Reign
Halos kakatapos ko lang mag jogging sa buong subdivision.
Papasok na sana ako sa kusina ng biglang lumabas don ang bwisit kong body guard.
Nakalose shirt syang puti at kulay itim na the f*ck boxer bato?sobrang liit kasi at hindi manlang umabot sa bandang tuhod niya.
Ngayon mas lumalakas ang kutob ko na may something talaga sa dyosa kong body guard.
Nagising ako sa pagccheck ko sakanya ng mag snap siya sa mismong mukha ko!
"Alisin mo nga yang madumi mong kamay sa harapan ng mukha ko!" Pero hindi manlang ako pinansin at nilagpasan lang ako.
Ang bastos talaga ng bwisit nayon!
Lahat nalang ng paraan para mapalayas ko ang babaeng to ay iniisip ko.
Kagaya nalang ng pananakot ko kagabi pero mukang ako pa yata ang dapat matakot sa naramdaman kong kaba at kabog ng dibdib noong yakap niyako.
Dumiretso nalang ako ng kusina at uminom ng tubig.
Muntik ko ng maibuga ang tubig sa bibig ko ng bigla siyang sumulpot sa likuran ko.
Bakit hindi ko manlang naramdaman na pumasok pala siya.
Humakbang siya palapit sakin kaya napaantras ako hanggang macorner nako sa may lababo.
Patuloy parin ang paghakbang niya kaya kumabog ng todo ang dibdib ko.
Gezz ano bang kailangan ng babaeng to sakin?
"H-hoy d-dyan k-kalang b-wisit ka!wag kang lalapit k-undi gigilitan talaga k-kita ng leeg" pananakot ko.
Ngumisi siya at hindi manlang natinag sa banta ko.
Pakiramdam ko ay numinipis ang hangin na hinihingahan ko habang palapit siya.
Waahh!ano bang plano ng babaeng to sakin?! Maghihiganti ba siya sakin sa ginawa ko kagabi?! Wagg pooooo!
"Tumabi ka nga paharang harang ka" tinulak niya ko paalis sa kinasasandalan ko kanina at binuksan ang kabinet na naglalaman ng mga snacks.
Humarap siya sakin at binigyan ulit ako ng ngisi bago lumabas ng kusina.
Naiwan akong nakanganga at hindi makapaniwala sa ginawa niya.
"Bwisit ka talagang babae ka!" Malakas na sigaw ko na halos umalingaw ngaw sa buong bahay.
Nilagok ko ang lahat ng tubig sa baso ko at iniwan na ito sa lababo.
Bwisit naisahan nanaman ako ng babaeng yon.
Umakyat ako ng kwarto at padabog na sinarado ang pinto ko. Wala akong pakialam kung magiba mantong bahay mas mabuti ngayon ng makalayas na ang babaeng yon dahil wala na siyang matitirhan dito.
Pumasok ako ng banyo at mabilis na naligo. Kinuha ko ang phone ko ng mag ring ito.
Panira naliligo pa yung tao eh.
"Spill it"
"Grabe girl gandang bungad naman niyan" I rolled my eyes.
"Sabihin mo nalang kung anong kailangan mo pwde?"mataray kong sabi.
"Tss.ang ikli talaga ng pasensiya mo no. Si zian kasi break na daw sila ng boyfriend niya kaya nagaayang mag bar sa dati nating tinatambayan itatanong ko lang kung game kaba"
"Of course kailan bako tumanggi sa inuman"
"Okay then tawagan nalang kita kung anong oras at kung pwde palayuin mo naman ng ilang metro yang dyosa mong body guard ng makapagsaya naman tayo ng maayos"
"Oo na! Sige na naliligo pako bye!"
Pinagpatuloy ko na ang pagligo ko. Nang matapos ako ay pinatay ko agad ang shower at nag bihis.
Lumabas ako ng banyo at nagpatuyo muna ng buhok. Bumaba ako para kumuha ng maiinom. Bakit ba feel kong mag unwind sa veranda kahit ngayon lang.
"Aalis ka?" Tanong niya ng magkasalubong nanaman kami sa harapan ng kusina.
"Mukha bakong aalis sa suot ko?" Sarcastic kong balik sakanya.
"K" kumunot ang noo ko sa sagot niya.
