webnovel

A Brother's Cry

Naiwan akong mag-isa sa kwartong iyon habang nakaupo sa couch kung saan ako iniwan ng prinsipeng iyon.

Pero hanggang ngayon ay napapaisip parin ako kung bakit ba tumatambol ng ganito ang dibdib ko sa tuwing naalala ko ang mukha ng batang lalaking yun.

Blue eyes.

Silky white hair.

Parang nakita ko na ang itsurang iyon pero hindi ko lang maalala kung saan at kailan.

I took a deep breath.

Tama na ang pag-iisip ko ng kung anu-ano.

Kailangan kong makalabas sa kwartong ito at hanapin ang esylium sa palasyong ito.

Naglakad ako patungo sa malaking pinto at binuksan yun.

And instantly, inaasahan ko na ang pagsalubong sa akin ng dalawang naka-armor na mga bantay sa labas.

They stood in front of me while their red eyes looked at me with hunger and curiosity.

I think the only thing which stops them from breaking my neck and for drinking my blood this instant ay ang takot nila sa Prinsipe.

Of course, they are vampires.

And of course, I'm a human. And what am I to them? A delicious meal which was sent from the human world.

Ramdam ko narin ang takot pero hindi. Hindi ako magpapatalo sa takot ko.

I composed myself and look at them.

"Inutusan ako ng Prinsipe na sundan sya sa kwarto nya" ang buong tapang kong sabi.

Nagkatinginan naman silang dalawa at mukhang nagtaka sa sinabi ko.

But then I still composed myself.

"At sinabi nya rin sa akin na kapag hindi nyo ako pinaalis ay hindi sya magdadalawang isip na patayin kayo. So now, take me to his room!" ang sigaw ko.

I act tough and brave but deep inside, kanina pa ako nagdadasal sa Diyos na buhayin ako.

At tama rin kayo ng nababasa, gusto kong magpunta ng kwarto nya dahil malakas ang pakiramdam ko na doon nya itinatago ang korona nya. At kung tama nga ang hinala ko na nasa korona nya ang esylium ay pwede na akong makalabas ng palasyong ito at hanapin ang mga kasama ko.

Nang marinig nila ang sinabi ko ay agad naman silang tumalimang dalawa.

Nauna silang naglakad pareho samantalang sumunod naman ako sa kanila.

Pero bakit pakiramdam ko ay may mali?

Pakiramdam ko ay parang may kulang?

Parang may kulang sa palaisipang sino-solve ko.

A breath of wind beholds the crown...

Ano ba talaga ang ibig sabihin nun?

Pero di bale na, hahanapin ko muna ang korona at doon ko lang malalaman kung tama ba ako o hindi.

Hindi rin nagtagal ay tumigil din sila sa isang napakalaking pinto.

Oo. Ito na siguro ang kwarto ng Prinsipe.

Nilingon ko ang dalawa at buong tapang na nagsalita.

"Sige, pwede nyo na akong iwan" I ordered.

Nagkatinginan sila muling pareho pero in the end ay sumunod parin sila.

Oh my God. They are just so stupid.

O talagang ganun lang talaga ang takot nila sa Prinsipe nila?

Nilingon ko uli ang malaking pinto at tahimik na binuksan yun. Nang makapasok ako sa loob ay isinara ko rin uli ito at napalingon sa kwarto ng Prinsipe.

At wow...

As in wow...

Masasabi ko talagang pang-royalty ang kwartong ito.

Napakalawak ng kwarto at malaki din ang kamang nasa gitna nun.

There is also chandelier at kumikinang ang lahat ng nasa loob nun. May sofa din sa gilid at may malaking bintana na gawa sa glass ang nanduon.

Pero ipinilig ko ang ulo ko.

Now is not the time to stare at these beautiful things. Kailangan kong mahanap ang korona ng Prinsipe.

Pero hindi pa man ako nakakapagsimulang maghanap ay nakita ko na ang tatlong bagay na yun sa isang sulok.

