Reign Pov.
Ugh!naiinis talaga sa body guard na kinuha ni dad for me.
Sa dinami dami ba naman ng pwde niyang kunin ang babaeng yon pa.
Mukha namang walang ibubuga yon sa bakbakan.
Baka nga una pa yung tumakbo sakin kapag may nagtangka sa buhay ko.
Pero infairness maganda siya actually dyosa kaya lang mas dyosa ako sakanya.
Lumabas ako ng kwarto dala ang sling bag ko.
Palabas nako ng bahay ng bigla siyang sumulpot sa harapan ko.
"What the fudge papatayin mo bako sa gulat!" Sigaw ko pero ang gaga nginisian lang ako.
Burahin ko yang mga labi mo bwisit ka!
"San ka pupunta?"
"Wala kang paki-alam" nilag pasan ko siya at pumunta na sa parking lot.
Bubuksan ko na sana ang pinto ng driver seat ng bigla niya tong harangan.
"Ano ba! Alisin mo nga yang kamay mo sa kotse ko!"
"Hm..ill think about it.No. Give me your keys" pero hindi ko siya sinunod.
Manigas ka.
"Ayaw mo o pwesahan kong kukunin sayo yan" halos tumayo ang balahibo ko sa batok sa lamig ng boses niya.
"Ugh!fine mag tataxi nalang ako!" Akmang aalis nako ng bigla niyang pigilan ang braso ko.
Nakaramdam ako ng pagkakuryente kaya mabilis ko tong inalis.
"Ano ba! Sinong nagbigay ng permiso sayong hawakan ako"
Agh! Nakakainit ng ulo nakoryente na nga ako sa hawak niya tapos may gana pa siyang pigilan akong mag taxi.
"I am your body guard kaya kargo kita kapag may nangyari sayo. Hindi ka aalis dito hanggat hindi moko kasama"
"At sino ka para sundin ko aber?" Sabay lapit ng mukha ko sakanya.
Maswete siya at nilalapitan ko pa siya ganong hindi naman siya kagandahan.
Inilayo niya ang mukha ko gamit ang kamay niya at pinunasan ito sa damit niya.
What the heck ano ako may sakit?!
"Just do what i said or else you can't go with your friends" umalis siya sa harapan ko at pumasok na sa bahay.
Nasipa ko ang gulong ng kotse ko sa sobrang inis.
"Agh!bwisit talaga!"
"Maam may kailangan po kayo?"
"Bakit tinawag ba kita ha?!"
"Ahm..h-hindi po" sagot niya.
"Hindi pala istupida! Lumayas kana nga sa harapan ko mga peste kayo sa buhay ko!"
Padabog akong pumasok ng bahay at dumiretso nalang ulit sa kwarto.
Nilabas ko ang phone ko at in-inform ang mga kaibigan ko na malalate ako sa usapan namin.
"Duh girl kailan kapa natutong sumunod sa iba? Sariling dad mo nga hindi mo sinusunod tapos bigla bigla ka nalang magpapapigil sa owso called body guard mo nayan"
"Avril hindi mo kasi kilala ang body guard kong yon. Ugh kung alam mo lang kung gano siya kasama biruin mong pagsabihan niyako ng wala akong karapatan na sisantehin siya dahil hindi naman ako ang amo niya. Ang kapal talaga ng babaeng yon plibhasa sipsip kay dad"
"Haha girl sa kwento mo parang nakahanap kana ng katapat pero maiba ako pogi ba? Kwento ka naman bilis!" I rolled my eyes.
"Wag mo ng itanong dahil hindi ko kayang sagutin yan. Nasan naba si zian bakit wala siya dito?"
"Well papunta na daw siya na traffic lang hindi siya makalog in dahil may nag hack ng acc niya at ginagawan niya pa ng paraan"
Owe kaya naman pala poor zian.
Bumukas ang pinto ng kwarto ko ng wala manlang kumatok. Bumungad sakin ang seryosong mukha ng bwisit kong body guard.
"I gotta go see you late nalang"
Binaba ko ang tawag at tumayo na sa kinauupuan ko.
"Hindi kaba marunong kumatok ha?" Mataray kong sabi.
"Walang nakasulat na knock first before you open the door kaya binuksan ko na"
Hell is this human real?!
"Ugh!ewan ko sayo! Tabi nga" tinulak ko siya ng malakas para makadaan ako sa pintuan.
Iniwan ko siya sa kwarto at nauna ng naglakad papunta ng parking lot.
"Bakit ba ang bagal mo!" Sigaw ko.
Ilang minuto pakong naghintay sakanya sa parking lot. Kung hindi niya sana kinuha ang susi edi nakapasok na sana ako sa kotse.
