webnovel

Chapter Forty

Ano naman ang nakain mo ay niyaya mo akong kumain sa labas?" natatawang wika ni Aya nang dalhin siya nang kuya niya sa isang sikat na restaurant. Nagulat nalang siya nang bigla siya nitong yayain kumain sa labas na hindi kasama kahit isa sa mga miyembro nang phoenix o kahit si Julianne at Jenny.

"Wala naman. Naisip kong sa dami nang mga nangyari sa atin. Simula nang magkita tayong muli hindi manlang kita naipasyal." Wika ni Eugene sa kapatid.

"Ah Alam ko na. gusto mo lang bumawi." Wika ni Aya at humawak sa braso nang kapatid. "Pero hindi ba parang ang selfish natin? Alam nating may pinagdadaanan si Julianne--" Naputol ang sasabihin ni Aya nang biglang huminto sa paglalakad ang kuya niya. "Bakit?" tanong ni Aya at tumingin sa mukha nang kapatid niya. Seryoso ang mukha nito at nakatingin sa unahan nila.

Taka namang napatingin si Aya sa direksyong tinitingnan nang kuya niya. Tatlong nilalang ang Nakita nila na nasa unahan.

Si Arielle at may kasamang dalawang nilalang. Nakasout nang puti ang tatlo. Alam nilang anghel si Arielle ngunit sino naman ang dalawang ito? Ito ang tanong sa isip nang makapatid.

"Arielle?" takang wika ni Aya dahil sa labis na gulat.

"Kailangan niyong sumama sa amin." Wika ni Arielle sa magkapatid.

"Teka? Bakit? At sino naman yang mga kasama mo. Sa tono nang pananalita mo parang may ginawa kaming masama." Wika ni Eugene. Hindi maganda ang pakiramdam niya.

"Kailangan niyong sumama sa amin." Wika nang isang babae saka biglang naglaho. Sa isang iglap bigla itong napunta sa likod nila. biglang napaigtad si Aya dahil sa labis na gulat.

"Ano bang ibig sabihin nito? Ano bang kailangan niyo sa min?" Asik ni Eugene sa mga ito.

"Eugene, Mas makakabuting sumama kayo nang maayos. Hindi naman nila kayo sasaktan." Wika ni Arielle.

"Hindi niyo sila madadala." Biglang wika nang isang boses na tila galing sa ilalim nang lupa. Sa isang iglap biglang may sumulpot na tatlong fallen angel sa likod nina Arielle at nang isang lalaki.

"Rahab, Ornais, Wormwood." Gulat na wika ni Arielle nang makilala ang tatlo.

"Hindi niyo pwedeng sirain ang mga plano namin." Wika ni Wormwood.

"Arielle, Ilayo mo na ang dalawa sa lagur na ito." wika ni Nathaniel kay Arielle. Tumango naman si Arielle at akmang lalapit sa magkapatid nang bigla na lamang siyang sinalubong ni Rahab. Bigla ding naglaho si Ornais at nang lumitaw nasalikod na ito ni Sophia.

Si Wormwood naman ay hinarap si Nathaniel.

"Aya umalis na tayo ditto." Wika ni Eugene at hinawakan ang kapatid. Habang naglalaban ang anim mas mabuting umalis na sila sa lugar na iyon bago pa sila madamay sa gulo. Ngunit hindi pa man nakakahakbang ang magkapatid. Dalawa pang fallen angel ang biglang lumitaw sa harap nila.

"Kuya." Helpless na wika ni Aya at mahigpit na napahawak sa kamay nang kapatid.

"Sasama kayo sa amin." Wika nang isang babaeng fallen angel hinawakan si Eugene. Tinangka nang isa pa na hawakan si Aya ngunit. Parang may protective shield ang dalaga hindi nito magawang hawakan ang dalaga.

"Kuya!" sigaw ni Aya nang hatakin nang babae si Eugene palayo sa kanya.

"Aya lumayo ka na sa lugar na ito." Wika ni Eugene.

"Ayoko! Hindi ako aalis nang hindi ka kasama."

"Anong klaseng kapangyarihan meron ka? Bakit hindi kita magawang mahawakan." Wika nang isang fallen angel nang muli niyang tangkaing hawakan ang dalaga.

