webnovel

Chapter Ten - Before the Explosion

"Eugene! Tulungan mo ako!" Wika ni Frances na nagpapanic na dahil sa labis na takot. Agad namang nilapitan nina Julianne at Eugene ang dalaga

"Eugene ayoko ko pang mamatay. Tulungan mo ako." Wika ni Frances habang umiiyak.

"Hey! Calm down. Ililigtas kita. Pangako." Malambing na wika ni Eugene at hinawakan ang mukha ni Frances. Si Ben naman na siyang Bomb expert sa kanila ay focus na focus na ginagawa. Isang maling wire lang ang maputol nito talagang patay silang lahat.

"Hey Alam mo ba ang ginagawa mo?" Wika ni Frances sa binata. habang kinakalikot nito ang bomba.

"Just shut up! Huwag mo akong guluhin." Wika ni Julianne sa dalaga.

"Bukas na! Bukas Na!" sigaw ni Ben nang ma unlock ang vest nang bomba. Agad namang hinubad ni Julainne mula kay Frances ang bomba saka tumakbo palabas nang gusali dala ang bomba. Dahil sa labis na takot napayakap si Frances kay Eugene.

"Its okay now." Wika ni Eugene at hinamas ang likod ni Frances para pakalmahin ito.

"Buti na lamang at magaling sa bomba si Ben Nakangiting wika ni Julius at pinahid ang pawis sa noo.

"Maswerte pa rin tayo." Wika naman ni Meggan.

Ilang Segundo pa bigla silang may narinig na pagsabog. Napahinto sa paglalakad sina Jenny nang bigla nilang marinig ang malakas na pagsabog di kalayuan na Gusali.

"Julianne!" Hintakot na wika ni Eugene nang marinig ang pagsabog. Si Julianne ang may dala ng bomba. Agad naman silang tumakbo palabas para matingnan kung ano nang nangyari sa binatang may dala nang bomba.

"Anong nangyari?" tanong ni Meggan. Na dumating kasama si Johnny. Agad silang napasugod sa mga kasamahan nang marinig ang malakas na pagsabog.

"Mukhang hindi na siya umabot." Mahinang wika ni Ben.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Johnny.

"Mukhang pati siya, nasama sa sumabog na bomba." Naiiyak na wika ni Meggan.

"Cut the Crap! I am not that Idiot! Hindi ako madaling mapatay." Nabigla sila nang marinig ang mga salitang iyon at galing sa isang pamilyar na boses. Agad nilang hinanap ang may-ari ng boses, bigla nilang nakita si Julianne na naglalakad palapit sa kanila. May sugat ang kaliwang balikat nito at puno ang dungis ang mukha.

"Julianne!"

"Lieutenant!" Masiglang wika nina Meggan at Ben saka tumakbo palapit sa binata.

"Julianne" masayang wika ni Eugene at lumapit sa kaibigan. "Okay ka lang ba?" Tanong ni Eugene sa kaibigan.

"Oo naman! Hindi isang bomba ang papatay sa kin." Pabirong wika nito.

"Ang galing mo kanina Lt." Wika ni Meggan at nag thumbs up sa binata.

"Huwag kang magpa cute hindi rin kita sasagutin." Wika pa ni Julianne.

"Huh! Do you think you look cool." Asik naman ni Frances na ikinagulat ng iba. "Tingnan mo nga ang sarili mo. Buti buhay ka pa. Nakukuha mo pang magpatawa." Wika pa nito sa binata.

"Oh!" Napapangiting wika nina Johnny at Ben saka umatras.

"Teka nga, ganyan ka ba magpasalamat sa taong nagligtas sa buhay mo?" Asik ni Julianne sa dalaga.

"Okay." Wika ni Eugene at pumagitna sa dalawa. Kapag hindi pa nila ito pinigilan hindi sila matatapos. "Mas mabuti pang pumunta na tayo sa hospital. Patingnan na tin yang sugat mo. Mukhang may nabaling buto sa balikat mo." Dagdag pa ni Eugene at bumaling sa kaibigan. Ngunit hindi siya lubusang masaya dahil hindi parin nila nailigtas si Jenny. Nakita nila ang isang chopper na papalayo sa lugar na iyon. tiyak niyang nasa loob noon si Jenny.

"Hindi namin nakita si Miss Jenny." Wika naman ni Julius at lumapit sa kanila.

"Umalis na tayo ditto." Wika ni Eugene at nilapitan si Frances na nasa tabi ni Meggan. "Wala na ditto si Jenny at si Ramon." Malungkot na wika nang binata. hindi naman iyon nakaligtas sa mata ni Frances.

"Lets go!" wika ni Eugene at inakay si Frances papunta sa van. Tahimik namang sumunod ang iba sa kanilang dalawa.

