webnovel

Ang Estudyante sa Faculty (Tagalog)

Isang estudyante si Mariane Nicole ng FNHS. Siya ang nag iisang anak ni aling Linao. Bata palang siya ay iniwan na sila ng kanyang ama. Kaya namuhay siya sa kahirapan Dahil sa kahirapan ay nagtrabaho siya sa murang edad. Tinulungan niya ang kanyang ina para may makain sila sa araw araw ----- "Maryannn!" sigaw ni aling linao Napabangon siya dahil sa sigaw ng nanay niya. Nagugutom na siguro ito Lumabas siya at nakita niya si aling linao na nasa lamesa at kumakain "Nay ano yan kinakain mo?" lumapit ako para makita kung ano ito "Pumunta ka muna kay mareng silvia kunin mo ang inutang ko" napatigil siya sa pagsalita ng ina at hindi na natuloy ang paglapit Hindi niya na ito sinagot at tumango nalang. Hinanap niya ang kanyang tsinelas pero hindi niya makita "Asan na iyon" hinalungkat ko ang istante pero wala. Dalawa lang namin kami dito pero iba iba ang mga tsinelas at... Ang iba ay parang nginatngat Anong nangyari dito? Kay inay kaya ito? Eh bakit may ngatngat? Dahil hindi ko makita ang tsinelas ko ay lumabas ako ng nakayapak Malapit lang naman ang bahay ng kumare ni nanay Habang naglalakad ay kapansin pansin ang mga dugo na nagkalat sa kalsada. Natapon siguro ang dinuguan ni Aling Susan Si aling susan ay nagtitinda ng dinuguan mula umaga hanggang gabi. Sobrang mabili ang tinda nito kaya ilang kilo ang niluluto nito araw araw Kaya ang mga tao dito ay hindi nagsasawa sa dinuguan ni aling susan Pinaglihi na sila sa dinuguan na may ulo at tenga ng baboy Sarap! Malapit na ako ng may nabangga ako "Ay sorry" paumanhin ko "Ang baho mo talaga hahahaha!" tinakpan nito ang ilong Si Adrian pala ito ang laging nang aasar sa kanya. Walang araw na hindi siya nito inasar Kaibigan ko ito pero dahil sa pambubully nito kaya feel ko na kaibigan pa ba ako nito? "Tumabi ka nga" siniko ko siya "Saan ka pupunta? Samahan na kita" ngiti ngiti pa ito "Sa kumare ni inay may ipapakuha" sagot ko Sumabay ito sa paglalakad niya. Nakarating na siya sa bahay ni Aling Silvia Kinatok niya ito "aling silvia tao po" Maya maya ay binuksan nito ang pintuan. Naka daster pa ito at nakalugay ang buhok "Pumasok muna kayo" utos nito Pumasok ito sa kwarto at ilang segundo lang ay lumabas ito "Ito ang limang daan na inutang ni kumare" saad nito Tumayo ako at kinuha ang inaabot nito "Maraming salamat po" sagot ko at yumuko ako Lumabas na ako ng kanilang tahanan at nag paalam na kay Aling Silvia. Nakita ko si Adrian na nakasandal sa bakod "Hoy tulala ka?" tanong ko "Wala may nakita lang ako" nagsimula na itong naglakad Anong nakita? O baka sino ang nakita niya? Babaero ka talaga Adrian! Sinundan ko ito at sinabayan sa paglalakad. Tahimik kaming naglalakad at walang nagsasalita Malapit na ako sa bahay namin kaya nagpaalam na ako "Ingat ka salamat sa pagsama" nakatulala pa rin ito Dahan dahan itong lumingon sa kanya at... Napaatras ako dahil sa nakita ko! Nagkulay pula ang mata nito Pero baka kulay pula talaga ang mata niya. Umatras ulit ako dahil nakakapangilabot Kumurap kurap pa siya para makumpirma ang nakita pero..... hindi na kulay pula ang mata nito "Hoy baho gwapong gwapo ka sakin?" lumawak ang pag ngiti nito "Kapal mo!" tinalikuran ko ito at naglakad na papasok sa bahay Bakit ganun ang nakita ko? Totoo ba iyon? O guni guni ko lang? Pero parang totoo e. Nagliliyab pa nga ang mata niya Pagkapasok ko sa bahay ay nagulat ako sa nasaksihan ko.....

Anna_Kang26 · Kinh dị ma quái
Không đủ số lượng người đọc
5 Chs

Chaptet 2: Enrollment Day

Mariane's POV

Bumalik si Adrian na dala dala ang dalawang cup ng fishball

"Oh baho bente lang yan mamaya mo na bayaran" nakalahad ang cup ng fishball sakin

Akala ko pa naman libre may bayad pala. Kaya hindi ko nalang kinuha

Tumawa ng nakakaloko si ian "joke lang libre ko na sayo yan" sabay kindat

Hindi naman gwapo

Dahil nagugutom na ako ay kinuha ko ito. Nakita ko pang ngumiti ang loko

Hindi ko nalang ito pinansin at nagsimula ng kumain. Masarap ang fishball ah!