"Nag cr ako kaya ako natagalan"
"Ugh! I hate you!"
"Same" she said at nauna ng sumakay sakin.
Peste hindi manlang ako pinagbuksan ng pinto.
Pumasok ako sa back seat at tahimik na tumingin sa labas.
Mauubusan yata ako ng energy sa kakasigaw sakanya.
Nang mapansin kong hindi parin niya pinaandar ang kotse ay don nako nagsalita.
"Ano pang hinihintay mo pasko? Mag drive kana idiot"
"I'm not your driver kaya hindi moko pwdeng utusan" napasabunot nalang ako sa buhok ko sa sobrang inis.
"Nahihibang kanaba kinuha mo sakin ang susi ng kotse. Pinaghintay moko ng matagal tapos sasabihin mo hindi kita driver at bawal kitang utusan! F*ck papatayin na talaga kita!" Sinunggaban ko siya at pinagkakalmot hanggang sa kaya ko.
Napatigil lang ako ng mahawakan niya ang dalawang kamay ko.
Tinignan niya ko ng pamatay na tingin kaya napatigil ang pagpupumiglas ko.
"Ayoko sa lahat ang sinasaktan ako kaya 1 hour before ko paandarin ang kotse nato"
"Ano! 1hrs! Kotse ko to FYI kaya wala kang karapatang diktahan ako kung kailan ako aalis!"
Aghhhhh pesteng buhay talaga!
Pinilit kong agawin sakanya ang susi ng kotse pero hindi niya talaga to ibinibigay.
Nawalan nako ng energy kaya hindi nako nanlaban.
Kanina parin tumutunog ang phone ko pero hindi ko to sinasagot dahil baka sakanila ko lang maibuntong ang galit ko.
Sinimulan na niyang buhayin ang kotse makaraan ang pananatili namin dito ng isang oras at tuluyan ng lumabas ng bahay.
Gustong gusto ko ng gilitan ng buhay ang babaeng to pero mukang hindi ko yon magagawa habang gising siya.
Kaya mamayang gabi ko yon gagawin. Paniguradong bukas na bukas din ay hindi ko na siya makikita pa sa bahay whaahaha *evil laugh*
"Andito na tayo" walang ganang sabi niya.
Pabalang akong bumaba ng kotse at iniwan na siya don mag-isa.
Hindi nako umaasang pagbubuksan niya ko ng pinto kaya ako na ang gumawa.
"Girl my ghad! Ang akala namin may nangyari ng masama sayo" bungad sakin ng dalawa ng makarating nako sa meeting place namin.
Napapatingin samin ang mga taong dumadaan kaya napapairap nalang ako.
Mga ingeterang frog.
"Asan body guard mo reign?" Tanong ni zian.
Lumingin ako para hanapin siya at sakto naman nakita ko siyang mabagal na naglalakad palapit samin.
Tss.akala mo naman artistahin ang dating.
Nakasuot nga pala siya ng uniform ng mga body guard. Ewan ko kung bakit panglalake ang proma niya baka tomboy to pero impossible naman dahil sa itchura niyang mas maganda pa yata kay lili colins.
"Dito lang ba tayo?" Bungad na tanong niya sakin.
"Wag kang makisabat wala ka sa usapan" irap ko.
"Wait body guard mo?" Gulat na turo ng dalawa.
"Yeah" walang gana kong sagot at naglakad na papasok ng resto.
Pumasok na kaming tatlo sa napili naming restaurant papasok din sana siya ng pigilan ko siya sa entrance palang.
"Wag ka ng susunod sa loob. Wala naman akong lalabasan dito kaya dito ka nalang" inalis niya ang kamay ko na pumiligil sakanya at nagpunas nanaman ng kamay sa damit niya.
Geezz ang kapal talaga ng babaeng to akala mo naman ang linis linis kung makapunas wagas!
"Trabaho kong bantayan ka kaya kahit walang labasan diyan sa loob kailangan ko parin pumasok. Wag ka ng magdahilan dahil hindi ikaw may ari nito" at tuluyan na nga siyang pumasok sa loob ng restaurant.
Bwisit inunahan pako.
Pumasok nako sa loob ng resto at umupo sa pwesto ko.
Nasa kabilang table siya kausap ang waiter. As if naman kaya niyang bumili ng pagkain dito diba ang mahal kaya ng mga pagkain dito tss.
Habang nahihintay ng order namin ay hindi maiwasang magtanong ang dalawa kong kasama.
"Wait lang girl ah. So sinasabi mo ba samin ngayon na siya talaga ang body guard mo?"
"She is" i answered pero hindi talaga sila naniniwala.
Mga timang nagtanong pero hindi naman naniniwala.
"Wait wait wait lang ah. Babae ang body guard mo" follow up question ni zian.