Nasa loob ang mga ito ng isang box na gawa sa salamin dahilan para makita ko ang mga ito mula sa labas.

Three golden crowns.

Oh my God! It's the three crowns!

Ito ang korona ng hari, reyna, at ng Prinsipe!

Mabilis akong naglakad patungo doon at pakiramdam ko ay ang bilis ng tibok ng puso ko.

Nandito na ba?

Nandito na ba ang pangalawang esylium?

Nilibot ko ang malaking kahon na yun na gawa sa glass at naghanap ng bolang crystal.

Pero wala akong ibang makita kundi ang mga mamahaling bato na nakalagay doon.

Teka...nakalimutan kong itanong kina Alex kung pare-pareho ba ng itsura ang esylium.

Kung ganun...

Maaaring isa sa mga batong ito ang esylium.

But which one?

I was so hooked up on looking for the esylium when suddenly, I felt a strong arm grabbed my waist and before I knew it, I was already lying on the soft bed.

At naramdaman ko nalang ang pagtatayuan ng mga balahibo ko nang makita ko ang gwapong Prinsipeng iyon na nakangisi habang nakahawak sa magkabilang braso ko at nakadagan sa akin sa kama.

Oh yes. I'm doomed.

"Did you already found what you've been looking for?" he asked with a smirk on his face. "...Titanian?"

********************

"Did you already found what you've been looking for?" he asked with a smirk on his face. "...Titanian?"

I froze.

Pakiramdam ko ay nanigas ako sa itinawag nya sa akin.

Kung ganun...

Kung ganun...

"Akala mo ba ay hindi kita makikilala...ANNAH?" he asked with a smirk on his face.

Agad na nanlaki ang mga mata ko.

Alam nya ang....pangalan ko?

Teka...kilala nya ako?

He just smirk while we stay on that position na nakadagan sya sa akin sa kama at nakataas ang dalawang braso kong hawak nya rin ng mahigpit.

"Only your smell has changed but there's still a little bit of a Titanian's blood on it. Hindi parin nagbago ang maganda mong mukha" he said with that smirk on his face. "I love to see Alex's face when I make you my blood mate tomorrow morning"

Tuluyan na akong nanlambot sa kinahihigaan ko.

Hindi ko narin alam kung ano ang gagawin ko.

Teka, isa rin ba syang Aarvak?

Is he serving Lucian too? Kasi kung oo, hindi na nga talaga ako magtatagal sa mundong ito.

"S-sino ka?" all I could manage to ask. "...k-kasama ka ba ni Lucian?"

His brows met na para bang nabigla sa itinanong ko.

But then later on, he smiled.

"Yes, he is a good friend of mine..." ang isinagot nya dahilan para tuluyan na akong manghina. "...at narinig ko na hinahanap ka nya ngayon..."

Yes. I'm dead.

I'm so...dead.

"Pero wag kang mag-alala..." he whispered into my face. "...pakakasalan muna kita bago kita ibigay sa kanya. I will make Alex suffer first before giving you to Lucian"

Doon na ako nagising mula sa panghihina at nagwala ako sa pagkakagapos nya.

"Bitiwan mo ako! Hayup ka! Bitiwan mo ako!" ang pagwawala ko.

But it's no use.

He's too strong that I can't move.

Pero nagtaas parin ako ng mukha at buong tapang na tumitig sa kanya.

Kung talagang kilala na nya ako ay itatanong ko nalang ang bagay na to.

"Nasaan ang esylium?" I asked through gritted teeth.

Nakita ko ang pagkabigla sa mukha nya nang dahil sa itinanong ko.

I knew it.

He knows where is the esylium is!

But then...he smirk.

"Secret~~" he sang at halatang pinipikon nya talaga ako.

And he won.

Talagang pikon na pikon na ako ngayon.

"Sabihin mo kung nasaan ang esylium!" I yelled into his face.

A playful grin drew up on his face.

First time kong makita yun sakanya kaya nabigla ako. Marunong din palang maging childish ang Prinsipeng ito?

"Kiss muna" he said.

Agad na nanlaki ang mga mata ko.