"Hayaan mo na siya Belial (Angel of Deception). Sa palagay ko may protection siya mula kay Achellion. hindi nating basta-bastang madadala ang isang yan. Sapat na ang isang ito." wika nang isang fallen angel at hinawakan ang leeg ni Eugene dahilan upang hindi siya makalaban sa mga ito.

Huminto sa pag-atake sina Wormwood sa iba pang anghel. Nag kumpol ang tatlo sa tabi nang dalawang babaeng fallen angel habang bihag nila si Eugene.

"Hindi pa ito ang huli nating pagkikita." Wika ni Naamah (Angel of Corruption). Ngumisi ito bago sila lamunin nang lupa.

"Kuya!" sigaw ni Aya nang dalhin nang mga fallen ang kapatid niya. kasama itong naglaho kasama nang lima. Napaluhod si Aya sa lupa habang panay ang hikbi.

"Hindi na natin mapipigilan ang nakatakda." Wika ni Nathaniel at lumapit kay Aya.

"Aya." malungkot na sabi ni Arielle at hinawakan ang balikat nang dalaga.

"Bitiwan mo ako!" asik nang dalaga at tinaboy ang kamay nito.

"Bakit wala kayong ginawa. Anong nang mangyayari sa kuya ko." Ani Aya.

Natahimik lang ang tatlo. Na ngangamba sila na nagsimula nang kumilos si Lucifer. Nalalapit na ang kinatatakutan nila. Ang mga Nakita nila sa oracle ay magkakatotoo na ngayong nasa kamay na ni Lucifer ang isang bagay na kailangan nito upang makabalik sa mundo. Wala nang makakapigil sa pagkalat nang dilim.

Ah!" Malakas na sigaw ni Achellion habang namimilipit sa sakit ang kanyang dibdib. Bigla na lamang siyang na karamdam nang matinding sakit mula doon. Narinig nang lahat ang malakas na sigaw nang binata kaya naman agad sila itong nilapitan.

Nang makita nila si Achellion. Nakaluhod ito sa sahig habang nakahawak nang mahigpit sa dibdib nito. lumabas din ang mga apoy na pakpak nito. halos mag apoy ang buong katawan nito. Labis na sakit din ang nararamdaman nang binata.

"Achellion Anong nangyayari?" tanong ni Julianne at tinangkang lapitan ang binata ngunit bigla siyang hinawakan ni Julius.

"Hindi mo ba nakikita? Kapag lumapit ka sa kanya baka pati ikaw matupok nang apoy." Wika ni Julius.

"Anong nangyayari sa kanya?" tanong ni Meggan. Wala silang magawa upang tulungan ang binata. batid nilang wala din naman silang magagawa.

Patuloy na namilipit ang binata sa sakit. Hanggang sa unti-unti humina ang apoy na bumalot sa katawan nito. Nang tuluyang mawala ang apoy bumulagta sa sahig si Achellion nang walang malay.

"Achellion!" nag-aalalang wika ni Julianne at lumapit sa binata.

"Buhay pa ba siya?" tanong ni Ben.

"Hindi ko alam. Wala akong maramdamang hininga sa kanya." Wika ni Ben. ilang sandali pa biglang naglaho ang katawan ni Achellion na ikinagulat nilang lahat. Naiwang tigal-gal ang lahat dahil sa mga nangyari. Walang nakakaalam kung anong misteryo ang bumabalot sa paglaho nang binata.

"Achellion." Mahinang wika ni Aya nang mapansin ang biglang paglaho nang bead niyang kwentas. Ito ang kwentas na ibinigay ni Achellion sa kanya. Nang maglaho ang bead na kwentas. Saka namang biglang pagkawala nang malay ni Aya.

"Anong nangyari?" tanong ni Arielle nang biglang mawalan nang malay ang dalaga.

"Hindi ko alam." Wika ni Nathaniel.

Ang dalagang ito, Nabubuhay siya dahil sa kalahati nang pagkatao ni Achellion nasa kanya. Ngayong naglaho ang kanyang Kwentas hindi natin alam kung anong mangyayari sa kanya."Ani Sophia.