"Hindi lalake kita niyo naman itsura diba"
"Ay pilosopo" sabat ni avril.
"So siya pala yung sinasabi sakin kanina ni avril na katapat mo haha i didn't know na babae pala ang katapat mo reign akala ko lalake"
"Hindi siya ang katapat ko dahil ako parin ang boss saming dalawa"
"Owe?diba ikaw narin ang nagsabi kanina na hindi ka niya hinayaang makaalis ng hindi ka kasama. So sino ang boss sa lagay nayon?" Ngising usal ni avril.
Inirapan ko silang dalawa. Mabuti nalang at dumating na ang order namin kaya nalihis sakin ang usapan.
Napapasulyap lang ako sa pwesto ng magaling kong bodyguard na ngayon ay kumakain ng salad.
Cheap.
"Wag pakatitigan baka malusaw" sinamaan ko naman ng tingin si avril.
"Wag kayong masyadong ma issue hindi ko siya type" maarte kong sabi.
"Haha defensive ang tanong type kaba?" Balik na banat ni avril.
"Kung tusukin ko kaya tong tinidor sa lalamunan mo" banta ko.
"Woah easy lang kayong dalawa haha. Anyway ngayon kalang napansin na ang hot pala niya kapag nakaside view. Sigurado kabang body guard mo yan? Mas mukha pa siyang anak ni tito kesa sayo eh"
Halos sakalin ko na sa leeg si zian sa sinabi niya pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil baka mapatay ko siya.
Like what i said shes beautiful, she has a thick and long eyelashes, pointed nose and a pink colour of lips na parang natural lang sakanya and the jaw line ugh pamatay lalu na kapag naka side view.
Hindi ko pa siya nakikita sa malapitan dahil palagi lang naman kaming nagbabangayan pero maganda nga siya pero gaya rin ng sinabi ko mas maganda parin ako sakanya.
Napagpasyahan na naming umalis sa resto ng matapos na kaming kumain.
Ngayon naglalakad na kami sa isang magandang maze dito sa central park.
Madalas kami dito noon pero kagaya ng mundo na patuloy na nagbabago at umaasenso mas nagustuhan nadin naming mag travel sa ibat ibang lugar kaya bihira nalang kaming mamasyal dito.
"Girl nakaisip ako ng idea" avril said.
"What?" I asked.
"Well diba memorize naman natin tong mage nato so bakit hindi natin paglaruan yang bago mong body guard" taas baba ng kilay niya sumilay naman ang malaking ngiti sa labi ko.
"Uy wag naman kawawa naman yung tao oh ginagawa niya lang naman trabaho niya" napatingin kami ng masama sakanya.
"Yung totoo sino bang kaibigan mo kami o siya?"
"Kayo pero-" hindi na namin pinatapos ang alibi niya at naglakad na papunta sa maraming tao.
Saktong sakto at may kakulay akong damit kaya mabilis namin siyang naisahan.
Nagtago kami sa likod ng malalaking sun flower at doon nagbunyi.
"Haha i cant believe na ganon natin siya kadaling matatakasan" avril said while laughing.
"I know haha bagay lang sakanya yon kung makaasta akala mo batas" i said.
"Kawawa naman siya" malungkot naman na sabi ni zian.
"Wag ka ngang kj diyan zianna. Ang mabuti pa umalis na tayo bago niya mapansin na nawawala natong alaga niya" avril said.
"Ano ako aso avril?"
"Hehe hindi no. Tara na nga" sabay hila niya saming dalawa.
"Aalis naba tayo?" Napaatras kami sa exit ng biglang sumulpot dito ang walang ka emo-emosyon at gana kong body guard.
"Anong.." Hindi makapaniwalang usal ni avril.
"Paano ka nakapunta dito diba iniwan ka namin don?" I asked.
Ngumisi siya kaya kinilabutan ako ng todo.
Agh bakit ganito nararamdaman ko kailan pako natakot sa isang tao.
"Tinamad ako kaya naghintay nalang ako sa bench" sabay turo niya sa bench sa may gilid ng exit.
Seryoso kailan pa nagkaron ng ganyan dito?.
"Buti nakasunot ka akala ko hindi kana namin makikita" zian said.
Siniko ko siya sa tagiliran kaya napa aray siya.
Tinatakasan nga namin siya tapos itong isa naman masaya pa siyang makita.
"Aray ang lakas naman non reign"
"Bagay langyan sayo masyado ka kasing madaldal" avril said to her.
"So tatayo nalang ba kayo diyan?" Walang gana niyang singit.
Inirapan ko siya at hinila na ang dalawa palabas ng maze.
"Paano nayan girl mukhang mautak yata body guard mo" bulong ni avril.