Oh no.

This is it.

Ito na ang pinaka-kinatatakutan kong mangyari.

Nanlalaki lang ang mga mata ko nang makita ko ang unti-unting paglapit ng mukha nya sa mukha ko.

"Now, shall we continue where we dropped off?" he whispered with that perverted smile on his face.

Pilit parin akong nagwala.

"Bitiwan mo akong hayup ka! Let me go!" I yelled.

But it's no use.

He's far stronger than me.

Para na akong maiiyak habang unti-unti ko ng nararamdaman ang hininga nya sa mukha ko.

At hindi ko alam kung bakit...

Iisang tao lang ang naiisip ko ngayon...

"A-alex..." I whispered his name.

And after I mentioned his name, a loud crashing sound of glasses suddenly woke me up.

Naibukas ko ang mga mata ko and before I knew it, I saw someone grabbed Prince Maalouf away from me and threw him to the walls.

Napalingon ako sa taong humagis sa kanya sa pader and there I saw...Alex.

He's standing there with fury in his eyes while looking at Maalouf who's now sitting on the floor and spitting blood.

"It seems like you haven't learned your lesson well, Prince Maalouf" ang sambit ni Alex gamit ang galit na boses na yun.

Nakita kong nasa likuran nya ang ibang kasamahan namin at nang makita ako ni Bea ay mabilis syang tumakbo patungo sa akin.

"Beh!" ang umiiyak nyang sigaw saka niyakap ako ng mahigpit.

Nakita kong sa malaking bintana sila dumaan kaya doon nanggaling ang malakas na ingay kanina.

Parang naiiyak narin akong napayakap kay Bea.

Seeing them again right now is a big relief for me.

"Alex, get a hold of yourself" ang biglang paghawak ni Raven sa braso ni Alex na hahakbang pa sana uli patungo sa Prinsipe.

"Hay naku...ikaw kasi Maalouf! Hindi ka parin nagbabago! Ayyy...!" ang pagwawala ni Jared habang nasa tabi nya ang tahimik lang na si Rika.

I saw Cornelius smirk.

"Yeah, the same old perverted kid as we know him" Cornelius said.

"And to think, he's harassing Annah again" ang nakangising sabi narin ni Andromeda.

"Pervert" ang sambit naman ni Zeke.

Naguguluhan ako.

Teka...magkakakilala silang lahat?

Nakita kong pinunasan lang ni Maalouf ang dugong nasa gilid ng labi nya saka nakangising napatingin kay Alex.

"Now I finally understood..." Maalouf said with a smirk on his face. "...she doesn't remember a thing, am I right?"

Mas naguluhan ako.

Ano bang pinagsasabi nya?

Akala ko ba alam na nya ang tungkol sa akin?

"She's been looking for her memory, the esylium...yun ang dahilan kaya sumama sya dito" ang nakangising sabi nya. "Hays, akala ko pa naman kaya sya sumama sa akin ay dahil gusto na nya ako. Hindi pala. Nakaka-bad trip naman oh"

I saw Alex gritted his teeth and pointed his sharp sword on Maalouf's throat.

"Where is the esylium?" Alex asked through gritted teeth. "Tell me where it is!"

Pero nilingon lang ako ni Maalouf at nakita kong ngumisi lang sya.

"Kiss muna..." ang sabi nya dahilan para mas manggalaiti sa galit si Alex.

"If you don't tell me where is the esylium is, I swear to God---"

"Maalouf doesn't have it..." I heard Andromeda said.

Nakita kong pare-pareho kaming nabigla sa sinabi nyang iyon dahilan para mapalingon kami sa kanya.

"He doesn't have it" Andromeda said again. "Ang kapatid nyang si Feldor ang may hawak ng esylium..."

******************

"He doesn't have it" Andromeda said again. "Ang kapatid nyang si Feldor ang may hawak ng esylium..."

Walang makapagsalita sa amin at hinintay lang namin ang susunod na sasabihin nya.

