webnovel

Chapter four

Kinabukasan sabay kaming pumasok ni Aika, dahil magaling na siya at nagpilit pa rin na pumasok.

Gusto ko ring kausapin si Keita tungkol sa nangyari kahapon na sana ay huwag na niyang sabihin kay Aika ang nangyari, mag-pinsan sila kaya hindi malabong sabihin niya iyon kay Aika.

"Aika magbabanyo lang ako hintayin mo na lang ako sa room." Ayaw niya pa sanang pumayag pero sabi ko okay lang naman nang makita kong pumasok na si Aika sa room nagmadali akong pumunta sa lugar na iyon sa rooftop at nagbabasakaling naroon siya.

Dali-dali akong pumunta sa rooftop nang building, sana nandito siya dahan-dahan kong binuksan yong pinto at piping nagdasal.

Papasok na sana ako nang may naramdaman ako sa likod ko paglingon ko nakita ko siya.

Nakatingin siya sa akin kaya napaatras ang kaba sa dibdib ko ay lalong lumakas.

"Anong ginagawa mo dito may kailangan kaba?" Nagtataka niyang tanong napahinga muna ako ng malalim bago ako sumagot.

"Gusto sana kita makausap tungkol sa nangyari kahapon sana hindi na makarating ito kay Aika, ayoko kasi siyang mag-alala at saka ayokong mapaaway siya dahil sa akin." Mahaba kong paliwanag napatango na lang siya at sumandal sa pader at humalukipkip.

Pinagmasdan ko siya nang pailalim parang pamilyar siya sa akin pero hindi ko maalala kung saan ko siya nakita, matangkad siya at may kahabaan ang kulay itim na itim n'yang buhok matangos na ilong at mapulang mga labi napalunok ako ng mahuli niya akong nakatingin sa kanya kaya napayuko ako.

"Hindi makakarating sa kanya."

Nakahinga ako ng maluwag sa maikli niyang sagot.

"Salamat Kieta sige babalik na ako sa klase." Aalis na sana ako pero pinigilan niya ako kaya bigla akong napatingin sa kanya.

"Be careful Rin, sige na balik ka na sa klase." Mataman niya akong tiningnan kaya dali-dali ko siyang iniwan doon.

Hanggang sa makababa ako ay ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko, nang lingunin ko siya ay nakatingin lang siya sa akin

at may ngiting sumilay sa mga labi niya.

Nagmadali na akong umalis sa lugar dahil ang kaba na nararamdaman ko ay hindi na normal, dumagdag pa ang alaala na pilit na umuukilkil dito sa isip ko pero malabo.

Parang nakita ko na si Keita pero hindi ko alam kung saan at kailan kaya napailing na lang ako at dumiretso na sa room namin.

Sa mga sumunod na araw ay naging maayos naman ang lahat hindi ko na napansin ang mga araw na lumipas, kahit yong huli naming pagkikita ni Keita mula noon ay hindi ko na siya nakita pa simula nong araw sa rooftop.

At mayroon akong pangamba ngayon nitong mga nakaraang araw kasi ay napapansin ko na laging umaalis si Aika, na hindi ako kasama ang lagi niyang sinasabi ay nagpa-parttime siya kasi daw ay gusto lang niya ng bagong experience bagay na ipinagkibit-balikat ko na lang.

Knowing her curious siya sa lahat ng bagay na hindi niya pa nararanasan katulad ngayon paalis siya kasi may pupuntahan siyang importanteng tao habang ako nag-checheck ng assignment namin para wala akong makalimutan para bukas dahil lunes na naman at pasukan at saka nagbasa ako ng mga message na galing sa mga kuya ko at kay mama at papa.

"Seirin ikaw na muna bahala dito uuwi naman ako nang maaga." Paalam ni Aika na tila nagmamadali pa napatango ako na lang ako sa kanya.

"Sige ingat ka." Sabay kaway ko sa kanya.

"Bye bye." Paalam niya at sinundan ko lang siya ng tingin habang papalabas ng pinto.

Sino kaya yung pupuntahan niya?

Wierd talaga siya nitong mga nakaraang araw pumunta ako sa kusina para kumuha sana ng maiinom pero nakita kong wala na pala kaming groceries dalawang linggo na rin mula nang huli akong namili ng mga pagkain, wala akong aasahan kay Aika dahil lagi siyang busy kaya naisip kong mamili na lang tutal wala na naman akong gagawin na.

Agad akong tumungo sa kwarto ko at nagbihis. Tama ako nalang mamimili sa supermarket para na rin sana maglibang tutal linggo ngayon walang pasok kaya okay lang.

Pagkasara ko ng pinto nang apartment namin ay pumunta na ako ng mall.

Nang makarating ako ng mall ay naglakad lakad muna ako bago mag-groceries.

Hawak ko ang cellphone ko para itext si Aika, kaya lang wala na pala akong load naghanap ako ng load outlet.

Sa paglalakad ko ay hindi ko sinasadyang mapako ang tingin ko sa isang coffee shop si Aika ba yon? Sino kasama niya.

Nakita kong nag-uusap sila ng mga kasama niya sa isang lamesa buti nalang suot ko yong salamin ko dahil namukhaan ko siya kahit medyo may kalayuan ang kinaroroonan nila.

Ilang minuto pa akong nakatayo doon ng mapag pasyahan kong mag-load muna sa cellphone ko para i-text siya na nandito ako sa mall.

Buti ilang lakad lang ay may nakita agad akong load outlet nagpaload ako at agad tinawagan si Aika ilang beses itong nag-ring at sinagot niya agad.