Arielle?" Gulat na wika ni Julianne nang dumating si Arielle sa tinutuluyan nila kasama sina Sophia at Nathaniel. Karga-karga din ni Nathaniel ang walang malay na si Aya.

"Anong nangyari kay Aya? Si Eugene?' tanong n Julius sa kanila at sinalubong ang tatlo.

"Kanina lang sabay na lumabas ang magkapatid? Anong nangyari sa kanila?" tanong ni Jenny.

"Mahabang salaysayin. Sa ngayon dalhin natin sa silid si Aya upang makapagpahinga." Wika ni Arielle. Agad namang kinuha ni Julius si Aya at dinala sa silid. Sumama sa kanya si Meggan at Jenny.

"SI Achellion? nandito ba siya?" tanong ni Arielle.

"Isa rin yan sa suliranin namin. Bigla na lang naglaho si Achellion. Hindi namin alam kung anong nangyayari." Wika ni Julianne. "May nangyari ba? Bakit mo kasama si Sophia at Nathaniel?" tanong ni Julianne.

"Kilala mo sila?" tanong ni Ben sa binata.

"Mga kaibigan ko sila." Wika ni Julianne.

"Anong nangyari kay Eugene?" tanong ni Rick. "Bakit hindi mo siya kasama?"

"Kinuha siya nang mga Fallen angel." wika ni Sophia.

"Ano?!" sabay na wika nina Ben at Rick. "Bakit naman siya kukunin nang mga fallen angel? Kailan ba nila tayo titigilan?" ani Rick.

"Kahit Saan tayo magtago talagang wala na tayong ligtas." Ani Julius. Hindi kumibo ang iba dahil ganoon din ang nararamdaman nila. Wala nang kasiguraduhan ang tinatahak nila.

Hindi kumibo sina Julianne. Wala sa kanila ang nakakaalam sa binabalak ni Lucifer at kung bakit nito kinuha si Eugene. Wala naman itong kapangyarihan o kahit ano mang pwedeng pagkainteresan nina Lucifer kaya naman palaisipan sa kanila ang naging kilos nang mga ito.

"Ibig mong sabihin. Kailangan nating patayin si Aya?" gulat na wika ni Julianne nang maiwan silang apat. Sinabi sa kanya nina Arielle ang mga magaganap kapag napunta sa kamay ni Lucifer si Aya. Ang mga Nakita ni Aya sa kanyang mga mata ay ang propesiya sa mga nakatakdang mangyari sa mundo.

At ang dalaga ang magiging susi nang kaguluhang iyon. Isinalaysay din ni Nathaniel na mula nang isilang si Aya taglay na niya ang kapalarang iyon. Hindi siya dapat na buhay sa mundo kaya lang dahil sa pakikialam ni Achellion magaganap ang mga nakatakda at walang isa man sa kanila ang makakapigil noon.

"Siya ang susi sa muling pagbabalik ni Lucifer. Sinabi na naming dati. Nasira ang balanse nang maisilang siya sa mundong ito." Ani Sophia.

"Kung tatapusin natin ang buhay niya, Anong pinagkaiba natin sa mga Fallen angel. Wala naman siyang kasalanan. Hindi nila kasalanang nabuhay sila sa mundong ito." wika ni Julianne.

"Tama ka. Ngunit ang Buhay niya ay maaaring maging wakas nang mundong ito." ani Nathaniel.

"Hindi ko pinahihintulutan ang gusto niyo. Hindi natin sasaktan si Aya." Mariniing wika ni Julianne at tumayo. Kahit na maging kapalit iyon nang buhay niya o kahit na sumunod siya na maging isang fallen angel hindi siya papayag na may masamang mangyari sa dalaga.

"Nasasabi mo iyan dahil napamahal na sila sa iyo bilang kaibigan."

"Mga anghel tayo. Tungkulin natin na protektahan ang mga nilalang sa mundong ito. Hindi ang pumatay." Giit ni Julianne.

"Naiintindihan kita Leo kaya lang tungkulin din natin-----"putol na wika ni Arielle.

"Hindi na ako makikinig sa sasabihin niyo." Tumayong wika ni Julianne.