"Nagtanong ako sa mga bampirang nasa labas...and I heard that the true Prince of this Kingdom is Feldor" she said dahilan para tuluyan kaming manigas. "Maalouf is just an adopted son of the King. He was only adopted because Feldor is sick and he's not capable of doing his job as the Prince of this Kingdom---"

"And so the King has to look for another heir of the throne who is capable of being the next ruler of this kingdom" Maalouf cut her off while still sitting on the floor. "Kailangan ng hari ng Prinsipe na kayang pamunuan ang kaharian na 'to kapag nawala sya kaya inampon nya ako. Not only for that but also to look after the true Prince"

"Woah, woah" si Cornelius. "So you mean, ampon ka lang dude? Ngayon ko lang nalaman yan ah"

"Oo nga" si Jared. "Naging magkalaro tayo noon pero ngayon ko lang nalaman yan"

My brows met.

So dati silang magkakalaro?

Naging magkakaibigan ba sila ng Prinsipe?

Ang dami ng tanong na nasa isipan ko pero hindi ko naman masagot dahil wala akong maalala.

"So anong connect ng pagiging ampon nya sa esylium?" si Bea na nakayakap parin sa akin sa kama ang nagtanong.

Nagsalita naman si Andromeda.

"Because---"

"Because esylium is the one who cured Prince Feldor" Maalouf cut her off again. "May isang buwan na hindi nakatayo sa kama nya si Feldor ng dahil sa malalang sakit nya. But then one day ay nabigla kami nang bigla syang tumayo mula sa kama nya na para bang hindi sya nagkasakit...for the first time, I saw him so healthy at nakakapaglaro narin sya...at nakita namin na dahil yun sa bolang crystal na nahulog sa kanya noong gabing natutulog sya. Kaya simula nun ay pinasuot lang namin sa kanya ang bolang crystal kahit na hindi namin alam kung ano yun...until..."

He looked up and looked at Alex face.

"...until his appearance suddenly changed. He's black hair turned white and his brown eyes turned blue. He is an Alethean but we were so shocked when we saw him released powerful winds on his hand...I researched about it at nalaman kong esylium nga ang bolang crystal na nahulog sa kanya"

And after hearing that, I saw Alex eyes widened with shock.

Hindi ko rin alam kung bakit ganun ang naging reaksyon nya sa sinabi ni Maalouf.

At hindi ko rin alam na kaya palang gawin ng esylium yun.

Kaya rin palang gumamot ng esylium ng malubhang sakit?

Ganun ba kalakas ang esylium? At paano nagkaroon ng kapangyarihang hangin ang Prinsipe? Sobrang naguguluhan na ako pero wala parin akong makapang sagot.

"K-kung ganun..." si Jared.

"A breath of wind beholds the crown..." Bea chanted at parang naka-realize na nagtaas ng mukha. "...the crown is not a literal crown but it's a Prince! And the wind...because Prince Feldor produces wind! Sya nga ang may hawak ng esylium!"

Tama.

Tama si Bea.

Kung ganun...si Feldor ang talagang may hawak ng esylium!

Kaya ba...kaya ba may kung ano akong nararamdaman sa batang iyon dahil all along ay nasa kanya ang esylium?

Napatingin ako sa direksyon nina Alex at Maalouf at hindi ko alam kung bakit parang natitigilan silang dalawa habang nakatitig sa isa't isa. Na para bang nag-uusap silang dalawa gamit ang tingin.

What's happening to them?

Pero hindi na ako nakapagtanong nang marinig ko ang pagkakabukas ng malaking pinto ng kwarto at nakita kong pumasok ang batang lalaking iyon.

Si Feldor.

His blue eyes scanned the whole room and when he saw me, he stared at me.

"F-feldor..." I saw Maalouf quickly went into him. "What are you doing here? You should be resting..."

And as the way I'm seeing Maalouf right now, I can clearly see that he loves his brother so much.

Pero hindi tinanggal ng batang Prinsipe ang mga mata nya sa akin.

"Are you the Titanian?" Feldor asked me.

I blink.

Pero dahan-dahan parin akong tumango.