Babatuhin ko na sana siya ng tsinelas na suot ko pero wag na pala hindi ako marunong bumato baka mapahiya pako.
Kumuha ako ng wine kasama ng wine glass at bumalik na sa kwarto ko.
Pagbukas palang ng veranda ay malamig na hangin na agad ang sumalubong sakin.
"Hay i miss the sun"
Nagsalin ako ng wine sa baso at ninamnam ang sarap ng totoong buhay.
May hihilingin pabako kung nasakin na ang lahat ng bagay sa mundo. Unang una maganda ako imean dyosa ako, sexy at sikat pero hindi langyon isa din akong tagapagmana ng isa sa pinaka malaking kumpanya sa buong pilipinas.
Ano pangabang hihilingin ko maliban sa boyfriend..ugh! Speaking of boyfriend. Mabilis kong sinagot ang phone ko.
"Anong kailangan mo?" Walang gana kong sagot.
"Woah babe bakit ang init nanaman yata ng ulo mo? Baka gusto mong palamigin ko yan haha"
"F*ck you Daniel wag mong sirain ang araw ko"
"Haha napakainit talaga ng ulo mo. Napatawag lang naman ako para yayain kang mag lunch ilang linggo narin tayong hindi nagkikita kaya miss na miss na kita babe" i rolled my eyes.
Ang lakas makabakla pwe
"Where?" Flat kong tanong.
"Our favourite"
"Okay" tanging sagot ko at pinatay na ang tawag.
Hay boyfriend magyayaya lang kapag gusto nila at miss ka pero never naman nag effort para magkita kayong dalawa.
Napakunot ang noo ko ng makita ko ang magaling kong body guard na palabas ng bahay.
Saan naman kaya ang punta niya at ni hindi manlang nagpaalam sakin na lalabas siya ng bahay. Ang kapal ng mukha masyadong inabuso ang pagiging mabait kong amo sakanya.
Nilagok ko ang huling alak sa wine glass ko at mabilis na lumabas ng kwarto.
"San ang magaling kong body guard?" Tanong ko kay yaya.
"Ay maam may kakausapin lang daw po babalik din kaagad" napakunot ang noo ko at iniwan na siyang mag-isa sa sala.
Sino naman kaya ang kakausapin niya?sa oras ng trabaho nakikipag-usap siya sa iba. Paano nalang kung tatakas pala ako dahil sa pag-alis niya. Hindi ba siya nag-iisip.
Pasimple akong sumilip sa gate at doon ko nakita ang taong kausap niya.
Isang magandang babae na may kulay yellow na buhok maputi din ang balat niya kaya nagmukha siyang foreigner.
Napataas ang kilay ko ng mag yakapan sila bago tuluyang sumakay ang babae sa sasakyan niya.
Aba ito pala ang pinagkakaabalahan mo sa oras ng trabaho ah.
Tumayo ako ng maayos at nag cross arm ng makita kong papasok na siya ng gate.
Mukang nagulat pa siya ng makita ako pero agad din niyang binalik ang owe so cold look niya.
"Sino yon ha?oras ng trabaho nakikipaglandian ka sa iba baka nakakalimutan mo body guard kita kaya dapat lagi kang nasa tabi ko. Paano nalang kung may pumasok na masamang loob at patayin ako edi tigok nako ngayon." Mataray na sabi ko.
"Wag kang masyadong oa nasa labas ako kaya walang makakapasok" nilagpasan niya ako kaya mabilis ko siyang hinablot.
"Sinong nagsabing pwde ka ng umalis ha! Nakikita mong nag-uusap pa tayo tapos iiwan moko napaka bastos mo alam mo ba yon!" Halos lumuwa na ang lalamunan ko sa kakasigaw sakanya.
Nakakaasar! anong karapatan niyang sabihin na wag akong oa eh buhay ko ang nakataya dito tapos wag akong oa. Kung sabagay wala naman palang gustong pumatay sakin kaya bakit ko nasabi yon?timang lang.
"Ang bastos nakahubad pero kung gusto mo palang maging bastos ako halika sa kwarto ng makapaghubad nako" nanlaki ang mata ko pero agad ding naningkit sa galit.
