng kanyang kwarto para ihanda ang kotseng kanilang gagamitin.

*** ***

Hindi naman din lubos maintindihan ni Theo kung bakit ang aga niyang makapunta sa mall na napag usapan nila ni Vi. Paano ba naman kasi ang usapn nilang dalawa ay 10:00 AM daw sila magkikita sa maliit na garden/ open space ng mall, kaso 9:00 AM pa lang ay naka park na siya sa V.mall. At dahil nabored siya sa kakahintay ay naisipan muna niyang mag grocery dahil sobrang aga niyang dumating.

Habang nasa loob ng grocery ay hindi niya mapigilang mapatitig sa relo dahil baka malate siya sa usapan nila ni Vi. Kaya naman namili lang siya ng mga kulang sa condo niya, gaya ng mga chips, coffee at bread at ilang beer in can.

Nang wala na siyang maisipang bilhin ay pumili na siya sa check-out counter ngunit sa di inaasahang pagkakataon ay nakita niya ang taong gustong gusto niyang makita.

"Raine?" tanong niya sa babaeng naka pila sa counter at may hawak na grocery basket.

Agad din naman siyang nilingon ng babae, at may halong gulat din sa mga mukha. "Theo". Pabalik na sagot ng babae saka ibinaba ang dalang basket.

"Bumalik ka na?, Anong ginagawa mo dito?" sunod na sunod na tanong ni Theo sa kaharap pero tumigil lang din ng mapansing seryoso siyang tinitignan ng kausap.

"Theo, huwag ngayon kasi kasama ko si ---" Hindi pa natatapos ang sasabihin ni Raine ng may tumawag na lalaki mula sa likuran niya. Tinignan niya mula ulo hanggang paa ang bagong dating na lalaki kaya naman agad lumipat sa tabi nito si Raine at niyakap ang mga braso.

"Babe, wala ka na bang ibang bibilhin?" tanong ni Raine sa lalaki na ikinagulat niya

Nang napagtanto ni Theo ang relasyon ni Raine at ng lalaki ay naglakad na lamang siya papalapit sa cashier. Saka binayaran ang mga pinamili at saka dinala ang mga ito sa sasakyan.

Dahil sa galit, selos at iritasyon na kanyang nararamdaman ay hindi niya napigilang kunin ang isang beer mula sa pnamili at nilagok ito ng isang inuman.

At habang umiinom ay mas lalong nagdilim ang kanyang paningin ng makitang nasa parking lot din si Raine at ang kasama nitong lalaki. Napuno muli ng selos ang pag iisip niya, at akmang pupuntahan ito ng biglang tumunog ang cellphone niya at nakitang nag message si Vi.

["Malapit na ako sa V.Mall medyo traffic lang, ikaw ba?]

Nang mabasa niya ito ay nawala agad ang selos at galit na nararamdaman, saka nireplayan ito ["Nasa parking lot na ako, magkita na lang tayo sa Mall Entrance"].

[Sige, sige. See you!] reply muli ni Vi saka siya lumabas ng sasakyan at nagtungo na sa mall entrance upang masalubong ito.

*** ***

"Kuya, tingin mo ba magiging ok lang si Theo na kasama akong kakain?" tanong ni Vi sa kapatid habang nagmamaneho ang kapatid niya.

"Oo naman, tandaan mo lang na huwag mo siyang pipilitin sa mga bagay na ayaw niya at saka huwag ka masyadong magtanong tungkol sa ex niya" sagot ng kapatid nito saka diretso ang tingin sa kalsada.

"Hayys, alam mo ba na may pagkakapareho kayo ni Theo" sabi muli niya sa kapatid upang may mapagusapn sila habang nasa biyahe.

Kumunot naman ang noo ng kanyang kapatid, saka siya tinignan ng masama. "Anong sabi mo?, Kami ni Theo may pagkakapareho?"

"Oo pareho kayong hindi maka move-on." iak niya saka sinabing "Siya hindi siya maka move-on kasi yung ex niya yung First love at bestfriend niya, samantalang ikaw naman namatayan ka ng girlfriend". Tulot-tuloy na sabi ni Vi saka tumingin sa mga sasakyang natatanaw mula sa bintana.

"May point ka naman kaso, may pagkakaiba pa din kami. Kung ako namatayan ng girlfriend siya naman parang nawalan ng motivation na magpatuloy sa buhay." sabi ng kapatid saka huminga ng malalim "Alam kong hindi ko dapat sinasabi 'to kaso, mas masakit ang mawalan ng kaibigan kaysa sa girlfriend pero mas masakit ang nangyari kay Theo dahil parehas siyang nawalan ng girlfriend at kaibigan."

"Ano ba talaga ang nangyari sa kanila. May alam ka ba?" tanong muli niya sa kapatid.

"It's not my story to tell" maikling sagot ng kapatid niya sa kanya. Saka nakitang malapit na pala sila sa mall kaya naisipan niyang i-text si Theo kung nandoon na ba ito.

*** ***

Nang makarating si Theo sa mall entrance ay naisipan muna niyang umupo sa bench na malapit sa may mga halaman habang hinihintay si Vi. At habang nag-aantay ay naglaro muna siya ng Call of Duty. At habang naglalaro ay hindi na niya namalayan na nakatayo na pala ito sa harapan niya.

"Ano, panalo ba?" nagulat siyang tinignan ang nakatayong Victoria Perez sa harapan niya.

"Ka-kanina ka pa dyan?" nauutal pa niyang tanong dito.