"Lee? Bakit wala ditto si Eugene? Nasaan ang apo ko?" tanong ni Donya Carmela nang pumasok ito sa silid ni Aya at makitang walang ibang tao doon kundi ang butler.

"Umalis siya kasama ang grupo niya para iligtas si Miss Jenny." Wika ni lee at tumayo mula sa kinuupuan. Inabutan ito nang matanda na nagbabasa nang aklat.

"Iligtas? Bakit may nangyari ba sa kanya?" Tanong nito.

"ANg dinig ko ay dinukot ito nang mga di kilalang lalaki." Sagot naman nang lalaki.

"Naku ganoon ba? Sana maligtas siya nang apo ko. Napakabait nang batang iyon gusto ko siya. Teka may relasyon ba sila ni Eugene?" tanong ni kay Butlet Lee.

"Ang alam ko walang kasintahan si Master Eugene. At bukod doon parang kapatid na ang turing niya kay Miss Jenny. Siya ang anak nang lalaking tumulong sa kanila noon. Kaya wala siguro silang relasyon ni Miss Jenny." Wika ni Butler lee.

"Eugene!"habol ni Frances sa binata nang bigla siya nitong nilampasan at diretsong pumasok sa silid ni Aya. Pinigilan naman siya ni Julianne.

"Bakit Ba?!" asik ni Frances kay Julianne.

"Hayaan na muna natin siya." Mahinahong wika ni Julianne.

"Siguro upset siya dahil hindi niya nailigtas si Jenny." Ani Meggan.

"Ako ang Fiancee niya bakit ibang taong ang inaalala niya." inis na wika ni Frances.

"Pwede ba Frances. Kahit ngayon lang huwag puro sarili mo ang isipin mo." galit na wika ni Julianne. "Isa pa, hindi ibang tao si Jenny. Pamilya namin siya ni Eugene." Ani Julianne at nilampsan ang dalaga. Napaawang naman ang labi ni Frances dahil sa pagkamangha sa ginawa ni Julianne.

"Hayaan na muna natin sila. Naiintindihan ko ang nararamdaman ni Lt. Kahit hindi niya kadugo si Jenny. Naging pamilya din ito sa kanya." Wika ni Julius at lumapit sa dalaga.

"Whatever." Wika ni Frances at tumalikod. Saka naglakad palayo. Hindi naman niya sinasabing huwag siyang mag-alala. Gusto lang naman niyang bigyan din siya nang simpatya ni Eugene. Nakidnap din naman siya at muntik nang mamatay kahit wala itong pag-ibig sa kanya hindi ba dapat kahit kunting pag-aalala magpakita naman ito. At hindi ang ipamukha sa kanya kung sino talaga ang gusto niya.

"Meggan sundan mo siya." Wika ni Julius kay MEggan.

"Bakit ako?" angal ni Meggan.

"Dahil babae ka. Mas maiintindihan mo ang nararamdaman niya." ani Rick.

"Sige na nga." Wika ni Meggan at sinundan ang dalaga.

"Kumusta na kaya si Aya?" tanong ni Julius at tumingin sa pinto nang silid ni Aya sa Hospital.

"Bakit hindi ka pumasok para kumustahin siya?" Ani Johnny.

"Hindi na. Wala rin naman akong magagawa." Wika ni Juliusat tamalikod saka naupo sa isang upuan. Tumabi naman sa kanya si Rick at Ben.

Si Jenny naman ay dinala ni Ramon sa lumang bahay nila. nasa harap pa lamang sila nang malaking bahay nanindig na ang balahibo ni Jenny. Hanggang ngayon hindi pa rin niya nakakalimutan ang nangyaring 10 taon na ang nakakaraan. Hindi maalis sa alaala niya ang nakakatakot na gabing iyon.

"Bakit mo ako dinala ditto?" tanong ni Jenny kay Ramon.

"Ito ang bahay natin. Ditto tayo unang nagkita ditto din natin bubuuhin ang pamilya natin." Wika ni Ramon kay Jenny.

"Baliw ka na." mahinang wika ni Jenny. "Akala mo ba talaga magpapakasal ako saiyo? Mas gugustuhin ko pang mamatay na lang." wika ni Jenny.

"Sa palagay mo ba hahayaan kitang mamamatay?" ani Ramon at hinawakan ang braso ni Jenny. "Ikaw na lang ang natitira sa buhay ko Jenny. Sinira nang kahat ni Eugene. Hindi ko hahayaang pati ikaw ay maagaw niya." wika ni Ramon.