"Walanghiya ka!napaka bastos mo talagang bwisit ka!" Pinagpapalo ko siya ng ilang ulit at wala siyang nagawa kundi tanggapin ang lahat ng yon.
Natigil lang ako sa pagpalo ng mahawakan niya ang dalawang mga kamay ko at bigla nalang akong hinila palapit sakanya.
Nabigla ako sa ginawa niya kaya hindi marehistro sa utak ko ang lahat.
Ang bango ng hininga niya para siyang kumain ng ilang mint sa sobrang bango. Napatingin ako sa mga mata niya na nakatingin din pala sakin.
Ang itim ng mata niya para akong hinihigop ng isang black hole at hindi nako makakabalik pa sa pinagmulan ko. Oh no reign dont look at her eyes!umayos ka reign itulak mo siya!
"Sa susunod na saktan mo pako ipaparanas ko sayo ang ginawa mo in opposite way" nakita ko ang ngisi sa labi niya bago ako bitawan.
Iniwan niyakong tulala at lutang sa sinabi niya. What is the meaning of that?ipaparanas niya sakin ang ginawa ko in opposite way it doesn't make sense.
"Ma'am ayos lang po kayo?" Tanong ng guard namin.
F*ck kanina paba siya diyan?
"How long have you been there?" I asked.
"Ahm.buong mag damag po ako dito maam kaya andito ako kanina pa"
Owe great just great.
"Tandaan mo wala kang nakita kapag kumalat ang bagay nayon tatanggalin kita sa trabaho"
"Y-yes p-po maam"
Tumalikod nako at naglakad papasok ng bahay.
Naabutan ko pa siyang nakaupo sa sopa sa may sala pero hindi ko nalang siya pinansin.
Kailangan kong maghanda para sa pagkikita namin ng boyfriend ko.
-
"Aalis ka?" Bungad na tanong niya ng makababa nako ng hagdan.
"Obvious ba?" Balik ngunit pabalang kong sagot sakanya.
Ngumisi lang siya at naglakad na paalis.
Peste!
Naglakad nako palabas ng bahay. Naabutan ko siya na nasa loob na ng sasakyan.
Ang bastos talaga ni hindi manlang ako pagbuksan ng pinto. Anong klasing body guard ang mas boss pa sa amo niya.
Sumakay ako ng pabalang sa backseat. Napatingin siya sa salamin pero inisnoban ko lang siya.
Pinaandar niya ang kotse at sinabi ko narin sakanya kung saan kami pupunta.
Himala at alam niya pala ang lugar nato. Exclusive for rich people lang to kaya nakakapagtaka lang na alam niya pala ang lugar nato.
Hindi naman sa minamaliit ko siya pero nagulat lang talaga ako.
Nauna akong pumasok sa loob at don ko nakita ang nakangiting mukha ni daniel my boyfriend.
"Hey babe" he kisses me on the cheeks and pull a chair for me.
Todo ngiti ang ibinigay sakin ng loko na parang ngayon lang ulit kami nagkita sa loob ng ilang taon.
Nag order na kami ng food at nagkwentuhan habang naghihintay.
"How are you?ready kana bang tanggapin ang pagiging isang CEO?"
Urg yan pa talaga ang tinanong niya.
"Mukha bang ready nako sa lagay nato?" Tumawa lang siya sabay palo pa sa mesa. Tss.oa
"I guess not huh but anyway i missed you ilang buwan na kitang hindi nakikita nagtatampo na nga ako sa mga kaibigan mo dahil mas madalas mo pa silang makasama kesa sakin"
"Ugh can you please stop nakakakilabot ang mga sinasabi mo and pwde ba wag kang masyadong pagirl nagmumukha kang bakla" napanguso siya kaya napangiwi ako.
Mukha talagang bakla ang isang to.
Dumating na ang order namin kaya hindi na siya nagtanong pa.
Hindi ako sweet pagdating sakanya tbh mas madalas ko siyang tarayan kesa lambingin. Anong magagawa ko eh ganito talaga ako siya rin naman ang nagpumilit na manligaw sakin kaya wala siyang karapatang magdemand ng kung ano ano.
"Anyway pwde ba kitang yayain mag dinner sa bahay? Gusto na kasi kitang ipakilala kina mom and dad" he said.