Nagulat ako sa sinagot niya sa tanong ko at tila kinakabahan pa kaya napailing na lang ako.

Bigla na n'yang binaba ang tawag matapos kong magpaalam tapos ay natanaw ko siyang umupo ulit doon sa harap ng mga kssama niya nakapagtataka na nagsinungaling siya.

Ngayon lang siya sa akin nagsinungaling ng ganito nakakalungkot naman.

Pero nang mapatingin ulit ako dito ay hindi ko inaasahan na makita si Keita at may kasamang isang lalake dumiretso sila sa upuan kung saan naroon si Aika.

Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng konting lungkot sa nakita ko lalo nang may lumipat kay Kazami na isang babae agad akong tumalikod at pumunta na lang sa groceries.

Hangang sa matapos akong mamili ay naging mabigat lang ang kalooban ko.

Nang makauwi ako ay agad kong linigpit yong mga pinamili ko at agad pumunta ng kwarto ko.

Nakita kong may biglang nag blink sa loptop ko kaya agad ko itong binuksan.

May message si Kuya Ran.

Ano kaya ito nang buksan ko to ay nanlaki ang mata ko at napangiti sa nabasa ko.

Medyo nawala ang sama ng loob na nararamdaman ko pupunta sila dito sa Pilipinas at pupuntahan ako kaya napangiti na lang ako.

Nag-facetime kami ng mga kuya ko at nalibang ako kahit sandali syempre nagkwento ako sa kanila ng mga nangyari sa mga nakaraan na araw ng pamamalagi ko dito.

Pwera lang sa parte na na-bully ako at pinagtanggol ako ni Keita hindi ko na iyon kinwento dahil alam ko na magtataka talaga sila.

Nang matapos kami mag-usap ng mga kapatid ko at narinig ko na may nagbukas ng pinto kaya alam ko na si Aika na iyon.

Tumayo ako at inayos ang sarili ko at bumaba na para salubungin siya.

Pagbaba ko naabutan ko siya sa sala na nakaupo at halatang pagod siya.

"Andyan ka na pala." Sabi ko sa kanya na pinasigla ko pa ang boses ko.

"Ah oo grabe nakakapagod magtrabaho ang sungit pa ng ibang costumer." Napatango na lang ako sa sinabi niya at medyo kumirot ang dibdib ko sa kasinungalingan niya pero pinilit ko ang sarili ko na maging normal.

Ano ba talaga ang tinatago mo Aika.

"Ah oo nga pala may susundo sa akin dito papuntang Laguna uuwi daw sina kuya gusto nila na doon muna ako tumuloy sa resthouse nila." Medyo pinasigla ko ang boses ko para hindi siya makahalata.

"Wow! Talaga? Sama ako." Kita ko ang tuwa sa mga mata niya pero medyo umiling ako.

"Hindi na baka makaabala pa iyon sa part-time mo sunod ka nalang." Napatango-tango siya at hindi na nagsalita pa parang madali lang sa kanya ang sinabi ko at hindi na nagpilit.

"Ah okay ingat ka na lang sunod na lang ako okay." Iyon na lang ang nasabi niya tumingin ako sa kanya na nakatingin na sa nakabukas na telebisyon.

"Sige akyat na ulit ako para mahanda ko gamit ko at saka tatawagan ko si kuya kung sino susundo sa akin." Sabi ko sa kanya at napabuntong hininga na lang ako para mawala ang panginginig ng boses ko.

Umakyat ulit ako papunta sa kwarto.

Hindi man lang siya nag-insist na sumama kadalasan naman kinukulit-kulit pa ako nito.

Talagang meron siyang tinatago sa akin kung ganon.

Hay...makaligpit na nga lang ng mga gamit na dadalhin para kahit papaano ay mawala ang mga agam agam ko.

Ano kaya itinatago sa akin ni Aika?

Bakit kailangan niyang magsinungaling.

Kinuha ko ang cellphone ko para subukan na tawagan sina Usui, nakapagtataka lang na hindi pa sila nagpapakita sa akin sabi ni papa ay susunod ang dalawang iyon sa akin.

Nakailang ring nang may sumagot kaya napangiti ako ng maulinigan ko ang boses ng isa sa paborito kong butler.

"Princess i know your calling." Puno ng pilyong turan ni Usui kaya napailing na lang ako.

"Nasaan kayo bakit ilang linggo na mula ng nandito ako ay hindi man lang kayo nagparamdam sa akin?" Medyo may tampo kong sita sa kanya.

Narinig ko na napamura ito at biglang tinawag si Gavin na nag-aaway pa yata napangiti ako, hindi pa rin talaga sila nagbabago.

"Princess we're so sorry we thought we need to distant you for awhile, it's Master Takashiro's order." Mabilis na nagsalita sa kabilang linya si Gavin halata ang kaba sa boses nito napahilot na lang ako ng nuo ko at napailing.

"Okay lang ano ba kayo tinatanong ko lang kung nasaan kayo." Medyo kumalma na ang boses nila ng makapagpaliwanag ako, sinabi ko sa kanila na sunduin ako bukas dahil pupunta sina kuya dito.

"Nasaan ba kayo ngayon?" Tanong ko.

"Nasa katabi lang ng unit na tinitirhan niyo ng kaibigan mo." Sagot ni Usui kaya hindi na ako nagulat, knowing those two.

Mayamaya pa ay nagpaalam na ako sa kanila at sinabi ko na lang sa kanila na pupunta kami sa Laguna.

Napatigil ako at naalala ko na naman ang tinatago ni Aika na hindi sinasabi sa akin.

Sana kung ano man iyon ay sana mag-iingat siya, after all his brother is part of mafia group too. Under my families supervision.