"Ikaw ang nagdala sa sarili mo ganitong sitwasyon. Kung anong nangyayari sa iyo ngayon karma ang tawag diyan. Hindi kailan man mabubuhay nang masaya ang isang mamatay taong gaya mo." asik ni Jenny kay Ramon. Dahil sa sinabi ni Jenny isang malakas na sampal ang iginawad ni Ramon sa kanya. Sargo ang dugo sa bibig ni Jenny dahil sa ginawa ni Ramon.

"Kahit naman gusto kita hindi ko hahayaang laitin mo ang pagkatao ko. dalhin niyo siya sa loob." Galit na wika ni Ramon at bumaling sa mga tauhan niya.

Simula nang mailigtas nina Eugene si Frances at hindi nila nakita si Jenny. Halos hindi na nila makausap si Eugene. Madalas nasa silid lang ito ni Aya nakaupos sa harap nang kapatid at nakatitig sa mukha nito. alam ni Julianne na hindi mapalagay ang kaibigan dahil ilang araw na nilang hindi nakikita si Jenny. Inilabas na rin sa wanted list ang pangalan ni Ramon. Ngunit hanggang ngayon wala pa rin makapagturo kung nasaan ang lalaki. Si Frances naman na halos araw gabi kung sundan si Eugene naaawa si Julianne sa dalaga dahil kahit na anong gawin nito halos hindi ito na papansin ni Eugene.

"Mas mabuti siguro kung hindi ka muna pupunta ditto." Wika ni Julianne kay Frances nang lapitan niya ito. Nasa labas ito nang silid ni Aya. Tumingin lang sa kanya si Frances.

"Tititigan mo nalang ba ako?" natatawang wika ni Julianne.

"I am wondering. Ano bang relasyon ni Jenny at Eugene? Hindi ba at drama lang lahat nang iyon dati?" ani Frances.

"I think you should forget about him." Mahinang wika ni Julianne.

"Huh paano mo nasasabi yan nang diretso sa isang babaeng nasaktan. Ganyan ba ka bato ang puso mo?" wika ni Frances at biglang tumulo ang luha sa mata. "It took me great deal para makabalik ditto. Only to hear those words. Ang sama mo." wika ni Frances at napahagolgol.

"Hey! Hindi iyon ang ibig kong sabihin." Halos magpanic na wika ni Jullianne ang ayaw niya sa lahat ay nakakakita nang babaeng umiiyak.

"Come with me." Wika ni Julianne at hinawakan anng kamay ni Frances saka inakay labas nang hospital. Nang una ayaw pang sumakay ni Frances sa motor niya ngunit dahil sa pamimilit ni Julianne hindi rin nakatanggi si Frances. Dinala siya ni Julianne sa isang amusement park.

Nagulat pa si Frances nang isuot ni Julianne sa kanya ang isang sombrero at salamin. "Para walang makakilala saiyo." Wika ni Julianne at ngumiti saka hinila si Frances papasok nang amusement park.

"Bakit mo naman ako dinala ditto?" tanong ni Frances sa binata.

"Dahil umiiyak ka." Wika ni Julianne.

"Huh." Napasinghap na wika ani Frances. "Ano namang akala mo sa kin batang paslit?" inis na wika nang dalaga.

"They said girls Like amusement park. Ito ang lugar kung saan gusto nilang dinadala sila nang mga kasintahan nila." Wika ni Julianne habang nakatingin sa roller coaster. Taka namang napatingin si Frances sa binata. "I don't know how it feels to have someone. Magtataka nga ako sa ----" biglang natigilan si Julianne nang hawakan ni Frances ang kamay niya.

"Pitiful." Wika nito sa binata.

"Huh?" takang singhap ni Julianne.

"Nakakapagod maghabol sa lalaking walang gusto saiyo. Naawa ako sa sarili dahil masyado kong pinapababa ang sarili para lang mapansin niya. Ngunit sa palagay ko mas nakakaaawa ka. Hindi mo alam ang pakiramdam kung paano ang umibig." Ani Frances.

"Gusto ko lang sabihinn saiyo na hindi lang ikaw ang inawan sa mundong ito. Ma swerte ka pa rin dahil may ama ka na mahal ka. Kahit na hindi masuklian ni Eugene ang nararamdaman mo. Hindi ka malulungkot." Wika ni Julianne. Napansin nang binata na nagbaba nang tingin si Frances.

"Ano bang alam mo." wika nito at tumalikod.

"I don't know anything. Hindi rin kita tatanungin kong bakit. O kung ano ang pinagdadaanan mo ngayon. Ngunit gusto kung hingin ang pangunawa mo kay Eugene. Nasa Hospital ang kapatid niya at hindi pa alam kung kailan magigising. Si Jenny naman hindi pa nahahanap. Alam ni Eugene na malakas ka kaya naman--"

"I understand. Nahihiya ako sa mga ginawa ko. I'm Being too childish. Wika ni Frances at iniwan ang binata. Walan namang kibong sumunod si Julianne sa dalaga. Naawa si Julianne kay Frances. Hindi kayang suklian ni Eugene ang nararamdaman nito. Kaya ngayon. Kailangan niyang bumalik sa Paris upang ipagpatuloy ang fashion designing. Sinabi din nito sa lola ni Eugene na umuurong na ito sa arrange marriage.