"Kung ipagpipilitan niyo ang gusto niyo Ako mismo ang kalaban sa inyo." Wika nito saka iniwan ang tatlo.

"Talagang nagbago na siya. Naging mortal na siya sa katawan at sapag-iisp." Wika ni Nathaniel.

"Hayaan niyong kausapin ko siya. Makikinig naman siguro siya sa akin." Wika ni Arielle.

"Mas Mabuti pang hayaan na muna natin siya. " Ani Sophia. Hindi naman nagsalita sina Arielle at Nathaniel hindi naman ganoon kadaling tanggapin na ikaw din pala ang tatapos sa buhay nang itinuturin mong kaibigan.

Anong ginagawa ko ditto?" tanong ni Achellion nang magising na nasa loob na siya muli nang pinagkulungan sa kanya ni Seraphim. "Aya." wika ni Achellion nang mapansing bumalik na sa kanyan ang simbolo niya. bigla siyang napatayo. Kung nasa kanya na ang simbolo niya tiyak na may nangyari nang masama kay Aya.

"Gising ka na." wika ni Seraphim at naglakad palapit sa kulungan niya.

"Anong ginagawa ko ditto?!" Asik ni Achellion.

"Narito ka dahil nilabag mo ang batas. Alam mong hindi ka pwedeng umibig sa isang mortal. Lalo na sa batang iyon." Anito. "Do I have to explain it to you again?! You and that girl cannot stay together. You will split up. You will be force to split up. You will defy heaven and earth to be with her? Thats absolutely wont work. Its that one wish that can't be granted. That is the the rule. No matter how hard you both may fight you cannot change it. This love will end tragicly. It sounds romantic doesn't it. however in reality it is torture it will torn you both apart. Stop loving her now before its too late." Dagdag pa ni Seraphim.

"Malapit nang maghari muling ang kadilim. Ang pagiging makasarili mo Achellion ang huling bagay na iisipin ko. Hindi ba't gusto mong muling makabalik? Kailangan mong tuparin ang misyon mo." Ani Seraphim.

"Misyon? Anong minsyon?" takang wika ni Achellion. ngunit hindi siya sinagot ni Seraphim. Bagkus ay dinala siya nito sa isang lugar. Ito ang bahay nina Aya sa hacienda. Pamilyar sa kanya ang scenario na iyon. Iyon ang gabing isinilang si Aya.

"Bakit mo ako dinala ditto?" Tanong ni Achellion sa anghel. Ano naman ang dapat niyang Makita sa lugar na ito?

"Gusto kong maintindihan mo na hindi na dapat isinilang sa mundong ito ang dalagang iyon. Hindi mo ba alam na siya ang magiging susi sa muling pagbabalik ni Lucifer? At dahil sa pagliligtas mo sa kanya, ikaw ang naging dahilan nang pagkasira nang balance. At dahil doon misyon mo ngayon ang tapusin ang buhay niya. Sa kamay mo nakasalalay ang kaligtasan nang mundo." Wika ni Seraphim.

"Anong kalokohan yan?" Anas ni Achellion. Siya magiging tagapagligtas nang mundo? Isa siya sa mga rebeldeng nagdala nang digmaan sa langit paano siya magigng tagapagligtas. Hindi yata niya masakyan ang mga nangyayari.

"BIglang isang Nemesis taglay mo ang kapangyarihang tumapos sa buhay niya." Wika ni Seraphim. "Naiintindihan mo na ba kung bakit tutol ako sa nararamdaman mo sa dalagang iyon? Stop loving here now, Before it's too late."

"Sa palagay ko mali ka. Ako si Achellion. Isang akong fallen angel. Isang rebeldeng anghel. Walang nagbago. Isa pa rin akong makasalanang nilalang. Kaya lang, Sa palagay ko natagpuan ko na ang dahilan kung bakit pa ako nabubuhay sa mundong ito. Worth more than being a Nemesis, Worth my Life." Wika ni Achellion at hinawakan ang rehas sa kulungan niya. unti-unting natutunaw ang rehas na hinawakan ni Achellion.

"Anong ginagawa mo?" Asik ni Seraphim.

"If lucifer is after Her. Kailangan ako ni Aya at hindi dapat ako nandito." Matigas na sabi ni Achellion. Tuluyang naglaho ang rehas na bakal mula sa pinagkukulungan ni Achellion.

"Achellion, Huwag kang gumawa nang pangalawang pagkakamali." Wika ni Michael na biglang lumitaw kasama si Gabriel.

"Kung ayaw niyong gamitin ko ang kapangyarihan ko sa inyo Paalisin niyo ako ditto." Wika ni Achellion at itinutok ang palasong Apoy sa mga anghel. Hindi naman natinag si Seraphim. Itinaas nito ang dalang spear.

Bigla na lamang namuo ang kidlat sa dulo noon. Ilang sandali pa biglang tumama kay Achellion ang kidlat. Biglang bumagsak sa sahig ang binata sa isang tama lang nang kidlat.

"Huwag mo akong subukan Achellion hindi mo ako kaya." Ani Seraphim. Ngunit hindi iyon naging dahilan upang magpatalo si Achellion pilit siyang tumayo.Sa bawat pagtangka niyang tumayo sunod-sunod na kidlat ang tumama sa kanya.

Habang naroon si Achellion sa lupain nang mga anghel. Sa mundo nang mga tao may mga nagaganap din nan hindi inaasahan. Maraming mga kababalaghan ang nangyayari. Sa iba't-ibang panig nang mundo. May mga karamdamang hindi nila maunawan. Mga krimen na halos hindi na matigil. May mga itim ba ulap din ang namumuo sa kalangitan. Kahit na tirik ang araw biglang dumilim ang paligid.

Ano na bang nangyayari?" tanong ni Jenny habang nasa Veranda sila ni Butler lee at nakatingin sa kalangitan. "Nasaan na ba si Eugene? Si Aya naman wala pa rin malay. Nawawal din si Achellion." Ani Jenny at nayakap ang sarili.

"Kakaiba ang mga ulap na iyan. Mukhang may mga magaganap na hindi natin inaasahan." Wika ni Butler lee.

"Bakit naman nangyayari ang mga bagay na ito ngayon. Nawawala si Eugene at Walang malay si Aya. tapos ngayon naman madilim ang kalangitan." ni Jenny. "Ano nang mangyayri sa atin ngayon." Helpless na wika ni Jenny. Walang ibang nagawa si Butler Lee kundi ang kawakan ang balikat nang dalaga.

"Manalangin tayo at manalig. Magagawa din nating lampasan ang lahat nang ito." Wika ni Butler Lee.

"Ngayon wala si Eugene at Aya ditto. Hindi ko maiwasang hindi matakot. Silang dalawa lang naman ang dahilan kung bakit tumatapang ako. Dahil sa kanila nagagawa kong magpatuloy." Wika ni Jenny.

Alam niyang hindi ito ang panahon upang panghinaan siya ngunit natatakot siya hindi lang para sa sarili niya kund maging para sa kanilang lahat. Kaya lang kahit anong gawin niya upang maging matatag ang loob niya pinaghaharian parin siya nang labis na takot. Tila ba wala siyang nakikitang liwanag sa mga nangyayari sa kanila ngayon. Tila lahat nang nangyayari parang pahiwatig na kahit anong laban nila sa huli ay sila pa rin ang magiging talunan.

Habang nagkakagulo ang lahat nang mga tao dahil sa biglaang pagdilim nang paligid. Wala silang kaalam alam na naghahanda na si Lucifer upang muling isagawa ang kanyang muling pagbabalik. Nasa kamay niya niya ang magiging daan upang makaalis siya sa lugar kung saan siya inihulog nang mga anghel. At sa kanyang pagbabalik kanyang isasakatuparan ang mga palano niya dati. Sasakupin niya ang kalangitan at ang buong mundo siya ay hindi lang magiging kapantay nang Diyos kung siya mismo ang tatawagin at kikilalaning diyos.

Ipinatawag niya lahat nang mga fallen angel at Demons na tapat sa kanya. Sisimulan na nilang salakayin ang kalangitan upang mag deklara nang pangalawanag digmaan. Subalit alam niyang kapag una niyang sinalakay ang kalangitan. Mauulit lamang ang kasaysayan.

