webnovel

chapter 13 ANG PAGLALAKBAY SA NAKARAAN

lumipas ang isang linggo ay wala parin nagbabago sa kalagayan ni anghel. nakaratay parin ang kanyang katawan na tila lantang gulay habang binabantayan sya ng kanyang lola.

" anghel apo.. alam ko naririnig mo ako..apo.. wag kang bibitaw.. wag mo muna akong iiwan.. ikaw na lamang ang meron ako sa mundong ito..alam mong buong buhay ko ay inilaan ko para saiyo.. apo.. mahal na mahal ka ng lola.. nais ko pang makasama ka ng matagal.. kaya apo ko lumaban ka... para saakin.. para satin" wika ng kanyang lola habang umiiyak.

nang mga sandaling iyon ay walang magawa si anghel kung di pagmasdan lamang ang kanyang lola.. nais nya itong hagkan at yakapin ngunit hindi nya magawa " pangako ko po lola babalik po ako.. lalaban ako para sayo.. pangako po..sa ngayon nais ko po munang alamin ang aking pinanggaling.. nais ko pong mabuo ang aking pagkatao.. nais ko malaman ang lahat ng kasagutan sa mga katanungang kay tagal kong itinago.. mahal na mahal kita lola" wika ni anghel.

mula sa dalampasigan ng baseco tondo ay tahimik na nag mumuni muni sa anghel at zandro. " buo na ba ang desisyon mo..handa kanaba sa lahat ng bagay na maari mong malaman galing sa nakaraan... tandaan mo ito anghel.. makakapaglabay tayo sa nakaraan..makikita mo sila at makikita karin nila.. makakausap mahahawakan ,makakasama..ngunit pakakadandaan mo.. hindi mo dapat sabihin sa kanila na ikaw ang magiging anak nila sa hinaharap..hindi nila dapat malaman kung sino ka..dahil kung sakaling gawin mo iyon o malaman nila ang totoo baka hindi ka na makabalik sa katawan mo at baka mabago ang tadhana..tandaan mo.. mabago mo man ang nakaraan ngunit ang dapat mangyari ay mangyayari.. mabago mo man ang nakaraan ngunit hindi kahit kailan ang kamatayan" wika ni zandro. " buo na ang loob ko.. siguro kailangan ko na rin itong gawin.. ayokong mawala sa mundong ito na hindi ko nalalaman ang lahat ng bagay na gusto kong malaman.. at kung pagkatapos man nito ay hindi na ko magising at mamatay na ako.. siguro tatangapin ko iyon.. kesa mamatay ako sa mundong ito na di ko man lang nalalaman ang totoo..tatanggapin ko nalang iyon..masagot lamang ang lahat ng aking katanungan" wika ni anghel. " tandaan mo ito pag dating natin sa nakaraan kailangan mong sumunod sa mga gusto.. wag kang pasaway.. tandan mo rin ito.. sa tuwing hawak kita.. hindi ka nila makikita o maririnig. makikita ka lamang nila o makakausap kapag binitawan kita" wika ni zandro. " bakit naman kailangan ganoon" wika ni anghel. " gusto ko lang manigurado ayokong parehas tayong mapahamak sa huli.. wag mo ring kakalimutan na kahit nasaan ka o kahit anung oras ay kasama mo ako at nasa likod mo lang ako.. kaya lahat ng gagawin mo at lahat ng sasabihin mo ay makikita at maririnig ko" wika no zandro.

" wala ka bang tiwala saakin" wika ni anghel. "madaling ibigay ang tiwala anghel pero mas madali syang sirain..ngayon pag isipan mo..maglalakbay tayo sa nakaraan at malalaman mo ang lahat ngunit susunod ka saakin.. oh dito na lamang tayo habang nag aantay ng kung ano man ang mangyari sayo" wika ni zandro. mula doon ay tumungo si anghel sinyales na pumapayag sya sa lahat ng gusto no zandro.

at gaya nga ng inaasahan.. naglakbay nga sila at bumalik sa nakaraan