"Hindi paba sapat na kasama kitang mag lunch ngayon at pati dinner gusto mo pakong makasama"
"Alam mong hindi sapat ang ilang oras na kasama kita reign" I rolled my eyes.
Ito na nga bang ang ayaw ko dito na magsisimula ang paghingi niya ng kung ano ano sakin.
"May lakad kami mamaya kaya hindi ako makakasama maybe next time" nalungkot naman ang mukha niya.
"But reign ngayon lang naman ako nag request sayo diba kaya pagbigyan munako" pagmamakaawa niya.
Madali din naman akong maawa pero hindi sa pagkakataon na may lakad kami ng barkada.
"Sorry Daniel pero hindi talaga ako available tonight kung ayaw mo wala nakong magagawa pa i gotta go" i said at tumayo na.
"Wait reign!" Rinig ko pang sigaw niya pero hindi nako lumingon pa.
Naramdaman ko naman ang yabag ng isang tao sa likod ko kaya alam kong nakasunod lang siya.
Mabilis akong pumasok sa kotse at ganon din naman siya.
Nawala ako sa mood kaya ayoko munang makipag-usap kahit kanino.
Hinayaan ko nalang siyang magdrive at pumikit nalang. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako nagising lang ako ng mamatay ang makina ng kotse.
Tumingin ako sa labas pero hindi ko nakita ang bahay namin. Nakita ko lang ang mga dikit dikit na bahay at ang mga batang naglalaro sa initan.
Seryoso ba sila hinahayaan nilang maglaro ang mga bata sa ganitong oras hindi ba nila alam na pwde silang ma heat stroke sa sobrang init.
"Hintayin mo nalang ako dito may kukunin lang ako" she said at tuluyan ng lumabas ng kotse.
Nanatili lang ako sa loob ng kotse habang tinatanaw siya palayo.
Nakita ko pa kung paano gumalaw ang balakang niya kapag naglalakad siya. Malaki din pala ang pwet ng babaeng to pero hindi mo mapapansin ng maayos dahil maluwag ang suot niyang slocks.
Pumasok siya sa isang katamtamang bahay at tuluyan ng nawala. Ilang minuto lang ay lumabas narin sya pero biglang may humarang sakanya na bruskong mga lalake na walang damit at mukang mga kargador sa kung saan.
Naghintay lang ako ng ilang minuto kung ano nabang nangyari sakanya. Ang lalaki kaya ng mga katawan n mga yon kaya hindi korin maiwasang hindi mag-alala sakanya.
Wait sinabi ko ba na nag-aalala ako sakanya well thats impossible wala nga akong paki-alam kung bugbugin siya ng mga yon eh. Bagay langyon sakanya para sa lahat ng pambabara niya sakin.
Nakita kong pabalik na siya sa kinaroroonan ng kotse ko ng may humarang nanaman sakanyang mga bata.
Seryoso makakaabot paba siya dito ng walang humaharang sakanya?.
Nakipar apir siya sa mga batang madudungis at biglang naglabas ng pera.
Hm.mabait naman pala ang isang to pero pagdating sakin ibang iba ang pakikitungo niya.
"Bakit ang tagal mo" mataray na bungad ko.
"May kinausap pako" tanging sagot niya.
Naghihintay pako ng susunod niyang sasabihin pero wala nakong narinig mula sakanya.
"Hindi kaba magpapasorry?"
"Bakit may ginawa bako sayo?"
"Ugh!ako ang unang nagtanong tapos tanong din ang isasagot mo sakin" naiinis kong sabi.
Lagi niya nalang pinapainit ang ulo ko.
"Nagtatanong ako kung may nagawa bakong masama para humingi ng sorry sayo. Ngayon kung wala kang maisasagot hindi ako mag ssorry" inirapan ko nalang siya at hindi na siya muling kinausap.
"Akala mo sinong maganda attitude naman tss"
Nakita ko lang ang pag-iling niya at nagfocus nalang sa pagmamaneho.
Ano kaya ang susunod kong gagawin para tuluyan ng mapalayas ang isang to? Sa tingin ko kasi hindi nako makakatagal na kasama siya dahil ngayon palang nakakaramdam nako ng hindi maipaliwanag na pakiramdam at hindi ko yon gusto lalu na kung sakanya ko mararamdaman.