"Oo, nangangalay na nga yung paa ko na nakatayo, kasi akala ko mapapansin mo ako. Pero nagkamali pala ako" sagot nito saka umupo sa tabi nito

"Sorry, ingame kasi. Nadala ako sa COD" sabi ni Theo saka ibinalik ang cellphone sa bulsa at tinignan siya.

"Tara na?" tanong ni Vi saka tumayo muli pero laking gulat niya ng inakbayan siya ni Theo at iginaya papunta sa samgyupan.

Habang naglalakad ay hindi niya maiwasang mapangiti dahil sa galawan na ipinaparamdam ni Theo, kaso napawi ang ngiti na 'yon ng maalala niya na hindi pa pala ito naka move on sa ex niya, at kaya lang siya nito nilalapitan ay dahil nakikita niya ang pagkakapareho nilang dalawa.

"Victoriaa!!" kumunot agad ang noo ni Vi nang marinig ang pagtawag sa kanya ng taong panira talaga ng buhay niya. Pero hindi niya ito binigyan ng pansin saka nagmamadaling maglakad upang maiwasan ang tumawag sa kanya kaso, nahabol pa din sila nito at hinihingal pa nga.

Nang maabutan sila ay agad ni iniharang ni Kian ang dalawang kamay upang hindi sila makapag lakad pa.

"Ano nanaman ba? Mahaba na ang pila sa samgyup huwag kang humarang diyan." galit na sabi ni Vi kay Kian na ikinatahimik lang ng dalawang binata.

Nang hindi umimik si Kian ay naisipan ni Vi na maglakad na para maka-palista na sila sa samgyupan. Pero di niya alam na ang loko lokong si Kian ay sumunod sa kanila ni Theo.

"Table for 2" sabi ni Theo sa isang staff ng sangyup

"Pang 5th po kayo sa pila Sir, upo po muna kayo at tatawagin na lang po namin kayo" sabi ng staff na ikinailing at lungkot ni Vi

"Ms. pwede bang mauna na sila, tutal dalawa lang naman sila eh" ika ni Kian na nasa likuran nila.

Nagulat ang babae ng makita si Kian kaya naman agad itong pumasok sa loob ng kainan at tinawag ang store manager nila.

"Anong ginagawa mo dito huh?" singhal ni Vi "At sa tingin mo ba uunahin nila kami porket nandito ka". Pagalit na singhal nito sa kaibigan.

Pero imbes na si Kian ang sumagot ay lumabas ang store manager saka sinabing pumasok na daw sila ni Theo sa loob.

Nang makapasok at maka upo na sila ay hindi napigilang tanungin ni Theo si Vi kung bakit at paano sila pinapasok nang pang 5th naman sila sa pila.

"Malamang sasantuhin yung loko lokong 'yon." sabi niya ng nakangiti "sila kaya ang may ari ng V.Mall" sabi niya saka tinawag ang waiter upang umorder ng pagkain at softdrinks.

Nang duamting ang kanilang inorder ay nilalagay ni Theo ang mga karne sa lutuan, ngunit hindi niya mapigilang mapangiti ng makitang takam na takam na agad si Vi.

"Saglit lang, malapit na itong maluto" ika niya dito saka binalik-baliktad ang mga karne para maluto maigi.

At nang maluto na nga ang mga karne ay agad niya itong inilagay sa plato ni Vi. At talagang sinubuan niya pa 'to ng ilag mga karne.

"Kain ka na din, sayang 'yung niluto mo kung di mo matitikman" sabi ni Vi habang nilalagay sa lettuce ang bagong lutong karne saka tinapat sa bibig ni Theo para maisubo sa binata.

Agad din naman niyang tinanggap ang inaalok ni Vi saka pinagpatuloy ang pagluluto ng mga karne. At habang kumakain si Vi ay pinicturan na pala siya ni Theo. Kaya naman laking gulat niya ng nag message sa kanya si Khiel.

["Hope langis, nilalagay sa ig story"] sa nabasang message ay agad niyang kinuha ang cellphone saka tinignan ang ig story ni Theo, at nakita nga niyang vinideohan siya nito habang masayang kumakain kanina.

"Ang unfair mo naman" ika niya saka tinawag ang isang staff upang picturan silang dalawa.

"1,2,3, Smilee" ika ng staff saka sila pinicturan pero makulit sa Vi at sinabing, i-boomerang daw sila ni Theo. Mabait naman ang staff kaya agad ding pumayag ito. "Ang sweet nyo naman po, ma'am bagay kayo ni sir" ika ng staff saka ibinalik ang cellphone ni Vi.

Habang tinitignan niya ang pictures nila ay sinabi ni Theo na i-mention daw siya sa ig story upang ma repost din niya ito. Kaya naman agad niya itong i-nupload sa ig niya at minention si Theo na agad din namang ni re-upload ang picture at boomerang nila.

Habang hawak niya ang cellphone ay nagsalita muli ang binata saka sinabing "Kain na, sayang ang libre mo kung di natin susulitin" saka nagsimulang kumain habang nakasalang ang iba pa nilang inorder.

Titig na titig si Vi sa taong kaharap at saka napangiti ng maisip kung paano ba siya nahulog ng ganito sa lalaking ito samantalang ay ipinangako niya sa sariling hinding hindi siya mag boboyfriend.

"Only if, only if you'll move on and love me instead" sabi niya sa mahinang boses na siya lang nakakarinig.

A/N: Thenkyuu for reading please continue supporting the next chapters :)) stay safe and healthy!!!

Please support my twit acc 🥺👉👈 :

✨@citrinelily17✨

Disclaimer:

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance t