webnovel

Ang Misteryong Bumabalot Sa Kupas Na Larawan[FILIPINO]

UNFORGETTABLE SERIES : ANG MISTERYONG BUMABALOT SA KUPAS NA LARAWAN (Mystery/Thriller) Sa Panulat Ni: babz07aziole Lahat tayo ay may LIHIM na ITINATAGO . . . Mga LIHIM na hindi natin kayang HARAPIN. Paano kung ang LIHIM na iyon ang siyang MANGIBABAW . . . Upang manatili kang NABUBUHAY sa mundong inakala mong TAMA? "ANINO SA DILIM" All rights reserved copyright written by: babz07aziole Isang nobelang pupukaw sa inyong mga kamalayan. For the last time . . . One of the best novel of all time . . .

Babz07_Aziole · Kinh dị ma quái
Không đủ số lượng người đọc
29 Chs

KABANATA 5

MATAPOS mailibing ang aming ina, minabuti ng aming Abuela at Abuelo na bumyahe na papuntang Samar. Nasa biyahe na kami nang mga oras na iyon at wari'y kasasara pa lamang ng aking mga mata nang mapansin kong nagpatay-sindi ang ilaw sa silid na aming kinaroroonan.

Biglang nayanig ang aming paligid. Ang akala ko ay nanaginip ako, iyon pala'y may nangyayari na.

Agad kaming nagsibangon at hinagilap ang bawat isa. Umiiyak na napayakap sa akin si Dada at sa nanginginig na boses, siya ay nagtanong. Kuya, anong nangyayari?! patiling tanong nito habang umiiyak.

Sasagot na sana ako nang biglang bumukas ang pintuan ng aming cabin at mula roon ay sumungaw ang ulo ng kapitan ng barko. Hawak pa nito ang kaliwang bahagi ng ulo nito na inaagusan na ng masaganang dugo.

"Pakilagay po ang lifevest ninyo at agad kayong sumunod sa akin," bilin ng Kapitan.

Hindi pa natatapos ang sasabihin nito ng sumabat agad si Lolo. "Ano po ba ang nangyayari? "

Nataranta kami nang makarinig kami ng sunod-sunod na sigaw at palahaw sa mga kapwa naming pasahero sa barko . . . na tila nag-uumpisa nang magkagulo.

Mayamaya ay naramdaman ko ang malamig na bagay sa aking mga paa. Nakapasok na pala ang tubig dagat at mabilis nang tumataas ito. Unti-unti na rin akong kinakain ng kaba.

Dali-dali kaming lumabas at nakisabay sa mga pasahero na ang tanging kagustuhan ay makaligtas sa trahedyang ito.

MABILIS ang bawat galaw namin upang makapunta sa itaas na bahagi ng barko kung saan naroon ang mga maliliit na bangka na puweding gamitin kung sakali mang magkaaberya . . . kagaya ng nangyayari ngayon. Nagkasunog sa mismong kusina ng barko at sumabog ang isa sa mga tanke na nakaimbak roon kaya may mga nakapasok na tubig sa loob.

Sa ngayon ay wala akong panahon para sa ibang emosyon katulad ng takot . . . dahil ang takot na iyon ay matagal ko nang pinatay.

Nagitla kami nang matuklasan na isang bangka na lamang ang naiiwan para isalba ang aming buhay. Imposibleng magkasya kaming lahat doon!

"Ayoko pang mamatay rito!" umiiyak na sabi ni Nakame at tila mahihimatay pa dahil sa sobrang takot.

"Hindi tayo mamatay rito. Tandaan mo iyan, Nakame. Gagawa ng paraan ang Kuya," matapang na sabi ko sa kanila. Maging ako ay kinakabahan din subalit kailangan kong palakasin ang loob ko. Dahil sa sinabi kong iyon ay tila napanatag naman ang mga kapatid ko. Kailangan kong mag-isip.

Isang sigaw ang umagaw sa aming atensyon. May mga bangka pa raw sa kabilang panig ng barko.

Dahil doon ay nagmamadaling nagtatakbo ang mga pasahero . . . kasama na kami ng mga kapatid ko. Nagkakagulo na at nagkakatulakan dahil sa nangyayari. Unti-unti na ring sinasakop ng naglalagablab at nagngangalit na apoy ang barko.

"Kuya!" Isang pasahero ang nakatulak kay Dada. Agad ko siyang nahawakan at nahila para makahabol pa rin kina Touishiro at agad namang kumapit si Jeyda sa braso nito. Habang hila-hila ni Tosh si Dada ay ibinilin kong magpatuloy lang sila at huwag hihinto.

