webnovel

chapter 6

pag uwe ni anghel ay agad syang nagulat sa malakas ng bati ng kanyang mga kaibigan" happy birthday!!!!!" bati ng kanyang mga kaibigan bago lumabas ang kanyang lola na may dala dalang cake. " happy birthday apo...alam mo naman na mahal na mahal kita." bati ng kanyang lola " salamat po la.. nagabala pa kayo" wika ni anghel. mula ng mga hapon na iyon ay sandyang sinulit nga ni anghel ang araw ng kanyang kaarawan. sadyang napakadami pagkain ang iniluto ng kanyang lola para sa kanya..mga kaibigang nag bigay ng mga inumin at pulutan at kasiyahan na samasama nilang pinagsaluhan. " apo.. para sayo. " wika ng kanyang lola bago iabot ang isang kwentas. " kwentas yan ng mama mo na nanggaling pa sa papa mo.. itinago ko talaga yan.. sabi ko pagdumating na ang araw na ito.. tyaka ko ito ibibigay saiyo.. apo.. maraming bagay ang tungkol sa mga magulang mo na di mo pa nalalaman.. pero pangako ko sayo.. ipapaliwanag ko rin sayo ang lahat" wika ng kanyang lola bago sila ng yakapan.

mula sa kasiyahang iyong.. ay walang humpay ang tawanan kantahan inuman.. at biruan.. kasiyahang tutungo pala at liliko sa isang kapahamakan. mula sa malayo ay agad na lumapit ang isang lalaki may baril at tanggang babarilin ang ilan sa mga bisita ni anghel. mula doon ay agad nga binaril ng lalaki ang isa sa mga bisita ni anghel dahilan kung bakit nagkagulo ang lugar na iyon. mula doon ay lumabas ang lola ni anghel dahil nagaalala ito kay anghel. at sa di inaasahan agad ngang tumakbo ang isang bisita ni anghel dahil alam nya na sya na ang susunod na babarilin.. at sa di inaasahan ay nabangga nya ang lola ni anghel at anu nang oras ay maaring mabaril ang kanyang lola at sa di nga inaasahan..mula sa isang putok ay laking gulat ng lola ni anghel na sya na pala ang susunod natatamaan ng bala ng baril. " lola!!!!!" mga wika ni anghel bago ito tumumba sa sahig habang yakap ang kanyang lola. "a... apo!!!!! anghel!!" wika ng kanyang lola ng kanyang makita si anghel na duguan matapos nyang saluhin ang bala ng baril na dapat ay sa kanya tatama. sa pag katumba ni anghel ay naaninang nya si zandro na nakatingin sa kanya bago ito tuluyang mawalan ng malay.

sa isang pampublikong ospital ay agad nga nilang dinala si anghel. at lumipas nga ang ilang oras.

" dok kamusta ang apo ko? " wika ng kanyang lola ng makita ang doktor na lumabas mula sa kwarto kung nasaan si anghel. " tatapatin ko na po kayo nay.. sa ulo po ang tama ng apo nyo... maaring di na po sya mabuhay.. pero lumalaban ang pasyente sa ngayon comatose po sya" wika ng doktor. " comatose anu iyon.. anung ibig sabihin nyo" wika ng kanyang lola. " parang buhay po ang kanyang diwa pero patay po ang kanyang katawan.. o para masmadali nyong maintindihaan para sya natutulog lang... ang comatose po ay tumatagal ng ilang taon depende po sa pasyente.. mas mainan na iuwe nyo nalang po sya sa inyo at doon nyo nalang po sya alagaan para mabawasan din po ang bayarin nyo dito sa ospital.

nay.. wag po kayong mawaalan ng pagasa manalig po kayo sa dyos. sana ay lumaban po ang apo nyo.. para maging maayos n ang lahat" wika ng doktor " nang mga oras na iyon ay walang ibang nasambit ang kanyang lola.. tanging mga luha sa mata nya lamang ang naging saksi sa mga nangyari ng mga sandaling iyon. mga luha na nagmamakaawa na sa ay huwag munang mawala ang kanyang apo.. mga luha na humihinge pa nga panibagong pag asa.