Julianne?" Takang wika ni Frances nang makita si Julianne sa pictorial nang bago niyang CM. Hindi lang isang fashion designer si Frances isa din siyang model. Kaya naman bago siya bumalik nang paris isang CM ang tinanggap niya.

"Buti at dumating ka Mr. Ramirez." Wika nang manager niya at lumapit sa binata.

"What's going on?" Takang wika ni Frances.

"Frances. Kinuha kong body guard mo si Mr. Ramirez. Alam din niya ang mga nangyayari sa iyo. Isa pa sabi niya kaibigan ka niya." wika nito.

"Ilang beses ko na bang Sinabi na hindi ko kailangan nang body guard. Lalong hindi siya." Madiing wika nito at tumingin kay Julianne.

"Wow. That was too specific. I am the best among them." Pabirong wika ni Julianne.

"Don't be so stubborn. You need it. Lalo pa ngayong marami tayong narereceive ndeath threat." Wika ni Thesa kay Frances.

Nalaman ni Julianne na may mga haters at basher si Frances na mga taga hanga ni Eugene. Hindi nila nagustuhan ang pagiging porsigido nang dalaga na mapansin nang binatang police officer. Bukod doon nakakatanggap din ito nang mga death threat kaya naman nag volunteer siya na maging body guard nito habang naghahanda ito pabalik sa paris.

Hindi niya akalain ni Frances na totoo pala ang sinabi ni Thesa na kukuha ito nang body guard. Lalong hindi siya nagkaroon ng ideya na mag vovolunteer pa si Julianne.

Naririnig niya sa balita na may isang baliw na fan anng sumusunod sa kanya at siya ring nagpapdala nang mga death threats.

"Si Jenny nakita na ba?" tanong ni Frances kay Julianne.

"Hindi pa. Wala kaming lead kung saan siya dinala ni Ramon." Sagot ni Julianne.

Nakita ni Julianne tumayo si Frances mula sa kinauupuan at biglang tumayo. Biglang itong naglakad patungo sa direksyon nila. Bigla namang naghiyawan ang mga estudyante dahil sa ginawa ni Frances. Bigla itong huminto sa paglalakad ng hawakan ni Julianne sa Braso.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Julianne kay Frances.

"Pwede ba, para naman akong tatakas." Wika ni Frances at binawi ang kamay.

"Hindi naman siguro makakapasok sa lugar na ito ang stalker ko. Isa pa napakaraming tao dito bakit siya gagawa ng isang kabaliwan." Dagdag pa ni Frances at iniwan ang binata saka naglakad patungo sa direksyon nang mga estudayante.

"Hindi ka ba talaga makikinig sa akin?" ani Julianne at muling humarang sa dalaga,

"Pwede ba." Asik ni Frances sa binata. Na bigla si Frances nang bigla siyang kabigin ni Julianne palapit sa kanya halos nakayakap na ito sa kanya.

Kaya naman iyon ginawa ni Julianne dahil napansin niiya ang isang kahinahinalang lalaki na nakahalo sa mga estudyanteng nanood kay Frances.

"Anong Ginagawa mo?" asik ni Frances at itinulak si Julianne. Hindi maintindihan ni Frances kung bakit ang bilis nang tibok nang puso niya.

"Someday, you will thank me for this." Wika ni Julianne at pinihit si Frances para bumalik sa kinauupuan nito hindi naman naglaban ang dalaga. Parang naubusan siya nang lakas na labanan ang binata hindi naman niya alam kung bakit ganoon na lamang ang reaksyon niya.

Hindi maintindihan ni Frances kung bakit ang bilis nang tibok nang puso niya. Ang why does she feel so secure sa mga bisig ni Julianne.

Hindi alam ni Julianne na mula sa di kalayuan isang paris na mga mata ang nagmamatyag sa kanya. Kahit na isa siyang anghel at nagpapanggap na tao hindi niya naramdaman ang presensyang iyon. Para bang lahat nang mga kakayahan niya bilang isang anghel ay hindi na gumagana. Dati madali niyang nararamdaman kung may kakaiba sa paligid niya subalit ngayon wala na.

Hindi pa ito napapansin ni Julianne. Hindi pa niya napapansin na ang mga kakayahan niya bilang isang anghel ay unti-unti nang naglalaho at nagiging isang normal na nilalang na lamang siya.