>Veon's POV<
Nakapasok na kami ng building at mas nagulat kami at napatigil kami sa gitna dahil sa nakita namin. Mas maraming zombies ang nasa paligid. Sira-sira ang mga gamit na nasa daanan namin. Maraming basag na glass. Magulo ang lugar. Nakita namin ang eroplano sa labas at may stairs pa siya pataas ng plane.
Hinawakan ng pilot ang kailangan para sa eroplano. "Gagawin natin ito nang mabilisan. Tatakbo tayo papunta doon. Walang mag-aatake." sabi niya at lahat kami napa-nod sa sinabi niya.
"Protect the pilot at all costs." sabi ni Kreiss at humiwalay siya sa akin at lahat kami nagtaka. Bakit siya humiwalay? Ano na naman ang iniisip niya?
"Kreiss, lumapit ka sa akin." sabi ko at nginitian niya lang ako.
"Hindi." sinabi niya ng deretsuhan at tumawa siya ng unti. "Maiiwan ako." dagdag sabi pa niya at mas nagulat kami dahil sa sinabi niya.
"Ano ba ang sinasabi mo? Bakit ka ganito? Wala na nga tayo, unti na lang, at gusto mong maiwan?!" pasigaw na tanong ni Isobel at tumingin si Kreiss sa sahig. Totoo ang sinabi ni Isobel. Bakit niya ito sinasabi?
Tiningnan kami ni Tyler. "Bilisan ninyo! Hindi na namin kaya ni Shannara umatake!" sinabi niya at tinulak kami ni Kreiss. "Umalis na kayo!" sabi niya at tumigil si Shannara sa pag-aatake at nilapitan niya si Kreiss.
"What's wrong with you?" tanong niya at halos maiyak-iyak na siya. "Hindi mo pa kami nakakasama nang matagal, at parang susuko ka na?" dagdag tanong pa niya at hinawakan ni Sheloah ang kamay niya.
"Shannara--" hindi pinatapos ni Shannara ang sasabihin ni Sheloah.
"Akala ko ba kasama ka namin? Kasama ka ng Army of True Salvation!" pasigaw na sabi ni Shannara at hindi makasagot si Kreiss. Binigyan niya si Shannara ng isang ngiti ang kaso halata sa ngiti niya na may halong kalungkutan ito. Alam na namin ang gustong sabihin ni Kreiss.
"Sagabal lang ako sa grupo natin." sabi niya ng diretso at hindi na namin alam kung ano ang sasabihin namin. "Maiwan na lang ako at ako ang bait habang kayo, kailangan nang umalis para mabuhay." dagdag sabi pa niya at tinulak niya nang mahinhin si Shannara.
Hinawakan ko ang shoulder ni Shannara. "Shannara, respetuhin mo ang desisyon niya." sabi ko na lang sa kanya at umiyak na siya sa shoulder ko. Si Isobel malungkot din ang itsura niya. At si Tyler naman napatigil din sa pag-aatake dahil sa desisyon ni Kreiss. Parang nawalan din siya ng gana.
Niyakap ni Sheloah si Kreiss nang mahigpit at umiyak na rin siya. "Thank you. Thank you for helping us. I don't regret meeting you." sabi niya sa kanya at nginitian siya ni Kreiss at humiwalay na sila kayayakap.
"Me too, Princess. I won't forget you even though I won't see you anymore." sabi niya at hinalikan niya ang forehead ni Sheloah. "I love you Sheloah." dagdag sabi pa niya at naramdaman ko na bigla ako naging malungkot. Malungkot hindi dahil sa sinabi niya kay Sheloah...
Dahil sa mawawala na siya sa grupo namin dahil sa gusto niya isakripisyo ang buhay niya para kami ay mabuhay.
Bumalik si Sheloah sa tabi ko at tiningnan namin si Kreiss one last time. Bago namin siya iwan. Bago siya maiwan mag-isa. Bago siya mamatay...
Bago siya mamatay.
Tumatakbo na kaming lahat at lumingon kami ng ilang seconds para tingnan si Kreiss. Siya na ang halos puntahan ng mga zombie. Maraming dugo ang lumalabas sa katawan niya. Halos hindi na namin siya marinig sumigaw. Pinipigilan ni Isobel, Shannara, at ni Sheloah ang mga luha nila. Mahirap man aminin, pero pati rin ako pinipigilan ang sarili ko sa kaiiyak. Hindi man kami magkasundo pero kasama na namin siya sa grupo kahit saglit lang siya naming nakasama.