Nasa likod lang namin siya kaya hindi niya kami pwdeng marinig.
Naalala ko naman ang naisip ko kanina kaya lihim akong napangiti.
"Ang creepy ng smile mo reign" zian said.
"Well may plano nako para mamayang gabi and wag kayong mag-alala dahil this time mapapalayas ko na siya ahah" nakisabay sa tawa ko si avril habang si zian nakapout lang.
Kinurot ko siya kaya nakitawa narin siya.
Ganito akong kaibigan kapag ayaw makisama sinasaktan ko nalang. Wala naman silang magagawa dahil nakasanayan narin nila.
-
"Itutuloy mo talaga ang plano mo girl?" Tanong ni avril sa kabilang linya.
"Yep hindi ko naman gagawin to kung nakisama lang sana siya." Pero hindi niya ginawa kaya bagay lang sakanya tong gagawin ko.
"K fine girl basta balitaan mo nalang ako bukas okay"
"Yep ako ng bahala bukas bye"
Iniwan ko muna ang phone ko sa kwarto para kunin ang props na pinabili ko kay yaya kanina.
Napapangiti nalang ako kapag naiisip ko na matatakot ko siya sa gagawin ko.
Lahat ng tao takot sa multo lalu na ang mga babae. Kaya ito ang naisip kong paraan para mapalayas siya sa pamamahay ko.
Nilagyan ko ng puting make up ang mukha ko at pinutasan ang puting tela na binili ni yaya.
Kinontyaba korin si yaya na patayin muna ang switch ng kuryente sa kwarto niyan
May patayan kasi para sa kanya kanyang kwarto costomize yon dahil magaling na engineer ang mommy ko pero nawala siya noong 10 yrs old ako sa sakit na cancer but anyway im not here to tell my hurtful story kaya back to the business na tayo.
"Ready naba?"
"Opo maam pero sure po ba kayo dito?"
"Ano sa tingin mo-_-"
"Ah hehe sabi ko nga po sige po una napo ako" tumango nalang ako at tumungo na sa kwarto niya
Sipsip talaga ang isang to dahil napunta pa sakanya ang kwarto na dapat ay sakin.
Dito dapat ako lilipat dahil mas maganda ang view at mas malawak pero diko na nagawa dahil bigla bigla nalang sumulpot ang isang to.
Ngayon tignan ang natin kung dika mangisay sa takot.
Binuksan ko ng dahan dahan ang pinto niya at pumasok don. Sobrang dilim sa loob kaya na ngangapa pako sa dilim.
Lumapit ako sa kama niya at nakita siyang mahimbing na natutulog na parang si sleeping beauty.
Bwisit nato natutulog nalang maganda parin pero mas maganda ako duh.
Nagtago ako sa walk in closet niya at gumawa ng ingay dito.
Naradaman ko ang yabang papalapit sa kinaroroonan ko kaya nagtago ako sa mga damit.
Maya maya lang ay bumukas ang pinto ng walk in closet at doon ko na sinimulan ang pananakot ko.
Una ay hinaplos ko ang likuran niya na para talagang multo na bigla nalang mawawala.
Nakita ko ang biglang paglingon niya kaya mabilis kong inalis ang kamay ko pinilit niyang sindihan ang ilaw pero sad to say walang kuryente sa kwarto niya.
Gumapang ako palapit sakanya habang lumilikha ng ingay na parang si sadako.
Bigla siyang tumakbo palabas ng walk in closet kaya tahimik akong natatawa.
F*ck sabi ko na nga ba takot din ang babaeng yon sa multo haha.
Sinilip ko muna siya sa pinto kung nasan na siya pero hindi ko siya nakita. Natakot ko nga yata whaha.
Dahandahan akong lumabas sa walk in closet.
Maglakad na dapat ako palabas ng pinto ng kwarto niya ng biglang may umipit sa suot kong tila kaya bigla akong nawalan ng balanse.
Akala ko babagsak ako sa matigas na semento pero mainit na yakap ang naramdaman ko.
Minulat ko ang mata ko at sumalubong sakin ang isang pares ng mga mata niya.
Dug dug dug dug.
Shocks whats that bakit bigla nalang tumibok na parang abnormal ang puso ko?
Mabilis akong tumayo at tumakbo palabas ng kwarto niya.
Napasandal ako sa pader at napahawak sa puso ko na hanggang ngayon ay tumitibok parin ng sobrang bilis.
What the fudge nahihibang naba ako o talagang naramdaman ko ang kakaibang bilis ng tibok ng puso ko noong hawak niya ko.
Pero sa ngayon hindi na muna yon ang iisipin ko dahil hindi nagtagumpay ang isinagawa kong plano.
Mapapalayas rin kita mag hintay kalang.