webnovel

Kabanata 5

     APAT na buwan na ang lumipas matapos ang meet- up ng nobyo ko, masayang masaya ako sa kanya.

     Nandito ako sa bahay niya tumira kasi yun ang gusto ni Jack si mama naman ay nasa bahay lamang bumibisita lang ako doon kapag sabado.

     "Mahal pupunta muna ako sa harden." biglang wika ni Jack na nasa tabi ko lang humiga.

     "Sama ako." sabi ko alangan naman dito lang ako? Sasama talaga ako syempre.

     "Tara." sambit niya at tsaka kami tumayo dalawa.

     Ilang sandali ay agad na nasa labas na kami ng harden ng bigla uli siyang mag salita.

     "Naalala mo pa yung biglang kang--" hindi ko siya pinatapos at mabilis na tinakpan ang kanyang bibig.

     Ang tanga ko naman kasi noon eh ayon nabundol sa bato hahaha.

     "Shhhh.. wag mo na yung ulitin hehe." sabi ko at umunang naglakad.

     Alam ko na kasi ang buong lugar ng mansion kasi apat na buwan na akong tumira dito.

    Pagdating ko sa hardin ay agad akong umupo sa malaking puno at sumunod naman si Jack.

     "Naalala mo pa ba kong pano tayo nagsimula?" ani ko at tumango lang siya.

FLASHBACK

     Nandito ako sa classroom ng biglang nagtiliian ang mga kaklase ko.

      "Uy, si Jack bes." tawag saakin ng aking matalik na kaibigan

      Isa ko kasi sa crush si Jack at lahat ng kaklase ko ay alam na nila ng dahil lang sa truth or dare.

      "Ayiiee, kinikilig siya." bulong saakin ng best friend ko.

      Nasa harap kasi sa upuan si Jack na may bitbit na bulaklak kaya todo kilig ang mga kaklase ko.

     Kami kasi ang binansagang love team sa classroom. "Can I court you?" biglang tanong niya kaya lalong umingay kaya naman naiilang akong sumagot.

     "Y-yes!" utal kong sagot at agad niyang ibinigay saakin ang bulaklak.

     "Yiee, si beshhyy lumalande na" kinikilig na pang- bibiro ng best friend ko.

END OF FLASHBACK

     "Bakit mo naman natanong?" seryuso niyang tanong

     "Wala lang." sagot ko habang nakatingin sa langit.

     Namiss ko yung dating Jack na palagi kaming nag date, gumala kahit saan pero ngayon? Ewan.

     "Pupunta muna ako sa bahay mamaya para bibisitahin si mama."

     "Sama ako." ani niya

     "Wag na." sagot ko at tumingin ulit sa langit

♡♡♡

     "Uuwi muna ako tita." sabi ko kay tita

   "Pahatid ka ni Jack?" ani niya

    "Wag na po." ngiting sagot ko

     "Nag away ba kayo?"

     "Hindi naman po, hehe para naman may time siyang magsulat ng kwento." sagot ko at naglakad palabas

     "Sige iha anak mag-ingat ka" habilin pa ni tita

     Mabilis akong naglakad at pumara ng sasakyan. Maya-maya pa ay huminto ito sa harap ko kaya agad akong sumakay. "Sa santa Cruzan po. Salamat!" sabi ko at agad namang pinaharurot ang sasakyan.

    Maya-maya ay nasa labas ng pinto na ako sa bahay kaya agad naman akong kumatok. "Tao po! nay." katok ko at agad naman itong bumukas at lumuwa ang mukha ni mama.

     "Oh, anak ngayon ka lang ba hali ka pasok ka kukuha lang kita ng tubig." nag-alalang wika ni mama at agad pumunta sa kusina para kumuha ng tubig at ako naman ay umupo sa upuan namin.

     Ilang sandali ay lumabas na si mama galing sa kusina dala ang baso na may tubig.

     "O, uminom ka muna ng tubig." sabi ni mama tsaka binigay saakin ang baso at tumabi saaking inupuan. "Kumusta na si Jack?"

     "Okay lang, nagsusulat parin siya." sagot ko at tumayo. "Mag- banyo muna ako nay." dagdag ko pa at tsaka pumunta sa banyo

     Pagkatapos kong magbanyo ay pumunta muna ako sa kwarto ko.

♡♡♡

     Nandito ako sa Jollibee mag date daw kasi kami ni Jack kaya umuna na akong pumunta.

    Maya-maya ay dumating narin si Jack na ma'y dalang paper bag.

   "Natagalan ba? pasensya na." ani niya

     "Kakarating ko nga lang hihi tara order na tayo." aya ko

     Tumayo agad kami at tsaka nag order ng dalawang coke float, spaghetti at fried chicken. Lahat ng iyan ay libre niya lang.

      "Hmm, kailan ka babalik sa mansion Mahal?" tanong ni Jack na nasa tabi ko

     "Ewan hihi." tipid na sagot ko "Kain na tayo." aya ko at sumubo na ng fried chicken

    Pagkatapos kong kumain ay nagpahinga muna kami sa upuan ng biglang nagsalita si Jack.

     "Ahm, binili ko pala para saiyo." sabi ni Jack at binigay saakin ang paper bag na may laman

     "Sa bahay ko nalang ito buksan." maligayang ani ko at kinuha ito.

     "Nabusog kaba Mahal?" tanong niya

     "Oo naman, salamat nga pala Mahal hihi" sagot ko

     "Ikaw pa! Sa susunod naman." sabi niya

     Maya-maya pa ay napasyahan namin na pumunta sa plaza para magpahangin.

     Agad kaming sumakay sa sasakyan niya patungo sa plaza.

♡♡♡

     Pagkatapos naming pumunta sa plaza ay umuwi na ako dahil napapagod rin ako kasi lakad na lakad kami kong saan kami mapunta.

     Nandito ako sa kwarto ko habang hawak hawak ang cellphone ko at nagbabasa ng kwento.

     "One you love someone don't reject him and always love like how you love your parents."

    Pagkatapos kong basahin ang huling linya ng kwento ni Jack ay bigla nalang tumulo ang luha ko.

    "O, anak bat ka umiyak may problema ba?" nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto at nagsalita si mama.

     "Kanina ka pa ba diyan?" nagtatakang tanong ko kay mama habang pinunasan ang mga luha na tumulo sa mukha ko.

     "Bago lang hihi, naabala ba kita?" tanong niya at tumabi saakin.

     "Hindi naman po nay." sagot ko nalamang sakanya

     "Bat ka umiyak?" tanong nya ulit

     "Ahm, wala iyun sadyang nagbabasa lang ako ng kwento." sagot ko

    "Ugh, ganon ba." sabi ni mama at akmang tatayo ng hinawakan ko ang kamay niya at nagtaka naman siya.

     "I love you mama." sabi ko kay mama at tumayo tsaka hinalikan siya sa pisngi.

     Niyakap naman agad ako ni mama kaya niyakap ko na rin siya pabalik.

     "I love you too nak." ani ni mama at hinalikan rin ako sa noo "Oh, sige nak maglilinis muna ako sa labas."

     "Sige ma." wika ko at tsaka lumabas so mama sa kwarto ko.

     'I love you mama but I love Jack.'