Kapansin pansin ang mga tao sa bayan na sobrang busy sa kani-kanilang mga negosyo. Pati na rin ang mga namimili. Napansin ko ang bata na nakatayo at nakatingin sa nagtitinda ng ice cream

Siguro ay walang pambili ito. Gusot gusot kasi ang damit nito at medyo madungis na. Lumapit ako sa bata para mabilhan siya ng ice cream

Nakatapat ako sakanya pero hindi siya tumitingin sakin. Nakatuon pa din ang pansin niya sa ice cream

"Kuya isang malaking ice cream nga po" sabi ko doon sa nagtitinda

Kumuha si kuya ng malaking cup at nilagay ito ng ice cream. Iba't ibang flavor ang nilagay niya saka hindi ko naman alam kung anong flavor gusto nitong bata na to

Inabot sakin ni kuya ang ice cream

"Magkano po?" tanong ko

"Kinse lang ineng" sagot nito kaya inabot ko ang bente at sinuklian naman ako ng limang piso

"Salamat ineng"

Tumingin ako sa bata na hanggang ngayon ay nakatingin pa din sa nagtitinda

"Bata oh" abot ko ng ice cream

Tumingin ito sa kanya sabay tingin sa inaabot ko. Tinignan niya muna ako mula ulo hanggang paa

"Para sa akin po?" paninigurado niya

"Oo binili ko para sayo" nakangiti kong sabi

Masaya niya itong kinuha at sinimulang kainin

"Maraming salamat po ate"

"Walang anuman alis na ko ah" ngumiti pa ito sa kanya

Bumalik ako kung saan nakapwesto ang loko. Kaso wala na ito sa inuupuan namin

Saan naman nagpunta iyon?

Napatalon ako dahil sa gulat

"Palaka ka!" halos habol habol ko ang hininga ko at ang loko tawang tawa sa ginawa niya

"Puro ka tawa tara na nga" sigaw ko

Sa halip na sumunod ay tumawa ng tumawa pa din ito. Lagyan ko kaya ng kandila ang bibig nito

Naglakad na ako papunta sa school na papasukan ko. Naramdaman ko nalang na may umakbay sa akin

"Bakit yun bata binigyan mo ako hindi?" parang bata niya sabi

"Bata ka ba?"

"Saka naaawa ko kasi kanina pa siya nakatingin doon sa ice cream" dagdag ko

"Bait naman baho" sabay tawa

Hinatak ako ni ian sa kaliwang dereksyon. Lalakarin lang namin dahil malapit lang dito sa bayan ang pag eenrollan namin

Madaming mga estudyante ang nagkalat sa kalsada ang iba ay naka uniporme at ang iba ay naka civilian may mga magulang din sa labas. Naagaw ng pansin ko ang tatlong babae na may kanya kanyang hawak na cellphone. Halatang mayaman dahil sa pananamit at gamit ng mga ito

"Madaming magaganda dito baho" hinampas ko siya para matauhan

"Kahit kailan ka talaga" 

Binalik ko ang paningin ko sa tatlong babae na ngayon ay papasok na

Nasa paaralan na pala kami

Fortune National High School. Mataas ang bakod ng school at naglalakihan ang mga puno at makulay ang pintura

Pumila kami ni ian dahil nakapila ang mga mag eenroll bago makapasok dahil chine check ng security guard. Dalawang guard na nasa gate. Magkahiwalay ang pasukan ng babae at lalaki kaya magkahiwalay kami ng pila ian pero magkatapat lang kami

Malapit na kami makapasok nang.....

Nagsigawan na mga lalaki

"Tulong nanakawan ako!" sigaw ng lalaki na tiyak ko ay siya ang nanakawan

May dumating naman agad na pulis para habulin ang magnanakaw

Nacheck na ng guard ang bag ko kaya nakapasok na ako. Maganda sa loob pero iba ang pakiramdam ko. Hindi ko maintindihan pero masama ang kutob ko e

Dumeretso ako kung saan papunta ang mga estudyante. Malaki kasi ang Fortune kaya baka maligaw ako

"Baho tara!" sigaw ng loko

Lumapit ako sa kanya na nakapila sa likod ng mga babae

"Ian ano ba doon tayo" turo ko doon sa kumpol ng mga tao

"Dito na hahaha" sagot niya

Dahil kanina pa ako naiinis ay binatukan ko siya na siya namang kinatawa ng loko

Hinila ko siya kung nasaan ang pila at may mga upuan na nakahilera at doon mauupo

Umupo ako sa may bakante na kasunod ng lalaking naka short

School pero may naka short?

"Ian umupo kana!" irita kong sabi

Nakatayo pa din siya at iniisa isa tignan ang mga babae na dumadaan sa harapan niya

Maya maya ay sumunod ito at umupo sa tabi niya

"Selos ka baho?" pang aasar niya

"Umayos ka" inambaan ko pa siya ng hampas pero tumawa lang siya

"Mic test" pag aayos ng mic ng emcee

Inaayos na ang mga gagamitin ng mga teacher para sa enrollment

"Students please follow the instruction before you proceed to interviewer teachers" emcee said

"...and students the chairs in there is for all of you please follow the instruction " dagdag pa nito

"Baho sagot ko na enrollment fee mo ah para naman lalo ka mainlove sa akin. Saka private ito kaya dapat gwapo ako" pagmamayabang nito

"Napipikon na talaga ako sayo!"