His blue eyes stared at my face.

"My brother said that there will come a time that someone will look for this" he said at nakita kong inilabas nya mula sa damit nya ang kwentas na suot nya.

At nanlaki ang mga mata ko nang makita ang bolang crystal na yun.

The esylium.

"Feldor..." Maalouf said saka lumuhod sa nakababatang kapatid. "But if you give it to her...maybe...maybe you'll come back on being sick again---"

"It's okay..." Feldor said and I was stunned when he smiled at me. "I just wanted to thank you Titanian...thank you for giving me a chance to live normally like any other vampires do...it's just a short while and I know that this day will come that you will look for it and you have to take it back...but its okay. I'am now contented with my life and the things I have done because of this esylium...I get the chance to live normally and it's because of you..."

Nakita kong napayuko nalang si Maalouf at nakita ko ang pag-iyak nya sa harapan ng kapatid nya.

I didn't know that vampires know how to cry too.

But maybe, he really cared for his brother kahit na hindi sila tunay na magkapatid.

Nakita kong ini-pat ni Feldor ang ulo ng umiiyak na si Maalouf.

And then he smiled.

"Don't worry older brother..." he said. "...this thing doesn't belong to me...so it should be back where it should be...a true Prince should always be righteous on his actions and decisions"

Hindi na sumagot pa si Maalouf at nagpatuloy lang sa pag-iyak.

Nakarinig ako ng pagsinghot sa isang sulok kaya napalingon ako sa direksyon na yun.

At nakita kong umiiyak narin pala si Jared mula sa kinatatayuan nya.

"Psh, so gay" I heard Cornelius muttered.

"Uwaaaaahhhh!!! Eh nakaka-touch naman ang eksenang ito eh! Hindi ko kayang pigilan ang sarili ko sa pag-iyak!" ang iyak nya sa kinatatayuan nya.

Andromeda just rolled her eyes.

"Until now I'm still wondering of how you became an Arcadian Knight" she said.

Nilingon naman sya ng umiiyak na si Jared.

"Hoy! Narinig ko yun ha!" ang sigaw nya.

"Yeah, yeah, whatever" she said.

Nakita kong naglakad na patungo sa akin si Feldor habang nakatingin lang silang lahat sa aming dalawa.

And then he finally stood in front of me and exposed the esylium he's wearing.

He smiled at me and spoke.

"Take it Titanian..." he said. "This belongs to you and you need it more than me...take it..."

Napatitig naman ako sa asul na mga mata nya at hindi ko mapigilang makaramdam ng pinaghalong lungkot at saya.

Malungkot ako dahil alam kong kapag kinuha ko yun ay babalik na sya sa pagiging sakitin.

Masaya ako dahil kahit na alam nya ang bagay nya yun ay willing parin nyang ibigay sa akin ang bagay na 'to.

I can see that he is a true Prince not only because of his crown but also because of his pure heart.

"Thank you..." I whispered.

He just smiled at me as an answer.

Then I looked at the small crystal ball he's wearing.

I slowly held my hand to reach for it at nakikita kong nag-iilaw narin ito na para bang hinihintay nalang ako nitong mahawakan ito.

And when I finally touched it, suddenly...my surrounding became so bright at wala akong makita.

Nararamdaman ko nalang ang unti-unti kong pagkakatumba uli sa malambot na kama and like everything went blank.

Narinig ko pa ang pagtili ni Bea sa sobrang takot.

Wala akong makita.

I can hear them panic pero wala na akong makita. Alam kong nakabukas ang mga mata ko pero puro puti lang ang nakikita ko.

I gasped when I felt someone touched my face at hindi ko alam pero nang maramdaman ko ang kamay na yun sa pisngi ko ay nakaramdam ako ng soothing feeling.

Pakiramdam ko ay inaantok ako at hindi ako makagalaw.

And then I heard that familiar voice of him.

"Dream of us..." he tenderly whispered into my ear.

Si Alex.

And that's the last thing I heard before closing my eyes and went into sleep.

to be continued...