Hahabulin ko sana sila . . . ngunit sa kasamaang palad, ako naman ang nahulog at nagpagulong-gulong. Dahil nga pinauna ko na sila ay walang tumulong sa akin. Patuloy pa rin ang naririnig kong mga sigawan. Dahan-dahan akong tumayo at ipinagsawalang-bahala ang kirot na nararamdaman sa aking kanang binti.

HABANG tumatakbo kami at hila ako ni Kuya Tosh ay nililingon ko si Kuya Dexter. Nakaramdam ako ng kaba nang hindi na siya maabot ng paningin ko. Nasaan na kaya siya? Malaki ang pasasalamat ko sa kaniya dahil kung hindi sa kaniya ay naiwan na ako. Lalong nadagdagan ang halo-halong emosyong namumuo sa akin sa mga oras na ito.

Alam ko . . . susunod si Kuya at malakas ang kutob ko.

Lakad at takbo ang ginawa namin para makarating sa lugar ng mga bangka. Unti-unti na ring tinutupok ang barko na aming sinasakyan. Napatingin ako sa dalawa kong Kuya na patuloy lang sa tahimik na pagtakbo. Alam kong hindi rin mawala sa isip nila si Kuya Dexter.

"Tatlo na lang ang pwede rito sa isang bangka!" malakas na sigaw ng may katandaan na ring lalaki. 

Mas binilisan pa namin ang paghakbang palapit sa may bakante pang bangka. Kinausap naman nila Lolo at Lola ang lalake. "Pakisama ang tatlo naming apo, mister, mga bata pa sila. Nawalan na kami ng anak . . . huwag naman sana ang tatlo naming apo," naiiyak na pakiusap ng aming Lola kasabay niyon ang mabilis at mahigpit na pagyakap sa amin.

"Pero paano kayo, Lola? Pati si Kuya Dexter? naiiyak nang sambit ni Touishiro ngunit pinipilit pa ring maging matatag nito.

Napalingon ako kay Lolo, tahimik lang ito na tila may bumabagabag sa kaniyang kalooban. "Bakit Lo?"

Magsasalita na sana si Lolo nang pigilan siya ng aming Lola.

"Tama na iyan, Sebastian, kailangan nang umalis ng mga bata," ani Lola Clemencia.

"Pero kailangan nilang malaman ang tungkol sa. . . "patuloy ni Lolo ngunit mabilis na kaming pinasakay ng lalaki sa bangka.

Tahimik kaming umayon sa mga sumunod na pangyayari. Sunod-sunod ang paglandas ng masaganang luha sa aking mga mata hanggang sa pagtanaw na lang ang nagawa naming magkakapatid kina Lolo at Lola.

Mula sa malayo ay tanaw namin ang bulto ni Kuya Dexter. Kahit malayo na kami ay patuloy ang pagsigaw namin sa pangalan niya. Mapait itong napangiti na naghatid naman sa amin ng lungkot, dahil naiwan nga ang aming panganay na kakambal.

Bawat sandali na lumipas ay naging mahirap para sa amin. Gusto naming balikan si Kuya. . . pati sina Lolo at Lola! Ngunit wala kaming magawa kundi panoorin nalang ang nasusunog pa ring barko. Unti-unti nang nagsisipagbagsakan ang mga kisame nito.

NAGPUPUYOS ako sa galit dahil sa mga pangyayari. Gusto kong magwala, kumitil ng buhay. Hindi ito maaari! Napatingin ako sa aking Lolo at Lola na tikom ang bibig, bakas ang galit sa mga mata ng mga ito.

"Wala na tayong magagawa, Dexter. Hanggang dito na lang ang lahat, maibabaon na sa limot ang lahat ng mga nangyari."

"Iyon ang akala ninyo," asik ko, dahil hinding-hindi ko matatanggap iyon. Mabilis na gumana ang aking isip, tatalikuran ko na sana sila nang magsalita pa ang aking Lolo. Hindi alintana ang init na nagmumula sa apoy.

"Ito na ang singil ng kapalaran, apo, hinding-hindi mo matatakasan ang itinadhana," huling sabi ni Lolo. Isang napakalakas na pagsabog ang naganap na siyang dahilan upang tumilapon ako sa dagat habang papalubog ako at nawawalan na ng malay.

Ito na ba? Hindi ko na ba ulit makakasama ang mga kapatid ko?