Dahil hindi na siya ang dating lucifer namataas na uri nang anghel. Hindi na rin buo ang kanyang kapangyarihan. Kakailanganin niyang mag-ipon nang lakas. At magagawa niya iyo kapag napuno na nang takot at kasamaan ang buong mundo. Lumalakas ang pangyarihan niya sa bawat takot at kasamaang ginagawa nang mga tao. Ito ang mga bagay na naglalayo sa kanila sa diyos. Bukod doon alam niyang may mga tao ding Uhaw sa kapangyarihan. Ang kanilang pagkaganid ay siyang natutulak sa kanila na labanan ang mga kagaya din nila.

Natipon na niya ang mga Fallen angels at Demon na tapat sa kanya. At sisimulan na nilang ipakalat sa mundo ang kasamaan. Uunahin nilang atakihin ang mga mahihnang mortal. Ang mga fallen angels na ito ay iba sa mga naunang fallen angels. Sila ay mas mataas ang uri at kahindik-hindik ang wangis. Hindi nila kailangan sumanib sa tao upang ma control ang mga ito. Kaya nilang sakupin ang puso nang mga ito gamit ang pagkontrol sa isipan nila. Kapag nagawa nilang sirain ang pananampalataya nang mga ito at tiwala sa isa't-isa tuluyan na silang mapapasailalim nang kadilim. Mas madaling makuha ang itim na enerhiya nang puso nila.

"Sa huling patak nang buhangin mula sa orasan na ito ang siyang hudyat nang pagsalakay ko sa mundo nang mga ito. Ibig sabihin nito, Nakuha ko na ang lakas na kinakailangan ko upang lipulin ang mga nilikha niya." wika ni Lucifer at inilapag ang isang hour glass. Ang mga buhangin sa itaas na bahagi nito ay unti-unting pumatak pababa.

"Walang sino man ang makakaligtas sap ag hihigante ko." wika nito at naglabas nang apoy sa mga kamay niya.

"Ngunit alam mong narito si Achellion at nakuha na niya ang tunay na lakas nang isang nemesis." Wika ni Cain.

"Hindi pa niya tuluyang natutuklasan ang kakayahan niya bilang isang Nemesis. Habang abala siya sa mortal na dalagang iyon isa lang siyang mahinang nilalang. Samantalahin natin ang pagkakataon ito upang magpalakas." Wika ni Leonard ang fallen angel of Dark magic.

Cain – The Murder The first person to commits a murder against God. He became a demon after committing such crime against his brother and God

Dati na siyang natalo ni Achellion ngunit binigyan muli nang buhay ni Lucifer at ngayon ay isa nang ganap na Demon at mas malakas pa kumpara sa dati nitong anyo.

"Kung ganoon hindi naman pala magiging sagabal si Achellion. Ngunit paano ang mga anghel na kakampi nang mga mortal. Sina Ariell, Nathaniel, Sophia at Leo. Sadyang mga tinik sila sa lalamunan ko." wika ni Cain.

"Mahina ang mga anghel na iyon. Kapag nagawa nating masakop ang mga tao at napuno nang kasamaan ang puso nila. hihina ang kapangyarihan nang mga anghel. Dahil wala nang maniniwala sa kanila." Wika naman ni Jezebeth.

Sa pagkabuo nang hukbo ni Lucifer lalong lumakas ang kapangyarihan nang dilim. Sa kasalukuyan ang mundo ay isang lugar na hindi mo masasabing tahimik. Maramin tao ang patuloy na gumagawa nang masama sa kapwa nila. ganid sa kapangyarihan, Nais na maging magaling kumpara sa iba. Pinapatay nila ang isat-isa mga gawi na lalong nagpapadagdag sa kakas ni Lucifer.

Walang kaalam-alam ang mga tao sa mga darating na ganapan. Wala silang inisip kundi ang mga makamundo nilang pagnanasa. Patuloy na gumagawa nang kasalanan. Sa pag usad nang teknolohiya at sibilisasyon nakakalimutan nang mga tao ang tumawag sa kanya.

Ito ay isa pa sa mga dahilan nang paglakas nang hukbo nang kabiliman. Ang mga tao din ang bumubuo nang sarili nilang katupasan.