webnovel

"Siguro..."

Malaya ako?

siguro...

Bakit?

..................

"Tumabi ka sa dinaraanan ng Hari!" - mula sa aking likuran ang boses na iyon, siguro, kay kapal nito. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makaalis sa aking pwesto.

Nasaan ako?

Bakit ang daming tao?

Anong mayroon?

Anong ganap?

Rinig kong muli itong sumigaw, siguro yaong umimik kanina. Laking gulat ko na lamang nang tumilapon ang batang lalaki sabay hiyaw ng isang nilalang na tangan ang isang malaking trono ng haring kanilang binibigyang pugay.

Pagkalingon ko ay siyang pagtawid sa akin nito. Lumagpas sila sa akin?

"Sinagasaan nila ako?"

wehhhh...o.0?

Ngunit ang nakatataka'y...

.

.

.

Saan naroroon ang aking pakiramdam?

Bago iyon, nasaan nga ba ako? Nilibot ko ang aking paningin. Normal naman ang lahat. Siguro...

Bumalik na kasi sa natural ang mga tao, parang kanina lamang noong aking pagmasdan ay 'di man lang sila makatunghay at para bang...

Wow, isang dalagang marahang naglalakad ang tumigil sa harap ko. Nakasuot ito ng kumikinang na bestida. Kumikinang na sumbrero, kulay ginto ang buhok. Sana all shiny.

Marikit. Napakarikit niya, may bilugang mukha, singkit na mga mata, may rosas na labi. Amoy bulaklak na bagong gising pagkatapos ng tag-ulan.

"Excuse me, anong lugar ito?"

.......................................croo....croo....-_-

Hindi ako nakatanggap ng sagot, magtatanong pa sana ako pero ni hindi nga nagtama ang aming mga tingin. Hindi niya ako pinansin. Problema nya? Masama na kayang magtanong ngayon?

Sa halip ay nakatingin siya sa himpapawid at bumakas bigla sa kaniyang kumikinang na mukha ang...pagkagulat? Uhmm... pagtataka? Takot??? Ay ewan, nagpapalit ng ekspresyon ang mukha niya, hindi ko maintindihan.

Bigla akong may narinig. Huni ng ibon? Ang bilis ng pagaspas nito. Naririnig ko. Palakas nang palakas at para bang may nagbabaga itong apoy sa loob.

Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan ng kumikinang na dalaga.

Woahhh...phoenix? Dragon? Uhmm...mukha silang iisa. Anong tawag dyan? Teka, ang laki!!! Ang layo pa nito kanina nang marinig ko ang malakas nitong pagaspas pero syang paghina habang papalapit? Grabe...

Sandali, uso pa ba sa panahon ngayon ang ganiyang uri ng 'living things'...i mean hayop? Ibon? Ibon na ganiyang kalaki?!

0.0

"Oy,oy,oy!!!"

Huli na...

Hindi na ako nakaatras pa. Ang sama ng tingin nito sa akin. Sobrang lapit niya, kaunti na lamang ay magdirikit na ang aming mga labi. Eh? Ano bang nasa isip ko? Haha...labi? Nahihibang na ba ako? Kaseselpon ko siguro ito.

But wait, why do I feel....nothing?

Hindi man lang ako nakaramdam ng takot? Wow. Sa itsura ng phoenix na ito na kasinglaki ng dragon, na may nagliliyab na mga mata at nagbabagang mga pangil, may awrang itim na malila tapos natulo ang laway --ay sinong hindi matatakot?

Yaysss...

Hindi ako makagalaw...

Balak kaya niya akong kainin?

Hindi naman ako mukhang masarap di ba?

Hmmm...siguro.

.

.

.

.

Seconds later...nakatitig pa rin siya sa akin. Hindi tuloy ako makakurap.

.

.

Gusto ko sanang magsalita ang kaso...hindi ko alam ang sasabihin. May kakaiba...

May kakaiba sa kaniya...

hindi...

May kakaiba sa...

akin...

Oo, sa akin.

o.0?

Sa akin???

.............

siguro...