"Saka may pambayad naman ako dito inipon ko ito noon nagtrabaho ako" pagmamalaki ko

"Huwag na itabi mo nalang iyan saka bibili ka pa ng mga gamit sabay na tayong bumili para naman may kasama kang gwapo" sabay pogi points si loko

"Students lets start be quiet" at binaba na nito ang mic

Nakahilera na ang mga teachers sa unahan ng covered court. Puno na ang court kaya maingay na pero dahil tahimik daw ay nag si tahimik naman sila

Naagaw ng pansin ko ang lalaking nasa unahan. Naka suot ito na pang guro umupo ito sa tabi ng babae na mahaba ang buhok. Matangkad ang teacher at maputi pero parang masungit

Unti unti ng umuusad ang mga estudyante. Umakyat muli ang emcee at kinuha ang mic

"Students pay the exact amount of enrollment fee thank you" at binaba nito muli ang mikropono

"Ian ako nalang magbabayad ng akin" siniko ko siya dahil kung saan saan nakatingin ang mata

"Ako na baho mo" sagot nito

Kahit kailan talaga ang lalaking to napakabully at mayabang pero mabait iyan

Nakaramdam ako na tinatawag ako ng kalikasan kaya tumayo ako at nagpaalam dito sa kasama. Inaasar pa nga ko at tumawa ng malakas kaya ayun napagalitan siya

Dumaan ako sa gilid ng court para hindi ako mapagalitan. Tinahak ko ang Dean's Office dumeretso pa ko baka sakaling may malapit na banyo dito pero wala

Saan ang banyo dito?

Nakarating ako sa building na sa tingin ko ay magiging building ko. Sarado ang mga ilaw at tahimik ang gusali. Wala din tao dahil lahat ay nasa court at busy

Dineretso ko ang kaliwang bahagi ng gusali at nagpatuloy sa paglalakad. Habang naglalakad ay ramdam ko na lalabas na kaya minadali ko ang paglalakad

Dahil sa pag mamadali ko ay may nabangga ako

"Sorry po" yumuko pa ako

"Bakit ka andito?" may pag kastrito sa boses nito

Tumingala ako at isang guro pala ang nakabangga ko

"Ma'am sorry po hinahanap ko po kasi ang palikuran"

Tinaas ako ng kilay "may malapit na cr sa gilid ng court" at umalis ito

Saan naman banda? Saan gilid? Juskoo naman

Bumalik ulit ako pabalik sa court at hinanap nga ang cr

Naiihi na talaga ako!

Para matunton ko ay nagtanong na ako sa estudyante na nakaupo sa may halaman

"Kuya saan po ang banyo dito?" tinignan muna ako nito bago sumagot

"Doon" sabay turo sa kabilang parte ng court

"Salamat" sagot ko

Tumakbo na ako para makarating agad at eto nandito na ako sa banyo ng babae. Walang tao kaya tahimik

Maganda at mabango ang cr saka hindi madumi

Pumunta ako sa dulo parte at pumasok doon. Habang umiihi ay nakarinig ako ng ingay sa labas

"Naiirita na talaga ako sa teacher na yan!"

"I hate him wala na akong pang date"

"Sarap tirisin"

Sino ang pinaguusapan nila? Saka bakit galit na galit sila?

"I rereport ko siya kay dean tang*na ka sir mark!" napasigaw ang babae dahil sa sobrang galit

"Calm down girl"

Nag flash na ako at lumabas na ng banyo. Lumabas na pala ang mga babae

Inayos ko muna ang sarili ko naghilamos ako para maalis ang dust sa mukha ko

Pag ka angat ko ay may babae sa likod ko pero....

"AaaaAaahhh!" tumakbo ako para lumabas ng banyo at bumalik sa court

Binilisan ko pa ang pagtakbo narating ko kung nasaan si ian malapit na siya sa desk kaya lumapit ako

"Oh ang tagal mo naman"

Umupo ako sa tabi niya at pinakalma ang sarili

"Baho alam mo ba may nakuha akong number ng babae kanina sayang wala ka edi sana nagselos ka hahaha" tinignan ko ito ng masama

Sunod na kami kaya tumayo na ako. Bakante doon sa teacher na nakita ko kanina kaya lumapit ako dito

Bago makalapit ay tinawag ako ni ian

"Baho oh" inabot niya sakin ang enrollment fee

"Salamat"

Umupo ako sa tapat ng teacher

"Where's your enrollment fee?" hindi man lang ito tumingin sa kanya

Inabot ko sa kanya ang isang libo

"One thousand? you need to fulfill your payment before you enroll"

"Sir one thousand lang po ang enrollment fee" nakita ko na biglang...

Naging kulay pula ang mata niya